webnovel

Chapter 1 :

*knock* *knock* *knock*

"WHAAAT?! "

sigaw ko habang palapit pa lang sa pinto. Nakakarinding paulit ulit na katok. Gosssh!

Pagbukas ko..

"Anong ginagawa mo dito? "

Nakatungo lang ito . Tsk!

"Kung balak mong kunin ang oras ko sa kakaganyan mo umuwe ka nalang"

dugtong ko pa ng iaakma ko na sanang isasara ang pinto ay pinigil nya ito.

"P-pwede ba tayong m-mag-usap? "

Napairap nalang ako naisip ko ano namang pag-uusapan namin.

"Cas please"

nagmamakaawang boses nya.

I decided na sa isang cafê kami mag-usap. Agree naman sya dun. . Magandang design ang nacreate ng cafê na ito. Napakakalmado kase ng paligid dahil na rin sa smooth song na pinapatugtog nila. Naupo kami sa pinakadulo sa bandang kanan pagpasok

"Wala naman akong alam na kailangan pa nating pag-usapan. 18 years left hindi mo nga ako nakausap hindi ko nga nakitang apektado ka that time? And now? You're pleasing me oara lang kausapin kita? " I sigh

" Goosssh" nasabi ko nalang

"I-im sor-ry" mahinang sagot nya. Pero ano bang magagawa ng sorry nya? Mababago ba nun lahat ng nangyare 18 years ago?

"It's useless" matigas ko sabi.

"Se-ge... Pero sana p-pakinggan m-mo ako kahit ngayon l-lang" nauutal na sabi nya.

"K-kahit hindi b-bilang ina".

"Hindi naman talaga kita naging ina! " galit kung sagot sa kanya. Bigla kung naramdaman ang galit sa kaloob looban ko.

May kinuha sya sa bulsa nya, isang sobre at iniabot nya sakin.

Kinuha ko yun at tiningnan ang loob.

"18 years. "

-----------------------------------------------------------

"Oh? Cassandra bat ang aga mo diba mamaya pa duty mo? " tanong ni Chael sakin but i tried yo ignore him. Pero dahil kilala ko si Chael. As I expected ng naupo na ako sa spot ko. Nagtanong ulit ito.

"Marami akong gagawin" sabi ko lang dito.

"Huh? E wala naman pinapagawa satin ngayon ah? "

Sinamaan ko ito ng tingin at nagkibit balikat nalang ito saka dahan ng naglakad paalis

"sabi ko nga marami kang gagawin hmpt"

narinig ko pa dito pero hinayaan ko nalang.

Nagtatrabaho bilang journalist. Editor ng mga news sa newspaper sa kabilang station naman namin ay ang reporting studio. Sila naman ang nakaassign na magrereport ng mga na edit na namin. 9 years na ako sa ganitong trabaho. 'till now ito pa rin ang trabaho ko. Binabalak ko na nga magresign next year January. I wanna try something new. Bagong nature.

Ilang beses na akong nagsesearch pero bakit wala akong makitang article na kahit ano 18 years ago?

"Bakit wala? "

"Naghahanap ka ng article 18 years ago Cas? Para san? "

Tanong ni Sofia nang tingnan ko ito ay nakakunot ang noo nito.

"Ahh wala. " sabi ko saka ko pinatay ang computer

"Uhmm. Pero nagtataka rin ako dyan ei. Kase may isang naging case dati ang mga pulis na nangyare 18 years ago pero nun lang nahuli ang isa sa mga witness at naghahanap sila ng article samin 18 years ago. Pero nung naghanap kami sa kahit anong file at ibang site wala kaming nakita. Sabi ng pinsan ko na dating empleyado dito may nagdelete daw sa lahat ng files at sa mga sites na related sa 18 years ago. Tinawag pa nga nila yun na gone for 18 years. Haha funny! Pero sabi ng pinsan ko. Yun daw ang pinakamaraming nangyare at hanggang ngayon wala sila idea kung bat kailangan burahin ang nangyare sa taon na yun.

"E nasan na yung pinsan mo?"

"Nag-abroad..... Alam mo ba na nagsara rin to dati dahil nawalan sila ng journalist? "

napakunot ang noo ko sa sinabi nyang yun. huh? nawalan ng journalist? Bakit naman?

"Dinelete ang file sa hula nila ay dec 29 kasi december 28 may working hour pa sila nun. Then January 2001 pagbalik nila wala na. Unang nakaalam nun ang pinsan ko dahil kailangan pa nyang mag-edit para sa newspaper tapos un pinatingnan nya sa lahat ng kanya kanyang computer at boom! parang bula n nawala lahat ng ngyare."

Nakakapagtaka...

*bzzzzzt*

"oww my sege Cas andyan na boyfriend ko ei. hehe bye" matapos sabihin ni sofia yun ay patakbo na itong lumabas. Tumayo na rin at ako at balak kung bumalik nalang sa condo.

Pagkarating ko ay agad akong dumiretso ng kwarto at isinalampak ang sarili sa malambot na kama.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyare 18 years ago .

"Ibig sabihin nun lahat ng nangyare sa year 2000 ay related sa taong nagdelete ng file. Kaya nya dinelete yun ay dahil may tinatago sya. Pero ano naman ang itatago nya? Or bka may nag blackmail sa kanya na paghindi nya inalis lahat ng nasa article na yun ay may mangyayareng hindi maganda.

Kinuha ko ang envelope na binigay nya sakin kanina. Nakasulat dun ang isang address na

" George Night Garden " at may date un ng "Dec 2000 " at " FRIDAY PARTY". Invitation yun pero para kanino. Bat hindi ko naitanong kung para kaninong invitation yun.

"Pwede bang hanapin mo ang address na yan? Sya ang makakatulong sa'yo. "

naalala kung sabi nya.

Bakit nya ako tutulungan. Paano?

May alam ba ang kung sinong nandito sa mga nangyare 18 years na ang nakalipas?

Sinipat ko ulit ang invitation card at nakita ko sa pinakababa na may maliit na contact number dun. Agad kung hinagilap ang cellphone ko. Nilibot ko pa ang paningin ko pero wala. shit! Naiwan ko ata sa office yun.

"haissst"

Mabilis akong nagdrive papuntang office.

Nakapatay na lahat ng ilaw dun. Kasi nga wala naman nagover time ngayon dahil wala naman pinapatrabaho samin ngayon. Buti nalang may kanya -kanya kaming susi. Pagpasok ko ay una kung madadaanan ang reporting station. Sinilip ko sa loob. Madalang naman kami mapapunta dito dahil nga para to sa lahat ng reporter. Binuksan ko ang pinto. Uhmm nakabukas? Siguro nakalimutan ng i-lock pero most of the time nakalock naman talaga 'to. Malawak ang loob nito kase meron sila parang mini library. Tapos may stage presentation pag nagpapractice ang mga bagong reporter.

Biglang umilaw ang wrist watch ko 8:30 na. Lumabas na ako ng reposting station ni-lock ko na yun bago ako dumiretso na sa journalist department. Pagpihit ko ng pinto. Nakabukas? Imposible. Ako ang nahuli kanina kaya nilock ko ito. Nasa loob na ako ng biglang may umilaw na phone at nagring. Sa table ko. Agad kung tinungo yun at dinampot ang phone ko. Nang sakto namang sasagutin ko na ay saka nagend ang tawag. Unknown number.

"Sino kaya 'to? "

*boogsh*

napatingin ako sa may table na di kalayuan sakin. May biglang kumalabog dun.

Nilapitan ko yun at may nakita akong isang lalaki enable napakamot sa ulo nya.

"HUY! SINO KA??! "

gulat itong napatingin sakin habang nakahawak sa ulo nya. nauntog ata sya sa ilalim ng table. At ano namang hinahanap nya ng ganiton oras wala naman kming office hour ngayung gabi.

"C-Cassandra? "

"Ikaw???! "