webnovel

My Husband by Law completed

Naranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke your heart? And now in the perfect place and prefect time? Susugal ka ba ulit o mas pipiliin mo ang taong bumuo sa'yo ng panahon na sinaktan ka niya? To all the bitters in the World, Cheers to us?

ILoveMongSiya · Teen
Not enough ratings
69 Chs

Chapter 29

Please VOTE!

"Stop, playing please." Paki usap niya dito na malambot ang expression sa mukha.

"Sorry, I can't this is the last set. Hindi kami puwede matalo." Mahinahon naman na tanggi nito sa kanya and patted her head. Lalagpasan siya nito ngunit pinigilan niya muli ito.

"I can't understand. Why are you trying so hard?!" Na iinis niyang tanong dito.

"Alam mo ang sagot." Sabi nito sa kanya. Aalis na sana ito nang yakapin niya ito mula sa likod nito.

"Stop playing, please..Rey." Pigil niya dito at huminto naman ito. Nagulat ito sa ginawa niya pati na din sa pag tawag niya sa pangalan nito.

"You lovey dovey, mamaya na 'yan. May laro pa tayo." Bigla naman singit ni Theodore at pinag hiwalay silang dalawa. Nagulat naamn siya sa pag singit nito.

Ibig naman niya ma inis dito bakit ba ang extra nito? They are kinda having a moment. Nang tignan niya ito ay tila may iritasyon at galit ito sa mata. Ano naman kaya ang drama ng kumag na ito?

Pero, paglingon niya sa mga ka klase niya ay naka tingin ang mga ito sa kanila. Mukhang exaggerated yata ang pag yakap niya dito upang pigilan ito dahil pinagtitunginan na pala sila ng lahat. Tumikhim naman siya bago nag salita at lumayo ng ka unti kay Woodman.

"Sir, dadalhin ko na siya sa clinic. He can't play anymore. Namamaga na 'yung likod niya na tumama kanina at namumutla na din siya." Paliwanag niya sa Prof. niya at tumingin naman ito kay Woodman para sa kumpirmasyon nito.

Siya naman ay pinukol ito ng tingin upang matakot ito at tumango sa. Prof. nila na ginawa naman nito.

"Sige, Isabelle naiintindihan ko dalhin mo na siya sa clinic. Ikaw na ang bahala sa kanya." Approval naman nito at tumango siya.

"Can you stand, properly?" Nag aalala niyang tanong dito. Mukhang nahihiya itong sumagot kaya kinuha niya ang kamay nito at sinuportahan ito sa pag tayo.

"Move." Utos niya kay Theodore na nakaharang at gulat na gulat na nagma masid sa kanila. Pero, hindi ito umalis.

"Nananadya ka ba? He needs to get treated as soon as possible." Na iirita niyang sabi dito.

But, he's still not speaking or moving. Ano kaya ang problema nito? Talaga bang papatayin siya nito sa kunsume?

"Theo! Ano pang ginagawa mo diyan? The game is starting." Tawag ng Prof. nila at mukhang doon ito natauhan pagkatapos ay saka pumunta na sa court agad.

"What the hell is his problem?" Na ibulalas niya.

"Let's go." Sabi niya dito saka nag lakad patungo sa clinic.

"Woodman, why are you so tall like a post?!" Reklamo niya dito habang akay akay ito. Ang tangkad kasi nito kaya ang bigat nito. Natawa lang naman ito.

"Don't laugh, it's not funny." Saway niya dito. Para kasi silang si David at Goliath. Kung bakit ba kasi ang tangkad nito. He seems like a 6 footer

"Do man really need to be this tall?" Tanong niya dito sarcasticly.

"Excuse me? May tao ba dito?" Tanong niya ng makarating sa clinic. Ngunit walang sumagot.

Lahat yata ay nasa kabilang court dahil may aksidente daw na nangyari sa mga basketball players na namali ng bagsak marahil nandoon lahat kasi pati ang medic na gumamot sa kanya kanina ay doon din pumunta.

"I guess, we have no choice but to treat it on our own." Helpless niyang sabi dito. Kumuha naman siya ng dalawang bangko at pagkatapos ay na upo sa isa.

"Sit." Utos niya dito at sumunod naman ito. Now, they are facing each other. Ngayon lang niya ito muli nakita ng ganoon kalapit.

He really is handsome in all angle. Binura naman niya iyon sa isip niya mamaya ay may kapangyarihan pala itong mabasa ang nasa isip niya at pag tawanan siya nito.

"Am I that handsome?" Tanong nito sa kanya bluntly. At nagulat naman siya.

"You can read my m-- Huli na para bawiin niya ang sinabi dahil lumabas na iyon sa bibig niya. Napa kagat naman siya sa labi. How can she be that stupid?

"Ha- ha, you really are honest. Hinuhuli lang naman kita. And seems that I'm right." Natatawang sabi nito. Pakiramdam naman niya ay nag init ang mukha niya.

"Na saan kaya ang first aid kit nila?" Pag iiba niya ng usapan and to make herself cool in front of him pero, pinagtawanan lamang siya nito.

"Oh, found it!" Masiglang sabi niya saka umupo na muli.

"Ahm..ano... Take off your clothes." Awkward na utos niya dito at nag lihis pa ng tingin.

"You take it off." Balik naman nito sa kanya at pinanlakihan niya ito ng mata.

"Ang dumi talaga ng isip mo. I can't move both of my hands so, ikaw na ang mag tanggal." Paliwanag naman nito. Nakuha naman niya ang gustong iparating nito pero, nag aalangan pa din siya na hubadan ito. Para kasing mali.

"F..f.fine." Napipilitan niyang sagot dito.

At hinawakan ang magkabilang bahagi ng damit nito at saka iyon dahan dahan na inangat. Hanggang umabot iyon sa ulo at matanggal na niya iyon. Ngayon ay naka bungad sa kanya ang matipunong katawan nito.

How can he have those muscles. The biceps, and those six packs? Hindi naman ito nag e exercise at wala itong ginawa kung hindi matulog. Ano 'yon, since birth ganoon na siya?

"Tumaliko--- "Hindi niya natapos ang sasabihin.

Nang bigla na lamang siya yakapin nito at bumagsak siya sa hubad na dibdib nito. Napa singhap naman siya. She really is touching his flesh. Ang akala ba niya ay may sakit itong iniinda?

"God!" Na isambit niya while her eyes is widened.

"Let me go." Mariin niyang utos dito. Pero, hindi ito sumunod.

"I'm really tired, can't we stay like this for a while?" Tanong nito sa kanya.

And that's the first time she heard him like that. Hindi kasi ang tipo nito ang nagpapakita ng kahinaan kahit kanino. He may be really tired.

"Aray. Aray. Oo na, heto na nga tatalikod na." Daing nito ng salitan niya ang sugat nito sa likod kaya agad naman siyang pinakawalan nito.

"'Yung likod mo ang tumama sa bench, pero parang 'yung ulo mo ang napuruhan." Na iinis niyang sabi dito.

"It might stinks, a little pero kailangan natin linisin 'yan bago bendahan." Babala niya dito bago pahidan ng gamot ang likod nito. Para namang pinipiga ang puso niya ng makita niya ang likod nito.

"Ang laki ng pasa mo. May gasgas din." Nahahabag niyang sabi dito.

May malaki itong pasa at mahabang gasgas sa kaliwang kanang bahagi ng likod nito. Natuyo na ang sugat niyo nang bahagya kaya wala ng dugo iyon. Kung hindi pamamaga na lamang.

"It's all my fault. I.. I'm s..sorry." Hingi niya ng pa umanhin dito.

At nagulat ito hindi yata iyon nito inaasahan. May be he knows that she'll be the last person he know who'll apologized pero, iba ang sitwasyon ngayon siya ang may kasalanan at nasaktan talaga ito.

"Don't apologize, hindi mo naman ginusto ito." Saway nito sa kanya.

But, she can't help to feel awful dahil sa nangyari dito. Natapos na siyang pahidan ito ng gamot kaya binendahan na niya ito.

"Do men really need to be this damn, big?!" She said irritatedly.

Paano ba naman ay bukod sa matangkad ito ay halos 3/4 lang yata nito ang katawan niya kaya ang nahihirapan siyang bendahan ito. Halos iisa na nga yata ang amoy nila dahil sa labis na pag dikit niya dito.

Para ma iikot ang bandage ay halos yakapin na niya ito upang maabot lang ang dulo nang bandage sa kamay niya sa tuwing iikot niya iyon.

"You, you're liking this, no'?" Na iirita niyang pukol dito ng makita itong naka ngiti.

"Nana nanching ka lang yata eh?" Tukso pa nito sa kanya.

"Hindi no'!" Exaggerated niyang tanggi dito.

"Sus, kunyari ka pa eh." Tukso muli nito.

"Shut up! Bago 'yang bibig mo ang balitan ko." Napipikon na banta niya dito at natawa lang ito.

"Why are you always laughing at everything I say? Hindi naman ako nagpapatawa." Naasar niyang tanong dito.

"Because, you're amusing." Sagot naman nito na lalo niyang kinaasar. Ano siya magikera?

"You sound as if I'm a weirdo! Eh, ikaw nga itong mas weird sa akin." Depensa niya para sa sarili.

"What? Me? Of corse not, mas normal naman ako sa'yo." Depensa naman nito ngayon sa sarili.

"Normal my ass." Pambabara niya dito at natawa naman ito sa choices of words niya.

"You're much weirder than me, wala kang kaibigan o kinaka usap. Lagi kang nasa munting mundo mo. At least ako, I have reasons but you. I think it's your way of living." Pagtatanggol pa niya sa sarili.

"When did you start analyzing me? Mukha yatang marami kang oras para pag kaabalahan ako." Amuse na sabi nito sa kanya at natahimik siya.

"Ang daldal mo ngayon ha? Kailangan ko pa ba masaktan para mapalabas 'yang totoong ugali mo? I should really get hurt ones in a while para ma-- Hindi niya pinatapos ang sinabi nito at niyakap niya ito.

"No, don't say that. I don't want anyone to get hurt because of me. So, stop saying nonsense." Saway niya dito habang yakap yakap ito sa likod. At nang ma realize niya ang ginawa ay binago niya ang mood.

"Oh , hayan tapos na!" Sabi niya dito saka tinapik ito.

Humarap naman ito sa kanya. Huli na upang mag bawi siya ng tingin dahil nag lock na ang mga mata nila at tila na hipnotismo siya nito kaya't hindi niya ma i alis ang mga mata dito.

Unti unti naman lumapit ang mukha nito sa kanya habang hindi pa din inaalis ang tingin sa kanya hanggang sa ka unti na lamang ang pagitan nila at maging ga hibla na lamang ng buhok.

Kung tutuusin ay kaya niya itong itulak ngunit bakit hindi niya magawa? He will kiss her and that's for sure. Kailangan niya iwasan iyon pero, bakit ayaw sumunod ng katawan niya sa kanya.

Hanggang sa naamoy na niya ang hininga nito. Hahalikan na siya nito, hayun na..nang bigla na lamang bumukas ang pinto sa clinic.

"We win! And we're having a victory party! Pinapatawag na nila kayo." Iyon ay si Theodore na kahit kailan ay may great timing.

Bakit kaya ang husay nito sa pag timing? Alam talaga nito kung kailan ito susulpot. Nahihiya naman siyang nag lihis ng tingin kay Woodman. Mukhang nakita yata sila nito. Gusto na niyang lumubog sa kina uupuan sa kahihiyan.

"Naks, iba ka talaga Theodoro. You always have a great timing." Sarcastic na sabi nito dito. Siya naman ay tumayo at mabilis na lumabas ng clinic at iniwan ang dalawa dahil nahihiya siya.

"'Yung damit mo pala!" Natataranta niyang sabi nito ng pumasok ulit sa clinic at hinagis iyon kay Woodman. Nasapo naman nito iyon at mabilis niyang sinara ang pinto saka nilayasan ang mga ito.

"Ka inis! Nakakahiya! Aish!" Na iinis niyang sabi sa sarili habang naglalakad sa hallway.

-----

Sayang!

Malay niyo next week, mangyari na.

Si Theodoro talaga eps.