webnovel

My Mama's Bestfriend (GL) [Filipino]

"Ayoko Mama! Dito lang ako. 'Tsaka Ma, sino 'yang bestfriend mong 'yan? Baka patayin din ako tulad ng ginawa mo sa akin kanina Mama," mariing tutol ko sa gusto ni Mama. "No, Dos. That's final. Nakausap ko na siya kanina at nagkasundo na kami. Ihahatid ka bukas ni Aya doon. Huwag kang mag-alala, mabait 'yon basta matino ka," sabay ngisi sa akin ni Mama. Ano kayang naghihintay kay Dos sa mansion kasama ang babaeng magpapatino sa kanya?

DamienSelene · LGBT+
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 12

Shizuka

It's been three days since the night I made love with Uji. And it's been also three days that she left.

Here I am, standing in my room at the third floor of my mansion. Staring blankly through the glass window, holding my cigarette extender and smoking through it.

"Hoy, nasaan si Dos? Ba't wala siya rito? Tatlong araw na ah! Anong ginawa mo sa kanya?!"

I keep on smoking. I heard nothing but a shouting reincarnation of Satan who lives with me in this fucking world and has a fucking life.

She's nothing but a fuck.

"Ano ba! Kanina pa kita kinakausap. Sumagot ka! 'Di ka ba talaga magtitino?!"

And I felt a pistol pressing hard against my head. I inhaled the cigarette once more then a smile crept across my face.

"Go, pull the trigger and you have your dreams. Isn't it great? Now is the time. Ano pang hinihintay mo? Pull the trigger and let's meet in hell."

"I'm already in hell because I'm with you," she hissed. Idiniin niya pa talaga sa ulo ko 'yong baril. "Dahil sa'yo, nagkanda-letse letse ang buhay ko at ngayon, may gana ka pang agawin kung ano ang akin!"

I turned around at nakatutok na sa noo ko ang baril. I only smirked at her then I blew the smoke on her face.

"Done talking? You're only good for nothing. Always talking shits and can't even pull a trigger. Go back to Japan and hug your Daddy Satan."

Siya naman ang tumawa.

This dumb ass bitch is a total psychopath.

"Die first, oldie. I'll gladly go back once I'm holding your head while dragging your lifeless body."

I looked straight to her eye. "You want an advice? Stop dreaming too much. Baka mamaya, 'di ka na magising. Mauna ka pang mamatay. Sayang naman kung 'di tayo sabay," and I turned around, inhaling my cigarette.

"I don't need your useless advice. Listen, stay away from Dos and I'll leave you alone. If you can't do that, who knows who's next to die. You're bestfriend, Yuriko? Sounds fun pero walang thrill kasi useless din naman 'yon. Pero pwede. Ano sa tingin mo?"

I remained silent kahit gustong-gusto ko na siyang basagin sa pader.

"The only thing that is waiting for you is the door. Next time, don't bring a pistol. Use a dagger instead. That's way better to kill me," I told her habang pinapanood ang ulap.

"Is that all? Wala ka bang ibang sasabihin? I heard that you and Dos were already in arranged marriage but the truth is, her tattoo on her chest is missing. Was it your family's brand? Without it, everything is nothing. Dos can be mine. Wala lang naman kung ano man ang meron kayong-

"Get out!" Sobra-sobra na ang pagtitimpi ko sa psychopath na babaeng 'to at kahit gustong-gusto ko ng pasabugin ang bungo niya ngayon ay pinigilan ko.

"Pakakasalan ko si Dos at ikaw? Mamamatay ka muna bago siya mapunta sa'yo," and I heard the loud bang of my door.

Napasapo na lang ako sa aking ulo dahil ang dami na lang laging problema. Halos hindi matapos-tapos.

In fact, sawang-sawa na akong mabuhay. Kung 'di lang dahil kay Uji, wala na akong balak pang magtagal rito.

Sa 15 years kong paghihintay sa kanya, umalis na ulit siya.

Hindi ko na naman maiwasang malungkot.

Hahanapin ko na lang ulit siya. Kukunin ko na sana sa drawer ang susi ng aking red Mazda nang biglang nag-ring ang phone ko.

I answered the call.

"Musta na K?" said the caller on the other line.

I ended the call.

My phone rang again.

"Ang sungit mo naman K! Ba't mo pinatay?! Kinukumusta lang naman kita eh. So, kumusta ka na, mahal kong pinsan?"

"I'm not fine."

"Dahil na naman ba 'yan kay Uji mo? Bumalik ka na kasi rito sa Japan. Mas maganda rito saka marami ka pang makikilalang better. Don't get me wrong ha? Pero, ayaw na kitang nahihirapan at nasasaktan. K, sobrang tagal na. Pwede ka namang umatras sa kasunduan niyo ni ano eh. C'mon K! Sumama ka kaya sa'min minsan ni Sei. Balik ka na kasi rito sa Japan!"

"You know I can't go back pa and I'm with Riko. 'Di pa time and I'm busy. Kayo na lang ni Sei. Just say hi to Sei and Meg for me. I need to go."

"Wait K! Sure ka na ba talaga diyan? Baka magbago pa ang isip mo. I only want what's best for you. Gusto ko lang naman na sumaya ka. Matagal-tagal na rin kitang hindi nakikitang masaya-

"I'm happy. Bye."

I grabbed my keys and left my mansion. I ignored my bodyguards na tanong nang tanong at pinaharurot na ang aking sasakyan.

In five minutes, nasa harap na ako ng mansion ni Riko.

I know that my Uji went here. Nandito siya.

'Di na ako nag-abala pang bumaba at tinitingnan ko lang ang kabuuan ng mansion gaya ng ginagawa ko noon pa. Nakatulala lang ako habang naka-on lang ang engine ng sasakyan.

Maaalala mo pa kaya ako Uji? Umaasa pa rin ako kahit napakarami ko ng kasalanang nagawa.

Umalis na rin ako bago pa may makakita sa akin. Habang lumilipad ang isip ko nang nag-da-drive ay nag-ring na naman ang phone ko.

"Shizuka. Galing ka sa bahay?"

Hindi naman ako makapagsinungaling. "Yes."

"Hinahanap mo ba si Dos? Wala siya rito. Hindi ko alam kung nasaan. Hindi ba kayo magkasama?"

Huminga ako nang malalim. "Hindi. Umalis siya, three days ago. Papunta rin akong Ashford University ngayon."

"Ano?! Tatlong araw na siyang nawawala? Ano ba, Shizuka! Hanapin mo na siya ngayon din! 'Pag nalaman 'to ni-ang batang 'yon talaga, wala na atang pakialam sa buhay niya. Within 12 hours, nandito na siya sa mansion. Bye!"

"It's my fault. I told her the truth."

"Wait! You told her what?! What truth? Saan doon? Umayos ka."

"Nothing big, Riko. I only called her Uji and wanted her to remember me."

"I'm sorry, K. Kung 'di lang sana siya naiwan noon-

"It's all in the past, Riko. Hindi naman natin kontroloado ang lahat. Ang mahalaga, 'yong ngayon at kasama ko na siya. We can start over again at 'di pa huli ang lahat."

"Sana nga, K. I missed her too. Take care, K," and she ended the call.

I went straight to Ashford University. Luckily, may daanan ng mga VIP at executives dito kaya 'di ako mapapansin.

Pagpasok ko sa Chairman's office, walang katao-tao at tambak lang ng mga papeles. As usual.

As the boss, wala akong ginagawa sa mga duties ko except kung related sa mafia and underground business. Office work is not my thing. Kay Riko ko ipinapagawa ang lahat lalo na ang pagbili sa Ashford University, siya ang nag-asikaso.

I wasted no time at umalis na rin ako. I started looking for my Uji. I know hindi siya pumasok. Naisip kong pumunta sa mga bar but that's impossible dahil masyado pang maaga for them to open. I also went to Julianne's but mukhang walang tao at sarado ang malaking bahay.

Pinuntahan ko na lahat ng possible niyang puntahan but wala talaga.

I even walked under the sun ng walang payong to find her pero wala talaga siya. Pawisan na ako dahil sa init nang mapatapat ako sa isang ice cream food truck.

I only stared at the ice cream food truck dahil naaalala ko na naman si Uji. Kaming dalawa.

I was 19 back then and I could vividly hear her small voice. I smiled sadly at the memory. It felt like yesterday.

"Ate ganda, ice cream po kayo diyan! Murang-mura lang. Meron din po kaming free taste! Libre lang! Pili na po kayo!"

Lumapit ako dahil masayahin si manong.

"Sa'n po ang free taste diyan?" I asked him. Bibili sana ako but may libre naman, so, 'yon na lang.

"Lahat po ng available flavors, may free taste. Pili na po kayo, Ms. Gorgeous. Wait lang po madam ha?" Inasikaso niya muna 'yong ibang namimili habang namimili pa ako.

"I want this pistachio ice cream."

"Oki doki ma'am!" In a few seconds, he handed me big cup of pistachio ice cream. I was confused why he's giving me a big cup though it's only a free taste. It was like he's giving it for free.

'Di ba siya malulugi? Wala naman gaanong namimili.

Kaaabot lang niya sa'kin ng ice cream, may iniaabot naman siyang isang vanila ice cream na naka-big cup din.

"What is this for, mister? Pistachio ice cream lang ang kinuha ko. Baka malugi ka sa'kin niyan."

Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at nahihiya pang natawa.

"Ah eh Ms. Pretty, ikaw kasi ang buena mano ko ngayong araw eh. Kanina pa po kasi ako ritong maaga at wala pa pong namimili. Buti na lang po at dumating kayo."

"Matagal ka na ba rito?" I unconsciously asked and I don'tknow why I asked that stupid question.

"Opo, 15 years na rin po akong nagtatrabaho rito. Maaga po akong nagtrabaho at 'di na nakapagtapos. Dito na rin po ako nagkaanak, hehe."

I was about to speak nang may kumukuwit sa braso.

"Wow, ice cream!" at inginuso nito ang vanilla ice cream. Hindi pulubi ang bata pero mukhang kagagaling nito sa school.

"Princess, 'wag mong abalahin ang customer ni Papa! Pasok rito, dali! Pasensya na po madam pretty ha?"

Nanlambot ang puso ko sa narinig at nakita. Pinupunasan ng lalaki ang anak niya dahil pawis ito. Bakas sa mukha ng bata ang saya kahit na pinapagalitan kunwari siya ng ama.

Ang kaninang mukhang pagod na itsura ng lalaki ay napalitan ng tuwa nang mahawakan ang kanyang anak. Nakangiti ang mga mata nito.

Mabilis akong tumalikod at lihim na pinahid ang namumuong luha sa gilid ng aking mata.

I tried my very best to keep my voice steady.

"I'll buy this food truck. Magkano ba?" Nahinto naman ang kulitan ng mag-ama sa tanong ko.

"Ah eh Ms. Beautiful, 'di po siya for sale-

"I'll buy it whether you like it or not. Mamaya, sa'yo na 'yan. And for your kid, take this," at ibinalik ko ang vanilla ice cream.

"Your wife is lucky to have you-

"Iniwan po kami. Ipinagpalit sa mayaman."

'Di na ako sumagot pa. "Thank you for the ice cream, mister. Consider this food truck yours now. Have a nice day," and I left them.

As I walked by, I felt a deep sadness again.

Right now, I want to be a child again like the kid. I could picture myself in that kid na mahal na mahal ng magulang at happy.

Because now, it's different. I need to live day by day and move forward and it's really difficult. While they only live now and will always be in my memory.

Papa, Mama.

I don't know what to do anymore.

Hindi ko inubos ang ice cream at iniwan na lang kung saan.

I tried searching over and over again kahit paulit-ulit na ako ng pinupuntahan para kay Uji ko and I'm getting frustrated kung nasaan siya.

'Di ko na rin namalayan na nalipasan na ako ng gutom kahahanap.

I know that she's safe dahil hindi naman siya lalayo at sasama sa iba na 'di niya kilala unless kalandian niya.

It will only be her friends and Julianne, sa mansion nila, sa bar, Ashford o kaya malls.

I doubt na makakapaglaro rin siya ng tennis after what happened to us that night.

Imposibleng na kay psychopath 'yon. Puntahan na niya't lahat 'wag lang doon.

Pauwi na ako nang mag-ring ang phone ko. It was Riko.

"We found her. Nag-checked in sa hotel. Pauwi na siya ngayon at sinundo. She's safe. No need to worry and isa pa pala, I booked a flight for you to Japan. Business trip. One week. You'll leave in three days."

Bigla akong kinabahan.

"Cancel the flight and the business. I won't go. If you want me to, change the location."

"It's already settled. Kilala mo ba kung sinong ka-meeting mo on that business trip? Any idea?"

Looks like something's fishy. Her tone palang na parang amused, alam ko na.

Napapailing na lang ako dahil paniguradong problema na naman ito.