webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 6

Chapter 6

Vinson's POV 

Ngayon ko lang nakitang ganoon nagalit si Seth. Talaga bang seryoso siya sa babaeng iyon? O, tama ang hinala nila Paulo na paglalaruan lang din niya ang babaeng iyon. 

Sa totoo lang, di ko talaga siya namukhaan. I didn't recognise her, ang laki nang pinagbago niya. Well, siguro nakamake up kasi siya at nakasuot ng magandang damit. 

Mali naman rin talaga si Ethan ng oras na iyon. He shouldn't have said that, pero knowing Ethan iyon na may phobia, hindi ko naman siya masisisi. 

So, i talked to Seth and explain on Ethan's side. 

"Dude, hindi sa kinakampihan ko si Ethan ah, mali ang ginawa niya." 

"Pero wala ka man lang ginawa. Bro, binastos niya ang bisita ko." may inis parin si Seth ng minutong iyon, tsaka siya lumagok ng alak. 

"Ano bang dapat kong gawin? Besides, alam mo naman ang nakaraan ni Ethan right?" he just rolled his eyes, tapos muling lumagok ng vodka. 

"Are you really into her?" bigla kong tinanong sa kaniya. 

"Seriously? Do you think,i like her?" 

"Bro, I'm just asking. So, what?" he just smirk at tumingin sa kanilang dalawa ni Jade. 

"You know what, let say she's interesting." ang gulo talaga niya. Napatingin din ako sa kanilang dalawa at para bang nag-uusap din sila at mukhang kami ata ang topic sa usapan nila. 

The party continues at lumabas muna ako para sagutin ang tawag ni Mommy. She reminded me tungkol sa oras ng paguwi ko. Wala pang isang oras na nandito tumawag na kaagad siya. Then after naming magusap, napatingin ako sa gilid ko. 

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko kay Andrea. 

"Oo, hindi kasi ako makahinga sa loob, puro usok at alak." sagot niya. I asked her kung pwede ba akong tumabi sa kaniya, siya lang ay biglang tumango. 

"So, i heard na kailangan mo ng tutor?" napailing ako. Siyempre narinig niya iyon. 

"Yes, i badly need one." sagot ko sa kaniya. 

"Uhm, good luck sana makatagal siya sa ugali mo." saka siya tumayo pero pinatigil ko siya sa pagtawag sa pangalan nito. 

"Andrea, wait." saka siya dahan dahan na humarap at para bang may hangin na dumaan sa harapan ko.

"Oh?" taas kilay na sagot niya. 

"Do you really think na ganoon ako kasama?" huminto siya at tinitigan niya ako ng masama. 

"Hindi ko pa nakakalimutan na binato mo ako ng bola sa ulo." saka siya tumalikod at naglakad papasok muli sa loob. 

Fuck! Yes, paano ba naman niya ako mapapatawad. Tang-ina naman oh. Dapat kay Seth siya magalit, siya ang bumato dito. Napailing nalang ako at muling pumasok sa loob. 

Pagpasok ko sa loob, nakita ko na kinakausap na siya ni Seth at saka naman ako nilapitan ni Jade. Nakalimutan ko nga pala siyang igreet ng happy birthday since kambal sila ni Seth. Then she thanked me.

"They're both look good right," biglang sabi ni Jade. 

"I don't think so," sagot ko sa kaniya. 

"Why?" tanong ni Jade sa akin. Gusto ko sanang sabihin na mas kilala niya ang kapatid niya kaysa sa akin. 

"I just felt it." sagot ko nalang. Tapos umiwas na siyang tumingin sa dalawa at nafocus ang usapan sa akin. 

"You know what, if you want a tutor bakit hindi nalang ako?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jade. I know na matalino siya, pero bakit bigla niyang iprenisenta ang sarili niya para lang itutor ako? 

"Bakit?" tanong ko, habang di parin naghihiwalay ang dalawang kilay ko na halos magkasalubong na sa pagtataka. 

"Why not," simpleng sagot niya. 

"I just don't get it. I didn't say that i don't want to, but it's weird. Hindi ba galit ka sa amin?" yeah. Naaalala ko pa, last year sumama siya sa mga nagrally para itigil ang basketball team kasi raw puro kami mga manyak at manloloko. Nakakahiya talaga ang season na iyon. 

"Yeah, but i just want to help you. Siyempre out of concern, you know." saka siya ngumiti sa harap ko and. It made me feels weird again. Bakit siya ganito makangiti? Does she likes me? No, she hates your guts, Vinson. 

"Uhm, thanks for your concern, pero sa tingin ko may nakuha na si Mommy. Sorry, i have to go na rin, magpapaalam na ako kay Seth, it is getting late na rin kasi, again happy birthday." theni hugged her and tap her back twice saka na ako tumalikod at pinuntahan si Seth. 

In my mind, i know that i upset her. I know that she feels like i ignore her offer, well infact yeah. Lalo pa na alam ko na may gusto raw siya sa akin, according to his twin brother Seth. 

Pagkalapit ko sa dalawa, natigilan s Andrea ng makita niya ako. 

"Bro, what's up? Uuwi ka na? It's early pa." sabi ni Seth sa akin. 

"Tumawag na kasi si Mommy, alam mo naman." napailing nalang si Seth then i tap his back twice too. Saka ako nagpaalam at bumati uli sa kaniya nang biglang tinawag ako ni Andrea. 

"Vinson, wait!" napalingon ako sa kaniya. 

"Yes?" i asked her. 

"Pwede ba akong makisabay sa iyo?" sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Seth. 

"Uhm, if you want to stay here it's fine. We have guest room naman." sabi pa ni Seth kay Andrea. 

"Sorry, Seth. Gabi na kasi at may nakalimutan akong gawing assignment kaya kailangan ko na ring umuwi." sabi niya kay Seth then saka niya sinabi sa akin na magdahan dahan raw ako sa pagdadrive ko. Then, Andrea told me na bigyan ko lang raw siya ng ilang minuto para magpaalam kay Jade, pero she is nowhere to be found. Kaya bumalik nalang kaagad siya sa akin at sumakay na sa kotse then sabay na kaming umalis sa party na iyon.