webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 18

Chapter 18

Vinson's POV 

Covered court? Ano ang connection ng basketball sa pagrereview namin? Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito. 

Pagdating namin doon ay ibinato niya sa akin ang bola ng basketball. Sabi niya i shoot ko raw, napakunot ano ng noo. Adik ba siya, simula pagkabata ko naglalaro na ako nito tapos ipapashoot niya sa akin tapos ganito pa kalapit? Pero pinipilit niya ako, wala na akong nagawa kundi sundin siya. Tapos pumasok, ngumiti siya. Tapos sabi niya ishoot ko raw ulit. 

"Seryoso, anong kinalaman nito sa pagrereview natin?" 

"Do you trust me?" tanong niya. 

"No." mabilis kong sagot. 

"Ayun naman pala e, madali akong kausap." tapos kinuha niya ang bag niya and she was about to left nang ibinato sa kaniya ang bola pero medyo mahina lang. Tapos tinamaan siya sa may likuran niya tapos galit siyang humarap. 

"I'm just kidding. I trust you, is just that i don't have any idea kung anong mangyayari, pwede bang sabihin mo na?" muli niyang ibinaba ang bag niya at kinuha ang bola at malakas niya itong ibinato pabalik sa akin. Mabuti at nasalo ko ito. 

Sinabi niya na kapag namiss ko ang pagshoot ng bola sa ring kailangan kong sagutin ang question at kapag hindi ko nasagot ang questions may penalty raw. 

Siyempre tinanong ko siya kung ano ang penalty, mamaya ko raw malalaman para may excitement. Mukhang wala naman akong choice kundi ang sundin siya. 

So pumuwesto na ako at shinoot ko ang bola tapos pumasok ito. Tapos kinindatan ko siya pero inirapan lang niya ako. Bakit ba hindi tumatalab ang charm ko sa babaeng ito, siguro tomboy ito? 

May ilan pang bese na naipasok ko ang bola hanggang sa namiss ko ang isa tapos tinanong niya ako, at nasagot ko naman ito. Akala ko mahirap ang itatanong niya tapos pinagshoot niya ulit ako tapos naipasok ko ulit, hanggang sa sunod sunod ko nang hindi naipasok ang bola tapos sunod sunod na rin ang tanong niya at may ilang sa mga tanong niya ang hirap at hindi ko pa nabasa kaya hindi ko nasagot. 

Siguro mga sana 30 questions ang maling sagot ko at pagod na ako. 

"Are you done?" tanong niya. Ang yabang! Porque hindi siya ang humahabol sa bola at nagpapasok nito, nakaupo lang siya sa bench tapos painom inom ng tubig ni hindi man lang niya ako niyayang, hoy gago uminom ka baka dehydrate ka mamatay ka pa diyan kasalanan ko pa. 

"Tama na pagod na ako." sabi ko. I am so exhausted. Pawis na pawis na ako at pagod na pagod na ako. Napahiga na ako sa court at hinahabol ang hininga ko. Tapos ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nakaramdam ako ng kakaiba. Ang gaga, binuhusan ba naman ako ng malamig na tubig sa mukha tapos tumakbo palayo. Demonyinta talaga. Tapos hinagis niya ang towel ko at sinabi na punasan ko raw ang mukha ko. Mukha raw akong tae. 

Wala pang ibang taong nagkumpara sa akin sa tae. Kapal ng mukha niya. 

"Oras na para sa parusa." nagtaas ang kilay ko. 

"Parusa your ass." sabi ko sabay talikod. Pero binatukan niya ako. 

"Aray! Kanina ka pa ah," iyon pagtitimpi ko sinasagad niya talaga. 

"Usapan ay usapan, nangako ka." 

"I don't remember anything besides pagod na ako, i am exhausted na, okay." pero binatukan parin niya ako. 

"Anak ng!" naiinis ns talaga ako sa kaniya. 

"Ano, sasaktan mo ako? Gawin mo." 

"Hindi ako nananakit ng babae," inis kong sabi sa kaniya pero iyong kamao ko, suntok na suntok na. 

"Good. Pero ako nananakit ako ng lalaki." saka naman niya ako sinipa sa tuhod saka siya tumakbo at nagpahabol sa akin hanggang sa umabot ang habulan namin sa park at doon ko siya naabutan at niyakap ng mahigpit kaso nadulas ako na siyang dahilan para maggulong gulong kami sa park pero inalalayan ko ang ulo niya hanggang sa huminto kami kaso ang awkward ng pwesto namin nasa ilalim ko siya at nagtama ang mukha naming dalawa, nagkadikit ang ilong, at labi. 

Did i kiss her? 

God. It's unintentional. It was an accident. 

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Why does my heart beating so fast? 

Nahinto lang ito noong bigla akong tinulak ng malakas ni Andrea at binato ng kung anong lupa sa mukha pero nanlaki at natakot ako ng sobra ng makita ko na may nakadikit sa mukha ko na isang kampon ng Alien. 

Uod.