webnovel

My Fan Girl is a Gangster

Cendria Froster is an avid fan of Jaudon Myens, a Canadian-Filipino superstar known in every corners of the world. Behind her fan girl image lies the dark side of her being a renown gangster of the Black Castle Gang, the most powerful gang in the Philippines. They met in such a ridiculous way, making them annoy each other. Jaudon Myens made Cendria Froster his Filipino tutor as a favor from his Mom. Until they fall in love with each other. Having the risk of being involved in the gang world, Cendria rejected JM to protect him. They parted ways but the odds are playing them as they met again as sworn enemies. Will Cendria choose to let her heart prevail as a fan girl? Or let her mind prevail as a gangster?

friesnijustin · Teen
Not enough ratings
33 Chs

Imperious Gang

Cen's POV:

"That's for me to know and for you to find out." sabi nya at nagsmirk ng nakakagoosebumps.

Napakapamilyar ng smirk na yan. Parang smirk ni Master.

Ngeks! Ang imposible naman na siya si Master eh kasing cold ng yelo yun. Eh si Ate ang kulit.

"Tss. Whatever Ate Sha."

"Malalaman mo rin. Haha. Nga pala, alam mo ba na may meaning ang balat natin?"

"Talaga? Natin? Meron ka rin?"

"Yup, actually hindi lang yan basta balat. Observe little sis."

Kumuha siya ng tubig na nakahanda sa lamesa, itinaas nya ang manggas ng coat niya. Nandyan pala ang balat nya. Binuhusan niya yon ng tubig at...

"Woah." yun lang ang nasabi ko.

Nagcrack yung balat ni Ate Sha at nireveal nito ang isang tattoo.

"Imperious Gang Heiress?" natanong ko. Anong ibig sabihin nun?

"Yes Lux. Ako ang tagapagmana ng Imperious Gang. Pero nakikita mo naman sa tattoo na hindi siya kumpleto. Putol ang dragon na nakaukit dito. Ulo lang at kalahating bahagi lang ang nakalagay. Alam mo ba kung bakit?"

Oo nga putol nga. Bakit nga ba putol? Naubusan ba sila ng pampatattoo?

"Hindi eh." nasagot ko nalang.

"Dahil ang kaputol nito ay nasa sayo." sabi niya at lumapit sakin habang may hawak na baso ng tubig. Hinawi niya ang buhok sa batok ko at pinahiran ito ng tubig.

Naramdaman ko na kumirot yung batok ko. Pero hindi naman masyadong masakit.

Kumuha si ate ng cellphone at pinicturan ito.

"See?" sabi niya habang pinapakita sakin yung picture.

"Woah. Ang astig. Nasa sakin nga yung kaputol."

Nakalagay kasi sa tattoo ko yung "Imperious Gang Heiress" at ang buntot ng dragon.

"Hindi lang yan Lux. Bago mo malaman ang isa pang sikreto ng balat natin. Ikukwento ko muna sayo ang kwentong may kaugnay dito. Ang history ng Imperious Gang."

Nakinig naman ako. Sa tono kasi ni Ate Sha, parang mahalaga ang sasabihin niya. Siyempre bilang isa sa tagapagmana ng Gang, kailangan ko tong malaman.

"Ang mga Hindarkan which is ang mga angkan ni Lola Zhi Wang Hindarkan, ay ang pinakamakapangyarihang angkan sa buong China. Dahil dito, maraming mga mayayamang angkan ang naiinggit sa kanila, lalong-lalo na ang ang angkan ng Daizhi. Palagi nila itong kakumpetensya sa larangan ng pakikipagkalakalan at negosyo. Maging ang kanilang mga anak ay magkakumpetensya sa paaralan. Lalong umigting ang inggit ng Daizhi kina Lola nang palihim. Kaya kinaibigan nila ang mga Hindarkan para maisagawa nila ang maitim nilang balak."

"Ang sama naman nila."

"Oo Lux. Pero syempre hindi sila nagtagumpay dahil nalaman ito nina Lola dahil matagal na pala silang may spy sa mga Daizhi. At doon na nagsimula ang opisyal na hidwaan sa mga Hindarkan at Daizhi."

"Anong connect nyan Ate Sha sa balat natin?"

"Makinig ka nalang little sis. Ok, so nagsimula na nga ang gera. At noong panahon na yon ay may mga scientists from Russia na nandayuhan sa China. At dahil isang magiting na scientist and historian si Daddy, nakasama siya sa grupo ng Russia. Pero nakasama rin ang anak ng mga Daizhi na si Wu Yi Zhang. Pero mas close si Daddy sa mga Leaders ng group. Hanggang sa isang araw, nakagawa sila ng isang pendant na kumukontrol sa lahat ng elements ng mundo, maliban sa gold. Ang pendant na to ay hugis bilog na may nakaukit na Dragon sa loob, dragon ang inukit nila kasi iyon ang pinakamaswerteng hayop para sa mga Chinese. Gayunpaman, may masamang epekto ito. Noong panahong iyon, 1% palang ang capacity ng pendant na ito na mag-absorb ng elements sa mundo. Gumawa sila Daddy ng isang formula na pampaboost ng pag-absorb ng pendant sa elements. Natapos nila ito when Dad is at the age of 20. Sinubukan nila ito pero nagkaroon ito ng masamang epekto. Naging 20% na ang capacity nito at nagsimula nang mang-absorb ng elements. Nagulo ang environment ng isang maliit na bayan sa China ng panahon na yun kaya dali-dali silang gumawa ng pampadeactivate sa pendant. Natapos nila ito ng tatlong buwan pero sa kasamaang palad, naging 50% na ang capacity nito at malaki na ang pinsala dahil umabot na ito sa upper part ng Beijing."

"So ibig sabihin ate, sa tuwing nag-aabsorb ng element ang pendant, tumataas ang capacity nito?"

"Oo Lux. Pero dahil sa formula nila Daddy, naging stable na ang capacity ngayon. Nanatili ito sa 50%."

"Buti naman. Wala ng problema."

"Hindi Lux. 4 years later, nag-asawa si Daddy. At naipanganak ako nung taong iyon. A year later, nabuntis ulit si Mommy at naipanganak ka. We live peaceful that time hanggang sa nagdalawang taon ka. Doon na nagsimula ang trahedya. Dahil sa pagkagahaman ni Wu Yi Zhang sa kapangyarihan, ninakaw niya ang pendant. Gusto niyang gamitin ang pendant para pagharian ang mundo. Pero hindi nya alam na hindi pala ito activated kaya hindi ito gumana. Mabuti na lang at natago nila Daddy ang mga formulas. Ang pampaabsorb at pampadeactivate. Nalaman ni Wu Yi Zhang na na kay Daddy ang formulas. Kaya siya gumawa ng plano. Dahil noong panahong iyon ay nauso ang gangsters, gumawa rin si Wu Yi Zhang ng Gang para mapadali ang trabaho, Ang Heartless Gang."

"Siya ang founder ng Heartless Gang?"

"Oo. Nagsimulang mamayagpag ang Gang. Dahil sa yaman at connections nina Mommy't Daddy, nalaman nila ang balak ni Wu Yi Zhang bago pa man nila tayo magambala. Doon nagawa ang Imperious Gang."

Napatango na lang ako kay Ate.

"Ito ang pinakarason kung bakit nila nilikha ang mga gang, pero tago ang rason na ito. Dahil kapag nalaman ito ng iba pang gang sa buong mundo, panigurado, magkakaroon ng World War 3."

Napasinghap naman ako sa sinabi ni Ate.

"Kaya tinago nila ang objective nila sa "Pagpatay sa mga sobrang samang tao na hindi kayang tugisin ng otoridad". Pero ang Heartless Gang ay iba ang objective, ang "Magkaroon ng mga ilegal na negosyo para mas mapalawak pa nila ang kapangyarihan nila". At dahil din yun sa formula. Nang maitatag na nga ang Imperious Gang, doon lang rin ni Daddy nalaman ang pakay ni Wu Yi Zhang sa pendant kaya noong mga panahong iyon, nag-isip ni Daddy kung paano nya maitatago ang formulas. Naisuggest ni Mommy na iturok ang mga formulas sa kanilang dalawa pero hindi pumayag si Daddy. Ayon kasi sa kanya, madali itong malalaman ni Wu Yi Zhang at mas lalo na rin kung itatago lang ito sa isang bagay. Kaya ang ginawa nila, tinurok nila ito satin."

Literal akong napanganga sa sinabi ni Ate.

"What?! Ibig sabihin nananalaytay sa dugo natin ang mga formulas?"

"Oo Lux. Nasa sa akin ang deactivater at nasa sayo ang pampaabsorb."

"Hala? Ba't sakin pa yung delikado?! Ang daya naman." at nagpout ako.

"Hindi ko alam Lux. Pero I'm sure na Mom and Dad has better plans sa formulas. Ayun nga, nung panahon na. Sinugod ang mansyon natin ng Heartless Gang. Five years old ka na nun, bale 3 years nang nakikipaglaban sina Mommy sa Gang nila. Kaya nagsawa na rin sila. Sinakripisyo na lang nila ang sarili nila para matapos ang gulo at tantanan na nila tayo. Pero nagkamali sila ng desisyon. Kasi kahit na sinakripisyo nila ang buhay nila, hindi pa rin tumigil ang gulo."

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

"So all those times na we were happy, eh nakikipaglaban sina Daddy't Mommy sa Heartless Gang pero they're acting in front of us like there's nothing wrong. I'm so numb ate!"

"No Lux, we are numb."

Di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, niyakap ako ni Ate.

"Sige lang little sis, ilabas mo lang. Let those tears be your motivation for a revenge. Vengeance for our parents."

"I promise ate. After this, hindi na ako iiyak. I will train harder to be the best gangster beside you of course. And get revenge ate. We will get revenge."