webnovel

Chapter 5

Start writing, no matter what. The water does not flow until the faucet is turned on.

-louis L'Amour

There are things that we really need to try. We will never learn if we didn't take risk. At this point, I feel like this is the wonderful choice I made. I held his hand as I look up and stared at the stars again. God, please guide me in this journey. I am ready to take it all.

"thank you. For making me this happy." saad niya habang nakatinggin sa akin

Tumingin siya sa akin. Nginitian ko siya dahil hindi ako makapagsalita sa sobrang saya. Nakita ko sa mata niya ang panibagong emosyon.

Unti unti siyang lumapit siya at hindi ko namalayan na idinikit niya na pala ang kaniyang labi sa akin.

His red and soft lips touched mine. I closed my eyes and feel this moment. His kiss lasted for about 10 second. Isinandal niya ang nuo niyo sa akin habang hawak ng kanang kamay niya ang pisnge ko.

I feel so happy knowing That I have him by my side.

Tumagal kami ng isang oras bago nagpasyahang umuwi na. I was inside the car when I had a hard time breathing. Lumala iyon at nahalata na ito ni kyle.

"hey. Are you okay?" sabi niya

Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap sa akin. Parang nauubusan ako ng hininga kaya kumapit ako sa kaniya.

I was starting coughing continuously. Kinuha niya ang isang bote ng tubig at agad binigay sa akin. Agad kong ininom iyon at agad naman akong nahimasmasan at unti-unting tumiggil na ang pagubo ko. Medyo maayos na rin ang paghinga at kinalma ang sarili.

Nakita ko ang pag-aalala niya kaya nginitian ko siya habang hawak ang dibdib.

"What happen? Dadalhin kita sa hospital." sabi niya

"No. I'm already fine. Siguro dahil lang sa sobrang saya" sabi ko

"Are you sure? Pwede kitang dalhin sa hospital?" sabi niya

"uwi nalang tayo. Magpapahinga nalang ako." sabi ko sabay hawak sa kamay niya para pakalmahin siya

Nabigla ako dahil bigla niya akong niyakap

"I was scared. Tinakot mo ako." sabi niya habang nakayakap sa akin.

Napangiti ako at niyakap ko din siya pabalik.

Hinatid niya ako pauwi. Binalewala ako ang nangyari kanina. Baka dahil lang sa sobrang kasiyahan kaya ko naramdaman iyon. Binati niya ang mga magulang ko at sabay naming sinabi na kami na. My parents can't believe it. Sobrang saya ni mommy kaya hindi niya mapigilan na yakapin ako. Si daddy naman at tinapik ang balikat ni kyle. Nagpaalam na ako kay kyle at sinamahan ako ni mommy para kulitin sa taas. Si daddy naman ay naiwan habang kinakausap si kyle.

Sabado ngayon at walang pasok. Balak namin ni kyle na lumabas at manuod ng cine. Wala naman kaming gagawin kaya we decided to go out.

I was wearing a black high-waisted pants and a white croptop. Nag suot din ako ng black jacket at white sneakers. Phone at wallet lang din ang dala ko. I was also planning to buy a new handbag para kay yanna dahil birthday niya bukas.

Pagkababa ko galing sa aking kwarto ay nagpaalam na ako kina mommy. Nakita kong pinagbuksan naman ng katulong namin si kyle na kakapasok lang sa loob. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa nuo. He held my waist.

"Good morning. Where's tita and tito? Ipapaalam kita." sabi niya

"Good morning! okay na. Nagpaalam na ako." sabi ko

"Gusto ko parin kitang ipaalam" sabi niya

Ipinaalam niya ako sa aking magulang at umalis na pagkatapos niya magpaalam.

Nakarating na kami sa Mall na pupuntahan namin at pinagbuksan niya akp ng pinto. Ngumiti ako at nagpasalamat. Hinawakan niya ang aking kamay at iginaya paloob.

Nagpunta kami sa lugar kung saan kami manunuod. Bumili kami ng tickets at isang oras pa bago magsisimula iyon.

"Can I go to Gucci store first while waiting for the movie? I need to buy a gift for yanna. Tomorrow is her birthday right?" paalam ko sa kaniya. Wala namang party si yanna pero gusto ko parin siyang bigyan ng regalo. She refuse to have a birthday party dahil naniniwala siya na party is only for kids. Si yanna talaga.

"I'll join you. Let's go" aapila na sana ako pero nauna na siya habang hawak ang aking kamay.

Pagdating naman sa store ay agad akong pumili ng handbag. Nang nakapili na, ipinakita ko ito kay kyle at tinanong siya lung okay na ito. Tumanggo siya...

I was ready to pay the bag nung inabot niya ang card niya sa counter.

"hey! I'm the one who supposed to pay that." alma ko pero huli na dahil nabayaran niya na.

Tuminggin ako sa kaniya at tinawanan niya lang ako.

"let's go." kinuha ko ang binili ko at umalis na

"You don't have to pay that." angal ko

Kinuha niya ang pinamili ko at siya na ang naghawak.

"don't be so problematic. I already paid for it." tawa niya

Dinala niya ako sa Starbucks at tinanong kung anong drinks ang order ko. Sinabi ko ang order ko at umalis na kami.

"Can we get some popcorn?" tanong ko. Bumili kami ng popcorn

Dahil nga isang oras pa bago magsimula ang movie na papanuodin ko, hinila ko muna siya sa Quantum.

Maraming games ang pwedeng laruin at may videoke part pa sa kabila. Hinila ko siya sa may basketball at hinamon siya.

"Kapag naka-shoot ako ng isa dito, I'll pay you the bag I bought." hamon ko

Tinawanan niya lang ako

"but if I managed to shoot 30 balls constantly, you'll give a kiss." hamon din niya

Sus! Easy breezy!

"Game!" sabi ko

Nagsimula ako sa pagshoot ng bola at pangsampo ko na ito at wala parin akong nasho-shoot. Malapit nang maubos ang oras ko pero wala parin akong nasho-shoot kahit isa! I am so frustrated at inis na inis ako dahil wala akong mashoot. Sa huli, ako'y humarap sa kaniya na wasak. Nakita ko siya na nakasandal at naka-cross ang dalawang kamay habang nakatinggin sa akin. He just laughed at me nang nakita niya na natalo ako.

"okay! Your turn." sabi ko without realising na MVP at captain ball pala ito! Nagsimula siya at bawat tira niya ng bola ay kasyang-kasya sa ring. Napanganga ako habang pinapanuod siya. He smoothly throw the ball ng walang kahirap-hirap. He managed to shoot 35 basketballs bago natapos ang kaniyang oras.

"alright! I won. Can I have my reward, miss?" sabi niya

Binaba niya ang sarili niya para pumantay sa akin. I was completely shocked dahil hindi ko akalain na kaya niyang i-shoot yon ng diretso.

Unti-unti akong lumapit para bigyan siya ng halik. The kiss was just a smack. Napangiti siya at hinawakan na ang kamay ko at iginaya paalis sa Quantum.

"wow! Ang galing mo! I never imagine na kaya mong i-shoot yun continuously!" sabi ko nang nakabawi na sa gulat. Tinawanan nila lang ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Dumiretso na kami sa Cinema para manuod dahil magsisimula na. Natapos ang movie at kumain kami sa isang restaurant malapit sa Mall na pinuntahan namin. Hinatid niya ako pauwi at nagpaalam din siya sa mga magulang ko. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking nuo bago siya umalis.

"mag ingat ka." sabi ko. Nginitian niya ako bago siya umalis.

Tatlong buwan na ang nakalipas at matatag pa rin ang relasyon namin ni kyle. Palagi niya akong hatid sundo at paminsan-minsan lumalabas kami. Sumapit ang pasko na hindi kami magkasama dahil kasama namin ang aming pamilya ngunit kinaumagahan pagkatapos ng pasok ay nagkita kami. Binigyan niya ako ng regalo, isang kwintas na may naka-ukit na pangalan ko. Sobrang nagustuhan ko ang regalo niya kaya hindi ko na iyon kailanmann inalis. Relo naman ang ibinigay ko sa kaniya at nagustuhan niya naman.

Sa tatlong buwan na nakalipas, ilang beses akong inaatake ng ubo at hirap sa paghinga. Nitong nakaraan nararamdaman ko na may halong mabigat na plema ang pagubo ko. Hindi ko na rin ito pinapansin dahil alam kong simple ubo lamang ito. Minsan din akong inatake sa harap ng mga magulang ko. Talagang nag-alala sila pero sinabi kong may ubo lamang ako. Ipinipilit nila na magpacheck-up pero hindi ako pumayag. Wala naman silang magawa kaya sinabihan lang ako na ingatan ang sarili.

Tatlong araw nalang bago sumapit ang aking kaarawan. Kausap ko si mommy sa loob ng kwarto ko dahil pinipilit niya akong maghanda ng party

"sweetie, do you really don't want to throw a party? Pwede kami maghanda ng daddy mo." pagpilit ni mommy

"my, it is just a waste of time. Staka I'm turning 19 years old. I want it to be simple. hindi katulad nung birthday ko last year." sabi ko kay mommy

"okay. If that's what you want. Pero kung nagbago ang desisyon mo, you are free to tell us" sabi niya. Hinalikan niya ang aking nuo at tumayo na. Nginitian ko siya at tumango

"Good night sweetie. Sleep tight."sabi niya bago isarado ang pintuan.

My birthday came at nandito sina yanna, rainne, kate, at Sevi para bigyan ako ng regalo. Yanna gave me a pair of balenciaga boots. The boots  is 4 inches tall and has a crystal design at the back. Rainne gave me perfume. The perfume has the most sweetest smell and she bought it abroad. Kate gave me a cute handbag. The handbag is color brown and it's very classy and vintage. Sevi gave me a video camera. He believes that I can be a youtuber some day. I laughed at his thoughts. After some time of talking, umalis na ang mga kaibigan ko. Dahil marami daw silang Agenda ngayong araw. Marami ring bumati sa akin sa social media. Nakita ko pa ang titok video ni Sevi that was made for me. Medyo naiyak pa ako dahil may message siya sa dulo.

I was busy arranging all of my gifts ng pumasok si mommy at daddy sa loob ng kwarto ko.

"hi baby! Me and your mother has a gift for you." sabi ni daddy

Bigla akong na-excite sa gift nila!

"come on!" Sabi ni mommy habang hila hila ako

Pumunta kami sa labas ng bahay at nagulat ako sa regalo nila. My jaw literally dropped!

A black Lamborghini Veneno! One of the most expensive car in the world!

"OMG! Thank you daddy! This is so cool!" sabi ko habang niyayakap sila

"you are always welcome, anak" sabi ni daddy bago ko nilapitan ang sasakyan

The car was so cool! Lumapit si daddy sa akin at inabot ang card na nagsisilbing susi nito. Tuminggin ako sa kanila para magpaaalam na paandarin ito. Agad naman nilang naintindihan

"can we join?" tanobg ni daddy

"siyempre! Let's go!" Yaya ko sa kanila. nagdrive kami palibot sa village namin. Tawa ng tawa si mommy habang kumukuha ng video. Si daddy naman tinutulungan ako para ma-master ang sasakyan. I was so happy! I feel so blessed dahil may parents ako na hindi nauubusan ng oras para sa akin

Tanghali na ng umuwi kami. Bago ako pumasok sa loob nakita ko na ang sasakyan ni Kyle.

Pumasok ako at nakita ko siyang naka-upo sa sala. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Happy birthday" bulong niya bago humarap sa mga magulang ko para bumati

"kyle! Kumain ka na?" tanong ni mommy

Lumapit si kyle sa kaniya at bumati

"that's why I'm here tita. Ipapaalam ko po sana si alyssa maglunch. I won't be bothering her mamayang dinner para makasama niyo po siya. Babalik din po kami before mga 7:00" sabi niya

Lumapit ako sa kaniya at ngumiti

"of course! Be safe hijo." sabi ni daddy

"mag ingat kayo. Kyle... Drive safely." sabi ni mommy bago umakyat sa taas kasama si daddy.

"Magbibihis lang ako." sabi ko. Tumanggo siya at ngumiti. Tumaas ako para magpalit

Mabilis ako nagpalit para hindi ko na siya maghintayin. Dahil nakapang-casual lang si kyle, I wore a simple high-waisted shorts and a navy blue t-shirt. I tucked in the t-shirt inside the shorts. Kinuha ko ang white Adidas cap ko at nagsuot ng white chunky shoes.

Bumaba na ako at umalis na kami. Hindi ko alam kung saan kami talaga pupunta pero hindi na ako nagtanong.

Halos tumalon sa tuwa ang puso ko nang nakita kong nasa Enchanted Kingdon kami. This is my second time coming here pero hindi ko na-enjoy ang una dahil takot ang kasama ko nun. Pumunta kami dito ni Sevi nung last birthday niya. Ayaw niyang pumunta dito pero hinila ko siya at wala ng nagawa. Tanging jungle log jam lang ang nasakyan namin at puro skill games na lahat kaya hindi ko na-enjoy. Dito niya rin nasabi sa akin na gustong gusto niyang magpagawa ng bar. Kaya siya nag engineering dahil siya daw ang gagawa nang pangarap niyang bar.

Hinawakan ni kyle ang kamay ko at pumasok na kami sa loob. Pumasok kami at hindi ko maitago ang excitement ko.

"where are we going first?" tanong niya

"uhm... Ekstreme tower first. Then, space shuttle. Tapos sunod ang wheel of fate. Wait, anchors away muna kaya? Okay! Anchors away muna bago wheel of fate. Tapos kain tayo saglit tapos..." dire-diretso kong sabi

"woah! Calm down baby. Easy easy... Pupuntahan nating lahat yan. Okay?" natatawang sabi niya

Nginitian ko siya at hinila na.

Bawat labas namin sa mga sinasakyan namin, hindi namin mapigilan ang pagtawa lalo na kapag sobrang nakakahilo ang mga sinasakyan. Kumain kami ng snacks bago ipinagpatuloy. Nanalo pa siya ng bear sa may basketball game area. Sobrang saya dahil napaka-cute ng nakuha niya. Binigay niya sa akin iyon kaya mas lalo akong natuwa.

I felt the familiar chest pain na palagi kong nararamdaman. Medyo hinihingal na ako kaya tumigil muna kami. Umupo kami sa bench for about 10 minutes bago ako nagsalita ulit.

"let's go sa ferris wheel? Last... Bago tayo umuwi." sabi ko

"okay. You sure okay?" nag aalalang tanong niya

"oo naman! Let's go!" natatawang hila ko sa kaniya

Sumakay kami sa ferris wheel. At kitang kita ko kung gaano kaganda ang tanawin sa baba.

""thank you kyle." sabi ko at tumingin sa kaniya "You always make way para mapasaya ako." sabi ko. Niyakap niya ako galing sa likod ko

"No baby. I never imagine I could love someone this genuine. You gave color to my dull life. Noon, akala ko having friends and a family was enough to call this a life. Pero nagbago lahat yun dahil sayo. I started to smile genuinely, I started to be happy just by seeing you smile. I love you alys..." sabi niya habang humaharap ako sa kaniya

"I love you too..." bulong ko sa kaniya

I saw how happy his beautiful brown eyes are. Parang noon lang, wala akong nakikitang emotions. This man in front of me was one of the greatest gift

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya nang may inilabas siya sa bulsa niya.

It's a thin gold bracelet. Sobrang ganda! It has a crystal heart at the middle of it.

Niyakap ko siya sa sobrang saya at hindi mapigilan ang pag-iyak.

"hey... Why are you crying? Hindi ba maganda?" nag aalalang tanong niya

"of course! I like it kyle! I love it so much. I just can't contain the happiness I'm feeling right now. Thank you! I love you very much!" sabi ko bago siya yakapin ulit.