webnovel

My Half Billion Girl

I was sold... I was bought for 500 million pesos... I am now one of his property... "So you're thinking that I spent my money just because I'm also one of those who are unto your flesh? Huh, what do I expect then? I admit, you're so attractive but damn, I competed until the last just because I care for you and I do not have the same thoughts just like them. I spent my half billion pesos just for the sake of a girl who doesn't deserve to experience those shits!" A man saved me from the cruelty. I was sold for 500 million pesos but thanks, it did not happen that I will be someone's property who will give me another taste of hell but rather let me to be an asset of his life that is more than the bidding price he used to won me...

Rhianjhela · Urban
Not enough ratings
7 Chs

Chapter Two Auction

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam.

Nakatulala ako habang nakatayo sa isang tabi dito sa terminal na hindi inaalintana ang ingay ng mga nagtatawag ng pasahero.

"Oh, Batangas! Isa na lang!"

"Crisang!"

Bigla akong nakabawi sa pagkatulala nang marinig iyon. Dali-dali akong tumakbo sa isang bus na malapit sa aking kinatatayuan. Mabilis kong inabot sa konduktor ang limangdaang piso at umakyat na. Agad ko namang naramdaman ang pag-andar.

Nang mapa-upo ako sa nag-iisang bakanteng upuan ay natanaw ko sa bintana ang mukha ni tatay na napalingon rin sa sinasakyan ko. Umiwas ako ng tingin at napakuyom habang napakagat sa labi para pigilan ang pagdaloy muli ng luha ko.

Hindi ko siya tunay na ama pero bakit niya nagawa sa akin 'to? Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng kabaitan at pag-aalaga na ipinakita niya sa akin ay kaya niya palang gumawa ng bagay na iyon na kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa niya. Masyado siyang naging mapagmahal na tatay sa paningin ko kaya hindi ko talaga mapigilang makaramdam ng sakit. Tay, bakit?

"Miss!" Napamulat ako sa narinig ko. Agad akong napatingin sa harapan.

"Baba na. Hanggang dito lang ang ruta ko," sagot ni manong drayber.

Napatingin ako sa mga upuan at nagulat na ako na lang pala mag-isa. Agad akong napatayo at lumabas na ng sasakyan.

Bumungad agad sa akin ang madilim na paligid na ang tanging mga ilaw na nakabukas ay nanggagaling na lamang sa kakaunting streetlights. Kaunti na lamang ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada.

Nasapo ko na lamang ang aking noo. Hindi ko alam kung nasaan ako!

Masyado akong natulala kanina na hindi ko alam kung saan patungo ang bus na sinasakyan ko.

Pero bago ko pa maisipang maglakad na lamang ay nagulat na lamang ako sa biglaang pagtigil ng isang van sa gilid ko. Agad akong napaatras nang may bumaba at aamba na sanang tatakbo pero agad naman nahatak ng isang lalaki ang kamay ko at mabilis na natakpan ang bibig ko ng isang panyo. Unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

Nagising na lamang akong nakahiga sa isang kama sa maliit na kuwarto. Nang mapaupo ako ay biglang bumukas ang pinto.

"Good morning, Miss Beautiful!" Pangiti-ngiting bungad sa akin ng isang babaeng mala-singkwenta anyos na ang edad.

"Sino ka? At bakit ako nandito?" Kinakabahan kong tanong lalo na't naalala ko ang pag-kidnap sa akin.

"Tawagin mo na lang akong Mother Rits. At nandito ka para tulungan ako sa aking business," pagpapaliwanag nito na parang may pinapakahulugan.

Kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin niya? Lumakad ito papalapit sa akin at umupo sa kama sa espasyong nasa tapat ko. Humarap siya sa akin at pinagmasdan ako habang nakangiti.

"Wala akong masabi sa kagandahan mo, iha," saad nito. Hahawakan sana nito ang mukha ko pero umiwas ako. "Bagay na bagay ka talaga sa event ko mamaya," dugtong nito para mapatingin ako sa kanya ng may kaba. Natatakot ako na maaaring tama ang pumapasok sa isip ko.

May pumasok na isang lalaki at may inilapag na isang plato ng pagkain sa mesang nasa gilid ng kama.

"Sa ngayon ay kumain ka muna, iha. Libangin mo muna ang sarili mo sa kuwartong ito pansamantala at mamayang gabi naman ay mga bisita ko naman ang lilibangin mo." Hinawakan nito ang kamay ko at matamis na ngumiti bago ako iniwan sa kuwartong ito na tulala.

Nang magsink-in sa utak ko ang sinabi niya ay dali-dali akong pumunta sa pintuan. Napakagat-labi na lamang ako nang malamang locked ito.

"God! Buksan niyo ang pinto!" Sigaw ko sa garalgal na boses dahil tuluyan na akong napaiyak habang hinahampas at pinipilit na mabuksan ang pinto.

Sigaw ako ng sigaw pero napasuko rin sa bandang huli at nasandal na lang sa pintuan habang yakap-yakap ang dalawang tuhod.

Ba't ba nangyayari sa akin 'to? Ang saya-saya ko pa kahapon tapos heto lugmok na ako dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyayari sa akin. Why?! Why I feel so abandoned right now?!

Dumating ang tanghali at naghatid ulit ang lalaki ng pagkain. Napailing na lamang ito nang makitang hindi ko ginalaw ang pang-almusal.

"Ba't di ka kumain?" Tanong niya sa akin na kasalukuyang nakaupo sa kama habang yakap-yakap ang tuhod. Umiwas lang ako ng tingin. Nang mapansing wala akong balak sumagot, binitbit na lang niya ang platong may pagkain na dinala niya kaninang umaga at iniwan ang bagong dala niya.

Isinubsob ko lang ang mukha ko sa aking tuhod at ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong umiyak pero parang napagod na ang mga mata ko at wala nang mailabas na luha. Kagabi pa akong walang kinain pero hindi ko maramdamang gutom ako. Alam kong hinang-hina na ang katawan ko kaya hinayaan ko na lamang ang sarili kong hintayin ang magiging kapalaran ko ngayong gabi.

"What a pleasant evening to all of you, my beloved gentlemen!"

Kahit hinang-hina ako ay rinig na rinig ko ang palakpakan at sigawan nila.

Their radiant vibes doesn't suit on my state right now.

"Sarap naman sa bulsa. Daming bigatin! Dinayo talaga ang pa-special event ng club ko. Kaya eto na nga. Di ko na papatagalin. Ready your money, gents because I'm sure pag-aagawan niyo 'to. Fresh na fresh with mala-diyosang mukha't katawan. Pasok!"

Hinatak na ako paakyat ng stage ng dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko. Nanghihina ako kaya nagpatangay na lang ako kahit  na sa totoo lang ay gusto kong manlaban.

Pagkaakyat ng stage, ramdam ko ang agad ang mga mata nilang taimtim na nag-aabang sa akin. I could feel how amused they are with my presence. Agad akong ipinuwesto ng dalawang lalaki sa tabi ng tinatawag nilang Mother Rits at pinaharap sa mga customer bago ako iniwan doon na muntikan pang matumba.

"Umayos ka," babala niya sa akin sa gitna ng kanyang mga ngiti.

Hinawakan niya ang baba ko para iangat ang aking mukha. Hindi napalampas ng mata ko ang mga malagkit nilang tingin habang minamasdan ang tindig ko mula ulo hanggang paa. Nakaharap ako sa kanila na ang suot ay isang red fitted halter dress na nagpapa-expose ng kaunti sa dibdib ko at likod maging ng binti ko dahil sa above the knee ito at sobrang iksi.

I am tensed with the kind of look they are giving to me right now. I heard some gasps, whistles and curses. I could see how they devilishly grin while their eyes were roaming around my body. It feels that I am too seductive to their system even if I am just standing here. I am too weak to save myself. I am too weak that I am letting myself to be already harassed by them through their thoughts.

"The gentlemen can't wait to have you, iha."

"Ok, simulan na natin ang paghahanap sa lucky guy na unang magbubunyag sa mala-diyosang alaga ko. Start the bid!"

"10,000!" Sigaw ng isang matandang lalaki nasa harapan at gitnang table.

"Wow, agad-agad. First bid, 10,000 from Mr. Santos!"

"20,000!" Sigaw ng isang lalaking naka-white polo at mukhang nasa 20s. Nakapuwesto siya sa table na nasa likuran ng matanda at may kasama pang apat na lalaki.

"50,000!" Sigaw ng naka-blue printed shirt na mismong kasama ng lalaking naka-white polo. Narinig ko pa ang kantiyawan nilang magbabarkada.

"Bet na bet ng mga gwapong binata. Raise to 50,000! Going once-"

"100,000 for 2 nights!" Napalingon ang lahat sa isang lalaking nag-iisang umiinom sa may counter. Naka white black v-neck shirt ito at mukhang nasa 20s rin. 2 nights...

"Whoah! Di ko aakalaing ganito katindi ang magiging auction ko ngayon! Parang hindi yata sapat sa isang araw ang ganda ng aking alaga. Ok, going once-"

"300,000 one week!" Napatungo ako. Nararamdaman ko na namang nangingilid ang mga luha ko. Why do I need to experience this? They are wasting money just to have me, just to get a sex from me!

"500,000 for 2 weeks!" Sigaw muli ng matandang unang nag-bid.

"1,000,000 for 1 month!" Ang lalaking naka-white polo muli.

"Whoah! Di ko akalaing aabot tayo ng milyon!"

"5,000,000! Have her every time I want!"

"Aba, di talaga nagpapatalo ang dalawang binata sa table na yun! Masyadong tinamaan!"

"100,000,000 lifetime!"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan at ramdam kong napabaling sa kanya ang karamihan. Kahit ako ay napaangat ng tingin. Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso nang magtama ang mga tingin namin.

"Mr. Guy in the counter raise it to a hundred million and asking for lifetime. He's really competitive! Ok, approve lifetime. Going once, twice-"

"200,000,000!" Sabay na sigaw ng dalawang binatang kanina pa nagko-compete na makuha ako. At pareho na silang pikon sa isa't isa. Just because of me, they are ruining their relationship as friends.

"Half billion!" Napakuyom ako ng aking kamay. He's really determined to get me. For God's sake, it's lifetime! Napakagat-labi na lamang ako para pigilan ang pagdaloy ng luha ko.

"Wala talagang kaproblema-problema si Mr. Guy in the counter na taasan ang kanyang bidding. Nagdududa tuloy ako kung kaya niya nga ba talagang ibigay ang perang iyon," saad nitong si Mother Rits.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi niya. Ininom muna niya ang laman ng kanyang baso habang binubuklat ang wallet niya na nakapatong sa countertop. Maya-maya'y inangat niya ang isang card.

"I can...as long as that girl will be only mine."

"Such a great bidding!" Komento nitong si Mother Rits na tuwang tuwa dahil sa laki ng perang kikitain niya dahil sa akin.

"Going once..."

"Twice..."

"Thrice. Ok, Mr. Guy in the counter, congratulations! This beautiful lady is now yours."

Hawak-hawak ako sa kamay nitong si Mother Rits habang inilalahad ang isa niyang kamay sa lalaking nasa harapan namin. "Ang 500 million ko." Nasa parking lot kami at nakatayo sa mismong gilid ng kotse ng lalaking kukuha sa akin.

Nakatakas nga ako sa balak ng tinuring kong ama bilang pambayad sa kanyang utang pero heto, mapupunta naman ako sa isang tao bilang pamalit sa perang isinugal niya makuha lang ako.

Inabot niya ang card na ipinakita niya kanina. Pagkatapos ay bahagya niya akong itinulak para mapalapit sa lalaki. Dahil sa nanghihina ako ay muntikan na akong matumba pero nahigit ako nito sa bewang at napasubsob na lamang sa dibdib niya. Hinayaan ko na lang ang sarili ko sa ganoong posisyon. Wala naman akong magagawa eh. I'm already bought.

"Pagod na siguro yan. Ito nga pala ang mga gamit niya."

"Pakilagay na lang sa loob ng kotse."

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at maya-maya'y pagsarado nito.

"Alis na ako. Maraming salamat sa pagpunta and congratulations again. Wala ng bawian, ah. I know worth it ang alaga kong yan."

Narinig ko ang paglakad nito papalayo.

"Let's go," aya ng lalaking ito. Inalis niya ako sa ganoong posisyon at iniharap sa kanya.

I tiredly met his eyes.

"I can't guarantee you that I'll be worth it."

And everything went black.