webnovel

My Mama's Bestfriend (GL) [Filipino]

"Ayoko Mama! Dito lang ako. 'Tsaka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahatid ka bukas ni Aya doon. Huwag kang mag-alala, mabait 'yon basta matino ka," sabay ngisi sa akin ni Mama. Ano kayang naghihintay kay Dos sa mansion kasama ang babaeng magpapatino sa kanya?

DamienSelene · LGBT+
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 8

Dos

"Shit. Parang ang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari?" Kagigising ko lamang at medyo masakit ang aking ulo. Pumikit muna ako saglit habang yakap ang isang unan.

But not until you behave... and not drunk.

But not until you behave... and not drunk.

Sino bang nagsabi niyan? And not drunk...and not—Shizuka?!

Lalong sumakit ang aking ulo nang maalala ko ang nangyari kagabi. Nawawala na ata ako sa sarili. Humalik ako sa matanda. Ta-Tapos...a-ako pa 'yong nag-initiate at humawak sa kanyang—napakatanga talaga!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil naiisip ko pa lang na nahawakan ko ang matigas niyang—Lintik ka Dos! Ang aga-aga puro kamunduhan na agad ang iniisip mo!

Dahil sa kasisigaw ko ay tinatamad na akong bumangon kahit na may pasok ako. Lintik kasing matanda 'yan. Nag-stay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang pumunta sa cr.

Maghuhubad na sana ako nang wala akong makapang suot na damit. Natulala naman ako saglit.

Walang suot na damit.

'Yong nangyari kagabi.

Shizuka.

Dali-dali ko nang binuksan ang shower at nagpakababad sa malamig na tubig na bumubuhos sa aking katawan. Wala naman sigurong nangyaring—ayoko na nga! Napahampas na lamang ako sa pader habang patuloy ang pag-agos ng tubig sa 'kin.

Nagmadali na akong maligo at nang matapos ay nagbihis na agad ako. Habang nag-aayos ako ay may biglang kumakatok sa pinto. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa.

Lalo namang lumakas ang pagkatok kaya inis na akong kumilos. Kinuha ko na ang aking bag at binuksan na ang pinto.

Bumungad na naman sa 'kin ang pagmumukha ni Ryota.

"Señorita Dos, kumain na po kayo. Naghihintay na po ang inyong agahan sa baba."

Hindi na ako sumagot pa at nauna nang bumaba nang bigla niya akong hinila. Nakakunot ang noo kong bumaling sa kanya.

"Señorita Dos, sumakay na lang po tayo sa elevator. Mahihirapan ka pa mula rito sa fourth floor kung maglalakad ka pa pababa. Ayaw ni Shizuka-sama na napapagod ka," pormal na saad nito at iginiya na ang daan papuntang elevator.

"Baka siya ang napapagod dahil matanda na siya kaya lagi siyang gumagamit ng elevator," nang-aasar kong tugon saka ngumisi kay Ryota.

"Señorita Dos, this way please."

Napailing na lang ako habang siya naman ay kinuha na ang aking bag at sumunod na sa 'kin.

Pagsakay namin ay pinindot na niya ang button pababa.

"Shizuka-sama is only thirty-four. Basically, numbers don't matter but performance do, right, Señorita Dos?" at ngumiti ito nang nakakaloko sa 'kin.

'Di ko naman agad na-gets 'yong sinabi niya. Thirty-four? Saka anong performance?

Magtatanong pa sana ako kay Ryota ngunit bumukas na agad ang elevator at nauna na itong lumabas. Magulo ang isip kong sumunod sa kanya.

Dumiretso na kami sa kusina. Nadatnan ko si Ate Yuki na abala sa kusina at 'di ko maiwasang pagmasdan ang kanyang kabuuan. Malaya ko siyang natitingnan dahil siya'y nakatalikod.

Naka-apron siya at ang tanging suot lang niya ay bra at shorts. 'Di ko tuloy mapigilang mapalunok habang pinapanood siyang inihahain ang mga pagkain.

Ang sexy mo naman Ate Yuki. Ang kinis tapos—shit! Puwede bang ikaw na lang ang ulamin, ate?

'Di ko namalayang nakatulala na ako sa kanya. Natauhan lang ako nang bigla niya akong tinawag at mabilis na inilapag ang hawak na pot.

"Dos! Ohayou!" masayang bati niya sa 'kin saka lumapit at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Nginitian niya ako at nagyaya nang kumain.

Ipinaghain niya ako ng pagkain habang si Ryota naman ay nakatayo lang sa gilid at naghihintay. Sabay na kaming kumain.

"Ate Yuki, luto mo ba talaga ito? Sana laging ganito araw-araw!" masayang sabi ko pagkatapos kong sumubo dahil ang sarap ng luto niya. Hindi ko naman alam kung anong pagkain 'tong mga 'to. Ang mahalaga masarap.

For sure, si Ate Yuki rin—masarap. Napangiti ako sa aking naisip.

"Araw-araw ganito basta sa kuwarto ko lagi ikaw matutulog," pilyang tugon naman ni Ate Yuki. "Saka ba't ka nakangiti Dos? Puwede naman nating gawin 'yang nasa isip mo, mamaya."

Hoy Dos! Nakakahiya ka talaga!

Napayuko na lamang ako at kumain na ulit. Patuloy lang ako sa 'king pagkaing nang magsalita na naman si Ryota.

"Señorita Dos, kailangan na po nating magmadali dahil naghihintay na si Shizuka-sama. Siya ang ang maghahatid sa 'yo."

Muntik ko nang maibuga ang aking nginunguya. Inabutan agad ako ni Ate Yuki ng tubig. Hindi ko na itinuloy ang pagkain at inayos na ang aking sarili.

Tumayo na ako at sumunod na kay Ryota. Paalis na kami nang pigilan ni Ate Yuki ang aking bodyguard.

"Ryota, maiwan ka na rito. Ako nang maghahatid kay Dos sa sasakyan ni Ate Shizuka," maawtoridad na utos niya.

Tiningnan muna siya nito saka iniabot ang aking bag kay Ate Yuki. Nag-bow ito sa 'min habang kaming dalawa ay umalis na.

Habang naglalakad na kami palabas ay biglang hinawakan ni Ate Yuki ang aking kaliwang kamay. Hawak-kamay kaming nagtungo sa isang magarang itim na sasakyan.

"Ate Yuki, maraming salamat sa paghatid at sa pagkain," pasasalamat ko nang makarating kami sa tapat ng sasakyan.

Nginitian lamang niya ako saka hinaplos ang aking pisngi. Hawak pa rin niya ang aking kamay ay inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin.

Nararamdaman ko na ang hininga ni Ate Yuki sa 'king mukha nang biglang bumusina ang sasakyan. Mabilis akong sumilip sa may bintana at tiningnan kung sinong buwisit ang gumawa no'n. Epal.

Ano na naman kayang trip nitong driver? Batuhin ko talaga 'tong sasakyan sa susunod.

Masama lang namang nakatingin sa 'kin ang taong kanina pa laman ng isip ko. Nakakagigil talaga. Kailan kaya matatahimik ang buhay ko?

Sumilip na rin si Ate Yuki sa loob. Nang mapansin niya ito ay mabilis niya akong niyakap nang mahigpit saka nginitian.

"Ingat ka sa pagpasok Dos. Lalo na diyan sa kasama mo," seryosong sabi niya sa 'kin. Ibinigay na ni Ate Yuki ang aking bag at nagpaalam na.

Pinanood ko naman ang papalayong pigura ni Ate Yuki hanggang sa tuluyan na itong nawala. Nakatayo lamang ako habang hawak ang aking bag at nakatulala.

Ang sexy mo talaga Ate Yuki. Sana matik—mahawakan man lang ki—

"Hindi ka pa ba sasakay? O baka gusto mong buhatin pa kita," naiinip nitong saad sa 'kin.

Buwisit talagang matandang 'to. Ba't kasi ganito pa ang naging bestfriend ni Mama.

Binuksan na niya ang pinto sa may shotgun seat. Sa halip na do'n ako pumasok ay pabalang kong binuksan ang isang pinto at umupo na sa back seat.

Prente na akong nakaupo nang mapansin ko sa rear-view mirror na masama siyang nakatingin sa 'kin.

"What? Mag-drive ka na. Mahuhuli na ako sa klase." 'Di pa siya kumikilos. Gusto niya atang dito na kami tumira sa sasakyan niya.

"Move here. Now," tukoy niya sa shotgun seat. Bahala siya. Pati ba naman kung saan ako uupo pinapakialaman niya.

"Puwede bang mag-drive—"

'Di ko na natapos ang aking sasabihin nang mabilis siyang lumabas at marahas na binuksan ang pinto ng back seat saka ako hinila palabas.

Isinandal niya ako sa sasakyan at itinukod ang kanyang tuhod sa aking pagitan. Unti-unti ay idinidiin niya ang kanyang tuhod sa 'kin.

Bahagyang nanlambot ang aking tuhod at napakapit sa kanya. Ano na naman ba ito? Shit.

Huli na nang mapagtanto ko ang aking ginawa at itinulak siya palayo. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa shotgun seat.

"'Yon pa lang ginagawa ko, sumusunod ka na agad. Paano pa kaya kung—"

"Late na ako," tipid kong sagot para tumahimik na siya. Ibinaling ko na lang ang aking tingin sa bintana at tinalikuran siya.

Sa wakas ay nakaalis na kami. Mas okay pa ata na sina Ryota na lang ang naghatid sa 'kin. Napakakupad nitong matandang kasama ko.

"Wala ba akong morning kiss?"

Napasimangot naman ako sa tanong niya. Saka anong morning kiss?

"Ah, sino ka?" pangbabara kong tugon sa kanya.

"Asawa mo," mabilis niyang sagot. Napalingon naman ako sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin.

Pinagsasabi nitong matandang 'to? Halos kilabutan ako sa 'king narinig. Siya? Asawa ko? Jusko po patawarin.

"I'm sorry kung nabitin ka kagabi. Next time, babawi ako," patuloy niya pang sabi habang nagda-drive.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. 'Di pa ako nakakarekober sa una niyang sinabi may kasunod na agad. Dapat 'di na ako nagpahatid dito eh.

Taena! Wala ng next time! 'Di na talaga ako uulit, promise. Naalala ko pa lang 'yong pinaggagagawa ko kagabi, lalong sumasakit ang ulo ko dahil nakaka-stress talaga itong kasama ko!

"Pasensya na, wala lang 'yon saka lasing lang ako kaya ko nagawa 'yon," katwiran ko. Bigla niyang inihinto ang sasakyan at bumulong sa 'kin.

"Really? Then why can't you look straight into my eyes?" Biglang nanindig ang aking mga balahibo dahil ramdam ko ang hininga niya sa 'king tenga.

Hinawakan niya ang aking baba at pinaharap ako sa kanya. "Don't worry, we'll do it again, soon. 'Di bale matagal na kitang hinihintay, halik mo pa ka—"

"Just drive!" sigaw ko at tinapik ang kamay niya palayo.

"Then sit on me. We'll drive together," at nginisian ako saka pinaharurot na ulit ang sasakyan.

Para na akong hihimatayin ngayon dahil sa mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Napapikit na ako para kumalma. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya. Mamamatay ata ako nang maaga nito.

Sa wakas ay nakarating na kami sa Ashford. Mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas ng sasakyan. Tumakbo na akong pumasok.

Pagdating ko sa 'ming room ay nandoon na si Cami at Jules. Lumapit agad ako sa kanila.

"Jules! Cami!" masayang bati ko sa kanila.

"Dos!" sabay nilang bati pabalik sabay yakap sa 'kin ni Jules. "Wala na pala si Ivy. Na-kick-out na siya rito," nakangiting dagdag pa niya.

"Ah, okay lang. Break naman na kami."

"Oy Julianne, ang mukha mo, mapupunit na," loko-lokong sabi naman ni Cami kay Jules na ngayon ay ngiting-ngiti na.

"Mukhang mape-perfect ko 'yong exam natin ngayon. Ang sarap sa tenga no'ng balita ni Dos." Nag-unat-unat pa si Jules ng kamay at braso samantalang ako ay na-stress na naman.

"Ano?! May exam tayo ngayon?!" Bago pa sila makasagot ay dumating na si prof na may dalang test papers.

Fuck.

***

"Dos, 'wag mo nang isipin 'yong exam. Paniguradong papasa tayong tatlo saka saglit lang namang tinapos ni Julianne 'yong test papers niyong dalawa eh. Kumain ka na lang," pag-aalo sa 'kin ni Cami. Lunch break na namin ngayon at nandito kami sa canteen.

"May tiwala naman ako pero ayokong bumagsak. Ang tanga ko rin kasi, 'di ko alam na may exam pala. Bahala na nga!" at nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Dos, hayaan mo na okay? I always got your back. Ngumiti ka na," at sinubuan naman niya ako.

'Di na ako sumagot pa dahil alam ko namang 'di nila ako pababayaan kaya iwinaglit ko 'yon sa 'king isipan.

Habang abala kami sa pagkain ay biglang may tumabing lalaki sa 'kin. Napatingin naman kaming tatlo rito lalo na ako na nagtataka.

"Excuse me? Sino ka?" tanong ni Jules habang kinikilatis ito.

Bahagya naman akong lumayo sa lalaki ngunit hinila ulit ako nito palapit. 'Di niya rin pinansin si Jules. Si Cami ay nakatingin lang sa 'min.

"Señorita Dos, excused ka ngayong hapon sa inyong klase dahil may training ka ng tennis hanggang 7pm ng gabi." Iniabot nito sa 'kin ang isang tennis bag.

"Pinapaalala ko lang, Señorita Dos. Nasabi ko na rin kay Shizuka-sama na kasama mong kumain si Camille at Julianne. Mauuna na ako," at tuluyan na itong umalis.

Naiwan akong tulala dahil 'di ko namukhaan na si Ryota pala 'yon. Naka-civilian lang siya kaya akala ko isang estudyante rin.

"Dos, sino 'yong lalaking 'yon ha? Bastos eh," nanggigigil na tanong ni Jules.

"Katulong no'ng bestfriend ni Mama. Inihatid lang 'yong gamit kong pang-training mamaya."

Iniligpit na namin ang aming pinagkainan at nagtungo na sa gym upang makapagpalit na kami.

Nauna nang nagbihis si Cami sa 'min at inihanda na rin niya ang mga gagamitin namin.

Kahuhubad ko pa lang ng aking t-shirt nang bigla akong isinandal ni Jules sa locker at siniil ng halik.

"Pasensya ka na, 'di ko na talaga mapigilan Dos," nag-aalalang sabi niya pagkatapos niya akong halikan.

"O-okay lang Jules. Dalian na natin baka hinahanap na tayo ni Cami."

"Oh kumusta? May nangyari na ba sa inyo? Nako Julianne, bilis-bilisan mo. Ang hina mo naman dumiskarte," bungad agad ni Cami kay Jules.

"Tumahimik ka nga diyan Camille. Para kang tanga. 'Di ako gano'n 'no. I won't take advantage of her."

Pinapanood ko lang silang dalawa. "Hoy kayong dalawa diyan, magsimula na tayo! Para maaga tayong makauwi!"

***

Makalipas ang ilang oras na training ay nagpahinga muna ako sa bleacher habang silang dalawa naman ay naglalaro pa rin.

Napasapo ako sa 'king ulo dahil medyo nakakaramdam ako ng hilo. Pagod lang siguro 'to. Pinakiramdaman ko pa ang aking sarili bago bumalik sa paglalaro.

Nahihilo pa rin ako kaya nanatili lang ako sa 'king puwesto.

Makalipas ang ilang minuto ay lumapit sa 'kin ang dalawa. "Dos, okay ka lang ba? Kanina ka pa rito eh," nag-aalalang tanong agad ni Jules.

"Medyo nahihilo lang ako pero okay naman na. Dehydrated lang."

"Sigurado ka ha? Sabihin mo kapag nahihilo ka pa. O kaya magpahinga ka na lang muna. Malapit na rin naman tayong umuwi," segunda naman ni Cami.

Nag-aalala na nakatingin sa 'kin si Jules at mayamaya'y pi-inat niya ako sa ulo. Bumalik na sila sa paglalaro habang ako naman ay nag-ayos na ng aking gamit.

***

Madilim na nang lumabas kami ni Jules sa gym para umuwi. Nauna nang umuwi si Cami sa 'min. Mauuna na sana akong maglakad nang bigla akong hatakin ni Jules sa isang tabi.

"Shh Dos. Andiyan ata 'yong mga susundo sa 'yo. Sabay na tayong umuwi." 'Di na ako sumagot pa habang siya ay tila may kausap.

Nanatili muna kami sa aming puwesto ng ilang minuto nang biglang may itim na sasakyan na huminto sa aming puwesto at mabilis na binuksan ang pinto.

Agad akong hinila ni Jules at mabilis na itinulak papasok. Pinaharurot na agad ng driver ang sasakyan.

'Di pa kami nakakalayo ay may sumusunod na sa 'ming dalawang sasakyan. Hinahabol kami.

"Sa bahay lang tayo," utos ni Jules sa driver. "Dos, umupo ka lang diyan. Pauwi na tayo. Kaya na ni Mr. Watanabe 'yang mga sumusunod sa 'tin."

Ilang saglit lang ay huminto na kami sa tapat ng isang gate na walang sumusunod sa 'min. Dito na ata ang bahay ni Jules.

Bumukas na ang gate at pumasok na kami. 'Di ko naman maiwasang mamangha sa laki at lawak ng bahay ni Jules. Mataas din kasi ang bakod kaya 'di gaanong pansin ang loob.

"Dos, halika na. Pasok na tayo para makapag-ayos at makapagpalit ka na ng damit. Ihahanda ko lang ang pagkain natin," nakangiting saad ni Jules sa 'kin.

"Mr. Watanabe, sa sala na lang 'yong mga gamit namin. Salamat," sabi naman niya sa isang lalaki na medyo may katandaan na.

Nag-bow lamang ito. Pagpasok naming dalawa ay inasikaso na agad niya ako at dinala sa cr.

Nang matapos kong ayusin ang aking sarili ay dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko si Jules na nakaupo na habang abala sa kanyang iPad.

"Jules, kakain na ba tayo? Mamaya na 'yang ginagawa mo," pukaw ko sa kanya. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin.

"Ah, oo. Halika na. Maupo ka na rito sa tabi ko." Itinabi na niya ang kanyang iPad at ako nama'y umupo na sa tabi niya.

Nagsimula na kaming kumain. Abala rin siya sa paglalagay ng kung ano-anong pagkain sa plato ko.

Iginagala ko rin ang aking tingin sa kabuuan ng bahay. Parang walang katao-tao at napakatahimik.

"Jules, ikaw lang ba ang nakatira rito?" tanong ko sa kanya habang abala na naman ito sa kanyang iPad.

"Hindi. May kasama ako rito. Bakit? Gusto mo rin ba rito?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin.

Napaisip naman ako sa tanong niya. Malayo naman ang bahay niya sa 'min saka payapa rito't mukhang walang nambubulabog.

"Puwede ba?"

Nakatingin na siya sa 'kin ngayon ng diretso. "Sigurado ka ba, Dos? Baka hanapin ka na naman at kung ano na namang gawin sa 'yo."

"Minsan lang naman eh. Saka ako ng bahala. Wala naman akong kasama sa bahay tapos lagi ring layas si Mama," pagpapaawa ko kay Jules.

"Eh si Daddy mo—"

"Sige na kasi Julianne! Wala, 'di ko rin alam. 'Di ko nga alam ang pangalan o itsura niya. Kaya Jules, sige na kasi. Tanong ka pa nang tanong. 'Di ka na lang pumayag," pangungulit ko pa sa kanya. Dami pa kasing sinasabi.

"Tara na pala sa kuwarto ko. Nagwawala ka na naman. Wala ka pa ring ipinagbago." Tumayo na siya at kinaladkad na ako paakyat ng hagdan.

Pagbukas niya ng pinto ay biglang may sumalubong sa 'min.

"Dos! Julianne! Kanina ko pa kayo hinihintay! Magsimula na tayo!" sigaw sa 'min ni Cami.

"Anong ginagawa mo rito, Ca—"

"Wala ng maraming tanong Dos. Pumasok ka na at magsisimula na tayong tatlo." Itinulak na niya ako papasok kay Cami at marahas niyang isinara ang pinto.

"Teka nga lang. Ano ngang gagawin na—" 'Di na naman ako pinatapos ni Cami dahil itinulak agad niya ako sa kama at umalis na siya.

Ano bang problema ng mga ito? 'Di ko sila maintindihan.

"Ba't naka-bra at shorts lang kayo? Mag-e-exercise ba kayo eh gabi na? Saka ano 'yang hawak mo Jules?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Oil," nakangising sagot ni Jules at lumapit na sa 'kin. "Mamaya ko pa 'to gagamitin sa 'yo."

"Dos, dito kami nakatira kaya kahit ano ang isuot namin, okay? Saka kung ano-anong iniisip mo. Gusto mo mag-gown pa kami?" katwiran naman ni Cami at tumabi na rin sa 'kin habang dala ang dalawang bag.

"Ano Jules? Sa 'kin mo gagamitin? Tapos dito ka nakatira Cami?"

Hindi na nila ako pinansin pa at inilabas na ang mga laman ng bag.

"May gagawin pa ba tayo? Inaantok na ako. Matulog na tayo," yaya ko sa kanila.

"Tumigil ka diyan sa inaantok kuno mo, Dos. Mga galawan mo talaga. Oh ito, gumawa ka ng assignment. Pasahan na niyan bukas," sabay abot sa 'kin ni Cami ng isang laptop.

"Huh? May assignment? Kailan sinabi? Matutulog na ako eh," dismayado kong sagot.

Binuksan ko na ang laptop at ilang saglit lang ay biglang may malakas na umuungol.

"Ito ba 'yong assignment? Sino naman kaya 'yong nanood nito? Naka-control shift en na nga 'di pa in-exit."

"Nautusan lang ako ni Jules. Siya kasi talaga ya—"

"Dos, gagawa raw ng algorithm. Mag-co-code tayo ngayon. 'Wag kang maniwala diyan kay Cami. Siya talaga 'yong nanood niyan," tugon naman sa 'min ni Jules na ngayon ay abala na sa pagta-type sa kanyang laptop.

Nagsimula na kaming gumawa ng kanya-kanya. Makalipas ang ilang oras ay naghihikab na ako at nangangalay na rin ang aking katawan.

"Jules, Cami, 'di pa ba tayo matutulog? Ala-una na oh. Antok na ako," tawag ko sa kanila.

"Tapos ka na ba? Gumana na ba 'yong program mo?" sagot ni Jules na tutok pa rin sa kanyang ginagawa.

"Hindi ko alam. Nag-search na lang ako sa Google tapos iniba ko. So far, okay naman."

"Ako na ang mag-che-check. Inumin mo muna 'yong itinimplang gatas ni Cami bago ka matulog." Kinuha na niya ang laptop sa 'kin at iniabot na sa 'kin ni Cami ang isang baso ng gatas.

Nang maubos ko ito ay bigla akong nakaramdam ng hilo. Napansin ko pa ang paglapit ng mukha ni Jules sa 'kin saka ko naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Bago tuluyang magdilim ang aking paningin ay biglang may sumagi sa isip ko dahil sa kanyang paghalik.

Shizuka.