21 Epilogo

Ten years later…

Masayang pinagmasdan niya ang natutulog na anak. Natutuwa siya dahil kahit bata pa lang ito ay nae-enjoy nito ang pagtulong sa kapwa. Sa katunayan, nag-celebrate ito ng 7th birthday sa isang orphanage noong nakaraang linggo.

"Doc, mukhang may pinagmanahan ang baby girl nating si Zhoe." Nilingon niya ang asawa na busy sa pagtatanggal ng necktie. Nilapitan niya ito at siya na mismo ang nagtanggal ng kurbata nito. "Noong nasa orphanage tayo grabe ang pag-aalala niya sa batang may sakit. Sa tingin mo, magiging doktor din kaya siya?"

Tinupad niya ang pangarap na maging isang doktor samatalang si Zach naman ay professor sa isang kilalang university.

"Kahit anong gusto niya ay susuportahan ko siya."

"Doc, susuportahan mo din kaya ang gusto ko?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sir, ano bang gusto mo?"

Hinapit nito ang beywang niya. "Malaki na si Zhoe kaya siguro pwede na ulit tayong gumawa ng baby." Nag-umpisa nang maglakbay ang kamay nito sa katawan niya.

Hinampas niya ang malikot na kamay ng asawa. "Ano ba? Baka magising si Zhoe!" saway niya.

"Lumipat tayo sa kwarto natin."

Hindi na siya nakasagot dahil basta-basta na lang siya nitong binuhat patungo sa kwarto nila. Mukhang wala itong balak magpapigil sa gusto nitong mangyari.

Wakas

Salamat po sa lahat ng nagbasa. ❤️❤️❤️

Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Someone Like You, Last Goodbye, at Love Me, Jeffrey basa na po kayo.

☺️☺️☺️☺️

Abangan niyo po ang Cindy Rella (Not A Fairytale), kuwento po 'yan ni Cindy, ang best friend ni Samantha mula sa story na Love Me, Jeffrey.

Abangan niyo din po ang Walang Tayo.

Maraming Salamat! ❤️❤️❤️

FB Name: Carmie Lopez

W*ttp*d username: Carmie_Lopez

G00DN0VEL name: J.R. McKay

avataravatar