webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 27

Chapter 27

Andrea's POV

Sumunod na sabado, nakikita ko na ang laki na nang pinagbago ni Vinson. Bukod sa nakakahabol na siya sa mga pinagaaralan namin, nasasagot na rin niya ang mga recitations at nakakapasa sa exams.

Mabilis niyang nasagot ang exam na ibinigay ko sa kaniya. Almost 30mins lang natapos niya, dati inaabot kami ng halos isang oras matapos niya lang ang exams na ginagawa ko. Tapos parang walang ganang inabot niya sa akin ito. Tapos bumalik sa paghiga sa kama niya sabay kuha ng phone nito at marahil ng laro. Usapan kasi namin pupwede na siyang maglaro o gawin ang gusto niya after niyang makasagot at kapag mataas ang scores niya.

Habang tsinitsek ko ang exams niya ay napapatingin ako rito, tapos kapag gumagalaw siya umiiwas ako at bumabalik sa ginagawa ko. Maya-maya ay may kinakausap na siya sa kabilang linya, at mukhang kilala ko kung sino ito.

Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero anong magagawa ko, nasa iisang kwarto lang kaming dalawa. Base sa narinig ko sa paguusap nila. Niyayaya ni Vinson si Jade na lumabas silang dalawa, treat niya raw. Tapos bigla itong napatingin sa akin. Binitawan niya bahagya anh phone niya't tinakpan tapos kinausap ako. Sabi niya, may kailangan raw ba ako? Puta, nakatingin pala ako sa kaniya. Napasagot kaagad ako ng wala, tapos bumalik sa pagcheck ng exam niya.

Muli niya akong tinanong kung matagal pa raw ba ako magcheck kasi may date silang dalawa ni Jade raw ngayon. Napanganga ako, parang nautal ako, hindi kaagad ako nakasagot.

"Hello, may kausap ba ako?" tanong ni Vinson. Doon lang ako nagising at sinagot ko siya na malapit na.

"Kailangan ko nang umalis kasi ayaw kong malate sa date namin," sabi niya tapos bigla siyang naghubad ng damit pero ewan ko kung anong nangyayari sa akin at nakatitig parin ako sa kaniya.

"Manonood ka talaga kung paano ako magbihis?" tanong niya sa akin. Natanggal na niya iyong tshirt niya at bumungad na sa birhen kong mga mata ang magandang hubog ng katawan niya. Kahit na mapayat siya, namumutok din ang anim o walong pandesal sa tiyan niya. Tapos iyong biceps niya tamang tama lang sa katawan niya.

"Hey!" bigla siyang nagsnap ng daliri niya at doon palang ako napatalikod.

Ano bang ginagawa mo Andrea? Bakit parang hindi ka makafocus? Jusko, paano ba naman kasi ako makakafocus kung may isang lalaki na nagpapalit ng damit niya sa likuran ko? At napakahot pa niya.

Focus, Andrea pls. Magfocus ka sa ginagawa mo, okay?

Tapos bigla ko nalang nakita siya na papunta na sa pintuan. Kaya bigla ko siyang tinawag.

"Vinson," humarap siya sa akin. At namangha ako sa porma niya ng oras na iyon. Isang white plain tshirt ns tinernohan niya ng ripped jeans at white rubber shoes at denim jacket at silver na necklace. At black na bullcap.

"Yes?" sabi niya sa akin. Suddenly, i am out of words. Kagaya kanina nautal ako. At wala akong ginawa kundi ang pagmasdan lang siya.

"You know what, pagkatapos mong icheck iyan pwede ka nang umuwi, gusto mo bang ipahatid pa kita sa driver namin? At iyong assignments ko promise gagawin ko later, kailangan ko lang talaga na umalis na kasi baka nag-aantay na si Jade sa akin." wala pang ilang minuto bago sila nagusap tapos inaantay ka na? Alam ko kung gaano kabagal kumilos ang babaeng iyon, hmp. Taeng-tae ka sa date niyo. Pwes kayo na may date.

"Andrea, may sasabihin ka pa ba?" umiling lang ako bilang tugon sa kaniya.

"Good. I have to go, thanks by the way." tapos umalis na siya. Gaano ba kaimportante ang date na iyon? Life and death ba? Bakit kailangan niyang magmadali? Baka kung ano pang mangyari sa kaniya sa kamamadali niya. Hmp.

Bakit ba ganito ako magreak? Jowa ka girl?