webnovel

My Lovely Ghost

The barangay Pinili considers me bad ghost because when I threatened them, they considered me a plague ... Not until i met that guy ... The guy that makes me fall inlove ... The guy that loves me so much ... But what if he was sent to make me disappear? To lose me? Will I still love him or will I be away from him?

BlackSunshine ¡ Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

Chapter 8

ASHLEY'S POV

"Nababaliw kana ba?"iritado kong natanong sakanya dahil kung ano-ano ang sinasabi nya!

"Oo siguro?...sayo?"natatawang sambit nya

"Ano to prank nanaman?"mas inis na tanong ko

"Hinde no! Totoo tong nararamdaman ko sayo!"sigaw nya sakin kaya mas lalo akong nagulat, naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko!

"Ano ba! Wag ka ngang mag salita ng ganyan!"sigaw ko sakanya dahil ramdam na ramdam ko ang init sa aking pisnge

"Bakit? Kinikilig ka ba??"tanong nya habang nakangiting aso"o baka naman gusto mo rin ako?? Wag kang mag alala ashley tatanggapin kita"nakangiting dugtong nya pa

'Apaka kapal ng mukha ng lalaking to! Nakakainis!'

"Ako mag kakagusto sayo? Bakit naman?? Sino ka ba? Ano bang meron sayo??"inis na tanong ko at sinadya kong gawing sarkastiko ang aking mananalita

"Ouch! Ang sakit mo naman mag salita"sambit nya pa habang nakahawak sa kanyang dibdib at umaaktong nasasaktan talaga"Ang sakit marinig ang mga ganyang salita lalo na kung sa aking minamahal nag mula"sambit nya at mukha talaga syang nasasaktan

Umalis nalang ako sa harapan nya dahil hindi ko na talaga kayang makipag sagutan sakanya dahil alam ko namang sa huli ay ako rin ang talo dahil sya may nararamdaman at ako naman wala

Maya maya lang narinig ko syang nag luluto ng ulam, siguro para iyon sa kanyang tanghalian kaya naman lumabas na ako sa kwarto nya at laking gulat ko nang makasalubong ko sya

"Tatawagin na sana kita,tara na kumain na tayo"nakangiting sambit nya sakin pero kakikitaan mo sya na nahihiya rin sya sa akin

'Kaluluwa ako pero may kakayahan din akong kumain, dahil dati marami na rin akong nakuhang pag kain sa mga taong tinakot ko'

"Ahmm..promise hindi kita kukulitin sa lamesa"sambit nya pa sa akin at ang mga mata nya may halong pangungumbinsi

"Ahmm...wala namang epekto sa akin ang pag kain"nahihiyang sambit ko dahil totoo naman, kahit ilang pag kain pa ang kainin ko ay wala namang mangyayari sa akin hindi ako nabubusog at hindi rin ako nagugutom

"Ahm..ganon ba?"nahihiyang sambit nya at kumamot pa sa kanyang batok

"Lalabas na muna ako"sambit ko ngunit naging mabilis ang kilos nya nang aktong lalakad na ako papunta sa pinto agad nyang hinawakan ang kamay ko

"Anong gagawin mo sa labas?"takang tanong nya

"Kung anong pwedeng gawin?"sambit ko at binawi ang kamay ko

"Bumalik ka agad ah"sambit nya saka ako tinalikuran

Walang sabi-sabi ay lumabas na ako at pumunta sa taas ng arko

'I miss this place kahit sasandali lang akong nawala dito'

Sisinghot sana ako ng sariwang hangin ngunit kumalat ang itim na usok kaya naman agad akong sumilip sa baba, isang lalaking nag papausok sa labas ng arko

"Kailangan ko tong pag initin para pag dumating si blackshadow ay matatakasan ko sya"bulong ng lalaki sa kanyang sarili

'Seryoso? Pinuntahan nya ako para takbuhan?'

Agad akong bumaba sa arko at aktong lalapitan ko na sana sya ngunit biglang may humatak sa akin

Laking gulat ko ng makita ko ang mukha ng lalaking ito

"Anong balak mong gawin?"inis na tanong ni ethan

"Anong ginagawa mo dito?"mas inis na tanong ko sakanya

"Ano sabi ang gagawin mo?!"sigaw nya sakin kaya naman nag init ang ulo ko

"Ano bang pakealam mo?!"sigaw ko rin sakanya

"Ahmm?..bro? Ako ba ang kinakausap mo? Anong nang yayari sayo bak--"dinig kong sambit nung lalaki na nakamotor pero hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil biglang tumingin ng masama sakanya si ethan

"Shut up!"sigaw nya sa lalaki at agad napatikom ng bibig, bumaling ang tingin nya sakin at masama pa rin ang tingin"Lets go!"hatak nya sakin, hindi na ako pumalag dahil kitang kita ko sakanya ang inis

Hinatak nya ako hanggang sa bahay nya"Ano ba talaga gusto mong mangyare?!"sigaw nya sakin

"Ano bang pakialam mo?!"sigaw ko rin sakanya

"Ano ba gusto mo? Kamuhian ka ng lahat? Kung hindi kita sinundan baka hanggang ngayon nanginginig pa rin ang lalaking yon!" sermon nya pa sakin

"Ano naman sayo?"hindi intresadong tanong ko sakanya

"Ashley naman! Kelan kaba titigil sa pananakot?!"sigaw nya sakin

"Never!"sigaw ko rin sakanya at astang tatayo na pero pinigilan nya ako

"Ash? Tumigil kana please? Baka mapahamak ka pa nyan eh"sagot nya sakin at laking gulat ko ng lumamlam ang boses nya

"Hindi pwede"maikling sagot ko sakanya

"Ash? Please? Ayoko nang kinamumuhian ka nila please?"sambit nya at ang mga mata nya  ay nag mamakaawa!

"Marami na silang kinamumuhian ako"walang emosyong sambit ko

"Yon na nga ash! Marami na sila, please wag mo nang dagdagan"sambit nya, nakita ko sa mata nya ang mga luhang nag pipigil na bumagsak

'Gosh! Bat ganito tong lalakeng to? Naapektuhan ako!'

"Hindi moko naiintindihan"sagot ko at nilayo ang tingin sakanya nya! Dahil hindi ko kakayanin na makita syang ganyan

"Edi ipaintindi mo sakin!"sigaw nya at hindi nya namalayan na tinaksil sya ng luhang kanina nya pa pinipigilan, agad naman nya itong pinunasan

"Ayoko"mahinahon ko pa ring sagot sakanya

'Hindi ko maintindihan ang aking sarili, kung bakit nagiging mahinahon pa rin ako sa harap ng lalaking to, sinigawan na nya ako't lahat ganito pa rin ako, naiinis na ako sa sarili ko!'

"Bakit? Bakit ayaw mo? Atleast sa ganon maiintindihan kita, atleast may rason ako para sa sarili ko kung bakit ka ganyan"sambit nya sakin at hinarap ako sakanya ngunit ako na rin ang yumuko"ash kaya kitang intindihin, tatanggapin ko ang rason mo"at tinaas nya pa ang baba ko upang makatingin ako sakanya

"Ash? Sabihin mo sakin?"nakangiti sya sakin at kitang kita ang pamimilit sakanyang mga mata

"Hindi pwede ethan"mahinahon kong sambit at yumuko ako muli upang hindi na mag tama ang mga mata namin ni ethan

"Ashley? Bakit hindi? Tatanggapin ko kung ano man yon"inangat nya muli ako baba ko pero sa pag kakataon na to ay tinabig ko na ang kanyang kamay

"Ethan kasi hindi pwede"pasigaw ngunit mahinang sambit ko sakanya

"Bakit ashley? Bakit?!"sagot nya sakin na may pasigaw na rin, siguro dala na rin ng kanyang emosyon

"Kase baka ikapahamak mo pag nalaman mo ang dahilan!"sigaw ko na sakanya dahil para na akong sasabog dito

"Kahit anong pahamak pa yan! Tatanggapin ko"matigas na sagot nya sakin

"Ako,hindi ko matatanggap"mahinahon na sambit ko at napayuko ngunit ramdam ko pa rin ang tensyon sa buo kong katawan

"Kaya ko ash! Basta sabihin mo lang ang dahilan mo!"sigaw nya sakin

'The hell? Bakit moko sinisigawan?'

"Hindi nga pwede ethan! Bakit ba ang kulit mo?!"inis na sigaw ko sakanya dahil nag hahalo na ang emosyon ko para na akong sasabog ng tuluyan

"Bakit ba kase ayaw mong sabihin?! Kaya ko naman tanggapin ang kaparusahan kung malaman ko man!"sigaw nya rin sakin

"Bakit ba gustong gusto mong malaman?!"Tanong ko sakanya

"Dahil baka magawan pa ng paraan at baka pwedeng hindi nalang yon ang gawin mo!"sigaw nya sakin

"Ano bang pakialam mo sakin?!"tanong ko sakanya

"Kasi nga gusto kita!"sigaw nya at saka ako binitawan at lumayas sa harapan ko

'Kung alam mo lang ang dahilan ng pananakot ko baka tulungan mo pa ako..'

Hello thankyou for reading this chapter!

Follow and vote my story for more updates

Lablabbb💋

-BlackSunshine