webnovel

Chapter 12

A litttle sweet smile will light up my world...

 

Come to think of it, ang taong pinili kong iwan ay nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman dahil maski ako ay nawawalan na rin ng pag-asa. I saw how his eyes turn sadder whenever he took step towards me. Hindi ko alam kung may asawa or girlfriend siya at bakit naglalaan pa rin siya ng oras para puntahan ako. Awa ba?

"Hi..." unang salitang lumabas sa bunganga niya

Hinili niya ang upuan sa gilid at tumabi sa akin.

"It's been 10 years, kyle. How are you?" yumuko siya at suminghap

Bahagya akong nagulat sa mga actions niya. Why? Is he crying? He look back at me at kita ko ang pagpula ng mga mata niya.

"why?" tanong niya

Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya upang hindi niya makita ang panghihina ko ngayon. Wala akong lakas para sagutin ang tanong niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko at tila nawalan ako ng mga salitang pwedwng sabihin. I am seeing now a broken ang crying kyle.

Iiwan na kitang tuluyan, mahal. Sa sitwasyong ito wala nang pagkakataon na bumalik pa ako sayong muli.

"After our breakup last 10 years, I never dare look at other girls. Kasi ayokong habang ikaw pang nasa puso ko, maghahanap ako ng taong kayang magtakip ng sakit. I worked hard and finished my studies para pagbalik mo, makita mo kung gaano ako natagumpay. The moment na nakita kita ulit, I feel sad all of a sudden. Pumayat ka, and I see how fake your smiles are. Nagmadali akong talikodan ka dahil ayaw kong makita mo na nag-aalala ako sa kung anong nakita ko sayo. I tried to be cold to you para makita mo kung ano ang iniwan mo. But the moment you started crying, my heart beat so fast that I cannot contain my love for you. Napansin ko na lahat ng mga mild attacks mo dati pero dahil sobrang galing mong magtago, hindi ko nahalata." he started crying and I also cannot contain myself. "now, seeing you here, nakahiga sa kamang ito at may taning ang buhay, I feel so useless" kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Tuminggin siya sa akin at hinaplos ang ulo ko

"shh.. Don't say that." pag aalo ko sa kaniya

"I never imagined lahat ng sakit na pinagdaanan mo. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nakuha kong magalit sayo dahil akala ko pinagpalit mo ako sa kung sinong lalaki" sabi niya

Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ito

"I'm sorry, it's my fault. Nilihim ko sayo.. Sorry" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha na lumalandas sa kaniyang pisngi

My man is so broken.. And I can't believe na iiwanan ko ang taong ito. Ang taong walang ginawa kundi mahalin at alagaan ako.

"I can't... Live without you, alyssa. After knowing all what happened. My love for you grows more. At hindi ko kaya na wala ka pa ulit." bahagya siyang pumiyok dahil sa iyak na ginagawa niya.

"me too." sabi ko " I also still love you. Gusto ko kyle... Gusto maging ina ng mga anak mo, gusto kong maranasan maging asawa mo." my tears started to fall continuously.

"Gusto kong ipagluto ka ng mga recipe na ibibigay ni mommy. Gusto ko kasama ka tuwing Christmas at new year with our little angels. Pero hindi ko kaya.. My body is weak, my whole self is giving up already." sabi ko

Niyakap niya ako at sinamahan sa pag-iyak.

We knew it'll never happen. Na aasa nalang kami sa mga mumunting oras na ibibigay para sa akin. Ang tanging magagawa nalang namin ay ilaan ang sarili sa ma natitirang oras. Hindi ko akalain na siya ang kasama ko sa mga hulinh oras ko sa mundo. Simula nung iniwan ko siya, hindi na ako umasa na babalik siya sa akin. Pero tignan mo naman ngayon, he's here, wanting to let me share my pain to him.

My body wants to rest, My mind wants to sleep, and my heart is still in pain. Pain that will soon cover by his love. His love is always overpowering my love to him. Palagi siya ang nagbibigay ng sobra. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik iyon gayong paubos na ako.

"promise me, we'll face this together? And even if you'll say no, ipipilit ko pa rin." sabi niya

"I promise. Sasamaham mo ako ha?" sabi ko habang nakatinggin sa kaniya

"mahal na mahal kita, alyssa." sabi niya

"I also love you very much." sagot ko

"I understand why you have to hurt me years ago. You don't have to be sorry. Ang kailangan mong gawin ngayon ay subakang lumaban at mabuhay pa ng mas matagal. Hindi lang para sa akin, para na rin sa lahat ng nagmamahal sayo."

He kissed my forehead and give me a little smile.

A litttle sweet smile will light up my world...

This world is really fairly unfair to everyone. May mga taong masaya at may mga taong malungkot. May mga taong naghihirap at may mga tao ding nagpapakasarap. May mga taong umaalis na kailangang tanggapin. May mga taong nakakasama ang mga mahal nila sa habangbuhay at may mga taong katulad namin na wala ng oras.

I always wants to question the Lord, why? Why does it has to be me? Why do I have to feel this so much pain? Are you happy making these people sad? Pero palagi ding pumapasok sa utak ko na, this is a trial for them. They have to feel this kind of pain to be mindful of the lesson in the end. That no matter happens, you have to continue living the life God has given to you. May umalis man o wala.