webnovel

Chapter 45

AUDREY DELA CRUZ

Andito na kami sa bukidnon nakaupo ako at nakatingin sa mga puno ng manga parang gusto kong akyatin ang mga puno pero di ko kaya, KAYA Naman ito ako nakatitig pa din sa mga manga hindi ko alam kung aamin ba ako dahil nung nakaraan nag pregnancy test ako kinuha ko ang pregnancy test ko SA bag bumili ako nang tatlo para maka sigurado ako pumasok ako SA banyo at pinilit na umihi nang may nakuha na ako pinatakan ko Ang hawak ko dahan dahan ko itong tiningnan nang tuluyan Kong makita gumuho ang mundo ko parang ayokong umalis sa kinauupuan ko, Ano nang mangyayari SA buhay ko alam kong madidisapoint ko sila mommy at daddy kaya ipapalaglag ko nalang tong batang to hindi pa kami kasal ni Omi kaya naman magagalit sakin si kuya mapapatay nya si Omi,Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak nagkulong ako SA kwarto ko ayokong kumain pero aalis na nga pala kami sa susunod na bukas natatakot ako SA susunod na mga mangyayari hindi pa ako handa para dito.

***

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko agad ko naman itong pinunasan dahil baka may makakita sakin na umiiyak ako tumayo na ako sa kinauupuan ko, pumasok ako sa bahay nila china at pumasok sa kwarto namin ni Omi nakita kong nahihimbing pa sa pagkakatulog si panget ako palang ata ang gising tumabi ako sakanya at niyakap sya naramdaman kong gumalawa sya humarap sya sakin at niyakap din ako lumayo ako nang konti sakanya at nagsalita

"Omi natatakot ako kapag nalaman to ni kuya sigurado akong papatayin ako nang kuya ko hindi ko alam kung anong gagawin nya sayo"

[Honey wag mong isipin yan mahal ka nang kuya mo at kaya kong labanan si red para sayo]

Hindi ko na nakayanan at tuluyan nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan na agad namang pinunasan ni Omi. niyakap nya ako nang mahigpit

[Honey mahal na mahal kita I Love You]

pagkatapos ay tumayo sya umupo naman ako sa kama hinalikan nya ako sa noo pumasok sya sa banyo at naligo lumabas ulit ako tumingin sa manga natatakam ako pero ayokong magpahalata, Aaminin ko na ba sakanila ang nangyari sakin sigurado akong magagalit nang sobra sakin si kuya nadisapoint ko pa sila Mommy hindi ko alam kung ano gagawin ko. tumulo nanaman ang luha hinayaan ko lang na tumulo ito dahil hindi pa naman gising sila samantha naramdaman kong may tumabi saakin kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko hinawakan nya ang bewang ko hinarap nya ang mucka ko sakanya hinalikan nya ako ulit ako sa noo.Pinunasan nya ang natitirang luha na nanggaling sa mga mata ko mahal ko talaga si omi at hindi ko alam kung bakit ganon ko nalang sya kamahal yumakap ako sakanya nang mahigpit, maya maya ay may narinig akong nagsalita

"Ang aga aga naglalandian ano ba naman yan"sabi ni china kahit kelan talaga panira nang moment tong babae na to

[ahh china sinong naglalandian]agad na tanong ko

"eto kasing langaw ohh ang landi ohh tingnan mo talaga ohh landi" sabi nya habang hinahampas ang hangin alam ko namang kami ni omi ang sinasabihan nya ayaw nya pang aminin nag mumuckang baliw tuloy sya umalis si omi sa pag kakahalik sa noo ko at tumayo kinuskos nya ang ulo ko na parang bata dumaan sya sa tabi ni china binagga nya ito sabi nya pa tabi nga para kang poste jan ahh natawa naman ako sa sinabe nya umupo sa tabi ko si china nagtanong sya sakin

"Audrey bakit itong mga last few days ang lumbay mo para kang may sakit" tanong nya

[Ano kasi ehh may aaminin ako sayo china pero secret lang ha]

"osige ano ba yun"

[ayy wag na pala ang daldal mo kasi ehhh]

maya maya pa ay lumabas na din si samantha ,maggie,at si michie tumabi di sila saamin ni china

"Hoy Audrey ano ba yung sasabihin mo sakin"

[May aaminin ako sainyong apat pero promise nyo wag na wag nyong sasabihin kay kuya ha]

"Ehh ano nga ba kasi yun" tanong ni Samantha sakin

[A a ano kasi ehh]naluluhang sabi ko sakanilang apat

"Ano nga" sigaw ni maggie

[A a ano ehh]pautal na sabi ko hindi ko alam kung dapat ko bang aminin

"Ano nga sammy pigilan mo ko kung hindi mapapatay ko to si audrey"sabi ni china

[A a ano kasi ehh] sabi ko nanaman hindi ko alam kung pano ko to sasabihin

"Sasabihin mo ba o papatayin na kita ha" sigaw ni michie sakin at tumayo

[I im pregnant] nagmamadaling sabe ko nakita kong sabay sabay silang napanganga sabay sabay din silang nag sabe nang HA [Hindi ko alam kung anong gagawin ko hindi ko naman alam na mabubuntis ako nag try na ako nang pregnancy test nakaka sampu na ako pero positive talaga ang lumalabas pano na to kapag nalaman nila Mommy madidisapoint sila anong gagawin ko,mapapatay din ako ni kuya kapag nalaman nya to]

"Alam mo Audrey hindi mo madidisapoint ang mommy mo nakapagtapos ka naman bago ka mabuntis"-maggie

"Ehh sino ba kasi ang ama nyan ha audz"-michie

"Malamang si omi alangan namang si kyo, ehh si omi ang jowa nyan"- China

"Anong gagawin natin jan audrey kapag nalaman ni red yan hindi ko alam kung anong mangyayari kay omi"- Samantha

[Oo nga ehh natatakot na ako samantha kapag nalaman to ni kuya pati nila Mommy malaking kahihiyan ako sa Dela Cruz at age of 21 buntis na ako hindi ko alam kung anong gagawin ko ipapalaglag ko nalang to sabi ko habang umiiyak nakikita kong naiiyak na din sila habang nakatingin sila saakin hindi ko alam kung anong gagawin ko bakit kasi ganto ehhh bakit kasi nabuntis pa ako ehhh bakit kasi sa dinane dame nang mga magulang na gustong mag kaanak bakit ako pa hindi pa ako handa para sa ganitong sitwasyon ayoko pa nito]

"Alam mo Audrey wag mong ipalaglag yan kasi ako hinihiling ni timothy na magkaanak kami pero hindi pa kami nagkakaroon kasi ang sabi ko hindi pa kami handa alagaan mo nalang yung anak palakihin mo sya ng mabait na bata alam mo audrey tumaas yung tingin ko sayo kasi alam ko na kakayanin mo yan kakayanin mo na maging isang ina"Sabe ni samantha na lalo namang nagpaiyak sakin mismong si samantha ang nag sabi na tumaas ang tingin nya sakin.