webnovel

MY SEX BUDDY

This story is all about bl story of Marcus and Indigo who fall inlove at wrong timing, They met each other after introducing by their friends and they clearly known each other when they met at hook up in grindr.How will they face different struggles and is their possible that your sex buddy will be your forever relationship?

Ezzieking · Realistic
Not enough ratings
22 Chs

LONG LOST FRIEND

NIKKI's POV

Kinaumagahan ay naghanda na ako para sa pag pasok namin at asusual thirdwheel nanaman ako nila indigo at marcus pero okay lang kase busog ako kapag kasama ko sila.

"Anak bukas ay huwag kang aalis ha dahil pupunta dito ang ninang mo at gusto ka niya makita"Ani ng aking nanay.

"Sige po ma,Alis napo ako"

Pumasok na ako sa school at hinintay sina indigo dahil sabay na kami papasok sa room nang biglang lumapit saakin si rio.

"Hinihintay mo sina indigo?"Tanong niya.

"Ahh oo,Ang tagal nga e"

"Tara samahan na kita"Pagaaya niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating naden sina indigo.

"Ba't ang tagal niyo?"

"Eto kase si marcus e di niya naset yung alarm"Sagot ni indigo.

"Sorry na nga"Ani ni marcus.

"Hystt jusq wag na kayo dito maglandian,Tara na umakyat ma tayo"

Pagpasok namin sa room ay sumunod nun ay pumasok din ang aming guro,,,,Pagkatapos ng klase ay nagtungo na kami sa hallway para antayin ang instructor namin.

"Kamusta na kayo ni rio?"Tanong ni indigo

"H-Ha?Kami?Okay lang naman,baket?"

"Natanong ko lang naman"Sagot ni indigo.

Naputol ang usapan namin ng pinapasok na kami ng aming instructor kung saan kami magrerehearsal

"Okay ang gagawin naten ay building your chemistry so ang ibig sabihin non ay kikilalanin naten ang mga partners naten,okay?"Ani ng aming istructor namin.

Sobrang awkward namin ng kapartner ko dahil hindi namen alam kung sino ang unang magsasalita.

"A-Ah my name is gelo"pagpapakilala niya.

"Nice to meet you gelo,My name is nikki"

"Ganda naman ng pangalan mo btw may boyfriend kanaba?"Tanong niya.

"Ito naman ayan agad ang paguusapan naten?Pagplanuhan nalang naten yung concept naten"

Natapos na ang aming ginawa at pinauwi na kami ng aming instructor at paglabas namin ni indigo ay sumalubong saamin sina marcus at rio na may dalang pagkain.

"Ayan na peace offering ko sayo"Ani ni marcus kay indigo.

"Ayan alam ko kaseng gutom kana"Ani naman saken ni rio.

"Mauna na kami nikki at mukang mahaba haba ang gabi nato,diba indigo?"Pabirong sabi ni marcus.

"Sige na sige na,Ingat kayo friendship ha"

Nauna ng umuwi sina marcus at kaming dalawa ni rio ang naiwan.

"Uuwi kana ba o May gusto kapang puntahan?"Tanong niya.

"Tara samahan mo ako May pupuntahan tayo,dali!"

Pumunta kami sa bridge of wisdom kung saan pede ka magsulat ng wish mo at pinaniniwalaan na kung sino daw ang dalin mo don ay magtatagal ang samahan niyo.

"Eto bridge of wisdom,Dati nung bata pa ako May nakilala ako dito na kaibigan at mahilig din siyang tumambay dito at magbasa ng wish ng ibang tao"

"nasan na siya ngayon?"Tanong ni rio.

"Lumipat kase sila ng bahay ng ninang ko kaya ayun dina kami nagkita"

"Ang sad naman nun"Sagot niya.

Nagsulat na kami ng sarili naming wish at nilagay na ito sa bridge.

"Anong sinulat mo?"

"Secret"Sagot niya.

"Wao naman ha"

"Pag sinabi ko kase sayo baka hindi na siya magkatotoo"Ani niya.

"Osiya ikaw ang bahala"

Umuwi na ako ng bahay at pati siya ay umuwi naden.

Kunaumagahan ay nagising ako sa mga nilulutong ulam ng mama ko.

"Ma bat andami mong niluluto ngayon?Sino may birthday?"

"Nako anak walang May birthday gusto ko lang maging special ang pagdalaw ng ninang mo dahil matagal na kami hindi nagkikita"Sagot niya.

Habang naghahanda na kami ay May kumatok na sa aming pinto.

"Mare!kamusta na?Namiss ko kayo"Ani ng nanay ko.

"Ikaw den mare Eto nga pala si rioland"Sagot ng ninang ko.

"Ay ayan naba siya nako ang laki mo na pala,Tara pasok kayo at papakilala ko kita sa anak ko,NIKKI!"Ani ng aking ina.

Pagpunta ko sa sala ay laking gulat ko nang ang best friend ko dati ay si rio na pala ngayon.

"Rio?"

"Nikki?"Pagtataka niya.

"Oh anak dimo naman sinabi saakin na nakita mo na pala si riolando edi sana pinapunta mo na siya dito sa bahay"Ani ng aking ina.

Habang nagkekwentuhan ang aking ina at ang ninang ko ay nakita ko na naka upo sa labas si rio.

"Ba't dimo naman sinabi saken na ikaw pala yung best friend ko"

"Natakot lang kase ako na baka May galit ka saken kase hindi na ako nakapag paalam sayo"Sagot niya.

"Sus wala na saken yon atsaka mga bata pa tayo non atleast ngayon nakakapag isip na tayo"

"Alam mo matagal kona talaga gusto sabihin sayo kaso ayun,wala nangyare"Ani niya.

"Okay lang yon atleast ngayon nandito kana at nakapagusap na ulit tayo after ilang years"

Naputol ang aming paguusap nang tinawag na kami ng aming mga nanay para kumain.

Pagkatapos noon ay nagpaalam naden sila ninang dahil May mga dapat pa silang gawin.

Umakyat na ako sa kwarto para tawagan si indigo.

"Friendship!"

"Baket?Nag away na naman ba kayo ni rio?"Tanong niya.

"Hindi no!Diba nakwento ko sayo yung puppy love ko noon na si riolando?"

"Oh ano nangyari?"Tanong niya pa.

"Eto kase pumunta sila sa bahay at si riolando pala at si rio ay iisa"

"Edi maganda atleast ngayon magiging close mona si rio"Ani niya.

"Eh diba nga ayokong nagjojowa ng kaibigan"

"Edi wag mo siyang kaibiganin,Jowain mona agad"Pabirong sabi ni indigo.

Umabot din ng ilang oras ang paguusap namin ni indigo at nahinto ito dahil tumawag saakin si rio.

"Kamusta ka?"Bungad niyang sabi.

"Okay lang naman,Ikaw?"

"Ayus lang den btw may pinaorder akong cake para sayo,you can check it out kase padating naden yon saka wag ka magalala bayad nayan"Ani niya.

"Baket ka May pacake?May special occasion ba?"

"Walang special occasion pero para yan sa special person ko"Sagot niya.

Natapos na ang aming usapan at tinawag na ako ng aking ina dahil meron daw akong delivery.

"Maam eto napo yung order niyo"Ani ng driver.

"Osige po kuya,Salamat po"

Pagbukas ko ng cake ay laking gulat ko ang nakasulat dito.

"CAN I COURT YOU?"