webnovel

Chapter 3

Kompleto kami ngayon sa klase ni Sir, dahil narin sa nangyari noong nakaraang araw natakot silang ma guidance.

Habang papasok ito ay nagging tahimik ang paligid. Hanggang naka rating ito sa harap at inilapag ang mga dalang gamit.

"Okay. Good Afternoon Class I'm Gavin Isaiah Dela Fuerte and I'm your new Spanish Teacher" pa kilala nito.

"Good Afternoon Sir!" sabay-sabay na sagot namin.

"And no need for introduction I already have your Class list with me, it's that alright?" he asked.

"Yes sir!" sang ayon ng mga kaklase ko.

"Ang gwapo ni sir no?" kaklase 1

"Ang macho hihihi" kaklase 2

"Crush ko na ata si Sir" kaklase 3

Agad akong napalingon sa mga babae Kong kaklase. Napaismid ako sa mga narinig ko. tsk kung alam niyo lang na masungit rin yan at ang sarap tirisin.

"Anong mukha yan Cresza?" natatawang tanong ni Mira.

"Anong Ano? Ganito na talaga to" walang ganang sagot ko.

"Uyyy crush mo rin?" tukso nito.

"Hindi. Kaya tumahimik ka" tugon ko at tumingin sa harap.

Crush? ha! asa ka. At umirap wag nalang noh'

"So today you need to copy some lesson then we will discuss it afterwards." He explain.

Agad kaming nagsikuha ng mga notebook at Ballpen at saktong pagtingin ko kay Sir ay nagsalita ito.

"Miss Cresza?" tawag nito.

"Bakit Sir?" tanong ko.

" I sulat mo to" utos niya na ikinabigla ko.

"Ha? Bakit ako sir?" gulat na tanong ko.

"Why? Do you have any problem Miss Cresza?" masungit na tanong nito.

"Panget hand writing ko sir" Agad Kong sagot.

Totoo Talagang Panget hand writing ko at ayokong mapahiya... Sa kanya ?

Ano? mapahiya? tsk erase erase. I mean ayoko syang sundin. Hindi ko sya bati.

Pero lumapit ito sa desk ko at inilapag sa armchair ko ang Libro.

"Here and get started" sabay lagay ng chalk sa kamay ko.

Oh--kay???

Tinignan ko ito at nakangiti na itong nakaupo sa desk. Aba iba! Pumayag ba ako?

"Magsulat ka na Cresza!" Sigaw ng ilang kaklase ko.

"Oo nga ang tagal"

"Bilis para makapagsimula na kami"

Tinignan ko ang nagsalita ng matatalim na tingin bago tuluyang tumayo. Aba! Ang demanding hah?! Nag volunteer ba ako? Mga ulol.

"Treasurer kaya ako dito hindi Secretary" pagdadabog ko pa.

"Are you complaining Miss Cresza?" tanong ni sir.

'Ay hindi sir. nagdadabog ako oh? obvious ba?.'

Kahit yun ang gusto Kong sabihin ay ngumiti nalang ako at umiling.

Nakakainis!