1 Chapter 1 - Introduction

I'm Alex. I'm the only child of the family so ganon nalang kung makaprotekta sa akin ang aking mga magulang.

I remember being spoiled, nabibigay sa akin lahat ng gusto ko kahit nga mga bagay na hindi ko hinihingi, eh binibigay nang mga magulang ko.

Mayor ang aking ama at isang business woman naman ang aking ina. Masasabi kong maykaya kami pero pinalaki akong may respeto sa tao. Pinalaki akong marunong magbigay sa mga nangangailangan.

At masyado rin nila akong pinalaki.

I'm still 16 at tumitimbang lang naman ako ng 97 kilos. Yes, 97 kilos.

Hindi ko masasabing babyfats lang to kasi hindi na ako bata. Paggusto ko namang magpapayat, instead na suportahan ako ng aking ama eh sya namang nagagalit ito kesyo daw sexy na naman daw ako at hindi ko na kailangan pang magpapayat.

Trust me, ginusto kong magpapayat. Pero dahil nga sa kagustuhan ng papa kong hindi ako pumayat, hindi ko nagagawang magpapayat. At hello, ang sarap kaya kumain. Yun din ang isang rason. Ang sarap kumain.

Naalala ko nga nung 9 years old ako tampunan ako ng tukso kesyo daw baboy ako o di naman kaya elepante kaya hindi ako pinapasali kapag naglalaro ang aking mga kaklase, baka daw rin kasi madaganan ko sila at masaktan ko sila.

Ang oOA nyo!

"Bakit ko kaya hindi ginawa yon?" Para akong baliw na kinakausap ang sarili pero bakit nga ba hindi ko ginawa iyon dati? Napatawa nalang ako sa isipin.

Pero sa kabila ng tukso na naabot ko sa mga kaklase, may kaibigan din naman ako. Si Patrick. Anak sya ng kababata ni papa. Pero hindi masaya ang una naming pagkikita

Dalawang taon ang tanda ni Patrick sa akin at walong taong gulang ako non nong una kaming nagkakilala. Tawagin ba naman akong biik. Oo, mataba ako pero biik? Ang ganda ko namang biik.

"Biik, ano yang ginagawa mo?" Tanong nya sakin habang naglalaro ako malapit sa pool.

Umiyak ako nang umiyak kaya naman dali daling lumapit ang aking ina at tinanong kung bakit ako umiiyak.

"O anak, anong nangyari?" Tanong nito.

"Tinawag po nya akong biik"

"Patrick!" Saway naman ng ama nitong nakalapit nadin sa amin.

"Daddy, I was just joking".

"Larong bata lang siguro iyon, Richard. Hayaan mo na." Rinig kong sabi ng aking ama kay tito Richard. "Ganon din naman tayo dati ah" tuloy nito.

"Patrick, treat her like your little sister. Ikaw ang mas nakakatanda sa inyung dalawa."

"Dad, she's not a little sister. She's big!"

"Patrick! Be nice to her!" Nasa tono non ni tito ang galit sa anak.

Sa isip.sip ko, buti nga sa kanya.

"Okay daddy. Im sorry".

Niyakap ako ni Patrick at nagsorry. "I'm sorry".

"Okay lang yun. Basta wag mo nang uulitin ha" at nagpinky promise kaming dalawa.

At don nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Patrick. Kahit nga hanggang ngayon eh nagbabangayan parin kami.

But he never failed to save me everytime I get bullied. Oo, I was bullied. Noon yon, subukan nilang ibully ako ngayon, siguradong mas magiging flat pa sila sa dede ni Senyora, isang sikat na content creator.

avataravatar
Next chapter