webnovel

The beginning

Nagising ako ng maaga, matamlay ang aking katawan. Napagod sa kakaiyak buong gabi, anong gagawin ko? Sa aking pag lakad papuntang banyo, naligo at umaasang mawala ang aking nararamdaman.

Sa bawat lakad ko papuntang salas, mga yabag na sobrang bigat kaya payinagin ang bansang aking pinaroroonan.

Napatingin ako sa salamin, mga walang buhay na mata, mga eye bags na nag sisilakihan. Kaawa awa naman. Ako'y nag suklay, tinignan ang aking cellphone. Nakita ka, di ko mapigilan. Mga nadarama ko'y sumabog na.

'I miss you'

Mga katagang nasabi ko saiyo. Pero alam ko di na mabubuo sa dati ang anuman na binuo ko dahil ako mismo ang sumira nito. Ilan beses mo ko pimag bigyan, ngunit hindi ko ito pinahalagahan.

Gusto ko sumigaw, mag wala. Kasi kasalanan ko, nararapat lamang na mamatay ako. Sa aking pag kapagod. Ako'y napaupo sa sahig, napaiyak ng mataimtim.

Lumabas si mama sa kanyang kwarto, napatingin sa akin at siya'y aking nginitian.

"Bunso, anong ginagawa mo dyan?" tanong niya sa akin ng may halong pag tataka.

Ako'y sumagot, "Wala ho ma. Papasok lang ako ng kwarto"

Sa aking pag kapasok bumuhos ang mga luhang pinigil ko kanina. 'Ma, tulong. Ansakit. Kasalanan ko ma, anong gagawin ko.'

Ako'y nalulunod sa aking nadarama. Muli ko tinignan ang aming usapan, ah.. Ang sarap balikan habang ang luha ko'y tumutulo na.

Tinitigan ko ang iyong larawan sa aking cellphone. Di ko mapigilan masabi, "ang cute mo ha.. Haha.. Ha."

Napahagugol ako sa iyak. Ano ba, tama na. Alam kong sinusubukan mo na makalimutan ako, na di na ko kausap.

Ang aking pag mamahal saiyo ay napakalalim pa sa pacific ocean at mas malaki pa sa araw. 'Ah.. Ang ganda pala ng sikat ng araw' habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking kwarto.

Ang init ng kanyang sinag ay tila di ko maramdaman, ako'y napatitig sa malayo, ah andaming puno.

Ang dating maganda at nakakapag pabuhay sa akin ay tila wala na lamang sa akin. Patay na ko. Pero bat pa ko humihinga? Tila bay napapagod na ang aking kaluluwa.

Gusto ko umiyak pero ang luha ko na mismo ang umatras. 'tama na, bitawan mo na ang pulang tali na yan'

Ako'y napatigil, ang mga katagang ito'y nakapag pahinto ng aking mundo. Oh.. Ang aking mundo'y wala na.

Ang aking buhay ay wala na. Hindi ko ito pinahalagahan. 'Sana'y ako'y pag bigyan ng isa pa.'

Bulong ko sa aking sarili, ngunit alam kong hindi na pwede dahil nag sawa na siya, paulit ulit lamang ang akimg ginagawa. Hindi ako natuto dahil puro ako salita.

Ako'y nag sinungaling sakanya nung gabing iyon at yun na ang huling gabing namin pag uusap.

Di ko mapigilan kausapin siya, sa aming pag uusap sa chat. Ako'y natuwa ng kaunti dahil sumagot pa siya pero namamatay na ko.

Ang liwanag sa aking madilim na mundo ay unti - unti ng namamatay. Ako ang pumatay sa liwanag na ito.

Sa aking kamay ay ang taling resimbulo mo, ang dating kumikinang, mainit, at nakakapag pasaya sa akin ay unti unti ng namamatay.

Ngayon isa na lamang siyang pulang tali. Walang kinang walang buhay. Ang dating may buhay kong espasyo sa aking puso at kaluluwa ay patay na.

Tumigil na din ako sa aking pag iisip. Di ko na mababalik kasi ayaw mo na. Pagod ka na, tinanong ko saiyo 'nakakapagod ba ko?' ang sagot mo ay 'oo'.

Muli ako tumimgin sa ating pag uusap, naiiyak ako. Bat di kita pinahalagahan mga kataga mo ay mahalaga sa akin. Mahal, di ko kaya.

Ang aking kinabukasan ay nag sara na. Lahat ay tumigil na. Pasensya na, gusto ko humingi ng paumanhin saiyo mahal.

Ako'y pagod na pigilan ang aking nadarama. Gusto ko mag sulat ng libro para sabihin saiyo gaano kita kamahal, ngunit wag na. Nakikita ko sarili ko, kung sakaling mabuhay ako, ako'y nakatingin lamang saiyong litrato.

Ikaw hinuhugutan ko ng lakas gaya ng aking mga iniisip noon. Ah mahal, sobrang mahal na mahal kita pero sinayang ko ang mga binigay mong chance na maayos ito nag promise ako na di kita kakausapin ngunit di ko mapigilan.

Paulit ulit kong nasasabi ang katagang di ko mapigilan. Ah patay na ko pero bakit. Bakit may liyab parin ng apoy sa aking puso. Ang sabi mo sa susunod na mga araw, buwan, taon mawawala ito. Ngunit mahal, nakikita ko ang sarili ko hindi magawa ito.

Anong gagawin ko... anong gagawin ko. Ikaw ay masaya na sa hinaharap. Malamang pag mamasdan lamang kita sa malayong lugar.

Kung sakali buhay pa ko, sa hinaharap kahit may mahal ka ng iba gusto kong sabihin 'mahal na mahal kita' ng may ngiti sa aking labi.

Ah, ngayon nalaman ko na madali lang para saiyo ang lahat ako'y natuwa na may kasamang lungkot. Masaya ako na makakaabante ka pa, gusto kita yakapin, sobra, at umiyak sa iyong balikat.

Ah mahal. Napaka wala kong kwenta diba. Tumayo ako sa aking inuupuan na pambatang study table. Ah sinend ko saiyo nito noon tinawanan mo ko. Ah kay gandang alaala.

Pinangako ko sa Panginoon ikaw lang. Ngayon ano na lamang ang gagawin ko. Ako'y nalilito, di alam gagawin. Ano na mahal, di ko kaya. Sa totoo lang gustong gusto kita yakapin halikan. Di ko na alam.

Lumabas ako ng aking kwarto at walang tao. Kinuha ko ang kutsilyo. Ikaw lang mamahalin ko kahit anong sabihin mo o ng ibang tao.

Pumasok ako muli, nakatitig sa aking hawak, ah. Kailangan ko na putulin mahal ang tali. Sa aking lag hiwa, mga rosas ay nalaglag. Akoy napaupo at napaiyak ng sobra. 'Ah mahal, bumalik ka na.' bulong ko umaasang babalik ka.

Alam ko imposible iyon dahil ako na mismo ang nawasak nun. Ang aking mga kasalanan sanay patawarin mo. Mabuhay ka ng matiwasay at may sigla sa bawat araw. Sanay malagpasan mo kung ano man ang humahadlang saiyo gabi gabi kitang pinag dadasal hinihiling sa Panginoon na ibigay ka niya sa akin.

"Ahh.. Ako'y napapakit mahal, papahinga na ko." mga katagang sinabi ko bago ngumiti.

Mas mapapadali ka siguro nito. Di na kita makakausap muli. Ito ang ating huling pag uusap.

...

Mga nag sisigawan, umiiyak ang umalingawngaw sa paligid.

"bakit anak? Bakit mo to ginawa?"

"Oy anong nangyari bunso? Kuya mo to oy"

Ah ako'y nag lakad palayo. Nakita ko na sila okay na sa akin yon. Kailangan ko na pumunta sa aking destinasyon. Paalam sainyo. Ma, Pa, Kuya at Ate mag iingat kayo, mahal na mahal ko kayo.

...

"bakit mo ito ginawa?? Andito kami, bat di ka nag sabi kaya mo naman eh. Bat ka umalis?" Sabi ko sakanya ngayon nakahimlay na. Hindi na mulimg gigising pa.

Paulit ulit na nag lalaro sa aking isipan ang mga isinulat niya.

"Nag pahinga ka na, hays paano naman ako. Pero kaya ko na ito. Wag ka mag alala"

"Paalam"

Nag lakad ako palayo sakanyang kinaparoroonan.

Mga luhang kumikinang sa gabi, tumingin ako pabalik. Walang pag sising nag lakad palayo.

Wasurenaide.