webnovel

Chapter 8

One of the day, we'll see each other again... Mi amore.

I've been living in abroad for about 10 years. The first five years I was staying at the hospital. I've done a lot of surgeries and some lung transplant. Sevi has been with me all the time. He is now working in a engineering company but not in my parent's company. He refuse to accept my parents' offer. Naniniwala daw siya na mataas agad ang posisyon ang ibibigay sa kaniya kapag tinaggap niya iyon.

In the 5 years of staying at the hospital, Nakapag tapos ako ng kursong pinili ko. Sa hospital ako nagaaral at pumupunta nalang ang mga professor ko para dito ako turuan. I finished my nursing course. Naging madali rin iyon sa akin dahil may mga kasama akong nurse na tumutulong sa akin.

After all of the surgeries at treatments, tita faith, my doctor, allows me to stay at home. Ang natitirang limang taon ko sa abroad ay ginugol ko para makapag-aral ng master's degree. Hindi man ako makapagtrabaho, gusto ko parin ituloy ang mga pangarap ko.

I stalked him everytime... Pero wala akong mahanap na bago. Ang huling kita ko ay ang mga pictures 5 years ago. Group photo ito ng mga graduates. Hindi ko alam kung anong kurso ang natapos niya dahil hindi naman ito nabanggit. Isang buwan pagkatapos ng araw na iyon, patuloy ang pagmukmok ko at pagiyak. Sometimes, nagpapakita si Sevi ng mga conversations nila ni kyle pero I refuse to look at it. Ang alam ni kyle nasa London si Sevi. Nung una hindi maniwala si kyle pero napaniwala pa rin ito ni Sevi.

I deleted all my social media accounts at ang last na messages na nakita ko ay ang mga pangungulit nina yanna kung nasaan ako. I never tried to create an account again.

Lumaban ako. Alam kong hindi ako magtatagal sa mundong ito. Wala na akong balak bumalik sa pilipinas pero talagang mapaglaro ang tadhana...

Nagkaroon ng malaking problema sa konpanya. Madaming kliyente ang umatras at nangailangan sina mommy ng mga bagong engineers.

We were rushed to go back to the Philippines para maisalba ang kompanya. Pagkatapos naming umuwi sumunod naman si Sevi. Bibisitahin niya ang bar na ginagawa dahil patapos na ito. It was his dream bar na nagkatotoo and I'm so proud of him. Hindi ako lumabas ng bahay ng isang buwan dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari.

We plan to stay here for about 5 months at babalik din sa abroad pagkatapos. Alam kong nanghihina nanaman ako at kailangan ko nanaman ng napakaraming surgeries. Hindi ko sinabi iyon kina mommy dahil inaayos pa nila ang kompanya at ayaw kong maging pabigat... Nanaman.

After a month, nagbalik ang ayos ng kompanya. Kahit na maayos na ang kompanya, we decided to continue our 5 months plan. Para magbakasyon na rin.

Hindi naging madali lahat ng pangyayari. Hanggang ngayon sobrang pabigat pa rin ako aa kanila. Hindi ko inaakala na magiging pabigat ako ng ganito. All my life I want my parents to be proud of me dahil naabot ko na ang mga pangarap ko, dahil may maayos ang pamilya, at may mga apo sila na pwede nilang alagaan.

Bilog nga talaga ang mundo... May mga bagay talaga na inaakala mong para sayo pero hindi naman pala talaga.

Sinabi ko kila mommy na gusto ko magkaroon ng sariling condo. Sinabi ko na gusto kong maranasan maging independent kahit isang buwan lang. Nung una hindi sila pumayag, pero kalaunan naipilit ko parin.

Agad akong bumili ng condo at agad lumipat. Tinawagan ko naman si sevi para samahan bumili ng mga furnitures at mga kagamitan sa condo.

"here." abot niya ng isang invitation

"What's this?" tanong ko at binuksan ang maliit na envelope.

"My bar is already done. I am inviting you pati na rin sina tita. This Saturday will be the opening. " nakangiti niyang sabi

"Really?" niyakap ko siya "I'm so proud of you sev sev!" masayang sabi ko

Sinamahan niya akong bumili ng mga furnitures para sa condo ko.

"Sevi! Pwede mo ba akong bilhan ng gamot? Tatlo lang naman ito. Mga gamot ko para sa gabi. Sa saturday ko nalang kunin pagkatapos ng opening mo." Sabi ko da kaniya

"fine." sabi niya

Birthday din ni Sevi sa saturday. Double celebration ang magaganap. I already gave him my gifts yesterday. Hindi ako makapaghintay kaya binigay ko na agad. Nagustuhan naman niya ang leather coat na ibinigay ko.

Friday ngayon at kahapon pa maayos at kompleto ang condo ko. Hindi ko na sinabi kina mommy ang party ni Sevi dahil alam kong di rin sila makakapunta. Simula ng lumipat ako sa condo ko, palagi akong tinatawagan ni mommy. Tinatanong niya kung okay lang ba ako or kung may masakit pa sa akin. Hindi pa naman ako inaatake ng sakit ko magmula nung lumipat ako sa condo.

Sabado na at naghahanda na ako para sa party ni Sevi. Hindi ko sinabi sa parents ko na pupunta ako dahil mag aalala lang sila. Saglit lang din naman ako doon at babatiin lang si Sevi.

Sumakay ako sa kotse ko na niregalo nina daddy noong 19th birthday ko. I am wearing a simple black glittery dress na backless at may X string sa likot. I wore my black stiletto at kinuha ang small designer bag ko from dior. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay dahil saglit lang naman ako doon.

Nagdrive ako not knowing na baka andoon lahat ng taong iniwan ko.