webnovel

My Fan Girl is a Gangster

Cendria Froster is an avid fan of Jaudon Myens, a Canadian-Filipino superstar known in every corners of the world. Behind her fan girl image lies the dark side of her being a renown gangster of the Black Castle Gang, the most powerful gang in the Philippines. They met in such a ridiculous way, making them annoy each other. Jaudon Myens made Cendria Froster his Filipino tutor as a favor from his Mom. Until they fall in love with each other. Having the risk of being involved in the gang world, Cendria rejected JM to protect him. They parted ways but the odds are playing them as they met again as sworn enemies. Will Cendria choose to let her heart prevail as a fan girl? Or let her mind prevail as a gangster?

friesnijustin · Teen
Not enough ratings
33 Chs

Devil Assassinator

Cen's POV:

"Cen *yawn* papasok ka?" tanong ni bess.

"Mamayang hapon pa eh. Bakit?"

"La lang."

"Sina Tita't Tito nasan?"

"Si Daddy kagabi pa hindi umuuwi, may business meeting sila sa Baguio, 1 week ata siya don. Si Mommy na kila Tita Fehy, dinadalaw sila Haze at Blaze."

"Dapat pala sumunod tayo!"

"Ayaw ni Mommy eh."

At nagkatinginan kami ni Pajen. Nagpakawala ako ng evil smirk.

Good girls are bad girls but haven't been caught.

Yup, you're right! Di kami pumasok. Hahaha! Pasaway talaga namin, I mean, ako lang pala! Nahawa lang si Pajen!

Naisip naming pumunta sa Laguna, sa EK! Wahaha! Rak na ituuu!

Pakasasa kami habang wala sina Tito't Tita! Kakarating lang namin, motor lang. Ako nagdrive! Siyempre marunong ako, gangster nga eh! Ang weak naman na gangster ka tapos di ka marunong magmotor! Bumili kami ng Ride-All-You-Can na ticket. Nakalimutan ko na kung magkano. Yae na, libre naman ni Pajen!

"Wohoooooo!" sigaw namin ni Pajen habang nasa rollercoaster! Ansayaaaaa! Halos sakyan na namin lahat ng extreme rides nang maisipan naming kumain.

Inuna talaga namin yun para di kami masuka. Para-paraan yan mga dre!

Mauubos ko na sana yung kinakain ko nang makaramdam ako nang tawag ng kalikasan. Kadiri! Pweee!

"Pajen, cr muna ko."

"Hmm." sabi niya at tumango. Di mo man lang ako tiningnan! Basta talaga pagkain, mana ka sakin!

Pajen's POV:

Hmmm. Sarap talaga!

"Miss, pwedeng makishare?" tanong ng isang guy. Infairness, ang pogi! Hihihi.

"Sure. Kaya lang may kasama ako eh." pang-apatan kasi tong table.

"It's ok. I don't mind it at all." aba may accent si koya! Hahaha!

Kumain na lang ako. Nahihiya pa akong kausapin si koya! Hihihi. Pahard to get ang lola nyo!

Napansin ko na patingin-tingin siya sa paligid tapos titingin sakin. Hahahaha! May crush nga to sakin! Wooh!

"My name's Louis, what's your name?"

"Parsley Jenica, Pajen na lang." ngumiti naman siya. Ngiti o ngisi?

Parang ngising nakakainsulto! Wait! Aba! Antipatiko pala to eh!

"So you're the girl that I'm looking for."

Ano raw?

Pumunta siya sa may bandang likod ko.

"Oh anong--hmmmm! Hmmmmm!"

Tinakpan niya ng panyo yung bunganga at ilong ko! Kidnap ba to?! Hindi na ko bata! Isip-bata lang! Waaahhh!

Then everything went black.

Cen's POV:

Hoooh! Nalabas ko na rin! Hahahaha! Pasintabi sa kumakain!

Bumalik na ko sa table namin.

Teka? Nasan na yung babaeng yun?!

"Miss, nakita mo ba yung kasama ko dito kanina?" tanong ko sa waiter.

"Hindi po Ma'am, pasensya na po." magalang na sagot ning waitress. Kainis talaga yun oh! Nang-iwan ba naman?

Tinawagan ko siya paglabas ko dun sa restaurant. Nagriring lang.

"Bruha ka! Sagutin mo!" singhal ko

At sa wakas, sinagot rin niya. Sisigawan ko na sana siya nang sumagot yung nasa cellphone.

"Curse Princess. How are you?"

F*ck! Gangster alert!

Agad-agad kong in-on ang tracker ko! Sh*t! Buti dala ko to! Pati na rin ang voice changer ko. Para hindi nila ako matrack.

"Black Nightmare! What the f*ck did you do?" madiin kong sabi. Alam kong sya to, narecognize ng tracker ko eh.

"Easy Curse. She's safe with me...for now. Hahaha. You know who she is. Wanna hear her voice?"

"Tulong! Please! Get me outta here! Waaahh!" si Pajen nga! Dang it!

"Sh*t!" sabi ko habang patuloy sa pagtrack. Ang tagal! Arrrgghh! Cry baby talaga tong babaeng to! Boom! Sa ***** ang hideout nila! Nagheadset ako para hindi nila marinig ang tunog ng motor ko. Costumized headset to, gawa ni Master Ice. Kapag on going call, sariling boses mo lang ang maririnig kahit na malayo pa yung cp sayo. Pati na rin yung call tracker na ginamit ko kanina, gawa rin ni Master Ice.

"What do you want you f*cking *sshole?!" sabi ko at sinimulang paharurutin ang motor. Wala na rin namang makakapansin kung overspeeding ako kasi gabi na. At dahil gabi na, nagawa kong magpalit ng damit nang mabilisan. Andun kasi si Pajen, baka mabuko ako.

"Be one of us."

F*ck! Napatigil ako sa pag-a-eye liner. Tangina! Muntik ko nang masundot ang mata ko sa gulat!

"F*ck you!" sagot ko! Hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil muntik na akong masundot nang dahil sa kanya!

"It sounds that you don't want. Ok, say goodbye to Parsley Jenica!"

"Wag na wag mo siyang sasaktan kung gusto mo pang sikatan ng araw!" sabi ko at nagsimula na namang paharurutin ang motor ko.

"Walang hiya ka Louis! Akala ko pa naman may crush ka sakin! Paasa ka!"

Kahit kelan talaga tong babaeng to!Ang ingay! Rinig na rinig ko ang boses kahit nasa labas palang ako ng hideout nila! Oo, nandito na ako sa hideout nilang bulok! Eeew! Wala man lang kastyle-style! Sinuot ko ang sunglasses ko. Baka kasi makilala ako ni Pajen. Ok na to, baka kasi matanggal ang salamin ko sa bugbugan at makita ni Pajen mukha ko, atleast naka-eyeliner ako.

"Just shut the f*ck up Parsley!"

Dep*ta! Baka mapuruhan si Pajen pag nagalit tong gagong to! Hinanda ko ang silencer at shuriken ko.

"Yuck! Wag mo nga akong tawaging Parsley! Kadiri!"

"Manahimik ka kung ayaw mong iputok ko ang baril ko sayo!" Ginamit ko ang hairpin ko pangbukas ng lock ng pinto. At nagsneak in ako papasok. Nagtago ako sa barrels. Binaril ko yung dalawang lalaking haharang harang sa daanan ko.

"Decide Curse Princess! Be one of us or I'll kill this girl."

Hindi ko siya sinagot. Oo, nasa tawag pa rin siya. Instead, pinagbabaril ko ang mga tauhan nya. Wala siyang kamalay-malay na sya na lang mag-isa ang buhay sa kanila. Tinago ko ang silencer ko sa dibdib ko at dahan dahang tumayo sa may bandang likod niya. Nakita ako ni Pajen at sinenyasan ko siyang tumahimik.

"F*ck you! Curse Princess! Answer me or I'll shoot this girl!"

P*ta! Makasigaw wagas! Mabibingi ako sa lalaking to!

"I'll not shoot her if I were you. " sabi ko with sobrang cold na boses.

"Look who's here to pay a visit, Curse Princess. You're fast huh?" I didn't bother to answer. I just stared him, very fucking deadly.

"ST's attack her!" sigaw niya.

(A/N: ST means Silent Terminator)

Pero wala ni isang taong sumugod sakin. Poor Black Nightmare.

"ST!"

Binuhat ko ang isang lalaking pinatulog ko. Oo, di sila patay. Pamapatulog lang ang laman ng bala ko. Sabi ko nga sa inyo, di ako pumapatay.

"Looking for this weaklings?!" pang-asar kong tanong. Nakita kong namutla siya, pero agad iyong napalitan ng pamumula dahil sa galit.

"You kill them! F*ck you!"

"Thanks for the compliment Black Nightmare. F*ck you has been a compliment for me ever since."

Binalibag ko yung lalaking hawak ko. Tama nga si Pajen, ang baho nila. Pweee!

"I will not let you live! You'll die one by one Black Castle Gang! For my sister!"

Tsss. Infairness, lakas ng fighting-spirit niya.

"You know what Black Nightmare, you're so pathetic."

Nabigla siya sa sinabi ko. Hindi ko siya hinayaang makasagot. Kailangan niyang malaman ang totoo.

"Just that someone told you we kill your sister, we really did kill her. You know us Black Nightmare, you've been part of BCG. We never killed anybody."

"Liar! Devil Assassinator told me! You've just killed my gang!"

"So that is the name of the traitor." may mapapala din pala ako dito.

"Traitor?" tanong nya.

"Why should I answer you? Tss. Non-sense." sabi ko. Ayan! Gago ka! Mainis ka pa! P*tang*ina ka!

"I'll kill you!" sigaw nya at sinugod ako with a straight punch na hindi man lang dumaplis sakin. Mabilis kong iniilagan ang attacks nya. Bwisit! Nakakaasar na ha! Dahil nilalamon na siya ng galit niya, di niya namalayan na nabaril ko na siya. Tss. Weak.

"I told you Black Nightmare. We haven't killed anyone especially your sister and gangmates. If you wake up after this, that's the proof. Have a good sleep." sabi ko habang di pa siya nakakatulog. Hindi na siya nakasagot kasi nakatulog na siya.

"Are you alright?" tanong ko kay Pajen habang kinakalagan siya. Hindi niya ako makikilala kasi bukod sa iba ang suot ko, may voice changer pa ako.

"Yes. Thank you! Kung sino ka man, salamat nang marami. Hihihi."

Tss! Nagpapacute na naman to.

Nabunutan ako nang tinik. Ligtas na si Pajen. Kailangan kong magdoble ingat baka maulit pa to. Lalo na't alam ko na kung sino ang traydor sa Black Castle Gang.

Devil Assasinator...

Hey guys! If you want the latest update on this story, just read it on wattpad. Here's the link: https://www.wattpad.com/734212976-my-fan-girl-is-a-gangster-rosesawardsjune2019

Vote and comment your feedbacks there! I'm more active on that platform than here. Thank you!

friesnijustincreators' thoughts