webnovel

Chapter 10

Yesterday is not ours to recover, but tomorrow is ours to win or lose.

Minsan sa buhay natin may mga bagay tayong kailangan gawin kahit na nasasaktan na tayo. Sometimes we need to sacrifice our self to make things stable. May mga bagay na kailangan itago para hindi na makasakit pa.

Hindi ko hiniling ma makita sila ulit. Hindi ko hiniling na malaman nila. I am happy because all of them are all successful.

Nung una hindi ako pumayag sa plano ni Sevi. Pero hindi ko maintindihan bakit pinipilit niya. Umuwi ako at sumama sila sa condo ko. Gusto daw nila Magkwentuhan para sa plano at sa mga nangyari years ago.

"He won't come Sevi. Masyadong busy yung tao para sa kalokohan niyo." sabi ko habang iniinom lahat ng capsule na dapat kong inomin. 12 capsules iyon, hindi ko kayang inomin ng sabay sabay iyon kaya hinahalo ko ito sa yogurt para hindi ko malasahan.

Nakatingin sina yanna, kate, at rainne sa ginagawa ko at kitang kita ko ang awa sa mga mata nila. Ngumiti ako at inubos ang iniinom dahil hindi ko na makayanan ang mga tinggin nila.

"Believe me alyssa, he will come." Sabi ni sevi habang tinutulungan akong ayusin lahat ng mga gamot ko na nakahilera sa gilit ng kama ko.

"you've been living like this for the past 10 years?" tanong ni yanna

"Wala pa dito ang mga surgeries na ginawa sa kaniya" sabi ni sevi

Pumunta siya sa cabinet para kunin ang nebuliser ko.

Nakita ni kate ang ginagawa ni Sevi at tinulungan niya ito.

"Let me. I'm a nurse." sabi niya sabay kuha ng nebuliser na kinuha ni Sevi

"Sorry..." Sabi ni rainne

"For?" nagtataka kong tanong

"Hindi namin alam na you suffered a lot." lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang. Haha. Andito naman si Sevi. Hindi na nga nakapagasawa yan eh." natatawang sabi ko

Biro lamang iyon. Sevi is currently in a relationship. Nakilala niya iyon sa US at minsan na rin niyang naisama sa pagbisita sa akin. Her name is Solana, Sobrang ganda niya at sobrang bait.

Sinamahan nila ako hanggang sa pagtulog ko. Sabi nila ay uuwi din sila kapag nakatulog na ako.

Nagissing ako na hindi maramdaman ang katawan ko. Sobrang nanghihina ako at hindi makagalaw. Sobrang bigat ng dibdib ko. Pilit kong ibaabot ang nebuliser sa tabi ko para gamitin. Alam kong nanghihina na ako. My body badly wants to quit. Gustong gusto ko na rin sumuko pero meron sa puso kong kailangan ko pang gawin. Nang umayos ang pakiramdam agad akong tumayo para kumain.

Papunta akong kusina nang narinig kong tumunong ang pinto ko. Someones outside. Binuksa ko ang pinto at nakita ko ang mga magulang ko na may dalang mga pagkain.

"Hi sweetie, we came here to visit you. Are you feeling well?" tanong ni mommy at hinalikan ako. Niyakap ko naman si daddy at hinalikan din ako.

"Ayos lang ako mommy. Kayo? Okay lang ba kayo sa bahay?" tanong ko

Pumunta si mommy sa kusina para ihanda ang mga dala niyang pagkain kaya si daddy na ang sumagot sa tanong ko.

"Okay lang naman kami sa bahay. Sobrang tahimik dahil wala ka." nakangiting sabi ni daddy

Tinawag na kami ni mommy dahil tapos na ang hinanda niya.

Hindi ko mapigilang hindi sabihin ang nangyari kahapon. I told them about how yanna, kate, and rainne know my situation. Nag alala sila at tinanong kung okay lang ba ako. Sinabi ko rin ang balak nila Sevi tungkol kay kyle.

"Do you really think you can handle it, Anak?" tanong ni mommy

"I'm fine with it po. After all, he deserves to know. Mapatawad man niya ako o hindi, okay lang." daddy smiles at me.

Ang plano ni Sevi at dalhin kami sa isang restaurant. The four of them will be scatter anywhere. Hindi sila aalis sa venue at hihintayin kaming matapos. Kapag may nangyaring masama naman ay agad nilang tatawagan ang mga magulang ko. My parents told mo to be calm. Nung una natatakot sila pero kalaunan tinanggap nila.

Naghahanda na ako para pumunta sa restaurant. Si Sevi ang sumundo sa akin at hindi niya na ako pinagdala ng sasakyan.

"Always remember to calm down. Maguusap lang kayo. Sasabihin mo ang totoong dahilan kung bakit ka nakipag hiwalay. Sasabihin mo ang nangyari sayo." paalala ni Sevi

"Hindi na mahalaga kung papatawading niya ako. Ang mahalaga malaman niya." bulong ko sa sarili ko

What if hindi siya maniwala? Okay lang. What if magalit siya? Okay lang. Ang mahalaga nasabi ko.

"Paano pag hindi siya dumating?" tanong ko kay Sevi

"he will. Trust me" Sabi niya

Nakarating kami sa restaurant at talagang kinakabahan ako.

"He's here." nagulat ako sa sinabi ni Sevi

tuminggin ako para hanapin siya and there he is. He is wearing a black suit. Sobrang gwapo niya sa suot niya.

Tuminggin ako kay Sevi at nginitan niya ako. Bumaba ako ng sasakyan at nagsimula nang maglakad palapit.

I was looking at him nung bigla soyang tuminggin sa akin. I saw his dark eyes staring at me.

Tumayo siya at pinaghilaan ako ng upuan. I was stunned at his sudden move. Umupo ako at pinagmaadan siyang bumalik sa upuan niya

"Sevi told me that you want to tell me something." seryoso niyang sabi

Lumunok ako at nag iwas ng tinggin

"uh yeah. So... How are you? I heard that you are already an engineer." kinakabahan kong sabi

"And I heard you're already a nurse. Good for you." sabi niya. Seryoso pa rin ang mukha niya at walang mabasang expression.

"uh... Thanks... Uhm..." kinalabahan kong sabi

"Anong kailangan mong sabihin? Let's not waste time here, Ms. Stanford" Seryoso niyang sabi

Nadagdagan ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi niyang iyon

"About what happened 10 years ago." naka yuko kong sabi

"Are we still not yet done with that?" sabi niya

"look. Ayaw ko naman talagang hungkatin lahat ng nangyari. I just wanted you to know the truth." sabi ko

"truth? That you secretly going out with a man while you're in a relationship?" sabi niya

I look at him. Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang umiyak kaya pinipilit kong pakalmahin ang sarili.

"Gusto mo bang ipamukha sa akin na masaya na kayo ngayon?" sabi niya

I started crying upon hearing him. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita akong umiiyak. I can't control my feelings anymore.

"I didn't have other man! Hindi kita kayang lokohin kyle. You know how much I love you that time!" sabi ko

hinawakan niya ang kamay ko para patahanin ako sa pagiyak. Tuminggin ako sa mga mata niya at kitang kita ko ang mga sakit na nakita ko bago ko siya iwan. Parang nagbalik lahat ng alaala at sakit noon. I never meant to hurt you...

"Iyon din ang akala ko. Baby, I went to your house para kausapin ka. Alam kong nagsisinungaling ka pero nung nalaman kong wala na kayo at umalis doon ako nagsimula maghinala. I know you will never leave me. Pero isang buwan akong pabalik balik sa bahay niyo pero ni anino mo hindi ko nakita." paliwanag niya habang inaalo ako

"kailangan ko! Kailangan kong iwan ka dahil ayaw kitang masaktan. Gusto kong matuto kang wala ako! Gusto kong maabot mo ang mga pangarap mo na wala ako" sabi ko

Buti nalang at private area ang kinuha ni Sevi dahil ayaw kong may makarinig ng pang sigaw sigaw ko dito.

"Why?" nanghihina niyang sabi

"Bakit kailangan mong gawin iyon. Anong dahilan para iwan mo ako?" dagdag niya. Natahimik ako dahil ramdam ko na ang pagbigat ng dibdib ko.

"May... May sakit ako kyle. Hindi ko alam kung kailan ako mamatay dahil kahit anong oras pwedeng kunin ang buhay ko." umiiyak kong sabi

I didn't know kung anong naging reaksyon niya dahil nagsimula na ako atakehin. Hindi na ako makahingga at tuloy tuloy na ang pag ubo ko. Lumapit sa akin si kyle para alalayan ako. Kitang kita ang pag aalala sa mga mata niya. Binuhat niya ako at hindi alam kung saan dadalhin.

I saw Sevi running kasama ang tatlo ko pang kaibigan. Isinakay ako sa isang sasakyan at pilit na imunumulat ang mata para makita kung anong nangyayari. Hindi ko na alam ang mga susunod na pangyayari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

I never meant to hurt you, love. I just did what I think will be the best for us...