webnovel

My Lover, Intruder - TAGALOG

Masaya na si Violet sa buhay niya kasama ang asawa na si Adrian. Wala na siyang mahihiling pa. Adrian was almost a perfect husband. May magandang trabaho, walang bisyo at maasikasong asawa. But when Gino came back like a ghost. Muli ay nabasag ang katahimikan ng nakaraan nila. Gino was her ex boyfriend, the one that got away. At sa pagbabalik nito ay magdudulot ng pagkalito sa kaniya sa pagiging tapat na asawa o sa isang babaeng puno ng katanungan ang isipan tungkol sa biglang pagkawala ng dating minamahal. Ano ba ang mas matimbang sa isang babaeng tulad ni Violet? Ang pamilya na binubuo niya kasama si Adrian? O mga kasagutan sa naudlot nilang pagmamahalan ni Gino? Bakit siya nagbalik? Ano ang dahilan ng pagkawala niya? Is he a friend, a lover or an intruder? - iamnyldechan

Iamnyldechan · Urban
Not enough ratings
33 Chs

Twenty Three

"Is that Sir Gino? Sino yon babae?"

"Did you heard the woman said? Mukhang mag-ex sila. Naghahabol pa ata si Sir Gino?"

"My god, dito pa sila mag eeskandalo. He was shut out."

"Naninira ng pamilya. Is that the Villamontes CEO? how could he do that? Everyone respects him."

Ilan lang sa mga samo't saring bulungan naririnig ni Gino pagkatapos siyang iwan ni Violet. Hindi siya makagalaw ng maayos sa kinatatayuan. Malinaw sa pandinig niya ang mga sinabi ng dating nobya.

TAMA NA GINO! Tigilan mo na itong kahibangan na to'.

Paulit ulit, parang sirang plaka. Mali ba talaga ang ginagawa niya? Mali ba niyang ipaglaban ang isang bagay na noon ay isinuko niya. Ngayon at alam na niya ang tunay na hangarin, ngayon pa ba siya susuko?

Mahirap lumaban ng mag-isa. Para kang sumusugod sa gera na walang armas at tanging pagpipilian lang ay sumuko o kamatayan.

Susuko o kamatayan?

Yumuko si Gino at iniwan ang kahihiyan idinulot sa kaniya. Lumabas siya ng gusali at nagtungo sa parking lot. Hinanap niya ang kotse, pagkakita niya sa nakaparadang puting Montero Sport ay mabilis siyang sumakay. Nakalimutan niyang ito ang dala niyang sasakyan kaninang umaga. Pagkasarado niya ng pinto, napuno ng katahimikan ang paligid na kanina lang ay maingay sa mga bulungan at pangungutyang naririnig niya.

"Aaaaaargh!" sigaw niya at hinampas ang manebela. Tumalsik sa likod na upuan ang phone niyang tumama sa salamin at nagkaroon ng lamat sa screen nito. Nag automatic off ito.

Pinipigilan ni Gino ang pagpatak ng luha. Hindi man siya sinampal ni Violet kanina ay pakiramdam niya ang mga salita nitong binitawan ay hindi lang sampal ang katumbas. Kundi parang isinuka siya ng babaeng pilit niyang ipinaglalaban.

Is seven years was just a waste of time?

Kinapa niya ang susi sa kanan bulsa. Hinarurot niya agad ang sasakyan palabas ng parking lot. Hindi niya alam saan magtutungo, mananahimik ba siya o magwawala. Dahil ngayon walang paglagyan ang nag uumapaw na galit at selos sa sarili niya ngayon. If he could just killed someone ay gagawin niya, pero duwag siya. At ang kaduwagan na iyon ang dahilan din kung bakit nawala sa kaniya si Violet.

"Gino!" sumigaw at tumigil sa pagtakbo si Marika nang di na niya abutan ang sasakyan hinarurot ng kapatid paalis sa lugar na iyon. Nagmadali siyang habulin ito nang umabot sa kaniya ang balitang nagkabanggaan sina Adrian at Gino sa lobby. Napakabilis ng balita, papalabas palang siya ng Marketing Department matapos niyang magpameeting sa mga staffs. Ay nakarinig na siya ng mga nag uusap na empleyado sa elevator kung saan siya sumakay.

Alam ni Marika na hindi niya kayang pigilan ang kapatid. Pero ngayon masama ang loob nito ay alam niyang sila lang din ang pupwede nitong sandalan. Wala ng ibang makakaintindi pa kay Gino kundi siya.

Inilabas niya ang phone sa isang bag at paulit ulit idinial ang numero ng kapatid. Pero naka off ito at walang sumasagot.

"Tsk, Gino naman. Saan nanaman kita hahanapin!"

inis niyang sambit at bumalik sa loob ng Villamontes.

*****

Nakatingin lang si Violet sa isang blankong document file sa laptop niya. Hindi niya alam papaano sisimulan itype ang resignation letter niya. Tulog na si Adrian sa kwarto nila at hindi pa din sila nag-uusap dahil sa nangyari.

Ayaw na sana niyang umabot sa ganoon kung kaya lang sana niyang umiwas. Pero hindi, habang tumatagal pinaglalapit sila ng tadhana at pasikip ng pasikip ang mundo.

"I need to forget you Gino.." paulit ulit na bulong ni Violet sa sarili habang umiiling iling. Kung ang pagreresign lang niya sa Villamontes ang guguhit ng linya na mag hihiwalay sa mga buhay nila ay gagawin niya, makaiwas lang siya. She could find another job if is she wanted to. Kahit nanghihinayang siya sa magandang opportunity nito, kailangan niyang unahin ang relasyon nila ni Adrian. Hindi niya hahayaan masira nanaman ng mga padalos dalos niyang desisyon ang buhay niya ngayon. It once ruined her life. At nagdulot ito ng malaking lamat sa buhay niya.

Lumingon siya sa peklat sa kaliwang pulso niya. Everytime she looked at it, naalala niya ang lahat. Ang pagsisisi, sakit, pagkabigo at trauma ay parang sumasariwa. Pero hindi niya maintindihan ang sarili na bakit sa tuwing andiyan si Gino ay nakakalimutan niya ito lahat.

Dapat kay Adrian niya ito nararamdaman.

"I'm sorry." aniya sa sarili at sinimulan na itype ang resignation letter niya. Hindi niya napansin umilaw ang phone na halos katabi lang ng laptop niya. Marika's message appear.

*****

Maagang pumasok si Violet kinabukasan. Dala na niya sa bag ng laptop ang nakaipit na letter na iaabot niya kay Marika o kay Gino. Tahimik ang buong opisina nang makita siyang pumasok ng mga kasamahan mula sa pinto palang. Ibinaba niya ang gamit sa ibabaw ng mesa. Hindi siya hinatid ngayon ni Adrian, malamang ay galit pa ito. At siguro ayaw na magkaharap pa silang muli ni Gino.

"Ate." nagulat siya ng tawagin siya ni Jed. Naalala niya na effectively today ay magreresign na siya. Kung ihold man ng Villamontes ang sahod niya ay hindi na niya ito hahabulin. She just want to leave the place.

"Magreresign na ako Jed." diretsahan niyang sinabi sa binata. Nanlaki ang mga mata nito sa narinig at hindi nakapagsalita. Maya maya lumapit sina Janna at Leo sa kanila.

"Bakit?" agad na tanong ni Janna. Ngumiti si Violet. "I don't want to cause Gino more trouble. Example iyon kahapon. Sobrang napahiya ko siya. At hindi ko na alam paano siya haharapin." nagkatinginan sina Janna at Leo.

"We heard it. Kalat na ang chismis about you and Sir Gino." anito Leo at ibinaba ang hawak na tasa. "But we can't argue that its true. Dahil totoong inaagaw ka ni Sir Gino sa asawa mo." sarkatisko niyang pahayag na kinagulat ni Violet. Akmang magsasalita sana siya pero parang umurong ang dila niya.

"Leo." pagsita ni Janna sa kasamahan.

"Diba totoo naman? Nakakahiya iyon. Boss pa naman natin siya. Tapos pag uusapan tayo, like everyone here in Villamontes are cheaters and home wreckers." galit na sinabi ni Leo.

"Hindi ka nakakatulong Leo." pag awat sa kaniya ni Janna. At sinalubungan niya ito ng kilay.

"Then what is your term of being helpul? Lets just pretend nothing happened and tell to Violet na makipagbalikan siya even she is a married woman now? We will teach her how to ruin her family. What a wild guess." nakatawang tanong ni Leo at sabay nagkibit balikat ito.

Tumayo si Violet sa kinauupuan. Natigilan ang dalawa sa pagtatalo.

"Mag ccr lang ako." bigla niyang paalam at iniwan sila. Bumuntong hininga si Janna at siniko ng malakas si Leo sa tagiliran.

"Anong arte yon!" sigaw niya sa kasamahan. Alam kasi ni Janna ang tunay na gustong iparating ni Leo. Kung tatahimik lang sila at basta bibigyan ng simpatya si Violet ay hindi nito lubos na maiintindihan ang tunay na kalagayan nila ni Gino.

They just wanna remind Violet na hindi lang siya ang nahihirapan at nasasaktan because on the other hand, how much pain and regrets could Gino bear this time?

"I just wanna make Violet learn her mistakes." matipid na sagot ni Leo. Tumalikod siya at saka kinuha ang tasa na inilapag niya sa mesa ni Violet.. "Lahat naman tayo nagkakamali, at sa posisyon niya, she thought she was doing the right thing pero ngayon, she didn't realize na may nasasaktan na siyang ibang tao." nagulat si Jed sa narinig. Lumingon siya sa isang picture frame na nakatayo sa gilid ng computer.

It was a picture taken from Violet's college university.

A picture of a two happy person.

*****

Nakatayo si Violet sa harapan ng pinto ng opisina ni Gino. Nakalapag sa dalawa niyang kamay ang resignation letter. Alam niyang hindi siya handa na harapin ang binata ngayon. Pero wala na siyang oras pa para maging duwag.

Kumatok siya. Isa, dalawa at hanggang pinangatluhan. Pero walang sumagot. Binuksan niya ang pinto at ni isang tao ay wala siyang nakita. Kahit anino ni Gino ay wala. Nandoon pa ang dalawang tasa na naiwan nilang dalawa kahapon na pinag inuman ng kape. Nakakalat pa din sa sofa ang coat ng binata na ikinumot niya.

Where is he? Iyon ang tanong sa isipan niya. Lumapit siya sa mesa nito at doon inilapag ang papel. She will just left at hindi na siya magpapakita pa sa mga susunod na araw.

"Gino is nowhere to be found." nagulat siya nang makita si Marika na nakatayo sa pintuan. Nilapitan siya nito.

"I-I'm sorry." nahihiyang sinabi ni Violet. Malapit siya sa kapatid ni Gino kaya nahihiya siyang harapin ito. Dahil sa kaniya ay madaming kumalat na chismis na alam niyang walang katotohanan.

"You don't have to be sorry." aniya at tinapik ang balikat ni Violet. "It's no ones fault." pag iling niya at kinuha ang puting sobre na may nakasulat na resignation letter.

"You will leave. I'll tell it to him soon he decided to show." matabang na sinabi ni Marika. At hindi na niya hinarap pa si Violet.

"Sorry pakisabi sa kaniya." muling sinabi nito bago siya lumabas ng kwarto. Naiwan si Marika na na nag-iisa at sandaling lumingon sa malasalamin bintana. Wala pa din siyang ideya kung saan nagtungo ang kapatid. Hindi niya tuloy alam kung papaano babanggitin dito na umalis na si Violet.

Dahil alam niyang sobra sobra na ang sakit na nararamdaman nito. Ayaw na niyang dagdagan pa.

Malungkot at tila nalilito si Violet na bumalik sa cubicle niya. Naupo siya at parang hindi niya alam ang susunod na gagawin. Magliligpit ba o ibibilin kay Janna ang mga iiwanan trabaho.

"Gino.." sambit niya sa pangalan at bumagsak na ang malalaking butil ng luha mula sa mga mata niya. Pumatak ito ng sunod sunod sa mesa niya at nag iwan ng mga marka. Pinahid niya iyon gamit ang palad.

She couldn't stop herself from crying.

Umiiyak ba siya dahil siya nanaman ang dahilan kung bakit nasasaktan si Gino ngayon o ang katotohanan na kaya na ba talaga niyang burahin sa mga alaala niya ang minsang may isang lalakeng tulad ni Gino ang nagmahal sa kaniya.

Naramdaman niya ang marahan paghagod ng palad mula sa likuran niya. Then she saw Leo offering his handkerchief, hindi na niya napigilan ang mga luha. Parang itong nagpilit kumawala at sabay ang bigat ng dibdib na dinadala niya. Lumapit sa kaniya sina Janna at Jed, pinapatahan at pinapakalma siya.

"Sorry po sa inyo." para siyang bata kung umiyak habang paulit ulit siyang nagsosorry. Niyakap siya ni Janna.

"You've done nothing wrong okay. Nagmahal ka lang." aniya nito ay hindi siya binatawan habang lumuluha siya sa bisig nito. Jed couldn't say anything. Sa matagal niyang kasama ang superior na si Violet ay ito ang unang pagkakataon nakita niyang mahina ito at umiiyak.

Does love really hurts?

If he could just do something to help, ay gagawin ni Jed. Naawa siya kay Violet dahil para na niya itong nakakatandang kapatid. Pero awa nga ba talaga ang kailangan niya ngayon o kaliwanagan sa mga nangyayari?

Sinimulan isinilid ni Violet ang mga gamit sa isang foldable box. Tinutulungan siya ni Janna na malungkot ang mukha at tila hindi makapagsalita. Gusto rin kasi niyang pigilan ito pero ano naman ang idadahilan niya. Maybe this is the best way sa ngayon. Pero hanggang kailan?

"Are you going to find a new job agad?" asked Janna. Umiling si Violet. "Magpapahinga muna ako, iyon din kasi talaga ang gusto ng asawa ko." sagot niya at saka inilagay sa kahon ang huling picture frame na nakadisplay.

"Hindi pa daw umuuwi si Gino." malungkot niyang sambit habang hindi mabitawan ang frame. Umiling iling si Leo na nakikinig sa kanilang dalawa.

"Hindi natin siya masisisi, he was hurt. Kung ako yon, I don't know what will I do? Magtatago or mag-iinom." nagulat si Violet. "Don't worry kilala ko si Gino. Uuwi din yon once he feel hungry." biro pa niya nang maibsan ang pag-aalala nito. Huminga ng malalim si Violet.

Gusto nalang niya isipin ngayon na kung nasaan man si Gino, ay sana ay ligtas to. Dahil kung may mangyari man sa binata na hindi niya nanaisin. Baka hindi niya alam ang gagawin..

Hinihiling nalang sana niya na makalimutan ni Gino ang mga nangyari kasama na dito ang pagmamahal nito sa kaniya. Para tuluyan na silang makalaya.

*****

iamnyldechan