webnovel

My Two Beasts [Tagalog]

Si Carin Becerra ay isang ulilang lubos ngunit masayahin at napaka positive ng outlook sa buhay, solo syang naninirahan sa city. Magbabago ang kanyang mundo the moment na makilala nya ang dalawang lalaki na mag-iiba sa kanyang kapalaran, sina Caleb Jacob at Calix Sebastian. Ang mga lalaking may kakaibang lihim na pagkatao, ngunit para kay Carin ay magkakapareho lang sila ng uri at magkakapantay, kaya naman sa kanya lang sila nakakaramdam ng pagka kuntento at comfort sa buhay. Note: This story is only a writer's imagination. Any character names, places and events similar to this story is not intentional. Hope you'll like it. Enjoy!

RM_Princess · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 2: My visitors

Carin's pov…

Marahan na minulat ko ang aking mga mata, napansin ko ang pamilyar na lugar. Inikot ko ang aking paningin at napabuntong hininga ako nang makita ko na ako ay nasa loob ng aking sariling kwarto.

"No!" sigaw ko at bigla akong napaupu sa aking kama mula sa pagkakahiga.

"P-p-paano ako nakauwi?" bulong ko sa aking sarili, nang ibaling ko ang aking tingin sa bandang kaliwang side ng kama ay halos mapatalon ako sa gulat.

"E di hinatid ka namin dito" malumanay na sambit ng isang lalaki na nakaupu sa isang upuan na nasa may vanity table ko.

"S-s-sino ka ba?" pagtatakang tanong ko pero nanatili ang aking kanang kamay sa aking dibdib dahil sa gulat ay lumakas ang pagkabog nito.

Ipinikit kong mabuti ang aking mga mata dahil mukhang pamilyar ang itsura ng lalaking nakaupu at nakaharap sa akin. Nagbalik sa akin ang aura nya habang nakaupu sya sa back seat ng aking sasakyan, kaya ng marahan kong idinilat ang aking mga mata ay mala-anghel syang nakatingin at nakangiti sa akin.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang napakagandang mukha, pale white ang kanyang kutis, mapula ang mga labi, halos parang kumikislap kislap ang kanyang mga mata, maganda ang ayos ng kanyang buhok at malinis ang kanyang pananamit, maganda rin ang built ng katawan nya, kung titignan ko ay mistulan syang artista sa kanyang pangkalahatan na itsura.

"Naalala mo na ba ako?" nakangiting tanong nya sa akin.

Nagkunwari ako na hindi kaya umiling ako ng marahan.

"Ayyy!!!" napatili ako dahil bigla na lang syang nasa harapan ko at halos 2 inches na lang ang layo ng gwapo nyang mukha sa aking mukha.

"Oist!" biglang may sumigaw nang bumukas ang pintuan ang kwarto ko.

Nang mapatingin ako sa taong nakatayo sa bukana ng pintuan ay napakunot noo naman ako.

"S-s-sino ka naman?" may pagkamahina kong tanong habang may pagtatakang nakatingin sa lalaking nakatayo sa may pintuan.

Isang matipunong lalaki, at tipido ang pangangatawan nya na pwedeng pumasa rin syang artista kung tignan, may lalim ang kanyang mga mata at mukhang maamo kapag nakatitig, medyo matangkad sya na pwede kong masabi na isa syang gwapong brusko na lalaki yung tipong pagkakaguluhan ng mga kababaihan. Actually, pareho naman silang dalawa, mas mukhang lalaking lalaki lang talaga tignan itong gwapong nakatayo sa may pintuan, dahil itong nakaupu sa tabi ko naman ay mala flower boy ang kagwapuhan nya.

"Ako lang naman ang nagluto ng breakfast mo" nakangiting sambit nya.

Nanlaki ang mga mata ko at muli kong tinanaw ang bintana ng kwarto ko.

"Shit! Umaga na pala!" gulat at napasigaw na sabi ko, bigla naman akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" magkasabay na tanong nilang dalawa.

Napatingin ako sa kanila ng salita at napangiti, naalala ko hindi pala nila alam name ko at hindi ko rin alam kung bakit sila nandito sa loob ng bahay ko.

"Oo nga pala" batid ko.

"Anong ginagawa nyong dalawa dito? Sino kayo? At, bakit parang kailangan ko kayong sundin sa lahat ng bagay, e pamamahay ko ito" pagkonpronta ko sa kanilang dalawa, tinuro turo ko sila ng aking hinlalaking daliri.

"Hoy batman, hindi ka pa ba nagpapakilala sa kanya?" maangas na tanong ng lalaki na nakatayo sa pintuan.

Sino sya? Si batman? Niloloko ba ako nito?

Itinuro nya ang lalaking nakaupu pa rin sa aking kama.

"Hindi pa, bakit… nagpakilala ka ba sa kanya ha bulldog?" maangas din na balik tanong nito.

"Sino kayo? Si batman?" itinuro ko ang lalaking nakaupu sa kama.

"Ikaw naman si bulldog?" sabay turo sa lalaking nakatayo sa may pintuan.

"Hahaha!" sabay silang nagtawanan ng malakas.

"Hoy! Kayong dalawa, pinagloloko nyo ba ako ha?" may inis na tanong ko sa kanila at sabay naman silang umiling ng kanilang mga ulo.

"At bakit naman kayo nandito?" muli kong tanong sa kanila.

"Hinatid ka namin dito kagabi" sagot ni batman sa akin. So, papanindigan ko na batman at bulldog ang mga names nilang dalawa.

"Ako?" napaturo ako bigla sa aking sarili at ipinikit ko ang aking mga mata na pilit inaalala ang mga nangyari kagabi.

"Teka! Sino sa inyong dalawa ang sumira ng sasakyan ko?" bigla ko lang naalala ang yupi kong hood at bubungan at basag na bintana ng saking sasakyan.

"Hoy batman, kala ko ba naalis mo sa memory nya yung nangyari kagabi?" biglang tanong ni bulldog sa lalaking nakaupu sa kama.

"Di ba sabi ko naman sayo na kagabi pa hindi gumagana ang kahit anong powers ko sa kanya" mahinahong paliwanag ni batman sa lalaking nakatayo sa may pintuan.

"Teka nga! Anong powers naman ang sinasabi mo? Alam kong ikaw si batman pero bakit naman may powers ka pa na sinasabi dyan?" pagtatakang tanong ko na may halong pagkainis sa kanilang dalawa.

"Hahaha! Mahina ka pala batman e" pang asar na saad ni bulldog habang tumatawa ng malakas.

"Sandal inga ha, wala ba kayong balak na umalis sa bahay ko?" may inis na tanong ko sa kanila at sabay silang umiling.

"Ikaw nga nagpapasok sa amin dito, sabi mo pwede kaming tumira dito simula kagabi" malumanay na wika ni batman sa akin, at pagharap ko kay bulldog ay tumatango tango lang sya ng kanyang ulo.

Ano daw? Ako daw nagpapasok sa kanila dito?" pagtatakang bulong ko sa aking sarili.

Muli akong pumikit at bumalik sa alala ala ko ang nangyari ng gabi na makarating kami sa bahay.

*** Flashback of Carin ***

Dumilat ako nang maramdaman ko na may yumuyugyog sa katawan ko, dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nabigla ako na bumungad sa akin ang mukha ng di ko kilalang lalaki.

'S-sino ka?" pagtatakang tanong ko ngunit mahina ang aking boses.

Biglang may bumukas ng pintuan sa side ng inuupuan ko at namalayan ko na lang na nakatayo na ako sa harapan ng pintuan ng aking bahay.

"Dito na lang ako, salamat sa paghatid" malumanay na batid ko sa lalaking nakaalalay sa akin, medyo malamig ang pagkakahawak nya sa braso ko pero baka dahil basa kami ng ulan kaya ganun.

"Pwede ba kaming tumira dito sa bahay mo?" tanong ng isang lalaki at ipinakita nya sa akin ang hawak nyang room for rent na sign board na ginawa ko at isinabit sa may gate ng bahay.

"Ano? Uupa kayo dito sa akin?" pagtatakang tanong ko at sabay naman silang tumango ng kanilang mga ulo.

Ngunit parang nanlalabo ang paningin ko kaya naman any moment ay pakiramdam ko na babagsak na ako.

"S-sige, bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa renta at rules dito sa bahay" mahinang sambit ko.

"So, pwede na ba kaming magsimulang tumira dito ngayong gabi na?" tanong ng isang lalaki na may hawak na sign board.

"Oo naman, sige pasok na rin kayo… feel at home" batid ko pero parang binalot ng dilim ang paningin ko.

*** End of flashback ***

"So… pumayag ako na kayo ang umupa sa mga kawarto ko dito?" pagtatakang tanong kong muli sa kanila.

"Yes" masayang sagot ni bulldog.

Pero para sa babae lang sana ang rooms ko, pero bakit dalawang lalaki naman sila.

"Teka nga… harmless ba kayong dalawa?" muli kong tanong sa kanila, at magkasabay naman silang tumango ng nakangiti.

"Wait lang… sigurado ba kayo na hindi nyo ako pinagnasaan kagabi?" pagdududang tanong ko sa kanila.

"Hahaha!" malakas na tawa ang isinagot nilang dalawa sa akin.

"Wala kaming balak na masama sayo, kasi kung meron man e di sana kagabi pa at hindi ka na nakauwi dito" paliwanag ni bulldog sa akin.

"Maligo ka na nga at baka lumamig pa ang niluto kong pagkain mo" dagdag pa nya sabay alis at isinarado ang pintuan ng kwarto ko.

"Hoy! Batman, labas na dyan!" biglang sigaw nya at tumayo naman si batman mula sa prenteng pagkakaupu sa kama ko.

"Bilisan mong maligo, babe" malambing na saad nya tsaka sinabayan ng magandang ngiti. Lumabas na sya ng kwarto ko.

Medyo kinilabutan ako sa lamig ng boses nya at sa ganda ng ngiti nya.

"Grabe silang dalawa, sila ba talaga ang mga umuupa dito sa bahay ko or mga bisita ko lang ba sila?" pagtatakang tanong ko sa aking sarili. Pumasok na ako sa bathroom para mag shower at baka sakaling hallucination ko lang ang lahat ng nangyayari ngayon.