1 chapter 1 gubat

Gubat

Chapter 1

      Sa gitna ng gubat...may isang lugar don na pinagbabawal ang pasukin ng kahit na sinuman...ang kwento ng nga matatanda...may animoy lugar doon na nakatago...kung saan may nakatirang halimaw...kaya mula noon..walang nagtangkang pumasok sa nasabing gubat...pero dahil sa araw araw na nangyayare sa paligid 3ng magkakaibigan ang nagtungo sa gubat para maghanap ng mga maaari nilang maging ebidensya...

     Si Aries...makulit na binata...isang alagad ng batas...tagahuli sya ng mga kriminal...sya ang nangunguna sa kanilang tatlong magkakaibigan...

     Si Monica...isang magandang babae,at isa din syang alagad ng batas...makulit din sya minsan...at matagal na syang may gusto kay Aries...

     Si clark...ang pinakaduwag na alagad ng batas...sya ang pinakamatatakutin sa kanilang lahat na opisyal...anak sya ng isang mataas na katungkulan sa kapulisan...matagal na syang humahanga kay Monica...pero hindi nya masabi dito dahil baka hindi naman sya magustuhan nito kaya nauwi na lamang sa pagkakaibigan ang lahat...

       Habang nilalakbay nila ang kagubatan...

"Oyyy,,,clark...ano ba bilisan mo nga maglakad...aabutin tayo ng gabi nyan eh!"anan ni monica...

"Oo na,eto na.bakit ba kase tayo pumasok dito?alam nyo naman ang kwento sa gubat na ito di ba.!"anan naman ni clark...

"Bakit?natatakot ka ba?wag mong sabihing natatakot ka?"asar ni Aries...

"Uyy,ako,natatakot,hindi kaya...kaya lang hindi naman kase maiiwasan na matakot ka sa ganitong liblib na lugar noh!"anan ni Clark...

"Oo na,nagtataka naman ako sayo eh!bakit ka ba kase naging alagad ng batas?eh!saksakan ka naman ng duwag."anan ni Monica...

At habang nag uusap ang dalwa sa unahan ay nahuli ng lakad si Aries dahil natanggal ang sintas ng kanyang sapatos...kaya naman naiwan sya ng dalwa...magsasalita pa sana sya ng biglang...

Gumuho...

Ang lupang kanyang inaapakan...

At syang nahulog don...malalim ang kanyang napagbagsakan...kaya naman hindi sya maririnig ng sinumang nasa taas...kahit sumigaw pa sya...

Sigaw...

"Saklolo,,,oyyy...monica,clark...nandito ako tulungan nyo ko..."anan ni Aries...

Pero walang nakakarinig sa kanya...at sa kanyang pag iingay dun lamang sya nakaramdam ng takot...at napaisip na baka iyon ang lugar ng halimaw...

Takot...

Kilabot...

At nanginginig na ang buong kalamnan nya sa takot...pakiramdam nya mabigat na ang katawan nya...at parang pagod na pagod na sya...kaya naman...sumuko na ito sa pag sigaw ng makarinig sya ng kaluskos...

Isang ingay mula sa madilim na sulok...ingay na nagbigay sa kanya ng pagkahilakbot...at takot...pakiramdam nya napaihi na sya sa kanyang kasuotan...

Mainit ang lugar...malalim pati...kaya hindi nya alam kung anong oras na sa labas...

"Ano ba toh?natatakot na ko..."anan ni aries sa sarili kaya naman...tumayo sya para muling tumawag ng tulong...

"Nasan na ba kase si Aries? Aries...aries...wag ka na ngang magbiro ng ganyan...lumabas ka na...gusto mo na namang solohin ang paglutas sa kaso kaya ka nagtatago..."anan pa ni Monica...

"Monica,h-hindi kaya kinuha na sya ng halimaw ng gubat?"anan ni clark at...

"Ano ka ba?naniniwala ka don.walang halimaw,ok.tara na nga hanapin na ulit natin si Aries...nadilim na ang paligid..."aya ni monica...nilibot na nila ang paligid...pero wala naman silang makitang Aries sa paligid...

"Monica,mabuti pa kaya,bumalik na tayo sa istasyon...mag pa back up tayo...para mahanap si Aries..."anan ni clark kaya naman kahit ayaw pa sana ni monica ay wala na syang nagawa...madilim na sa paligid...wala namang tao don kundi sila...

  Kilala naman ni Monica si Aries...pero hindi nya alam ang dahilan kung bakit hanggang ngayon sa edad na 22 ay wala pa itong nagiging nobya...at hindi ugali ni Aries ang magtago ng ganon katagal...oo,palabiro si Aries pero hindi sa pagkakataong ito...kaya naman bunalik na ang mga ito sa bayan kung nasan ang istasyon para magpatulong na hanapin si Aries...

     Samantala...sobrang dilim na sa kanyang kinabagsakan...pero hindi nya alam kung bakit sa isang sulok ay may kung anong liwanag ang pumupukaw sa kanyang paningin...

"Liwanag?ano toh?"tanong ni Aries na unti unting nilalapitan...at habang lumalapit sya ay lumalaki ito...at lumalaki din ang liwanag...at nang makalapit na sya ay...

"Dyamante??bakit may dyamante dito?saka bihira ang ganitong bato dito?at bakit sya nagliliwanag?"tanong pa ni Aries at...

"Hawakan mo ko..."anan ng boses babae...kaya nagkaroon ng takot si Aries pero hinanap nya ang boses na iyon...at...

"Sino ka?"tanong pa ni Aries...

"Hawakan mo ko,at makikita mo ko."anan naman ng boses...

"Hawakan...a-alin ang hahawakan ko?"anan pa ni Aries...

"Hawakan mo ang nagliliwanag na bato,para makita mo ko...gusto ko ng lumabas dito..."anan pa ng boses ng nagmamakaawang babae...

"At bakit ko naman gagawin yon?mamaya nyan isa ka palang halimaw at kainin mo ko..."anan ni Aries...

"Hindi,hindi ako halimaw...sige na,hawakan mo na ang bato ng liwanag."anan pa ng boses...

     Nag aalangan si Aries...kung anu ba ang dapat nyang gawin?

"Ano?hahawakan mo ba yang bato ng liwanag o mananatili ka na lang dito sa loob ng bahay ko."anya pa at...

"Oyy,hindi naman pede yun noh!hahanapin pa ko ng mga magulang ko...sino ka ba kase talaga?"tanong pa ni Aries...

"Ok,sige...eto...bibigyan kita ng isang pangako..."anan ng babae at napatingin si Aries sa bato ng nakakunot ang noo...

"A-anong pangako naman yon?"tanong ni Aries...

"Pag inilabas mo ko dito,ibabalik kita sa mundo mo...at syempre sasama ako don...pag hindi naman...ehh!di manatili ka dito sa kweba."anan ng babae...

Isip...matagal na pag iisip...

Isip...isip...matagal na pag iisip

"Uyyy,ano na?mailalabas mo ba ko dito?mawawala na ang liwanag ng bato."anan ng babae at...biglang...

"Oyyy,ang ingay mo naman...nag iisip pa ko eh!sige na...papakawalan na kita...pano ba?ano bang gagawin ko?"tanong ni Aries

"Ok,sige...hawakan mo ang bato...tapos sabihin mo ng taos sa puso ang gusto mong sabihin tapos makakalabas na ko."anan ng boses at nag aalangan man si Aries na hawakan ay binigla nyang inilagay ang kamay sa nagliliwanag na bato habang nakapikit sya ng mariin...

"Kung anong gusto mong sabihin...sabihin mo kung ano ang nasa puso mo?"anan nito at...sa pagpikit ni Aries ay...

"Gusto kitang makita..."anan ni Aries at bigla ay may anong bagay ang nagbukas sa di kalayuan s kanya at lumabas don ang isang babae na maganda,nakaputi ito...ng damit...may mahabang buhok...at...bigla itong lumapit kay Aries at niyakap...

"Ikaw din ang gusto kong makita...at makasama..."anan nito kaya naman ang nagliwanag na malaking dyamante ay lumiit na...at parang pede na lamang itong gawing palawit sa kwintas...

     Sa pagkakayakap ng babae sa kanya...hindi nya alam kung ano ang bigalng naramdaman nya...kaya naman...

"Oyyy,pede ba,bumaba ka nga...para ka namang pusa na nakapulupot sa akin eh!"anan ni Aries at bumaba ang babae...

"Teka,sino ka naman?"tanong ni Aries...

"Wala akong pangalan...nasa mundo ako ng mga tao...kaya hindi ko alam ang aking pangalan..."anan ng babae na nalulungkot...

"Oyyy,wag ka ng malungkot...ahh!alam ko na...💡💡💡"anan ni Aries...

At tumingin ang babae kay Aries...

"Dahil babae ka,ipapangalan ko sayo krystal...dahil konektado ka sa dyamanteng ito..."anan ni Aries...at pagtingin nito ay naging isang maliit na lang na pangkaraniwang bato....

"Ayyy,anong nangyare sa bato?"tanong ni Aries...

"Lumiliit ang bato na yan,pag akoy nakakalaya dito sa lugar na ito...at nandyan sa bato na yan nakasalalay ang aking buhay..."anan ng babae at...

"Teka,ano bang klaseng nilalang ka...at nakatira ka sa ganitong lugar..."anan ni Aries na nilibot ang kweba...

"Masaya naman ako dahil nandito ka...ikaw ang gusto ko ding makasama..."anan nito at napatingin si Aries sa dalaga...

"Ano bang sinasabi mo?kanina ka pang nagsasabi ng ganyan..."anan ni Aries at sumimangot ang dalaga...

"Wag ka ng malungkot,dqpat masaya ka na dahil nakalabas ka na dyan sa lungga mo...teka...nga pala may alam ka ba kung pano ako makakalabas dito?"tanong ni Aries at tumingin sa kanya ang dalaga...

"Lalabas ka,iiwan mo na naman ako..."anan ng dalaga...

"Ayyy,hindi naman ako pedeng manatili dito...may responsibilidad ako na dapat gampanan sa tao,at sa pamilya ko..."anya ni Aries

"Kung ganon,pede akong lumabas dito..."anan ng dalaga...

"Oyyy,ilabas mo muna ako dito...kung gusto mo ding lumabas."anan ni Aries at...

"Idikit mo ang batong hawak mo sa mga batong nakaharang na yan...at magbubukas na ang mga yan..."anan ng dalaga at...

"Idikit...sigurado ka...alam mo ang laki na nang duda ko sayo may sa halimaw ka ba?o baka devil ka huh!"anan ni Aries

"Ano bang sinasabi mo?hindi ako yun...sige na..."anan ng babae at wala namang nagawa si Aries kundi sundin ang sinasabi ng pinangalanan nyang Krystal...

    Ginawa nya ang sinasabi nito at nagawa naman...nagtagumpay si Aries kaya naman..."gutom na ko...gusto ko ng pagkain..."anan ni Krystal at...

"Pagkain...wala akong dala nyan..."anan ni aries at lumapitbsa kanya ang babae...

"Uyyy,ano ba,Krystal...may lahi ka bang pusa?"tanong ni Aries at hindi sumagot si Krystal...

    Nakalabas na si Aries pero ang pinagtataka lang nya bakit hindi makalabas si Krystal...Madilim na sa paligid...at sa tingin nya walang naghahanap sa kanya...

    "Grabe naman sila...hindi man lang nila ako hinanap...ganon ba talaga sila..."anan ni Aries na ang tinutukoy ay si Clark at monica...

    "Oyyy,ano?bakit hindi ka makalabas dyan?"tanong ni Aries..."hindi pa ko lubusang nakakalaya...kaya ganito ang nangyayare sakin."anan ni Krystal...

"Ganon ba,ehh!anong alam mong paraan para makalabas ka dyan...baka matutulungan kita."anan ni Aries at...

"Gutom na ko.gusto ko ng pagkain..."anan ni Krystal...

"Ok sige ganito na lang...babalik ako...ihahanap kita ng pagkain...pero pede bang magtago ka na lang muna baka may makakita sayo."anan ni Aries at ngumiti lamang si Krystal...at saka lumayo na sya sa bukana ng kweba...at iniwan na sya ni Aries don at nagbalik na sa bayan si Aries...

avataravatar
Next chapter