webnovel

My Fake Perfect Lover (Finished)

Charlin Reigh delos Santos aka Charley is an aspiring novelist, the only novelist who never believes that there is such a thing called "Happily-ever-after" and "Forever", that those beliefs only happen in a Fairy tale story. Payapa siyang namumuhay sa bahay na ipinatayo ng kanyang Daddy para sa kanyang Mommy. Isang araw, binigyan siya ng kapatid niya ng isang concert ticket ng paborito niyang bandang Side A, plus a free 2 days stay in an expensive hotel. This is life! At habang abala siya sa mga bagay-bagay na 'yon ay hindi niya alam na ibinibenta na pala ng kapatid niya ang bahay nila. In the hotel, she encounters a famous actor-model and endorser named Train Evan Sebastian. She accidentally pulled down Train's pants in front of everyone. Humiliating it is! This was indeed the most embarrassing moment of Train's life kaya galit na galit ito sa kanya! When she returns to the reality, na-diskubre niyang naibenta na pala ang bahay niya-to no other than Train Evan Sebastian. Kung sinusundan nga naman talaga siya ng malas oh! Pero wala na siyang magagawa dahil naibenta na ang bahay nila, ngunit hindi siya makakapayag na umalis sa bahay na kinalakihan na niya-kaya nag-apply siya bilang katulong nito! Isang araw ay biglang nangailangan ng tulong si Train, yes, ang sikat na celebrity na ito ay kailangan ang tulong niya! The plot was: Kailangan niyang magpanggap na fiancée nito para patunayan sa ex-girlfriend nitong nakalimutan na nito ang babae and they set up a contract to last for three months. During that time, complications arises. Charley fell in love with Train! But what to do? Cassandra has decided to be with Train again-when she found out about their pretentious game. Right! There's no really such thing as forever, how could she forget about it?

Missrxist · Urban
Not enough ratings
11 Chs

Chapter Six: Development!

"YOU'RE not that pretty and tall; you're neither even attractive nor sexy. Why Daddy would choose someone like you to be his wife and my... Mom? I'm really thinking if Daddy had a major head injury or maybe you black mailed him or something, I really couldn't think why would he marry you."

Napakusot ng mga mata si Charley sa boses-batang naririnig niyang bumubulong-bulong sa tabi niya, kaya mabilis siyang nagbukas ng mga mata—at gano'n na lang ang panlalaki ng mga 'yon nang bigla niyang mabungaran ang mukha ng isang batang babae na titig na titig sa kanya.

"Aahhh! Tiyanak!" tili niya, saka siya mabilis na napatayo sa kanyang kama para kunin ang malaking crucifix at holy water na nakalagay na maliit na altar sa kuwarto niya—natulog kasi siya sa dating kuwarto niya kagabi, dahil na-miss niyang matulog doon at hindi naman siguro kalabisan kay Train 'yon dahil ginagawa pa rin naman niya ang mga trabaho niya—itinapat niya sa bata ang malaking cruifix. "Maglaho ka! Maglaho ka!" sigaw niya, saka niya mabilis binuksan ang holy water para isaboy sa tiyanak na nasa harapan niya.

"Stop!" sigaw ng tiyanak, na marahil nasa tatlo hanggang apat na taon ang edad. "You're making me drench all over."

"Aba! At napapa-ingles ka pa ha, itong bagay sa 'yo!" aniya, saka uli niya pinaulanan ng holy water ang bata.

"I'm not a monster!" narinig niyang sabi ng bata.

Napakurap-kurap siya—tiyanak nga ba ang batang kaharap niya? E sobrang cute nga nito; maputi, maganda ang kulay-kapeng mga mata nito, namumula-mula pa ang pisngi nito at napakahaba ng buhok na marahil hanggang baywang. Parang mas tamang sabihin na mukha itong baby doll kaysa tiyanak.

"Kung hindi ka monster, sino ka kung gano'n?" nagtatakang tanong niya, saka niya itinigil ang pagpapaulan ng holy water sa batang bigla na lang nakapasok sa kuwarto niya.

"My name is Andrea Sebastian, but you can call me Andie." Pagpapakilala ng cute at bibong bata.

Sebastian? "Don't tell me, Train is your—" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang sumingit ang bata.

"I am his daughter and I am here to visit my Dad. I opened the wrong room and found you here—next to my Dad's room and I assumed you're his girlfriend?" mahabang paliwanag ng bata na ikinalaglag ng kanyang mga panga—anak daw ito ni Train?

Ang akala niya ay kapatid nito ang lalaki—na medyo malaki lang ang age gap—may nakita kasi siyang larawan ng batang babae na nakalagay sa picture frame at nasa bedside table ni Train no'ng naglinis siya last time.

Hindi siya agad na nakasagot sa bata dahil hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkagulat. Big scoop! Kapag nalaman ito ng media, tiyak pagpipiyestahan ang mga ito. Muli siyang napatitig sa mukha ng bata—hindi niya makita ang feature ni Train dito, marahil ay namana ng bata ang lahat ng features ng Mommy nito, kaysa sa Daddy nito.

Mabuti naman kung gano'n! Pero hindi niya maikakalang sobrang cute ng batang ito. Andie? Parang narinig na niya ang pangalang ito na binanggit ni Train dati o baka guni-guni lang niya.

"Andie...? Baby, where are you?" nagkukumahog na pumasok si Train sa loob ng kuwarto niya, palibhasa ay nakabukas na ang pintuan ng kuwarto niya, kaya napakasok agad ang lalaki. "Andie!" anito, na tila gulat na gulat sa pagkakakita sa bata. "Y-You're already here! You and Mommy didn't tell me about this."

"Hello Daddy," nakangiting bati ni Andie sa Daddy nito, saka mabilis na tumakbo ang bata para yakapin ang Daddy nito. "Surprise! I missed you!"

"I-I've missed you too, sweety..." saka ito yumuko at gumanti nang yakap sa anak.

Now, Train looks like a different in her eyes. Mukhang miss na miss nga nito ang bata dahil halos maiyak ito sa tuwa. What a cute scenery.

"Daddy, have you seen yaya Mayang? She is in your kitchen, cooking for our breakfast." Anang bata.

"When did you arrive? You really surprised me!" nakangiting sabi nito sa bata, tila nawala ang madaming kasungitan ng lalaki dahil sa batang kaharap.

"I told Tita Mitchy about this and she kept it as a secret. She fetched me in the airport a while ago. Papito, Mamita and Lolo Jose said that they would be here anytime soon, they're busy with works." Anang bata, na marahil tinutkoy ang mga abuelo nito. Nanatili lamang siyang nakatitig sa dalawa. Kumalas ang bata sa pagkakayap sa Daddy nito at binalingan siya. "Is she your girlfriend, Daddy?" anito, na ikinaubo niya nang sunod-sunod.

Mabilis na umiling si Train. "She's just a friend, sweety." Nakangiting sagot nito sa anak. Are they really friends now? Pero mas maganda namang pakinggan 'yon kaysa ipakilala siyang katulong nito.

Tumango-tango ang bata. "Can we have our breakfast already? I'm so hungry."

"Sure sweety." Ani Train, saka nito binuhat ang bata at tuluyan nang lumabas ang mag-ama sa kuwarto niya.

Napabuga siya ng hangin at napailing. Para siyang nananaginip at hindi makapaniwala na si—Train Evan Sebastian ay isa ng—Ama! Kapag itong balitang ito kumalat... naku!

Napailing siya, e ba't super concern yata siya sa dalawa? Samantalang ang sungit ng mga ito sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Nagtungo na lang siya sa banyo para maglinis ng mukha pagkatapos ay bumaba na rin siya sa kusina para tumulong sa paghahanda ng agahan sa sinabing Yaya Mayang ng bata kanina.

Naabutan niya sa kusina na nagkakasiyahan ang mag-ama, kasama si Micthy at isang matandang ginang na marahil nasa lagpas forty na ang edad—may mga pagkain na rin doong nakahanda na mukhang niluto ng babae dahil nakasuot pa ito ng apron. Saglit siyang napahinto sa pagpapasok at napatitig siya sa mag-ama—ang sweet at ang sayang tingnan ang mga ito!

Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan, naalala kasi niya ang kanyang pamilya and their sweet days together. Parang biglang kinurot nang husto ang puso niya. Hindi tuloy niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha. She missed the moments she had with her parents, with her family. Hindi na ba talaga maibabalik ang lahat nang dating mayroon ang pamilya nila?

Wala na bang pag-asa na muli silang mabuong pamilya? Parang nadudurog ang puso sa tuwing naiisip niya ang pagkawatak-watak ng pamilya niya. Napapunas na lang siya ng luha, bago pa siya makita ninuman na umiiyak.

Muling bumalik ang atensyon niya sa mag-ama na noon ay magkasalo ng agahan sa dining table, napakagat siya sa ibabang labi niya nang mapansin niyang nakatitig na pala ang mga ito sa kanya. Napansin yata ng mga ito ang presensya niya—e ang pag-iyak niya? Napailing na lang siya.

Tipid siyang ngumiti sa mga ito bago umalis doon para magtungo sa harden. Kailangan niya munang libangin ang kanyang sarili, dahil sa biglang pag-usbong ng kalungkutan sa puso niya. Nang alam niyang tapos nang kumain ang mag-anak ay bumalik siya sa kusina at nagpresenta kay Yaya Mayang na siya na lang ang maghugas ng kinainan ng mga ito.

NAGTUNGO si Charley sa kuwarto ni Train para itanong dito kung may kailangan pa ba ito, bago siya muling magpatuloy sa nasimulan na niyang bagong nobela. Katatapos lang din tumawag si Jin sa kanya ay niyaya siya nito next week sa premiere night ng movie ng Daddy nitong director, hindi siya nakahindi dahil baka makakilala siya ng mababait na publisher na maaari niyang makausap patungkol sa mga akda niya.

Hindi no'n nakasara ang pintuan ng kuwarto ng lalaki, kaya napasilip siya doon. Kasama nito ang bata na nakaupo sa carpeted floor at naglalaro ng video games sa flat screen TV.

"Daddy, don't go to your pictorials for today, let's play the whole day." Ani Andie.

"But sweety, I've been playing with you three days since the day you got here and I've been absent from my work but I promise that I'll go home as earlier as I can."

Napalabi ang bata. "I don't have any playmate here and I'll miss you."

"You can play with yaya Mayang."

"She didn't know how to play video games, Daddy."

"I'm sorry sweety, babawi ako sa susunod." Ani Train, saka tumayo ang lalaki mula sa carpeted floor at humalik sa ulo ng bata. "I need to take a bath already."

Kumabog ang puso niya sa pagkakakita niya sa ginawa ng lalaki—mabilis siyang napahawak sa puso niya—bakit bumilis ang tibok niyon lalo na nang makita niyang napaka-caring at sweet ng lalaki sa anak nito. Parang hindi ito ang supladong Train na nakilala niya, ibang-iba ito.

"I-I can play with you!"

Mula sa maliit na nakaawang na pinto ay mabilis niyang itinulak 'yon para pumasok sa loob at mag-presenta na maging kalaro ng bata. Alam niya ang pakiramdam ng walang kalaro, dahil nang isama siya ng Mommy niya papunta sa abroad ay nawalan siya ng mga kalaro na mga batang babae.

"You?" magkasabay na tanong ng mag-ama.

"Ako nga! May iba pa ba kayong nakikita?" nakangiting sabi niya. Bigla kasi niyang nakita ang kanyang sarili kay Andie. Nasaan kaya ang Mommy nito? Para kasing wala siyang naririnig na tungkol sa Mommy nito—naisip pa nga ng bata na siya ang girlfriend ng Daddy nito—hindi kaya...?

"Are you sure?" ani Train sa kanya. "Hindi ka ba busy sa pagiging writer mo?" anito, nalaman kasi nito ang pinagkakaabalahan niya.

Saka na lang niya babalikan ang pagsusulat—saglit siyang napatigil, kaya niyang hindi maligo ng isang linggo para sa pagsusulat, pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil kaya na niyang iwan ang pagsusulat para makipaglaro sa anak ni Train.

Umiling-iling siya sa lalaki. "Hindi, kaya okay lang sa akin. 'Yon ay kung okay lang sa anak mo?"

Mabilis namang bumaling si Train sa bata. "Is it really okay if you play with Tita Charley?"

Tita Charley? Lihim siyang napangiti, cute din pala pakinggan ang pangalan niyang may Tita—e kung Mommy Charley? Mabilis siyang napailing.

Bumuga ang bata ng hangin. "I don't have any choice, Daddy." Napailing na lang siya ng lihim sa kasagutan ng bata.

"Okay, I really need to go to the shower now sweety, I'll be late." Ani Train sa bata, saka ito naglakad patungo sa bathroom pero bago pa ito tuluyang makapasok doon ay mabilis niya itong nilapitan.

"Wait lang Train," mabilis na pigil niya sa lalaki, na mabilis ding ikinalingon nito sa kanya. "Hindi sa pagiging tsismosa, pero may gusto sana akong itanong sa 'yo e."

"Ano 'yon?"

"Nagtataka lang ako kung bakit ako napagkamalan ng anak mo na girlfriend mo, hiwalay na ba kayo ng Mommy niya? Bakit hindi niya kasama ang Mommy niya? Alam na ba ng media ang tungkol dito?" sunod-sunod na tanong niya.

Saglit na natahimik ang lalaki bago ito napailing sa kanya. "Tutal, malalaman mo din naman ang lahat anytime soon, okay sasabihin ko na sa 'yo ang lahat." anito, saka ito napabuga ng hangin. "Oo, wala na kami ng mommy niya at iniwan sa akin ang pangangalaga kay Andie simula baby pa siya. Andie is turning four soon." Kuwento nito. "And to tell you, kahit sa Europe siya ipinanganak ay marunong siyang mag-ingles at mag-tagalog kaya huwag kang magsasalita ng anumang negative tagalog phrases dahil maiintidhan niya 'yon." Nakangiting imporma nito. "Hindi ito alam ng media at pinakatatago namin ang sekretong ito para hindi mabulabog ang buhay ni Andie. She's been living in Europe with my parents and grandfather and she's here because she wanted to see me. Bihira na kasing akong nakakadalaw doon dahil hectic ang schedule ko ngayon, unlike before na buwan-buwan ay naroon ako."

Nagpapatango-tango siya sa kanyang naririnig. Ang dakila pala nito, dahil ito mismo ang nag-alaga at nagpalaki sa batang iniwan ng ina. At ginagawa rin nitong tambayan ang Europe kapag may free time para makita lang ang anak. Ramdam din niya ang security nito para sa bata.

"Kaya Charley, keep this as a secret. This is the only favor I've wanted to ask from you." The mighty king is now asking for a favor. I-z-in-ipper naman niya agad ang bunganga niya saka nag-thumbs up sa lalaki.

Ang weird lang dahil mas gumagandang lalaki pa ito sa mga mata niya. Lihim siyang napailing, lately ay panay ang papuri at pagkabog ng puso niya dahil sa lalaking ito, nagma-malfunction na yata ang mga body organs niya.

Ngumiti si Train sa kanya, kaya kumabog na naman ng mabilis ang puso niya, lalo na nang tapikin nito ang balikat niya, bago ito tuluyang pumasok sa bathroom. Mabilis siyang nakalapit sa kama at napaupo doon—biglang naghina ang mga tuhod niya. Ano'ng meron?

After a while ay lumabas na rin si Train mula sa CR, nakaligo na ito at napakabango nito, nakabihis at nakapag-ayos na rin ito sa sarili nito. He's really very dashing, but she didn't mind at all. Weh? Nag-iwas siya ng tingin at inabala ang kanyang sarili sa kunwari pagpipindot sa hawak niyang joystick sa tabi ni Andie sa carpeted floor, nang mahuli siya ni Train na nakatitig dito.

Pero mukhang mali siya nang napagpuwestuhan dahil nang lumapit at humalik si Train sa ulo ng anak nito ay naramdaman niyang tumaas ang maliliit na buhok niya sa ulo dahil dumukwang si Train sa ulunan niya para halikan ang anak.

Bumalik lang sa pagiging kalmado ng puso niya nang tuluyan nang nagpaalam ang lalaki sa kanilang dalawa ni Andie.

"Are you hungry?" kapagdaka'y tanong niya sa bata na ikinaling nito. Napakamot siya ng ulo. "Pero bakit ako, gutom na agad? May anaconda na yata ako sa tiyan." Bulong niya sa kanyang sarili. "Okay, let's play seriously." aniya sa bata.

Mabilis namang bumaling sa kanya ang bata saka tumango-tango. "Do you know how to play this game?" anito.

Hello Kitty and friends ang napili nitong videogame. Mukhang madali lang naman laruin ang larong 'yon, patatalunin lang si Hello Kitty at ang kaibigan nito sa mga humps at babarilin 'yong mga villains na gustong mag-block sa daraanan niya. Parang Mario brothers lang, pero pambata kasi ang larong ito, kaya sisiw na sisiw ito sa kanya.

Na-miss tuloy niya ang Kuya niya, na dati ay kalaro niya ng mga computer games, also her parents na nanunuod sa kulitan nilang magkapatid. She really missed the old times, when they were still together—a big happy family!

"Tita Charley! Look out! Oh, we lose the game! I thought you knew how to play but—oh, why are you crying?" anito, na tila biglang nahabag ang hitsura nito nang makita nitong napaiyak uli siya dahil sa mga nakaraang alaala na patuloy na huma-hunting sa kanya sa kasalukuyan.

Tuluyan nang napatayo si Andie sa kinasasalampakan nitong sahig saka siya mabilis itong nakatayo sa harapan niya. She looks so sorry for her.

"I'm sorry." Anito, pakiramdam siguro nito ay kasalanan nito kung bakit siya umiiyak. "I really didn't mean it. I was just... Er, I am so sorry—" Hindi nito natapos ang sasabihin nang bigla na lang niya itong niyakap nang mahigpit, saka muli siyang napahagulgol. "Hey, are you okay? Don't cry, Tita Charley!"

Umiling-iling siya. "It wasn't your fault. I just remembered my family..." sumisinghot na sagot niya sa bata.

Mabilis na humiwalay ang bata sa pagkakayakap sa kanya. Andie gently cupped her face to wipe her tears away. "I know what you feel, I don't have a Mom. When I asked Daddy about her, he just shrugged his shoulder and said, he would let me know soon. I've wanted to have a mommy." Malungkot din na wika ng bata. Tumango-tango siya.

"Tita Charley, pwede po ba akong humingi ng favor sa 'yo?" anito, na ikinangiti niya dahil sa cute na accent nito. Tumango-tango naman siya. "Can I call you Mommy?" anito, na ikinalaki ng mga mata niya.

"W-What?" gulat na gulat na tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya. "No'ng niyakap mo po ako kanina, para ko pong naramdaman na may Mommy ako. Bukod po kasi sa Mamita at si Yaya Mayang, wala nang yumayakap sa akin ng gano'n."

"P-Pero, 'di ba ayaw mo sa akin kasi hindi ako maganda at sexy?" pagpapaalaa niya sa sinabi ng bata.

Napakamot ito ng ulo. "Tu es tres belle, Tita Charley!" anito, gamit ang French language, na hindi niya maintidihan. Kaya siya man ay napakamot din ng ulo. "I said, you're beautiful Tita Charley!" paliwanag nito sa sinabi nito. "Sinabi ko lang po 'yon noon kasi akala ko aagawin mo si Daddy sa akin."

Mabilis siyang umiling-iling. "Hindi ko gagawin 'yon. Saka love na love ka ng Daddy mo." Nakangiting sabi niya.

Tumango ang bata. "I think I like you." Nakangiting sabi nito.

"I like you too, baby." Nakangiting sabi niya, na ikinalaki ng mga ngiti ng bata.

"So, can I call you Mommy, now?" saglit siyang hindi nakakibo bago siya tumango-tango sa bata, na ikinatalon nito sa kasiyahan. "Can we play again? I promise, I won't be mad at you again." Nagtaas pa ito ng kanang kamay nito, saka ngumiti.

Napangiti siya sa bata, mas lalo itong kumu-cute dahil sa pagngiti nito. "Sure!" nakangiti ring sang-ayon niya.

Nagsimula na uli silang maglaro. Punong-puno nang tawanan ang namayani sa buong kabahayan—na noon lang uli nangyari after more than a decade. Buong akala niya ay madali lang ang mga larong pambata pero mahirap pala.

Si Andie tuloy ang nagtuturo sa kanya kung paano laruin 'yon. "Yeah, you're doing great Mommy! Keep it up!" nakangiting puri pa ni Andi sa kanya.

Saglit siyang natigilan—Mommy? She called her Mommy already! Mas may impact pala ang 'Mommy' kesa sa 'Tita'. Handa na ba talaga siyang maging asawa ni Train? Teka, kunwa-kunwariang Mommy ka lang ni Andie—hindi asawa ni Train! Pangangaral sa kanya ng isipan niya. Lihim siyang napailing.

Sabay silang nagkatawanan ni Andie nang ma-out siya kung kailan malapit na siya sa door papasok sa ibang dimension. So near yet so far.

In a short period of time ay naging malapit na agad ang bata sa kanya. At first time niyang makipaghalubilo sa isang bata, hindi kasi siya gaanong mahilig sa mga bata—noon, dahil maiingay, pero biglang nagbago ang pananaw niya. Na-amaze din siya sa sarili niya dahil marunong pala siyang makibagay sa tulad ni Andie.

"Meryenda time!" nakangiting pumasok si Yaya Mayang sa silid—ito ang nagsisilbing teacher niya ngayon sa pagluluto—may dala itong malaking tray na naglalaman ng juice at cookies.

"Yay! I'm hungry, thanks Yaya." Mabilis na tumayo si Andie, saka ito tumayo sa harapan niya. "Come on Mommy, let's eat together!" saka nito inabot sa kanya ang maliit na kamay nito.

Nagkatinginan sila ni Yaya Mayang, saka sila nagkangitian. Inabot niya ang kamay ng bata, saka tuluyang tumayo para magpunta sa misita kung saan nakapatong ang meryenda nilang dalawa.

"Mukhang nahuli mo na ang kiliti ni Andie, ha." Nakangiting sabi ni Yaya Mayang nang tumabi ito sa kinauupuan niya sa sofa. "Masungit ang batang 'yan sa mga babaeng nagdididikit sa Daddy niya, pero mukhang exempted ka at tinatawag ka pang Mommy."

Ngumiti siya sa matanda at nagkibit-balikat. "Dahil nakikita ko po siguro ang sarili ko sa kanya no'ng bata pa po ako at siguro naglo-long din po siya sa isang Mommy na nahanap niya sa katauhan ko, kaya po kami nagkasundo."

Tumango-tango ang matanda. "Ako noon, inabot pa ng isang buwan bago niya ako nagustuhan, kailangan ko pang pag-aralan ang mga hilig at gusto niya para maging close sa kanya." Kuwento ng matanda.

Na-overwhelm naman siya sa narinig. "Ano po ang mga gusto ang hilig niya?" curious na tanong niya, saka siya saglit na napalingon sa batang maganang-magana sa kinakain.

"Mahilig siya sa mga sweets, sa pink color at swimming—na kabaligtaran ng Daddy niya, dahil kung gaano kagusto ni Andie ang tubig, gano'n kaayaw ni Sir Train sa tubig." Pagkukuwento ng matanda na ipinagtaka niya.

"Bakit po ayaw ni Train sa tubig?"

Nagkibit-balikat ang matanda. "Ang alam ko lang ay nagkaroon siya nang masamang alaala kapag nakakakita siya ng pool o beach."

Saglit na bumalik sa alaala niya ang narinig niyang sinabi ni Miss Micthy kay Train no'ng nakaraan. "Sa beach ang susunod na location ng pictorial mo para sa summer edition, ano tatanggapin ko ba?" Ilang minuto bago nakasagot si Train sa manager nito bago nito hinindian ang project. Marahil ay nagdadalawang-isip ito, dahil malaking proyekto 'yon—pero sa huli ay hindi nito tinanggap.

"GOOD EVENING po Sir Train." Bati ni Yaya Mayang kay Train nang pagbuksan ng matandang katulong ang bagong dating na amo.

"Good evening din po Yaya, si Andie po?" aniya, pagkatapos ng pictorials niya ay dumaan siya saglit sa munting salo-salong na inihanda ng buong movie team para sa lahat. Maayos ang naging review at preview ng latest movie na pinagbibidahan—na malapit na ring ipalabas sa big screen. Pero dahil traffic ay inabot siya ng alas nuwebe y media.

"Nasa kuwarto niyo na po, natutulog." Imporma ng katulong.

"Kumain na ba siya?"

Tumango ang katulong. "Magkasabay po silang kumain ng dinner ni Charley pagkatapos po nilang maglaro ng video games ng one to sawa kanina, tawa nga po sila nang tawa e, saka nagkasabay na rin po sila naligo at nagpahinga."

"Really?" hindi makapaniwalang tanong niya, kanina lang ay hindi magkasundo ang mga ito. What happened?

Tumango-tango ang katulong. "Nagkasundo po sila agad. Mukhang nahulog na po agad ang loob ni Andie kay Charley, Mommy na nga po ang tawag ng bata sa kanya e." Nakangiting imporma nito.

Mommy ang tawag ni Andie kay Charley? Ano'ng nangyari sa mundo? Ilang oras lang siya nawala. "Ah okay, salamat po. Akyat na po ako sa itaas, magpahinga na rin po kayo."

"Hindi na po ba kayo kakain?"

"Ah hindi na po, Yaya. Salamat!" aniya.

Nang makarating siya sa tapat ng kuwarto niya ay mabilis niyang pinihit pabukas ang pintuan—napakusot siya ng mga mata nang makita niyang magkatabi sina Charley at Andie na nakahiga at natutulog sa kama niya. Andie is hugging Charley and vice-versa.

Saglit siyang natigilan sa eksenang 'yon—paanong nagawa ni Charley na mahuli agad ang loob ni Andie? Pero hindi niya naiwasang mapangiti sa tagpong nakikita niya—parang mag-ina ang hitsura ng mga ito at kung tatabi siya sa mga ito sa kama—magmumukha na silang kumpletong pamilya. Napailing siya sa huling naisip niya.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama kung saan himbing na himbing ang dalawa sa pagkakatulog. They both looks so angelic while sleeping—para bang matagal nang nagkasama ang mga ito, samantalang ilang araw pa lang simula nang magkakilala ang mga ito.

Muling kumawala ang ngiti sa kanyang mga labi—pakiramdam niya ay biglang nawala agad ang lahat ng pagod niya buong araw dahil sa dalawang taong nasa harapan niya. Andie was longing for a mother for so long and here's Charley to the rescue.

Napatitig siya sa mukha ng dalaga—kilala niya itong maingay, makulit, walang talent sa kusina, matakaw, at hindi everyday naliligo dahil sa pagiging abala nito sa pagiging writer nito—hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ang maamo nitong mukha ay gumagaan ang pakiramdam niya at lumalambot ang puso niya—'yong tipong kapag galit siya at makita lang ito ay nawawala na ang galit niya. Pero syempre hindi niya 'yon ipinapahalata dito at idinadaan pa niya sa pagsusungit.

Napaka-cute nito kahit madalas ay mas baliw ito, pero hindi niya alam kung bakit kapag hindi niya ito nakikita sa bahay ay madalas hinahanap ito ng mga mata niya. In his twenty five years of existence, isang beses pa lang siya nai-in love sa dami ng naging girlfriends niya. Sa Mommy lang ni Andie at never din siyang na-in love sa mga naging love team niya.

But what the heck is happening to him? Sa tuwing napapalapit si Charley sa kanya, sa tuwing nahahawakan siya nito at kung anu-ano pa, madaming emosyon ang naglalabasan mula sa kanya; inis na agad mapapalitan ng tuwa, admiration, calmness at marami pang iba. Weird na ba siya sa lagay na 'yon—o hindi naman kaya...? Mabilis siyang napailing, imposible! Saka baka may boyfriend na ito—may nakita ka na bang dumadalaw o kasama niyang lalaki? Tanong ng isang bahagi ng isipan niya. Wala. Sagot naman ng kabila, na weird pero gumaan ang pakiramdam niya sa naging kasagutan ng isipan niya.

Muli niyang sinulyapan ang dalawa, they really look so adorable. Mabilis niyang inilabas ang phone sa kanyang bulsa para kunan ng litrato ang mga ito.

Good night, Andie! Dumukwang siya para halikan sa noo ang bata, ngunit napatitig siya sa babaeng katabi nito na noon ay malapit na rin ang mukha nito sa kanya, all of a sudden ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya kaya mabilis siyang dumistansya at napailing.

Imposibleng magkagusto siya sa babae! Makatulog na nga, maaga pa ako bukas! Ngunit, saglit niyang kinapa ang puso niya—ang bilis pa rin ng tibok niyon. Sa sofa na lang siya matutulog ngayong gabi.

Sweet dreams, Charley!