webnovel

My Mama's Bestfriend (GL) [Filipino]

"Ayoko Mama! Dito lang ako. 'Tsaka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahatid ka bukas ni Aya doon. Huwag kang mag-alala, mabait 'yon basta matino ka," sabay ngisi sa akin ni Mama. Ano kayang naghihintay kay Dos sa mansion kasama ang babaeng magpapatino sa kanya?

DamienSelene · LGBT+
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 7

Dos

Isinukbit ko na ang aking bag at handa na akong pumasok. Nagmadali na ako dahil gusto ko nang makaalis dito. Kung di dahil sa katangahan ko kagabi—ba't kasi—ewan ko na talaga!

Ang tanga-tanga mo Dos!

Marahan ko munang tinapik-tapik ang aking magkabilang pisngi upang iwaglit ang nasa isip ko.

Ilang saglit lang ay nagpasiya na akong lumabas ng aking kwarto at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang bodyguard. Siya ata 'yong Ryota. Tila may kausap ito.

"Yes Shizuka-sama. Everything is in good condition." Bigla naman itong napatingin sa'kin nang matapos siya dahil kanina pa ako nakatayo sa harap niya habang siya ay nakaharang pa daraanan ko.

Wala ata siyang balak na paalisin ako rito ah. Ang aga-aga—ngayon pa talaga.

"I'm sorry Señorita Dos. And as per Shizuka-sama's order, kami na ang maghahatid sa'yo sa Ashford Imperial University araw-araw simula ngayon," pormal nitong sabi sa'kin at akmang kukunin na nito ang aking bag pero mabilis akong umiwas.

Nakikipagsukatan ako ng titig sa kaniya at gano'n din siya sa'kin. Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya at mabilis ko siyang binunggo para makaalis na ako.

Napakaaga puro Shizuka, Shizuka, Shizuka. Wala na ba silang pwedeng banggitin na iba?

Bago pa ako makahakbang ay mabilis niyang hinila ang aking bag at muntikan pa akong matumba. "Please, Señorita Dos. Bumaba ka na rin at kumain dahil ilang minuto na lang ay aalis na tayo."

"Pwede bang bitiwan mo na ako? Hindi na, papasok na ako," iritadong sagot ko. Kinuha na niya ang aking bag at tuluyan na kaming umalis.

***

Kasama ko ang limang bodyguard at lulan kami ngayon ng isang van. Tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana at hindi pinapakinggan si Ryota na patuloy lang na nagsasalita tungkol sa utos ng amo niya.

"Señorita Dos, mahigpit ding ipinagbibilin sa'min na kami rin ang susundo—"

"Nasaan ba ang amo niyo? 'Tsaka hindi ba kayo napapagod? Matanda na ako at wala kayong mapapala sa'kin. At isa pa, may cellphone ka ba? May tatawagan lang sana ako," diretsa kong saad habang nakatingin sa kaniya na kasalukuyang nakatingin sa isang folder. Nanatili itong tahimik bago bumaling sa'kin.

"Pasensya na pero hindi namin pwedeng sabihin kung nasaan si Shizuka-sama. Si Shizuka-sama lang ang pwede mong tawagan at wala ng iba." Napapikit na lamang ako sa itinuran niya.

Napakaimposible talaga ng mga taong ito. Kapag sa'kin, kailangan nilang malaman samantalang kapag ako nama'y hindi pwede.

Mayamaya ay huminto na ang sasakyan. Nandito na kami sa university. Hindi ko na sila hinintay pa at mabilis na akong bumaba dala ang aking bag. Tumakbo na ako para di nila maabutan.

Pagkarating ko sa'ming classroom ay kakaunti pa lang kami. Maaga pa pala. Napagdesisyunan ko munang pumunta sa canteen dahil kumakalam na ang aking sikmura.

Nang makarating ako sa canteen ay bigla kong nasalubong si Ivy.

"Dos, babe!" malanding tawag nito sa'kin at mabilis akong niyakap 'tsaka siniil ng halik. Tinugon ko naman ito. Wala kaming pakialam kung may makakita sa'min. Nagtaka naman siya nang bigla akong tumigil at lumayo.

"Babe, may sasabihin—" Bago ko pa masabi ang aking pakay ay hinila na niya ako palayo. Nandito kami ngayon sa isang locker room.

Mabilis niyang isinara at ni-lock ang pinto. Walang sabi-sabing marahas niya akong isinandal sa isang locker dahilan upang mapangiwi ako mula sa impact at mapusok na hinalikan. Nagsimula nang maglakbay ang kaniyang mga kamay sa loob ng aking damit. "Babe," ungol ni Ivy sa pagitan ng aming mainit na halikan.

Nang magsawa siya sa labi ko ay pinuntirya naman niya ang aking leeg. Nagpatuloy siya sa pagdila at pagsipsip kaya mas bumibigat ang aking paghinga at patuloy na umiinit ang aking pakiramdam. "Ivy, dahan-dahan lang please. Huwag mong mamarkahan," mahinang sambit ko pero nagpatuloy lang siya. Pababa na nang pababa ang kaniyang mga halik hanggang sa nakaluhod na siya sa harap ko at umabot na siya sa waistband ng suot kong jeans at pilyang nakatingin sa'kin. Bago niya pa tuluyang maibaba ang aking zipper ay may malakas na kumakalampag ng pinto.

Hindi naman natinag si Ivy pero mabilis ko siyang hinila patayo at pinagpalit ang aming pwesto. Hahalikan pa sana niya ako pero umiwas na ako. Seryoso ko siyang tiningnan sa mga mata.

"Ivy, I'm breaking up with you," at iniwan ko na siyang nakatunganga. Paglabas ko ay bigla akong namutla. Si Ryota, kasama ang dalawang bodyguards.

Mabilis niya akong hinila habang ang dalawang bodyguards ay pumasok sa loob at marahas na isinara ang pinto.

Patuloy niya pa rin akong kinakaladkad habang may kausap na hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.

Di ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng classroom at umalis na ito. Pumasok na ako sa loob. Nawala ang aking kaba nang makita ko si Cami at Jules.

"Jules! Cami!" masayang tawag ko sa kanila at mabilis naman silang lumingon sa'kin.

"Dos! Kumusta ka na?" bati sa'kin ni Cami. Agad namang lumapit sa'kin si Jules at niyakap ako nang napakahigpit. "Saan ka ba galing? Pinag-alala mo kami ni Cami. Pinag-alala mo ako Dos."

"Okay lang ako kaya 'wag na kayong mag-alala sa'kin. Mamaya na lang tayo mag-usap dahil andiyan na si prof," qt humiwalay na ako kay Jules.

Umupo na kaming tatlo at sabay-sabay nang nakinig sa klase.

***

"Dos, may training pala tayo bukas ng tennis hanggang 7pm," paalala sa'kin ni Cami. Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunchbreak na.

"Dos, pasyal ka naman sa bahay. Namimiss na kita eh. Bonding naman tayo," yaya naman ni Jules habang ipinaghihiwa niya ako ng karne 'tsaka isinubo sa'kin.

Ibinulong ko na lang kay Jules ang aking sagot at napayakap na lang siya sa'kin na may ngiti sa mga labi. Nagpatuloy lang kaming sa'ming kwentuhan at kinumusta ang isa't isa.

***

Uwian na namin ngayon at naglalakad na ako palabas nang may humarang sa'kin. Si Ryota na naman.

"Señorita Dos. Naghihintay na po ang sasakyan. Uuwi na tayo." Nakasimangot kong ibinigay sa kaniya ang aking bag at nauna nang maglakad.

Daig ko pa ang kinder sa ginagawa nilang katangahan.

Pabalang kong binuksan ang pinto ng van nang hindi ko inaasahan na kasama ang isang tao.

"Ate Yuki!" Mabilis akong pumasok sa loob at niyakap siya. "Anong ginagawa mo rito ngayon at bakit ka andito?"

Natawa naman nang mahina si Ate Yuki sa iniasal ko. "Dos, 'yan ba talaga ang ibubungad mo sa'kin? 'Tsaka 'di ba pwedeng namiss lang kita kaya gusto kitang makita?" Napangiti naman ako sa sagot ni Ate Yuki at umupo na sa tabi niya.

"Ryota, anong oras ng uwi ni Ate Shizuka? Hideki, sa hotel mo muna kami ihatid," utos ni Ate Yuki habang nakaakbay sa'kin.

"Miss Yuki, mamayang 10pm pa po ang uwi ni Shizuka-sama." Umalis na rin kami.

"Ate Yuki, sigurado bang hindi muna tayo uuwi? Baka kasi—alam mo na, si Shizuka," nag-aalala at kinakabahan kong tanong.

"Akong bahala sa'yo Dos. Hayaan mo si ate, matanda na siya." Hindi na ako kumibo pa dahil may tiwala naman ako kay Ate Yuki.

Ilang saglit lang ay huminto na kami sa isang napakalaking gusali. Binuksan na ng isang bodyguard ang pinto at nauna na akong lumabas. Iginala ko muna ang aking tingin habang hinihintay si Ate Yuki.

"Dos, let's go," at sabay na kaming pumasok sa loob habang hawak niya ang aking kamay.

Hindi naman kami nahirapan dahil sa bawat madadaanan namin ay nagbobow ang kung sinuman na employee rito.

Sumakay na kami sa isang elevator. Nakangiti lang sa'kin si Ate Yuki at marahang pinisil ang aking kamay. Pagbukas ng elevator ay bumungad sa'min ang napakaganda at napakalaking bar lounge.

"Welcome to my humble place Dos! Let's go and enjoy until we get wasted!" Tuluyan na niya akong hinila papunta sa nagkukumpulang mga tao na nagsasayawan.

Nagpakasaya lang kami at nagpakasawa sa alak. Ngayon ko lang nakasama ng ganito si Ate Yuki. Wala kaming pakialam sa'ming paligid. Kung saan-saan din ako hinila ni Ate Yuki at sumusunod lamang ako. Makalipas ang ilang oras ay hilong-hilo na ako. Nanlalabo na rin ang aking paningin.

Dahil sa kalasingan ay unti-unti nang nagdilim ang aking paningin.

***

Napasapo ako sa aking ulo nang ako'y magising. Inia-adjust ko pa ang aking paningin dahil medyo inaantok pa ako. Napansin kong nasa isang kwarto ako at nakadapang nakahiga.

"Ate Yuki?" Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin siya pero wala. Nakaramdam ako ng lamig at nalaman ko lang na wala pala akong saplot. Ano bang nangyari?

"Dos? Gising ka na pala. Inumin mo muna itong gamot para maibsan 'yang sakit ng ulo mo." Bumangon muna ako habang takip ng kumot ang aking katawan 'tsaka ininom ang gamot. Huli na nang mapansin kong naka-bra at panty lang si Ate Yuki. "Nandito tayo sa kwarto ko. Nakauwi na tayo ng mansion," malumanay niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita at gusto ko na lang magpahinga. Ilang saglit lang ay pinahiga ako nang padapa ni Ate Yuki at mabilis na tinanggal ang kumot na bumabalot sa aking katawan at pumwesto na sa likod ko.

Naramdaman ko na lang na may tumulong likido sa aking likod na nagpapagaan ng aking pakiramdam.

"Masarap ba Dos?" tanong sa'kin ni Ate Yuki.

"Oo Ate Yuki, lower please 'tsaka dahan-dahan," pakiusap ko at sinunod naman niya ito. Nakaramdam ako ng kiliti sa bawat haplos niya sa'king katawan. Nakakawala naman 'to ng stress.

Ipinagpatuloy lang ni Ate Yuki ang pagmamasahe sa'kin at nang matapos siya pinaayos na niya ako. "Dos, ikukuha lang kita ng damit." Hinalikan pa muna niya ako sa'king pisngi bago umalis.

Saglit lang ay may dala ng pamalit ko si Ate Yuki at iniabot sa'kin. Pinapanood lang ako niya akong magbihis nang biglang may malakas na kumakatok sa pinto. Pinuntahan na niya ito.

"Yuki! Where's—Dos?!" Isang malakas na sigaw ang sumalubong sa'min at bago pa ako makalingon at maisuot ang t-shirt ay may marahas nang kumaladkad sa'kin palabas ng kwarto.

"Teka! Nasasaktan ako!" Napadaing ako sa sakit dahil napakahigpit ng hawak niya sa braso ko habang hila-hila ako.

Pumasok na kami sa aking kwarto at pabagsak niyang isinara ang pinto. Kasabay no'n ay marahas din niya akong binitiwan.

"Ang dami ko ng pinalampas Dos. Alam mo ba 'yon ha?! Lahat-lahat na lang Dos! Ito na ang una at huling beses na punta mo sa kwartong 'yon. Kapag nagtangka ka pang bumalik sa kwartong 'yon, hindi mo kakayanin ang gagawin ko sa'yo." Seryoso at diretso lang 'tong nakatingin sa'kin habang nakakuyom ang mga palad. Bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko mawari kung ano ang dapat kong gawin ngayon pero hindi ko ipinahalata.

"Bakit? Anong gagawi—" Before I can finish with what I'm going to say, she silenced me with her lips.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa mapupusok niyang halik. Wala sa sariling naipulupot ko ang aking braso sa kaniyang batok at mas pinalalim ang aming halikan. Napayakap naman siya sa'kin at mas hinapit ako palapit sa kaniya.

Ilang saglit lang ay humiwalay na ako upang sumagap ng hangin. Di pa nagtatagal ay binuhat niya ako at isinandal sa wall at sinunggaban uli ako ng halik. Ang mga dila namin ay nag-eespadahan na animo'y sabik na sabik. Nagsisimula nang maglakbay ang kamay niya sa loob ng aking damit. Napaungol ako sa pagitan ng aming mainit tagpuan dahil sa kiliti na hatid ng bawat haplos niya.

Nang magsawa siya sa'king labi ay nagsimula nang bumaba ang halik niya sa aking leeg kasabay no'n ang pagtusok ng isang matigas na bagay sa aking kaselanan. Napasabunot na lang ako sa kaniyang buhok at napapikit nang bigla niyang madiin na sinisip ang aking leeg.

"Fuck." Iniupo niya muna ako sa isang mesa at sinimulan na niyang tanggalin ang kaniyang sinturon. Pinapanood ko lang siya pero ang atensyon ko ay nandoon sa nakabukol sa pants niya.

Di ko namalayan na nakalapit na siya at mabilis na kinuha ang aking kamay at inilagay sa hinaharap niya.

"You want this huh?" nang-aakit at nakangisi niyang tanong.

Napakagat-labi lang ako bilang sagot dahil mas dumoble ang init na nararamdaman ko nang makapa ko ang ipinagmamalaki niya.

Inilapit nito ang mukha sa'kin at bumulong.

"I'm sorry. But not until you behave... and not drunk."