webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 8

MyDevilSweetHeart

#MDSH 8

Dwayne's POV

3 araw nalang at malapit ng mag-simula yung pagsikat ng aming banda. Oo kini-claim ko na sisikat kami at yung mapabilang palang sa pagpeperform ng PAROKYA NI EDGAR  kahit na sa benefit Concert nito sa Cebu ay isang malaking opportunity na para sa bandang nagsisimula palang. Magfofront act kami sa konsertong gaganapin nga sa Cebu. At sobrang excited na ako lalong lalo na ang mga kabanda ko. Kaya hindi na kami nagkaka-undagaga sa kakapractice ng aming itutugtog at kelangang perpekto namin itong maikakanta sa harap ng maraming tao ng oras na iyon.

"Are you guys ready for another set of practice?" kakatapos lang namin ipractice yung iperperform naming bilang front act sa concert ng PNE sa cebu.

Nakita kong nakasimangot si Dustin habang hawak hawak nito yung drumkstick nito saka tumayo.

"Pagod na ako" sabay hagis pa nito ng drumstick nya sa sahig. At lumabas ng Studio.

Nagsalita narin si Tristan.

"ilang oras narin tayo nagpapractice, hindi ba tayo pwedeng magpahinga muna?, pagod narin kasi ako eh" reklamo pa nito, saka ibinaba pa nito yung Bass Guitar na hawak nya.

"ikaw?" turo ko naman kay Trevor.

"Hindi kami Robot, Dwayne. Napapagod din kami, yang si Dustin wala pang tulog kasi kelangan nyang magreview para sa exam nya sa major subject nya sa Engineering subject nya. At kapag hindi sya nakapasa doon malalagot sya sa mommy nya."  Pagpapaliwanag pa ni Trevor para sa buong banda. Para tuloy syang naging taga pagsalita nila bilang isa. Hays nagmukha na naman tuloy akong kontrabida sa harap ng mga kaibigan ko.

Siguro nga tama sila, oo tama sila. Kasi masyado na akong na-excite na maperfect yung performance namin. Well kung naniniwala at naniniwala naman kami sa kakayanan namin na makakaya namin ito, kaya naman talaga namin ito basta kumpleto kami.

"Pupuntahan ko lang si Dustin" sabi ko pa sa mga kaibigan ko't lumabas ng studio. Nakita ko si Dustin sa Bungalow house. Nilapitan ko ito, kahit na alam ko na hindi ako papansinin nito, tsk isip bata parin talaga itong malibog kong kaibigan.

"Hoy, May Ticket ako para sa house party ng Crush mong si Mae ng FHM" nanlaki ang mga mata ni Dustin, kaagad itong lumapit sa akin. Ginusot pa nito yung damit kong suot, pero noong napansin nyan an tinitigan ko yung gusot kong damit ay kaagad nya itong inayos na para bang. Gusto pang paplantsahin sa katulong nila.

"Talaga?, Wow! How did you get that?" tanong pa nya sa akin, with his puppy eyes na parang nagmamakaawang ibigay ko na kaagad sa kanya yung ticket. Hays basta  pagdating sa mga babae itong si Dustin ang pinaka-hays!!!!!

"ibibigay ko pa sana ito sa iyo sa birthday mo, kaso bigla kang nagdrama dyan. Nagwalk-out, eh ang hirap mo pa naman mapa-amo. Ikaw pa naman yung pinaka-malanding lalakeng nakilala ko"

He give me a weird look. Then after a few seconds tumawa na sya. Sabay kinuha ko yung phone ko sa aking bulsa at tinawagan si aling sita, na papuntahin si Mira dito sa bahay nila Dustin, at dahil yung Gold Ticket para sa Private House party.

Tinanong pa ako ni Dustin kung sino yung Mira-ng tinutukoy ko. Sabi ko sa kanya.

"Antayin mo sya later, papunta na yun" for sure mag-aaligaga na yun papunta dito. Hahahaha

.........….

Mira's POV

Nakakainis talaga itong si sir Dwayne. Hays sa dami-rami ng pwedeng makalimutan yung ticket pa na importante raw?. Pero noong kinuha ko yung ticket bakit ganito? May mga malalaswang litrato ng mga babaeng naka-2 piece at kita ang mga kaluluwa?. Hays ganito na ba ang mga makabagong kababaihan ngayon?

Taga Bicutan raw yung kaibigan ni Dwayne at sabi pa ni aling sita doon raw sila nagpapractice ng banda nya. Wow! May banda itong si Dwayne?. Ano kaya ang hawak nito sa banda nila?. Hmmmm minsan narinig ko syang kumakanta, siguro sya yung lead singer ng banda nila? Di kaya?.

Hmmmm . pagkalipas ng halos isang oras, oo ang hirap palang sumakay dito sa Alabang papuntang Bicutan. At  akala ko pagbaba ko ng mall ay doon na, hindi pa pala. Sa isang private subdivision sa may Sunvalley Paranaque. Hays ang layo pala tsk.

Pero buti nalang mababait yung mga tricycle driver at ihinihatid ako doon sa mismong harap ng bahay ng mga Monteverde. Pero noong baba-ba na ako at siningil na ako ni kuya. Nanlaki ang mga mata ko sa taas ng kanyang siningil sa akin.

"300?" nanlaki ang mata ko sa singhil sa akin ni kuya. Hala ka ano ito? Taxi? Halos mahilo na nga ako sa paikot-ikot na ginawa nya tapos 300 ang singhil?. Eh bente nalang ang pera ko sa bulsa ko. Tama lang kasi ang Ibinigay sa akin na pamasahe ni aling sita. Wala kasi si manong dodong ng oras na iyon, kasama nya raw sa isang meeting si Mam Ara. Hayssssssssssssss tulong. Wala na akong pera.

"Ano magbabayad ka ba o ano?" hala tinatakot pa ako nitong si kuya?. Ng biglang….

" Here's 500 keep the change. Umalis ka na sa harapan ko kundi, pati yang bulok mong tricycle palilparin ko kasama mo." Matapang at astig na sabi ni Trevor kay manong tricycle driver.

Oo si Trevor na naman. Feeling ko sya na yung prince Charming ko?. Ahhahaha umayos ka nga mira, marami ka ng utang kay Trevor. Kotang kota ka na. tapos may utang na 10piso kay Wisdom. Sino pa sa mga kaibigan ni Dwayne ang uutangan mo?.

"Salamat" nakayuko kong sabi sa kanya. Nahihiya na talaga ako sa kanya.

"Don't mind it, inaantay ka na sa loob ni Dwayne" sabi pa nito, at sabay hawak pa sa balikat ko't inalalayan papasok sa malaking bahay ng kaibigan ni Dwayne.

Parang may welcome party. Lahat ng mga kaibigan ni Dwayne ay nandun sa loob at para bang sobrang importante ako sa kanila. Joke! Yung bagay na ibibigay ko sa kanila.

May isang gwapong lalake na kaagad na lumapit sa akin. Para syang adik. Na ewan, na sabik na sabik na hinihingi sa akin yung bagay na kelangan nya.

"Nasaan na?, I want to see it if it's real" sabi pa nito sa akin.

"Dustin, totoo yan" sigaw pa ni Dwayne sa kaibigan nya. so sya yung Dustin. Yung may-ari ng malaking bahay na ito. Ah…pamilya pala nya ang may-ari well, sooner or later magiging kanya rin ito. Ang yayaman talaga nya.

"Sir ano po bang kelangan nyo?" nakukulitan na ako sa kanya. Pinagtatawanan na sya ng mga kaibigan nya. pero seryoso yung mukha ni Trevor at parang hindi natutuwa na pina-iikutan ako ng baliw nyang kaibigan.

"Stop it Dustin" saway pa ni Trevor kay Dustin. Napatigil si dustin. At napatitig kay Trevor, napatitig din ang iba nilang kasama sa kanya. Iniwas ni Trevor yung tingin nya sa mga kaibigan sabay nagsalitang muli.

"Ibigay mo na nga yung kelangan nitogn baliw na ito. Ibigay mo na yung Ticket" sabi pa ni Trevor. Ah! Sabay naalala ko na. yun pala yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Kinuha ko sa bulsa ko yung ticket. Inayos ko ng husto yung ticket kasi bilin ni sir Dwayne hindi raw pwedeng magusot yung ticket or else, papatayin nya ako. Grabe talaga sya manakot.

At inabot ko it okay dustin. Nagulat pa ako noong niyakap ako ng baliw na kaibigan nilang ito. Sana hinalikan sa noo. Sign nya raw ito ng paghingi ng salamat. Shocks nakakagulat naman sya magpasalamat.

Pagkatapos kong inabot sa kanya yung regalo lumapit si Dwayne sa akin.

"umalis ka na. hindi ka nita kelangan" Bulong pa nito sa akin, pero biglang nagsalita yung isa nilang kasama. At sabing….

"Bakit hindi natin sya imbitahan sa loob Dwayne?, mukhang malakas yung buhos ng ulan? Tapos pauuwiin mo sya ng ganun ganun lang?." concern pa nito sa akin. Wow mukhang mabait itong isang to ah. Katulad ni Trevor.

"Naawa kayo sa isang to?. Eh makapal ang balat nito, hindi uso sa kanya yung sakit. Baka nga takot pa yung sakit sa kanya eh" sabay hawak pa sa braso ko't pinakita pa ito sa mga kaibigan nya. eto na naman tayo, binabastos na naman nya ako sa harapan ng mga kaibigan nya.

Pero hindi nagustuhan ni Trevor yung ginawang pambabastos ni Dwayne sa akin sa harap ng kaibigan nito kaya pumasok na ito sa loob ng bahay. Sa biglang bumuhos ang ulan. Nagulat ako noong hinila ni Dwayne ang kamay ko sabay kaming pumasok sa loob. Inabutan naman kaagad ako ng isang pang kaibigan nila na si Terrence. Hmmm bakit  ang gagwapo't ang tatangkad nila? Nag-gogrowee ba sila noong mga bata sila?. Kasi kami. Tiki-tiki lang eh!

"since nandito na si Mira, bakit hindi nalang sya yung mag-judge sa atin kung maganda ba yung performance na gagawin natin sa concert ng PNE?" sabi pa ni Tristan.  Pero ano bang ibig nilang sabihin hindi ko sila maintindihan, pero noong marinig yung pne na salita.

"Anooooooooooooooooooo? Parokya ni Edgar?, Inuman na?, Sampip, Wag mo na sana, Gitara ano ba pa?"

Excited na sabi ko. Hindi nyo kasi nasasabi na adik ako sa mga kantang ng bandang PArokya ni Edgar at pangarap ko na Makita sila sa totoong buhay. Oo kasi sa radio  ko lang naririnig ang boses nila. Wala kasi kaming tv doon eh. Alam nyo na mahirap lang. pero Masaya naman kami.

"Harana, Sayang, Para sa'yo, Maniwala ka sana" sabi pa ni Dustin.

"Ok lang ako,  Pakiusap lang, 1 hit combo"dag dag pa ni Tristan.

"Picha Pie, Sorry na, This guy's inlove w/ u pare?, Reunion." Nakangiting sabi pa ni Terrence.

"Tatlong araw, barkada,Tedhana, Akala, Papa cologne" sabi pa ni Trevor.

At ang huling dumagdag at nagsalita ay si Dwayne.

"Your Song" sabi nya. siguro paborito nya talaga yun?. Hmmm

"Fan Karin ban g PNE songs?, mukhang marami kang alam na kanta nila?, marami akong mga Cd's nila. Gusto mong mahiram?" excited pang ipakita ni Dustin sa akin yung mga collections nya ng mga Tracks ng bandang PNE. Dyos ko po, malapit na ako sa mga idols ko. Hayssss! Chito…..malapit na ako sa iyoooooooo….

"Hindi lang Fan, Die Hard Fan, nya Made from Samar" masayang sabi ko.

"Wow, mukhang may bago na tayong myembro ng PNE fans" sabi pa ni Tristan. Huh? Fans din sila ng pne?. Well mukha naman kasi banda din sila. Hahaha

"Ano? Gusto mong makinig at Makita kung paano magpractice ang ChalkHeadz Band?" huwestyon pa ni Dustin.

Iniling ko yung ulo ko. Oo gustong gusto ko. Dahil gusto ko Makita si Trevor na humawak ng Gitara haysss.

.........