webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 4

Chapter 4

 

Vinson's POV 

Kausap ko sa phone si Seth at sabi nga niya magseselebrate raw siya at ang twin sister niya ng house party sa bahay nila this coming saturday at bukas na iyon, sabi ko baka hindi ako makapunta kasi si Mommy at Tito Rudy may out of town bukas at dahil na rin sa mababang grades ko kailangan kong ilaan ang Saturday ko for my tutor class. At sa bahay ito gagawin. Pinilit parin ako ng loko, pwede naman raw niyang iadjust ang birthday niya para sa akin. Natouch ako, kaso sabi ko hwag nalang, hanggang sinabi niya na hindi niya raw ako ilalakad kay Jade, loko talaga. Akala niya talaga may gusto ako sa kapatid niya. I find her cute though, pero hindi ko naman siya type pero itong si Seth pinipilit ako sa kapatid niya. Tinawanan ko lang siya. 

Tumunog ang doorbell, napatayo ako. Alam kong si Mommy na iyon at si Tito Rudy, tapoa pagbaba ko kaagad kong sinalubong si Mommy. I kissed her left cheeks then napatingin si Tito Rudy sa akin. After few seconds, sabi ni Mommy na dumiretso na kami sa dinning area. Habang kumakain parang pakiramdam ko hindi ako kasali sa usapan nila. Like, hindi man lang nila ako kinamusta, like mom usually do kapag umuuwi galing sa trabaho niya. Pero ngayon, para nalang akong anino. When the time i was finished my food, tumayo na ako doon lang nila ako napansin. Tito Rudy suddenly ask me na tapos na raw ba akong kumain? Then i nod. Sabi niya kumain pa raw ako ng marami, masyado raw akong payat at di raw gusto ng mga babae ang mga payatot. Though, di naman talaga ako mapayat. Yes, I'm thin pero may laman naman ako. And also, nsgeexcercise naman ako dahil kailangan physically fit ka sa basketball. 

Sinabi ko nalang na busog na ako kasi kumain na ako with my friends kanina. Saka na ako pinapasok ni Mommy sa kwarto ko at magpahinga na raw. Muli akong lumapit kay Mommy and i kissed her cheek again, at muli ko na namang nakita iyong kakaibang titig ni Tito Rudy, does he jealous of me kissing my Mom? Weird. 

Kinabukasan. 

Maaga akong nagising, inaasahan ko na paggising ko wala na si Tito Rudy, sadly kasabay din pala namin siyang magbebreakfast at buong akala ko umuwi na siya after niyang magdinner dito. Tito Rudy is a business partner of my Mom and sa pagkakaalam ko, he is also had a family and she divorce her wife for some reasons na hindi ko pa alam. And get. Fall in love with my Mom and boom, they're now together. Though, prinaprocess parin naman iyong papers ni Tito Rudy, pero open na sila na ipakita ang relasyon nila. 

Una akong binati ni Tito Rudy, i just nod. Ewan ko, it feels weird parin everytime i remember how he react whenever i kissed my Mom on her cheek. Kaya noong umupo ako sa tabi ni Mommy, di na ako humalik, i just greeted her a Good morning, saka niya ginulo-gulo ang buhok ko. Which makes me annoyed, alam niyang naiinis ako kapag ginugulo ang buhok ko. Pero, tinawanan niya lang ako. 

Habang kumakain ay biglang nagtanong si Tito Rudy if i have a girlfriend na raw. Hindi ako sumagot, then si Mommy na ang sumagot for me, pero sana ako nalang. Kasi sabi niya, paano raw ako magkakagirlfriend kung ang baba ng grades ko, saka siya tumawa. Gusto ko nang tumayo at iwanan sila ng minutong iyon hanggang sa nagsalita si Tito Rudy. He told me na, okay lang raw iyon. Siya rin naman raw, bagsak sa mga subjects niya noon, pero nasan na raw siya ngayon. Your grades doesn't define your future. You are the one who makes your future. Siyempre, kasama na raw ng pagpupursige and lakas ng loob ay narating niya ang narating niya noon. I feel that he's a good man. Pero, gaya nga nang sabi ko, I'm still hoping that maayos pa nila Mommy and Daddy ang problema nilang dalawa. 

After the breakfast, nagpaalam ako kay Mommy na pupunta ako sa birthday ni Seth, though di pa niya na memeet si Seth, sinabi ko na kaibigan ko at kateam mate ito sa basketball. Again, nagbago ulit ang awra niya. Sinabi niya na paano raw ako makakapag concentrate sa pagaaral ko kung parati ko raw na kasama ang mga teammates ko? Sabi ko, mga kaibigan ko sila and besides wala naman kaming ginagawang masama. Pero, she still decided na hwag akong aalis ng bahay, hanggang sa lumapit si Tito Rudy at kinausap niya si Mommy, i hear them talking kasi di naman sila kalayuan sa kinatatayuan ko. 

Hanggang sa pinayagan na ako ni Mommy, only in one condition. Papayag na akong magunder go ng tutor. At alam ko na, kapag si Mommy ang nagbigay ng Tutor, mas lalo akong di makakawala. At wala na akong naging choice, kaya pumayag na ako. 

Pumayag ako? Goodluck sa akin.