webnovel

My Lovely Ghost

The barangay Pinili considers me bad ghost because when I threatened them, they considered me a plague ... Not until i met that guy ... The guy that makes me fall inlove ... The guy that loves me so much ... But what if he was sent to make me disappear? To lose me? Will I still love him or will I be away from him?

BlackSunshine · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

Chapter 2

ASHLEY'S POV

Tapos ko nang takutin ang mga babaeng maarte kanina

'Ngayon alam na nila na hindi kwentong bata si blackshadow...duhh ganda kong to? Kwentong bata lang? No way'

Bago ko iwan yung mga babae ay syempre binalik kona yung mga gasolina nila saka binalaan ko na sila na hindi kwentong bata ang mga katulad ko,sinabi ko rin sa kanila na ang baranggay pinili ay hindi tumatanggap ng dayuhan,pag sabi ko non ay nag paalam sila agad sakin saka pinaharurot yung van nila palayo

'Ilan pa kaya makakakilala kay blackshadow? Hmm? Ilan kaya magiging fans ko?'

Natawa nalang ako sa sarili kong iniisip,naka upo ako muli sa arko ng baranggay pinili at natanaw ko ang matandang babae na nag lalakad sa hindi kalayuan at marami syang dala,kitang kita sakanya na nahihirapan sya

Dali dali akong bumaba at inayos ang sarili ko

'Siguro naman mapag kakamalan nya akong tao saka hindi naman nya siguro mapapansin na lumulutang ako hehe sana hindi ko sya matakot'

Nung malapit na sya ay sinalubong kona ang matandang babae

"Ahmm...manang tulungan kona po kayo"aktong kukunin kona ang mga dala nya ay bigla nyang iniwas ang mga iyon kaya naman dahilan yun upang magulat ako

'Nalaman nya agad na multo ako?'

Nakatitig sya sakin,sasabihin kona sana na wag syang matakot kase baka mamaya atakihin pa dito ito at maging kasalanan ko pa

"Apaka ganda mo namang babae hija.."sambit nya at aktong hahawakan ako pero umiwas ako at sa halip ay kinuha ko nalang ang mga bitbit nya

"Ahm..manang saan po ba kayo?"tanong ko at napangiti sya sa hindi ko malaman na dahilan

"Apaka bait mo naman"sabi nya at nag simula nang mag lakad"Dito hija sundan mo ako"naka ngiti pa ring sambit nya hindi ko tuloy maiwasang ngumiti na rin

Nakarating kami sa bahay ni manang,hindi naman sya sobrang layo pero hindi rin naman ganon kalapit,nakita ko ang bahay nya apaka ayos hindi man ganon kalaki ngunit apaka linis naman

"Dito mo nalang ibaba yan hija"turo nya dun sa may lamesa,sumunod naman agad ako at nung aktong lalabas na ako"Sandali"sambit ng matanda kaya naman lumingon ako

"Bakit ho?"takang takang tanong ko dahil nakangiti pa rin sya sakin,lumapit sya sakin kaya naman napaatras ako,napunta na ako sa labas ng pintuan

"Wala naman naaalala ko lang sa inyo ang aking apo na nasa maynila na"nakangiting sambit nya na tila ba inaalala ang itsura ng kanyang apo

"Ganon po ba"nakangiting sambit ko saka napakamot ako sa batok ko"Ahm sige po una na po ako"nakatitig lang sya sakin kaya naman nailang ako,ako'y nakatalikod na sakanya

"Salamat ng marami blackshadow..."sambit ng matanda kaya naman nagulat ako at nung lumingon ako ay sinara na nya ang pintuan

'Alam nyang multo ako?'

Nag tuloy tuloy na ako sa pag balik sa may arko

Maya maya lang ay may nakita akong mga grupo ng kabataan kaya naman napangiti nalang ako

Bumaba ako sa arko at sinalubong sila agad na tumingin sakin ang isang babaeng nakasalamin siguro ay nakikita nya ako

May kakayahan akong ibahin ang itsura ko sa sandaling panahon,nag lagay ako ng mga dugo sa aking mukha at pinamukhang isa akong nasagasaan na babae at yon ang kinamatay

Naupo ako nung malapit na sila sa akin,tinignan ko lang ang isa sa kanila na tila bang nakatingin rin sakin"Tulungan mo ako..."nag mamakaawang sambit ko kaya naman nagulat sya at lumapit sa akin

"Ano pong matutulong ko?"halatang takot na tanong nya

"Hanapan mo ako ng hustisya"masamang ang tingin ko sakanya

"Jessa ano bang ginagawa mo dyan?"tanong ng isang babae na parang maarte,tinignan ko sya ng masama dahilan upang matakot ang babaeng nasa harapan ko na tinatawag nyang jessa

Tumayo ako upang lapitan ang babae pero sumigaw si jessa"Maria! Iwasan mo sya!"sabay tulak sa kaibigan,galit naman itong tumingin sakanya

"Ano bang problema mo?!"sigaw ni maria at nag pagpag pa

Tinignan ko ang mga kasama nila at nakalayo na ang mga ito at hindi napansin ang pag kahiwalay nila sa grupo

"Hahawakan ka nya!"sigaw pa ni jessa kaya naman nanlaki ang mata nya

"Anong mang yayari pag nahawakan nya ako?"nanginginig na sambit ni maria

"Mabubuksan nya ang third eye mo,katulad sa akin"sambit nya"kaya iwasan mo sya!" Sigaw nya nung akmang lalapit na muli ako sa kaibigan nya

"Paano?! Paano ko sya iiwasan?!"sigaw nito na parang naiiyak na"Hindi ko nga sya nakikita eh,iwasan pa kaya?"takot na takot nyang sambit na parang naiiyak nanaman

Lumapit ako ng mabilis sa kanya at hinawakan ang noo nya upang bumukas ang third eye nya,isa yan sa mga kakayahan ko bilang multo,ang mag bukas ng third eye

"Maria..."nanghihinang sambit ni jessa ng makitang tumumba si maria

"Jessa..."sambit nito ng tuluyang lumapit na si jessa sakanya

Maya maya lang ay pareho na silang naka tayo

Nakangiti ko silang sinalubong kaya pareho silang napatili

"Yan sa wakas pareho nyo na akong nakikita"nakangiting sambit ko"Anong pakay nyo dito sa baranggay na binabantayan ko?"nananakot na tingin ko sa kanila

"We're ju--st-just"nanginginig na sambit ni maria na para bang naiiyak na

"What?!"sigaw ko sa kanila kaya naman naluha na sila

"Ang totoo po ay ikaw ang pakay namin,ikaw po ang hinahanap namin"nakayukong sambit ni jessa at halatang takot na takot

"Para saan?"inis na tanong ko

'So sinadya nyo pala ako dito,pagsisisihan nyo ito'

Napangisi ako sa sarili kong iniisip

"Para sa vlog namin"nakayukong sambit ni jessa

"Gagawin nyo akong katuwaan?"galit na tanong ko sa kanila,hindi naman ako nabigo nanginig sila

'Napapasaya nyo ng totoo ang puso ko'

"Hindi po,papatunayan lang po talaga namin na totoo ka"sambit pa rin nung jessa

"Ngayon napatunayan nyo na natotoo ako"nakangising sambit ko

"Sorry na po hindi na po mauulit"paumanhin nung dalawa

"Bibigyan ko kayo ng isang oras upang hanapin ang mga kasama nyo at makaalis"mahabang sambit ko

"Opo sige po"nagkukumahog na sambit nila sabay takbo

'Tumatalon ang puso ko sa tuwa dahil sa inyo'