webnovel

Chapter 1

"Mira? Kilala mo ba yong Representative natin?" tanong ko sa kaibigan ko habang nasa back stage kami.

Naatasan kasi kaming mag assist para sa aming Representatives na sasali sa pageant. At kanina pa kami dito ngunit hindi ako pamilyar sa mga Guro na nandito. I mean mga Teacher yung kandidato at tingin ko rin mga Newly Hired lang.

"Hindi eh, pero kilala ko yung iba na nandito. bakit?" sagot nito.

"Tingin mo? Beki din kaya?" dugtong ko pa.

Halos lahat kasi na nakikita ko dito ay mga Beki (hindipo ako against sa kanila or ano paman, part lang po talaga ito ng script kaya pasensya napo).

"Anu ka ba Cresza! Tumahimik ka nga Jan baka may makatinig sayo." sita nito.

Kaya tumahimik nalang ako pero Curious talaga ako kase nga baka andito pala yung crush kung Teacher, dba? dba? nagbabaka sakali lang naman.

----

"Hoy ikaw na" wika ko. at tinulak sya ng konti.

"Ehhh Cresza naman nakakahiya. Ikaw nalang" sagot ni Mira.

Nagtutulakan kasi kami kung sino ang mag a-assist kay Sir. Sht ang gwapo kasi ni Sir nakakahiya at tsaka masungit.

"Sge na nga bsta e'lilibre mo ko mamaya ha?" pagpayag ko.

"tsk. Oo nalang" sagot nito.

At yun nga ako yung taga kuha ng damit na isusuot niya, yung sapatos o kaya taga bigay ng tubig at iba pa.

Nakaka intimidate nga lang kasi hindi ito nagsasalita, tumatango lang ito o umiiling. Sobrang tahimik

At syempre pag rumarampa na sila sa stage tudo sigaw naman kami ni Mira sa back stage. Grabi bagay na bagay sila ni Ma'am Antonette. Maganda at Gwapo

"Ah. Sir ako na po" wika ko sa ay kuha ng neck tie sa kamay nito.

Ito na ang huli nilang rampa sa stage at Awarding na pagkatapos. Ang gwapo nga ni Sir sa Suit nito na Maroon. Grabiiii nakakakilig tignan.

Habang kinakabit ko ang Neck tie sa leeg neto ay Hindi naman ito umimik at hinayaan akong ikabit sa leeg niya. Hindi ko alam pero sht na malagkit kinakabahan ako at nanginginig pa ang mga kamay ko.

At Habang tinatali ko ito ay napatingin ako sa mukha ni Sir.

Kaso biglang nag tama ang aming mga mata at napatulala ako sa titig nito hindi man lang ito nagpatinag at nakuha pang ngumiti.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Ayy!" para akong nagising ng tapikin ako ng make up artist nito at hinila paupo sa isang upuan at sinimulang e'retouch yung make up niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Ano yun Cresza?! myghad! mag focus ka nga self! Suway ko sa sarili ko at buti nalang at umalis na agad sila dahil magsisimula na. Buti nalang kasi Ang awkward kaya.

"Hoy! anu yun?" Tanong ni Mira

"H-huh?! Ano.. I-inayos ko lang yung Neck---" pinutol niya ang sasabihin ko at sinundot ang tagiliran ko.

"Nakita ko yun! ayiiiiee" tukso pa nito bago umalis sa harap ko at sumilip doon sa stage.

Napa hawak nalang ako sa mukha ko at tinampal-tampal ito.

Wala lang yun noh tsaka hindi ko na naman sya makikita panigurado. Ang laki kaya ng school at tska.. h-hindi ko sya gusto. Pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.