webnovel

My Three Months Slave

"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi mahal kita"-Drew Sa loob ng tatlong buwan gustong maging masaya ni Jane. Kaya gumawa sya ng tatlong wish nya: 1)Ang makahanap ng makakasama sa loob ng tatlong buwang bakasyon. 2)Dapat lalaki. 3)Sana pumayag itong maging slave nya sa loob ng tatlong buwan. Yan ang nakasulat sa wish list nya. Gusto nyang may makasama sa kanyang adventurous na bakasyon. Kaya ng aksidenting nakapasok si Drew Dannielle sa kanyang sasakyan ay hindi na nya ito pinakawalan pa. Kahit hindi nya ito kilala. Papayag kaya ito sa kagustohan nya? Paano kung dumating ang araw na iiwan sya nito dahil sa taong minamahal nito? Magiging masaya kaya ang tatlong buwan na bakasyon nya?

Mysterious_Angel07 · Fantasy
Not enough ratings
1 Chs

Chapter 1

SA bawat hakbang at kaway niya ay may mga Camera at ilaw na nakatutok sa kanya.

"He is totally a good looking man and no women can resist his Charm."Hindi maitatago ng suot na tuxedo ang malaadones nyang katawan,sa taas nyang 5'11 at katamtamang puti ng balat ay hindi maitatanging ang lakas ng kanyang sex appeal." A total hottie' and very handsome. Yan ang mga bulong bulongan na naririnig niya mula sa mga babaeng media at mga taong nandun.

Nandun siya sa isang award ceremonies, and as usual siya na naman ang itinanghal na best actor sa katatapos lang na Awarding. Matapos kunin ang plaque at sagutin ang ilang katanungan ng medya ay bumababa na siya ng stage. Siya namang salubong sa kanya ng isang sikat na actress.Yun nga lang kahit gaano to kasexy at kaganda ay hindi rin ito umoobra sa kanya kahit madalas itong nagpapapansin sa kanya. Si Mirael Seleste.

"Hi Daniel!" bati nito na sinadya pang magpacute.

"Oh hi Mirael!" bati niya rito na walang kahit konting interes man lang sa boses.

" Alam mo ang galing mo talaga ikaw na naman ang best actor,wala kang katulad at wala silang binatbat sayo."puri nito kanya na sinabayan pa ng isang matamis na ngiti.Gusto ko nang umuwi Mirael kaya kung pwede lang sana huwag mo na akong abalahin pa, Gusto nya sanang sabihin dito ngunit mas pinili nya nalang sarilinin ang isiping iyon.

"Lahat naman magaling eh hindi lang naman ako" tila walang ganang tugon niya dito.

"So paano pa ba yan Daniel? Ano labas tayo? You should treat me."Paglalambing nito na tila hindi alintanang ayaw nya ito kausap.

"Oh! I'm very sorry Mirael I have something to do after this. Maybe next time?"Pagpapalusot niya. Ang totoo kasi ayaw nyang makasama ito. Ayaw nyang makipagplastikan sa taong ayaw nyang kasama o makausap man lang.

" Ano ba naman yan lagi mo na lang sinasabi na sa susunod na lang.Pero kahit minsan hindi man lang tayo nakakalabas yun tipo na tayo lang talaga"may paglalambing sa boses nito."Sige na pagbigyan mo na ako ngayon lang naman eh", dugtong pa nito.Sabay kapit sa braso niya at sinadya pa nitong idikit ng bahagya ang dibdib nito sa tagiliran niya. Bahagya siyang nabigla sa ikinilos nito.Pero wala syang naramdaman na kahit anong epekto non sa katawan. Lihim siyang napangiti,poor girl even my body doesn't have an interest to you.

"I'm really sorry"aniya na bahagya ngumiti dito sabay tanggal ng nakapulupot nitong kamay sa braso niya. At halata naman ikinadismaya ng babae na halos na lang sabihin nitong sa iyo ako ngayon gabi.

"Ah sige na nga lang palalampasin kita ngayon gabi,but nextime hindi kana makakalusot sa akin".May paglalambing sa boses nito na bahagya pang hinimas ang dibdib niya bago tuluyang umalis. Napailing na lamang siya sa ginawa ni Mirael, mga babae nga naman. Wala nang respeto sa sarili,tangi niya na lang sambit ng marahan. Sinenyasan niya na ang kanyang mga bodyguard at ang kanyang manager.Gusto na nayng umuwi at magpahinga.

"Drew uuwi kana agad?",tanong nito sa kanya.

Nasanay na syang Drew lamang ang itawag nito sa kanya.Drew Daniel Cruz ang pangalan niya,halos isang dekada na rin siya sa showbiz industry at simula pa man noon lagi niya nang kasa-kasama ang kanyang manager sa lahat ng mga appointments nya. Nasa states na ang buong pamilya nya at ilang beses nadin syang kinombense ng kanyang mga magulang na sumunod na sa mga ito at iwan nalang ang showbiz para pamahalaan ang kanilang negosyo.Pero tumanggi siya, dahilan niya nandun naman ang Kuya Renz niya para mamahala ng kanilang negosyo. Pero yong totoong dahilan kung bakit ayaw nyang lumisan ng bansa ay may isang taong ayaw nyang maiwan at yun ay si Roxane ang nag-iisang babaeng minahal niya ng sobra.

"As in agad agad? Ang dami pang tao oh. Ayaw mo bang magpa interview?"tanong ni grace na syang pumukaw sa kanyang pag iisip.

"Oo Grace pagod na ako at kailangan ko nang magpahinga",maikli nyang saad.

"Sige kahit ako din gusto ko na ring umuwi, nakakapagod ang araw nato.",sang-ayon nito sa kanya."Oh ano tara?",dagdag pa nito.

Habang palabas sila walang tigil ito sa kasasalita,aminin niya man at sa hindi minsan naiingayan siya dito,pero nasanay na rin siya.

"Oo nga pala Drew maraming lumapit sa kin na mga producer at director kanina,mukhang indemand ka na talaga ngayon ah",panunudyo nito habang nakangiti sa kanya.

"I want you to clear all my schedule for this month,diba napag-usapan na rin natin yan.Kailangan ko munang magpahinga kaya wag ka munang tumanggap ng kahit na anong project."tugon niya dito na halatang-halata ang pagod sa mukha.

"Okay sabi mo eh"maikling saad nitong nagpatiuna na sa paglakad.

"Winston mauuna ka na sa labas at iparada mo ang sasakyan malapit sa exit door.",baling nito sa isa sa mga body guard nya.

"Yes Ma'am!",maagap na sagot nito. Makalipas ang ilang sandali nakarating narin sila malapit sa exit door,nang biglang tumunog ang cellphone ng kanyang manager. At mukhang si Winston ang kausap nito.

"Maam Grace?"

"Oh Winston bakit ka tumawag?Handa na ba ang sasakyan?", sunod-sunod na tanong nito dito.

"Kasi maam Grace marami pong mga fans ang nakaabang dito kay Sir Daniel at imposible pong makalusot kahit maliit na sasakyan sa dami nila dito."paliwanag nito.

"Ano? paano tayo niyan makakaalis dito?"kunot noong tanong nito. Na siya namang nakakuha ng atensyon nya.

"Bakit Grace anong nangyayari sa labas?"seryosong tanong nya. Anong ibig sabihin nito? Mahihirapan silang makalabas?

"Ah kasi-."halatang nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba sa kanya ang napag usapan nito at ng kanyang driver.

"Grace! ano?"tila naiirita ng tanong nya dito.

"Mukha atang mahihirapan tayong makalabas Drew as usual maraming fans ang nakaabang sayo sa labas,so walang ibang exit door maliban dito",pagpapaliwanag nito.

Napabuntong hininga sya."No Grace I have to go home now and you have to find a way right now!Alam mong pagod na ako Grace alam mo yan."mariin na saad nya. Mahirap ang maging artista lalo na kapag kilala kana. Mas maganda pa siguro noong nag uumpisa palang sya kasi hindi sya masyadong napapagod. Ngayon kasi basta't may camera sa paligid kahit pagod kana kailangan mong ngumiti para sa mga taong sumusuporta sayo. Kailangan ding maayos lagi ang suot at dapat walang mapupuna sayo. Kasi sa panahon ngayon kung sikat ka marami kang haters at bushers lalo na kapag may nagagawa kang mali. Kahit lalaki sya at mapride kailangan nyang isantabi iyon para iwas sa gulo. Hindi nya na lang pinapatulan ang mga taong ayaw at nangbabush sa kanya

Nagulat pa sya ng biglang magsalita ang kanyang manager.

"Gotcha! May naisip akung plano Drew and I'm sure gagana ito.",nakangiting sabi nito.

Napakunot noo sya. Ano naman kayang plano ang naisip nito at nakangiti pa.

"And what's your plan? Tell me! Could you please hurry up Grace. I'm so tired."asik nya dito.

Ngumisi pa ito bago nagsalita."Magpanggap kang babae ng sa ganun hindi ka nila makikilala,sa katunayan naisip ko na kanina namangyayari to kaya may dala akong wig,damit pambabae,at make-up kit.Oh ano aayusan na ba kita?"anito na tila nanunudyo at itinaas pa nito ng bahagya ang dala nitong bag.

Tiningnan nya ito ng masama. Seriously? Pasusuotin sya nito ng damit pambabae? At mukhang natutuwa pa ito sa plano nito.

"No way Grace! What a ridiculous idea! Hinding hindi ko gagawin yan."saad nya ng mariin. Bahagya nyang binabaan ang boses at baka may makarinig sa kanila. Shit! akala ko pa naman swerte sa akin ang araw na ito.

Dahil sa nakikita hindi ni grace maiwasang makaramdam ng awa para sa boss nya, buong araw itong naging abala at halos wala na nga itong pahinga ng mga nagdaang araw kaya naiintindihan niya ito. Sa totoo lang naman hindi ito masungit at mainitin ang ulo noong araw na kasama niya pa si Roxanne.Pero biglang nagbago ang lahat ng maaksidente ang babaing minamahal nito. Ang good natured at pagiging masayahin nito sa trabaho ay napalitan ng pagiging mainitin ang ulo.Humugot ng malalim na hininga si Grace bago nagsalita.

"Okay hindi natin to gagawin but I have another plan.",kalmadong saad nya at itinaas ang dalawang kamay simbolo ng pagsuko sa unang plano nya.

"Just hurry!" Anitong may bahagyang pagkainis sa sinabi.

"Yeah! Just wait okay? Relax Drew papangit ka nyan."biro nya pa dito.

"What!"

"Ito na nga, ang plano ay...."