webnovel

My Girlfriend Is A Witch

Si Vergel Allejo, isang simple at normal na teenager na desperadong makatapos sa pag aaral para sagipin ang kaniyang mga magulang mula sa kamay ng mga naiibang nilalang. Kasama na dito si Autumn Elizarde na isang mangkukulam na ang layunin la mang ay hanapin ang kaniyang kasintahan. Upang sabay nilang makamit ang inaasam na kamatayan. Ngunit gugustuhin pa rin ba ni Autumn ang masawi kung mahuhulog na ang kaniyang loob kay Vergel?..

Choi_Garcia052013 · Fantasy
Not enough ratings
14 Chs

Chapter Two

Ester told him to go through the back door first because their bosses had arrived. He was still a little surprised because there were no cars parked inside the yard. Although Vergel was full of questions, he still followed his mother. There is a back door in the main kitchen next to the most dining room that can only be used now due to the arrival of their bosses. He adjusted his collar and walked carefully and stood beside Pedring. They look like waiters in expensive restaurants. They were just standing on the side and none of them were moving. Napansin niya din ang mga handang pagkain sa lamesa. Paano nagawang magluto ng kaniyang ina at ni Eva ng ganung kadaming pagkain samantalang naghuhugas pa lang ng pinggan si Eva nang lisanin niya ang mga ito sa dirty kitchen. Pasimple niyang tiningnan ang mga kasamahan sa loob ng dining area. Lahat sila ay nakatindig ng tuwid na parang mga gwardiya sa palasyo ni Queen Elizabeth. Maging ang kaniyang ina na nakatayo malapit sa upuan kung saan umuupo ang parang lider ng tahanan. Maya-maya pa'y nakarinig na sila ng mga nagsasalita ngunit parang spanish o dutch na lenggwahe ang ginagamit nila. Tila mayroon silang pinagtatalunan. Bigla siyang kinabahan kaya tumindig din siya ng masyos gaya ng iba.

"¿No te dije que no tomaras las cenizas de Autumn?" sabi ng unang babae na pumasok. Napalunok siya ng laway dahil bigla niyang naalala ang kanilang pinaguusapan ni Eva tungkol sa mga hitsura nito. Base sa kaniyang mga nakaw na sulyap ang mga babae ay nakasuot ng 1960's gown design na kung isusuot sa ganitong modernong panaho'y maituturing nang pang aesthetic style. Hindi din malinaw sa kaniya kung nakakatakot ba o hindi ang mga mukha nila basta ang alam niya lang ay tunay ngang kakaiba ang awra ng mga bagong dating. Hndi niya magawang tumingin kahit sa sahig. Mapapayuko nalang talaga ang kahit sino sa awra nila. Tuloy hindi na niya magawang tingnan ang mga mukha nito.

"Dinala ko din ang Collar de Handro." narinig niyang sabi ng sumunod na dumating. Tahimik naman ang iba. Nasa apat ang bilang nila. at ang iba'y tahimik na naupo na.

"Oh Ester, kamusta ka na?" Sabi ng isang lalaki na naupo malapit sa kinatatayuan ng ina. Akala niya nga'y ito narin ang tinutukoy nilang Don. Maputla ang kulay ng balat nito na akala mo'y si Count dracula.Hindi kumibo si Ester. Yumuko lang ang ginang at tumingin kay Vergel na parang nagbibigay ng babala. Tingin na parang sinasabing ayusin niya ang kilos niya. Kaya mas inayos niya pa ang kaniyang tindig.

"¿Qué pasó por tu mente?!" Singhal ng masungit na babae sa isang babae na nagsabing dala nya daw ang collar de handro. Nanatili silang nagpatay malisya.

"Dahil umaasa ako na matutupad ang hula ni Handro. Kagabi nakita ninyong lahat na bumalik na sa dating kulay ang collar hindi ba? Ibig sabihin, buhay siya. Gising na siya." sabi nito.

"Oh please, Sonia, we all know that you are still guilty. Dahil ikaw ang kumunsinti sa pagiging istupida ni Autumn." biglang sabat ng isa. Ang pormahan nito'y panlalaki ngunit mahahalata sa tono ng pananalita niya na isa siyang bakla. Sumenyas na si Ester sa mga tagapagsilbi na umpisahan na ang paglalagay ng pagkain sa mga pinggan ng mga ito.

"Pedro, Autumn is not supid. Nagmahal lang sya."—Sonia.

"And how dare you to call me Pedro?! It is Peddie." inis na sabi nito kay Sonia.Nag-umpisa silang magsalin ng wine sa mga glass nito ngunit habang tumatagal parang umiinit na ang tensyon sa pagitan ng mga ito kaya hindi niya maiwasan ang kabahan. Nanginginig na ang kamay niya.

"Ester, nasaan si Jose?" lalo siyang kinabahan. Ibig sabihin napapansin na siya.

"T..tumaas po kasi ang p..presyon. Pinagpahinga ko nalang po siya." Tila kinakabahan na rin si Ester.

"Ayayay.."biglang tumayo ang lalaki na hawig ni Dracula at tumingin ng maigi sa kabuuhan ng mukha ni Vergel. Napaatras si Vergel nang akmang hahakbang ito patungo sa kinatatayuan niya.

"Siya po si Vergel. Anak po namin ni Jose." sabi ni Ester. Tila ang lahat sa kanila ay nagulat at nagkatinginan.Ang masungit na babae ay biglang napatayo at nakahawak sa dibdib na lumakad papunta kay Ester.

"Matapos ng mahabang panahon, hindi ko akalain na bibiyayaan pa kayo ni Jose ng anak." kinuha nito bang kamay ni Ester.

"Binabati kita." maluha-luhang sabi pa nito.

"Maraming salamat po, Martha." sabi nito.

"Diego, hindi ba't mayroon kang magandang balita para kay Jose?at Ester?..." sabi ni Martha. Tahimik na bumalik sa pagkakaupo si Diego ngunit tila sinusuri parin nito ang buong kaanyuhan ni Vergel. Napayuko na lamang si Vergel.

"Diego." pag-uulit ni Martha.

"Oo."—Diego.

"A..ano po iyon?"—Ester.

"Balak naming isama kayo ni Jose sa amin." sabi ni Diego.

"H..ho?"—Ester.

"Hindi ba't matagal na natin napagusapan iyon?" sabi ni Martha kay Ester na puno ng excitement ang reaksyon.

"Oo nga." pilit-ngiting sagot ni Ester.

"Madali ka. kapag gumanda ang pakiramdam ni Jose, sabihan mo siya at hihintayin namin kayo."—Martha.

"Sonia." Tila hindi talaga mapakali si Diego.

"Pahiram ako ng Collar de Handro." sabi nito.

"Bakit?"—Sonia.

"Gusto kong siguraduhin na hindi tayo nadadaya ng kapangyarihan ni Autumn" sabi nito na hindi parin inaslis ang titig kay Vergel.

"Ano daw? Kapangyarihan?" Naitanong ni Vergel sa kaniyang isipan.

"Rapido!" —Diego.

"O..oo.." nanginginig na inabot ni Sonia ang collar de handro.

Tumingin ka sa kahon na iyon." sabi ni Diego. Nanlaki ang mga mata ni Vergel nang makitang lumulutang ang isang maliit na kahon papunta kay Diego. Tila nanlumo siya at hindi makapili ng dapat maging damdamin at reaksyon. Nakita niya ang mga reaksyon ng mga kapwa niya na tagapagsilbi maging ang sarili niyang ina. Hindi ito gulat o takot. Mukhang hindi ito ang unang beses na makakita sila ng ganung bagay.