1 Prologue: My Perfect Life?

Nakangiwi at nakapamewang ako habang tinititigan ang sobrang panget na lalaking kaharap ko. Uh, nasusuka ako sa pagmumuka niya. That face is super nakakadiri! Sobrang daming pimples, pores, sobrang lalim ng wrinkles sa noo and worst napaka-kapal ng white at blackheads sa kanyang ilong. He'll fricking never be in my standard!

"NIC, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" sigaw nito. What am I? A stupid cheap nerd!

"SHAME ON YOU! WHAT DO YOU THINK OF ME HUH?! A DUMB LIKE YOU? YOU STUPID ASSHOLE, JUST LET YOU KNOW YOU'RE FREAKIN UGLY!" irap ko sa pagmumuka niya.

Napapalibutan kami ng mga chismoso at chismosa.

"Let's go girls" tatalikuran ko na sana siya nang may bigla akong naalala " By the way loser, don't call me NIC, because we're not close!" Mataray kong sambit at hindi nagdalawang isip na talikuran siya.

Sanay na ako sa mga scene na ganito. This is not new to me anymore. Napaka assumero kasi nila. Sabagay hindi ko naman masisisi ang beauty ko dahil talaga namang nakakabighani. Walang kahit sino man ang nagtangkang kalabanin ako dahil I'm Nicole Vivain Fonteveros ang anak ni Mr. and Mrs. Fonteveros, ang isa sa kilalang mayayaman sa mundo. Lahat ng estudyante o kahit sino pa iyan, lahat sila takot sa akin.

I don't care what people feel or think because I don't have fricking time with them. I only care about myself, that's all. I get what I want and no one in this world will ever defy me. Dahil sa mga tanga sila, madali ko lang sila mapapaikot. That guy kanina, siya si Harold ang pang 21 guy na nagtangkang ligawan ako at naglakas loob humarap sa madaming tao. Pero what a shame dahil madali ko siyang napaikot. Hindi ko inaasahan na kaonting sandali lang ay hulog na hulog na siya sa akin.

'Nic, nic, nic' malambing na boses ang tumatawag sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa harapan ko, dahil sa sobrang liwanag ay napapikit ako sandali. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Who is this fricking woman? She's wearing a white dress. Nakapaa siya at nakangiti niya akong tinititigan. Is she crazy? Nakakunot noo akong nakatingin sa kanya.

"Who are you?" Taas kilay kong tanong pero hindi siya sumagot. Humugot ako ng malalim na paghinga. Bingi ba siya? O nagtatanga-tangahan lang.

"Look old lady, I don't know if galing ka sa mental o tumakas ka sa mental because your fashion right now is like a crazy old woman" sa sinabi kong iyon napatunayan kong baliw nga talaga dahil mas lalong lumawak ang ngiti niya.

Dahil sa wala siyang kwentang kausap at mukhang sinusumpong siya ng katopakan tinalikuran ko siya pero nagtataka ako. Sobrang dilim ng paligid at tanging siya lang ang lumiliwanag. Walang tao except sa aming dalawa. I don't know her at ngayon ko lang siya nakita pero how did she know my name? At bakit niya ako tinatawag?

Hinarap ko muli siya pero wala na siya doon. Tanging dilim na lang ang aking nakikita. Sh*t! Where am I? What is this place? I can't see anything. Kahit na nakamulat ang aking mga mata pakiramdam ko bulag ako dahil tanging itim lang ang aking nakikita.

"OLD WOMAN?!"

"OLD WOMAN?! WHERE THE HELL ARE YOU?"

"SOMEONE OUT THERE?"

"HELLO?! F*CK, I'M NICOLE VIVAIN FONTEVEROS AND THIS AIN'T FUN ANYMORE!!" sigaw ko. Hindi ko na maiwasang hindi maluha. Napaluhod ako at sabay sabay lumandas ang aking mga luha. Asan ako? What kind of place is this?

Never pa ako nakaranas ng ganito. If this is a dream, someone must wake me up! This ain't happening.

"Napakaselfish mo!"

"Sobrang yabang mo!"

"Ano naman kung ikaw si Nicole Fonteveros, sobrang sama ng ugali mo!"

"Nababagay yan sayo, sa sobrang dami mong niloko at pinaasa, kaya dapat lang mabulok ka diyan"

"NO, NO, NO, NO, NO!!!" nakatakip ako sa aking tainga habang humahagulgol.

"SINO KAYO?! HUMANDA KAYONG LAHAT! HINDI KO PAPALAMPASIN ITONG GINAWA NIYO!" sigaw ko sa hangin.

"What a poor, kawawa ka naman, walang nagmamahal sayo!"

"Napakatigas ng 'yong puso, nararapat sayo 'yan!"

"Nakakaawa!"

"Ahahahahahahahahahahhaahahahahhaahhahahaahhaahahahahaahahahhaahhahhaahhaahhahahahaahh!"

Tawanan at halakhakan ang bumalot sa paligid. No, no, no. Umiiling ako habang takip takip ang aking tainga. Sobrang daming tawanan ang aking naririnig.

"TAMA NA!!! PLEASE, STOP!" hagulhol ko.

"PLEASE STOP!" patuloy ako sa pagiyak.

"SINO KAYO! SINO KAYO! SINO KAYOOOO!" sigaw ko habang takip-takip padin ang aking tainga. Patuloy parin sila sa tawanan at halakhakan. Iminulat ko ang aking mga mata pero wala akong makita kundi dilim. Ni kahit isang liwanag wala.

My Perfect Life? Turns to be a disaster.

---

Author's note: Sorry for typos and grammatically wrong. I hope you guys enjoy reading it and please support this story. From my bottom of my heart, thank you:) kamsahamnida.

avataravatar
Next chapter