webnovel

My Lovely Ghost

The barangay Pinili considers me bad ghost because when I threatened them, they considered me a plague ... Not until i met that guy ... The guy that makes me fall inlove ... The guy that loves me so much ... But what if he was sent to make me disappear? To lose me? Will I still love him or will I be away from him?

BlackSunshine · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

Chapter 11

CAMILLE'S  POV

Pauwi na ako ngayon sa bahay ko galing kay ethan

'Nararamdaman ko talagang wala syang girlfriend at ayaw nya lang muna siguro na makipag flirt, don't worry baby makukuha rin kita'

Pag pasok ko sa aking bahay laking gulat ko na patay lahat ng ilaw?

'Sa pag kakatanda ko iniwan ko to lahat ng bukas  ah? Dahil madalas na akong gabi umuuwi'

Nag tuloy nalang ako sa pag pasok at kinapa ang switch ng ilaw ngunit sa aking pag galaw ng kamay ay may naramdaman akong humawak dito kaya naman napasigaw ako

Ngunit pag tingin ko sa gawing iyon ay wala naman na kahit ano

"S-sino n-nandyan?"takot at utal na tanong ko habang nakatingin sa dilim

'Ngayon ko lang to ramdaman! Sobrang lamig ng aking buong bahay!'

Naramdaman ko namang may humawak sa aking batok kaya naman napalingon ako sa likod ko at gaya kanina walang tao

"S-sino ka?!"nag mamatapang na tanong ko ngunit ramdam ko na ang pangangatog ng aking mga tuhod

Agad akong tumakbo papunta sa may pader upang abutin ang switch ng ilaw ngunit tila ba parang lumalayo sakin ang pader at hindi ko magawang abutin ang ilaw

"Camille..." agad akong napatingin sa pinang galingan ng boses ngunit wala pa ring tao

"Sino ka?!"sigaw ko ngunit may naramdaman akong may humawak sa aking noo at nakaramdam ako ng hilo"Ahh! Ahh! Ang sakit!"sigaw ko habang nakaupo sa may gilid at namimilipit sa sakit ng aking ulo

Marami akong boses na naririnig mga boses na tumawa at mga boses na may galit pati na rin ang boses ng humihingi ng tulong

"Wahhh! Sino kayo!"sigaw ko habang nakapikit ngunit maya maya lang ay nawala ang mga boses, nawala ang sakit ng aking ulo kaya naman dumilat na ako

Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa paligid, maayos ang lahat parang walang nangyari

Umikot-ikot ako at tinignan ang bawat sulok ng aking bahay at may nakaagaw ng aking pansin

'Kala ko tapos na hindi pa pala'

Kahit madilim ay nakikita ko ang isang babaeng nakangiti sakin ngayon

"Ayan, nakikita mo na ako ngayon" nakangiti nyang sambit na nag dulot sakin ng kaba, ang boses nya ay nakakapag dala ng kilabot sa buo kong katawan

"S-sino ka b-ba??"nanginginig na tanong ko dahil ang mga ngiti nya ay para akong papatayin

"Hindi mo ako kilala?" nawala ang ngiti sakanyang mukha kaya naman umiling ako agad "nakakalungkot naman kung ganon" sambit nya pa na lalong nag dulot sakin ng kaba "natatakot ka ba sakin camille?"  Her evil smile draw in her face

"Sino ka ba?!"pilit kong pinapatapang ang boses ko kahit sobrang nangangatog na ang mga tuhod ko

"Ilang taon ka na ba dito camille? Bakit hindi mo ako kilala" tanong habang palapit ng palapit sakin

"Wag kang lalapit!"sigaw ko sakanya

"Sagutin mo ang mga tanong ko hindi tayo mag kakaproblema" sambit nya habang nakangiti

"Ano ba ang mga tanong mo?!"sigaw ko sakanya

"Madali lang naman, wag kang mag alala" nakangiti nya pa ding sagot " ilang taon kana dito sa baranggay pinili?" Tanong nya pa at tumigil na sa pag lalakad

"Mag tatatlong buwan palang ako dito"kalmado pero kabado kong sagot sakanya

'Ghayddd! Baket ako nakikipag usap sa multo?'

"Matagal-tagal na ren pala, bakit hindi mo ako kilala??" Kahit anong sabihin nya ay nag dadala pa rin ng kilabot sa aking katawan

"S-sino ka ba talaga?" Utal na tanong ko sakanya

"Nakakalungkot naman na hindi mo alam  kung sino ako" nakangisi nyang sambit

"P-please tigil mo na i-ito" naiiyak na sambit ko sakanya

"Dapat pag pumasok ka sa baryong ito alam mo na rin dapat ang pangalan ko" nakangisi pa rin syang nag sasalita

"I-ikaw s-si b-black sha-shadow?" Utal-utal na talagang salita ko

Ngunit ang sumunod na kilos nya ay hindi ko inaasahan, ang biglang pasugod na lapit nya kaya naman napaatras ako at nakorner nya ako sa pader

"Ayan kilala mo na ako" nakangisi nyang sambit saka ako hinawakan sa mag kabilang braso

"Sabi ng marami wala kana?"takang tanong ko dahil yun naman talaga ang nalalaman ko

Noong nakaraang buwan? Nag diwang ang mga tao dahil wala na raw ang salot na multo na si blackshadow

"Hindi lang ako masyado nag papakita? Nawala na? Hindi sila o hindi kayo ang makakapuksa sakin" nakangisi nyang sambit   "camille sabihin mo? Natatakot ka na ba sakin?"nakangiti nyang tanong

"Pag sumagot naba ako aalis kana?"nangangatog na tanong ko

Ngunit ang pag bukas ng pintuan ang kinagulat naming dalawa, isang lalaki ang pumasok sa bahay ko at hingal na hingal sya

"E-ethan?" Gulat na tanong ko

"Bitiwan mo sya blackshadow!"sigaw nya sa multong nasa harapan ko ngayon

'Nakakakita rin sya ng multo?'

"HINDI! AYOKO!" Sigaw naman ni blackshadow

Ngunit ang salita na yon ay nakapag pabigla sakin dahil biglang napaluhod si ethan at humawak sa puso nya

"Ahhh! Ang sakit!" Sigaw ni ethan habang namimilipit sa sakit

Bigla namang napabitaw sakin si blackshadow at aastang lalapit kay ethan pero sumigaw si ethan

"Hindi! Wag kang lalapit sakin!"sigaw nya kay blackshadow

'Mag kakilala sila? Bakit ganyan umasta si ethan kay blackshadow? Saka bakit sya nasasaktan ng ganyan? Kanina pa naman ako sinisigawan ni blackshadow pero wala naman akong nararamdaman, at ang pinaka huli? Bakit tila nag bago ang aura ni blackshadow parang? Nag aalala sya kay ethan?'

Dali dali naman akong tumakbo palapit kay ethan at tinulungan sya, ngunit laking gulat ko nang yakapin ako ni ethan

"Ethan.." gulat na sambit ko

"Umalis kana.."dinig kong sambit ni ethan kaya naman napatingin ako sakanya at nakita kong kay blackshadow sya nakatingin

"Ang paalisin ako ay ayos lang ngunit ang paalisin ako habang may kayakap kang iba...sisiguraduhin kong huli na to sinta.."sambit ni blackshadow at parang naiba na ang pananalita nya??

ASHLEY'S POV

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni ethan dahil sa mga sinabi ko

'Pangako ethan kung ako mismo ang nakakasakit sayo, lalayo na ako'

Lumabas ako sa bahay na yon ng hindi lumilingon pabalik

Ngunit nabigla ako ng makita na may nanonood sa may bintana..

Isang babaeng parang tuwang tuwa pa sa mga nangyari...

Dahan dahan syang lumingon sakin at laking gulat ko na sya pala yon!

"De layla..."mahinang bulong na nakapag palambot ng tuhod ko

'Di ko alam ang sasabihin dahil ang tanging nasa utak ko ngayon ay nasaktan ako ni ethan....'