webnovel

My Mama's Bestfriend (GL) [Filipino]

"Ayoko Mama! Dito lang ako. 'Tsaka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahatid ka bukas ni Aya doon. Huwag kang mag-alala, mabait 'yon basta matino ka," sabay ngisi sa akin ni Mama. Ano kayang naghihintay kay Dos sa mansion kasama ang babaeng magpapatino sa kanya?

DamienSelene · LGBT+
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 6

Dos

"What are you waiting for, Shizuka?"

Pagkarinig ko no'n ay tuluyan na akong binalot nang matinding kaba at takot lalo na't nakatingin silang dalawa sa akin nang nakangisi. Ang puso ko ay parang tinatambol at gusto nang kumawala sa aking dibdib. Shit, paano na kaya ako nito?

Mas papalapit pa sa akin ang bestfriend ni Mama. Patay na! Mas nagpumiglas akong lalo kahit nasasaktan ako at itinuon ang aking tingin sa aking sarili, baka sakaling may makita akong paraan. Kailangan kong makawala bago pa tuluyang makalapit ang bestfriend ni Mama sa'kin.

Bigla akong napahinto sa aking pagpupumiglas nang makaramdam ako nang matinding kilabot mula sa may humawak sa aking kanang balikat. Paglingon ko ay mukha ng bestfriend ni Mama ang bumungad sa akin na sobrang lapit sa aking mukha at nakatitig lang ito sa akin lalo na sa aking mga mata. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Nanigas na ako sa aking kinauupuan at para na akong kakapusin ng hininga nang mapadako ang tingin ko sa kaniyang kabuuan. Wala sa sariling napalunok ako nang mahagod ko ng tingin ang tatlong naka-unbutton na butones ng kaniyang pang-itaas kung saan malaya kong nasisilayan ang nang-iimbita niyang dibdib.

Kailan pa ako nagkaroon ng pagnanasa sa mga babaeng higit na mas matanda sa akin?! Lalo na sa malalapit kay Mama. Naloko na.

Patuloy ko lang siyang tinitingnan hanggang sa magawi ang tingin ko sa ibaba niya. Ayan na naman. Ba't may namumukol sa loob ng pants niya? Bigla akong nakaramdam ng init at mabilis akong umiling-iling para iwaksi ang anumang naiisip ko.

Ngunit sadyang makukulit ang aking mga mata. Awtomatiko uli akong napatingin at sa pagkakataong ito, tila mas bumabakat ang kung anumang namumukol sa loob ng pants niya at halos hindi ko magawang iiwas ang aking tingin. Sa halip, tinitigan ko itong lalo.

Totoo ba 'yong nakikita ko? O sadyang nakakaramdam na ako ng gutom?

Nawala na ako sa aking iniisip nang marahas na tinanggal ng bestfriend ni Mama ang duct tape sa aking bibig. Sa wakas ay nabawasan ang paghihirap ko at malaya ko na ulit maigagalaw ang aking bibig.

Napanis at naipon ata ang laway ko ro'n ah.

"Ma! Pakawalan niyo na—"

"Shit!" naisigaw ko na lamang habang nakapikit at iniyuyugyog ang aking ulo nang biglang may nagbuhos sa akin nang tubig na may kasamang yelo. Basang-basa na ako at nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa matinding lamig.

Pagdilat ko ay siya ring paghagis ni Mama ng isang balde sa gilid habang seryosong nakatingin sa'kin. Nagmamakaawa akong tumingin kay Mama pero sa halip ay ngumisi lang ito at umiling-iling.

Nawala ang atensyon ko kay Mama nang biglang kumandong sa akin ang kaniyang bestfriend. Para na akong malalagutan ng hininga dahil magkalapat na ang aming balat. Dahil basang-basa ako, ramdam na ramdam ko ang bawat bahagi ng kaniyang katawan na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa aking kalooban.

Yari na talaga!

"P-puwede bang umalis ka—" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niyang ipasok ang kaniyang kaliwang kamay sa loob ng aking damit habang ang kaniyang kanang kamay ay mabilis niyang ikinawit sa aking batok at idinikit niyang lalo ang kaniyang sarili sa basa kong katawan.

Nagsimula nang maglakbay ang kaniyang kamay sa loob ko. Ang bawat haplos niya ay nagbibigay-init sa akin. Lalong bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Tumigil ka na please! Dahil hindi ko na kaya ang kaniyang ginagawa sa akin ay nagpumiglas uli ako pero sana hindi ko na lang ginawa.

Mabilis niyang isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at ramdam na ramdam ko ang mainit niya hininga na nagpapatayo ng aking balahibo. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi ito. Idiniin pa nito ang sarili sa akin at hindi nakatakas sa pandama ko ang namumukol at matigas niyang harapan na tumutusok sa aking tiyan. Napapikit na lamang ako.

Kalma ka lang Dos. Huwag kang magpapadala sa matanda.

Palihim naman akong natawa sa aking naisip at pagdilat ko ay nasilayan kong namumungay ang mga matang nakatitig sa aking labi ang babaeng nasa kandungan ko. Naigalaw ko nang wala sa oras ang aking katawan na siyang pumukaw dito.

Napangiwi na naman ako nang bigla niya akong kurutin nang napakadiin sa gilid ng aking tiyan. "Please, s-stop," bulong kong pakiusap sa kaniya. Napasubsob na lamang ako sa kaniyang balikat na humihingal.

"It's already late now. We should head back, Shizuka. Ipagpatuloy na lang natin 'to sa mansion mo," rinig kong lahad ni Mama at sa huli ay ang pagsara ng pinto, hudyat na umalis na siya.

Umalis na sa aking kandungan ang bestfriend ni Mama at naglakad na papunta sa pinto. Nakahinga naman ako nang maluwag. Hay salamat! Pagbukas niya ng pinto ay huminto muna ito at tila may kausap. Nang mawala na siya sa aking paningin ay siya namang pagpasok ng limang bodyguard na sumundo sa akin noon.

Mabilis nilang tinanggal ang pagkakagapos sa akin pati na rin ang collar leash. Sa wakas ay malaya na ako at tuluyan nang nakahinga nang maluwag. Tumayo na ako at hinihimas ang aking mga braso at pulso nang bigla akong hatakin ng isang bodyguard.

Hinila nito ang aking dalawang palapulsuhan at hinawakan nang mahigpit. Lumapit naman ang isang bodyguard at pinosasan ako. Magsasalita pa sana ako nang bigla ako nitong itinulak papunta sa mga kasama niya at narinig ko ang pagkasa nito ng baril.

"This is Shizuka-sama's orders, Señorita Dos." Pagkasabi niya no'n ay iginiya na niya ang mga kasama na umalis na. Nagsitanguan naman ang iba at marahas akong hinila ng dalawang bodyguard 'tsaka kinaladkad palabas ng silid.

***

Kasalukuyan akong kinakaladkad ng dalawang bodyguard na mahigpit akong hawak habang ang tatlo naman ay nakasunod sa amin. Naglalakad kami ngayon sa hindi ko alam kung saan dahil sa sobrang dilim at ramdam kong puro damo.

Nagsisimula na akong bahingin at nakakaramdam na ako nang labis na pagod. Gusto ko nang matulog. Nanghihina na naman ako.

Ilang saglit lang ay may natatanaw na akong liwanag na nagmumula sa mansion. Kinaladkad na nila akong lalo at nang makapasok na kami sa loob ay nadatnan kong nakatayo at bagong bihis si Mama pati na rin ang kaniyang bestfriend. Magkausap silang dalawa. Napangiti naman ako nang mapagtanto ko kung sino ang nakaupo sa couch at nakamasid lang sa dalawa.

Si Ate Yuki!

Napalingon naman sa amin ang dalawa nang magsalita ang isang bodyguard.

"Shizuka-sama," at sabay-sabay na nagbow ang lima rito.

"Arigatou gozaimasu, Ryota."

Nakatingin lang ako sa kanila at nang matapos sila kung ano pang mga seremonya nila ay hinatak na ako no'ng Ryota at pinaupo sa couch, katabi si Ate Yuki. Umalis na rin ang limang bodyguards.

Bumaling na uli ang tingin ni Mama at ang kaniyang bestfriend sa'kin. Seryosong nakatitig si Mama sa akin habang ang kasama niya ay malamig at blangko lang na nakatingin habang umiinom ito ng red wine.

Naramdaman ko naman na may isang kamay na humawak sa aking mga kamay na nanginginig na nakapatong sa aking mga hita. Paglingon ko ay ang maamong mukha ni Ate Yuki na nakangiti sa akin. Bahagya niya pang pinisil ang aking dalawang kamay. Bigla namang gumaan ang aking pakiramdam sa kaniyang ginawa.

Magsasalita na sana ako nang bigla uli akong bumahing.

"Dos, five minutes. Now," maawtoridad na sabi ni Mama kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Iginiya na niya akong kumilos na. Bago ako tuluyang umalis ay nahuli ko ang bestfriend ni Mama na masama ang tinging ipinupukol sa akin at madiin na naman ang pagkakahawak nito sa kaniyang wine glass.

Tumakbo na ako paakyat sa aking kwarto at mabilis na pumasok at inilock ito. Hiningal ako ro'n ah! Ang laki-laki ng mansion na ito, ba't sa fourth floor pa ang kwarto ko? Hay.

Nanguha na ako ng towel at dumiretso na sa bathroom. Inilock ko nang maigi ang pinto, baka mamaya ay may sumugod na naman sa'kin. Nagmadali na akong maligo kahit giniginaw na. Nang matapos na ako ay nagpunas na ako 'tsaka mabilis na nagbihis at bumalik na.

***

Pagbalik ko dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina para hindi nila ako makita. Hindi naman ako nabigo dahil natatanaw ko silang tatlo na nag-uusap. Nanguha na agad ako ng pagkain pati na rin inumin sa ref at umupo na sa may black granite countertop kitchen island at nagsimula nang kumain.

Napatingin naman ako sa may wall clock.

11:35 p.m.

Nang matapos ako ay iniligpit ko na ang aking pinagkainan at nagmuni-muni saglit. Ayokong bumalik agad sa living room. Baka isuka ko 'yong mga kinain ko. Makalipas ang ilang saglit at sa tingin ko ay okay na ako ay bumalik na ako sa gawi nila.

"If there's anything you need or anything I can do, I'm always glad and willing to oblige, Shizuka. Just tell me right away," rinig kong lahad ni Mama sa kausap. Nakatalikod silang dalawa. Si Ate Yuki naman ay abala sa pagbabasa.

Naramdaman ata nila ang presensiya ko kaya di na nakasagot ang bestfriend niya at mabilis silang lumingon sa akin.

"Where have you been, Dos? I said five minutes only and it's goddamn thirty minutes after you left," seryoso at madiing sabi ni Mama sa akin at tumingin pa ito sa wristwatch niya 'tsaka humalukipkip.

Umupo naman ang bestfriend niya sa may upuan sa gilid sa harap at nagsalin ng red wine. Humigop muna ito 'tsaka nangalumbaba at nagdekwatro. Pinapanood lang kami nito habang pinapaikot ang alak sa wine glass.

"Dos, nakikinig ka ba?" Tumataas na ang boses ni Mama na siyang pumukaw sa akin.

"Ah eh, Mama, may gagawin pa ba tayo? Late na kasi eh," palusot ko sabay kamot sa aking batok.

Napahilot naman sa sentido si Mama. Halatang nagpipigil sa'kin. Take that, Mama! Umupo na uli ako sa tabi ni Ate Yuki.

Huminga muna nang malalim si Mama bago magsalita. "Walang matutulog hanggang hindi ka sasagot nang maayos at kada maling sagot, may dagdag na parusa. Maliwanag ba, Dos?"

Mabilis naman akong tumango at sumagot. "C'mon, preach Mama," nakangisi kong sabi at nagsimula na siya.

"Mahigit isang linggo kang nawala at hindi ka makontak. So tell me, saan ka galing at sino ang mga kasama mo. Sabihin mo lahat-lahat."

"Nakalimutan ko na Mama eh 'tsaka sa school lang ako." Ayoko na mag-isip. Parang di naman niya alam kung saan ako galing. Hay nako Mama.

Mabilis na hinila ni Mama ang damit ko 'tsaka pinilipit ito. Matatalim ang mga tinging ipinupukol sa akin. "Matigas ka talaga Dos. Sinasagad mo talaga ang pasensya ko," nanggigigil na bulong niya sa akin at marahas niya akong itinulak sa aking kinauupuan.

"Ganito na lang Dos, tutal di ka makuha sa ganito, you choose, stay away from Julianne or break up with Ivy?"

Bigla naman akong napatayo sa sinabing 'yon ni Mama. Hindi ka talaga nakakatuwa Mama. Lahat-lahat na lang talaga.

"Mama! Wala akong pipiliin sa dalawa. E'di nawalan ako ng girlfriend 'tsaka huwag si Jules please Mama."

Isang malakas na pagbagsak ng bote ang namutawi sa amin at pagtingin ko ay ang bestfriend ni Mama. Sobrang dilim ng mukha at nakatiim-bagang. Napalingon saglit si Mama rito at mabilis ding humarap sa'kin.

"Tita, puwede po bang hayaan na lang natin si Dos? Kung saan siya masaya? Since she's having a hard time lately and maybe, at least, we can go easy on her," mahinahong sambit ni Ate Yuki sa pagitan ng aming katahimikan. Lumapit ito sa akin at masuyong hinaplos ang aking braso.

Maraming salamat dahil andiyan ka, Ate Yuki.

"Damarinasai Yuki!" galit na galit na sigaw ng bestfriend ni Mama habang matalim ang tingin kay Ate Yuki.

Uso ata talaga sa mansiyong ito ang nagsisigawan.

Pinatahimik na silang dalawa ni Mama at nasa akin na naman ang atensyon nila. "So choose now, Dos."

Pabagsak akong umupo sa couch at pumikit saglit upang mag-isip. Bahala na nga. Dumilat na ako at umayos na ng upo 'tsaka sumagot.

"I'll break up with Ivy, Mama."

Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Mama nang marinig ang sagot ko. "Okay, do it tomorrow. After that, stay away from Julianne. No more buts, Dos. This will be the last time, and this is my final decision."

Pagkasabi ni Mama no'n ay mabilis akong umakyat papunta sa aking kwarto. Nakakabwisit ka Mama! Pati ba naman kay Julianne lalayo ako. Sila na nga lang ni Cami ang meron ako.

Di ko na alam.

Badtrip akong humiga sa kama at masama ang loob na natulog.

***

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mga bisig na bumalot sa aking katawan. Haharap na sana ako para tingnan ngunit mas humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Biglang nagising ang aking diwa nang mapagtanto ko kung kanino nagmumula ang pamilyar na amoy na naghahatid ng ibang epekto sa'kin.

Nagsimula nang maglakbay ang kamay niya sa loob ng damit ko. Nagsisimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko at nakakaramdam na naman ako nang matinding kaba. Napakapit tuloy ako nang mahigpit sa aking kumot at di ko sinasadyang maidiin ang aking sarili sa kaniya.

Bigla itong umungol nang mahina sa aking tenga at naramdaman ko na namang may matigas na sumasagi at tumutusok sa aking puwetan. Pigil-hininga ako at hindi ko alam kung paano gagalaw. Unti-unti nang nalilislis ang aking pang-itaas.

Wala sa sariling napaungol ako nang mahina dahil sa kiliting hatid ng bawat haplos niya at bahagya niyang kinagat ang aking tenga.

Pero huli na nang mapagtanto ko ang pinaggagagawa ko ngayon, katabi ang bestfriend ni Mama.

What the hell is going on me?!