webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 6

MyDevilSweetHeart

#MDSH 6

Mira's POV

Mabilis akong naglakad palayo sa canteen na yun. Marami pang nakatingin sa akin na para bang kakainin nila ako ano mang mga oras na ito. May mga binubulong pa sila sa  na alam ko naman na ako yung pinag-uusapan nila. Sa ngayon gusto kong umiyak, umiyak ng umiyak dahil pagdating ko sa bahay nila Dwayne ay kelangan ko ulit maging matatag at kelangan ko ulit syang harapan.

Bakit ba kasi sinagot ko pa sya, sabi ko pa sa sarili ko habang may biglang humawak sa akin kamay. Napalingon ako sa aking likuran.

"Saan ka pupunta?" halatang nag-aalala yung mga mata ni Trevor sa akin. Oo pagkatapos kong sagutin si Dwayne na hindi man lang nagpasalamat sa ginawa ko sa kanya. Hays ang kapal talaga ng tiwala nun sa sarili nya. Hays!....

Iniiwasan kong tumingin sa mga mata ni Trevor dahil ayaw kong Makita nya ako na umiiyak.

Pero may inabot sya sa akin galing sa kanyang bulsa, isang panyo. Pero hindi ko parin ito kinuha, kaya hinawakan nya ang mukha ko't iniharap sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko ng minutong iyon. Hindi ko nga ito mapigilan eh. Nakatitig na ako kay Trevor, saka nito pinunasan yung mga natuyo nang luha sa aking mukha.

"Wag ka ng umiyak, ihahatid na kita" sabi pa nya.

"Hindi na po, uuwi ako mag-isa baka magalit pa si Sir Dwayne" pero hinila nya ang kamay ko at pinilit akong pumasok sa loob ng kotse nya. Oo may sarili syang kotse, ewan ko't bakit pa sya nalelate sa usapan nila ni Dwayne gayong may kotse naman pala ito. Noong una kasi kaming nagkita eh, may dala syang kotse pero hindi sya yung nagdadrive, late narin sya sa usapan ng kaibigan nya na magkikita sila doon sa Mall of Asia.

Nasa loob na ako ng kotse ni Trevor at tahimik parin habang katabi sya na nagdadrive ng dahan-dahan.

"Are you ok?, nilalamig ka ba?, baba-baan ko yung temperature ng Aircon" pag-aalala pa nya sa akin, pero umiling ako, na waring nagsasabi na ok lang ako. Ayaw kong magbukas ng topic tungkol sa nangyari kanina pero pinipilit ni Trevor na halungkatin ang mga nangyari kanina.

"Hindi tama yung ginawa sayo ni Dwayne kanina, sobra na sya. Ni hindi man lang sya nagpasalamat sa ginawa mo sa kanya. Tapos binastos ka pa nya sa harapan namin. Alam mo hindi naman sya ganyan eh, ngayon ko nga lang syang nakitang ganyan ulit. Bumait na yan noong bumalik ulit galing sa Germany si Ginger"

 hindi ko sya maintindihan, pero tama yung sinabe ni Trevor, pero wala nari naman akong magagawa eh, katulong lang ako at kelangan ko syang sundin sa ano ang ipapagawa nya. Na walang kasamang pag-rereklamo.

Pero sino yung Ginger na tinutukoy nya?. Yun kaya yung babae sa kwarto ni Dwayne?. Doon ko lang nakita si Dwayne na nakangiti kasama yung babaeng yun at sobrang gwapo nya doon. Opppps! Eto na naman ako. Kanina lang eh galit ako sa kanya pero ngayon pinupuri ko na naman yung kagwapuhan nya.

"Sino si Ginger?" o nagsalita na ako. Nakakahiya naman kay Trevor na sya lang itong nagsasalita buong trip namin pauwi ng bahay.

At kiniwento ni trevor ang ilang impormasyon tungkol kay Ginger, Crush raw ito ni Dwayne at ni hindi raw nito masabi-sabi sa kaibigan na gusto nya ito. Wow! Torpe pala yung demonyong iyon?.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating narin muli ako sa bahay ng mga pascual. Nagulat din si Aling sita na si Trevor ang naghatid sa akin, kaagad nya akong pinapasok dahil kanina pa pala ako inaantay ni Sir Dwayne sa loob ng bahay. Hala? Bakit nauna pa syang makauwi kesa sa akin?.

Nagpaalam na ako kay Trevor at nagpasalamat sa pag-hatid sa akin nito.

Lagot ako ngayon. Patay na talaga ako, naunahan pa ako ng demonyong iyon. Saan kaya sya dumaan. May shortcut kaya sa ilalim ng lupa?. Ginamit nya kaya yung kapangyarihan nya bilang prinsipe ng mga demonyo?. Haysssss

Magdasal ka na Marikit, dahil bilang na ang mga minuto mo.

Dwayne's POV

Ang kapal ng mukha ng babaeng yun sumagot sa akin. Hanggang ngayon na nasa loob ako ng kotse dahil sa sinundo ako ni manong Dodong. Excited na akong pahirapan yung hampaslupa na nambastos sa akin sa harap ng mga kaibigan ko.

Pagdating ko sa bahay ay kaagad kong hinanap yung bruhang iyon. Pero si aling sita lang ang humarap sa akin, hindi pa raw dumarating itong si Marikit, saan kaya ito napadpad? Wag na sana syang bumalik. Sana narape na sya o di kaya mabalitaan na napatay ng mga adik sa maynila.

Pero noong may marinig akong bumusina. At sumilip ako kung sino ito, nakita ko ang kotse ni Trevor na nasa harap ng bahay. Kaagad akong bumaba, para tingnan at harapin itong kaibigan ko pero napaiwas ako noong Makita ko na bumaba galing sa Passengers seat itong haliparot na katulong ko.

Anong ginagawa ni Marikit sa loob ng kotse ni Trevor?. Sabi ng isip ko. Ah? Siguro noong umalis itong si Mira, na syang tamang pag-tayo ni Trevor ay hinabol ni loko?. Wow Parang sa telenovela. Hmmm exciting.

Pagkatapos ng  mahaba nilang pag-lalandian sa labas, ay pumasok narin sa loob ng bahay itong malandi kong katulong.

"Kumusta ang pagkikipag-landian mo sa kaibigan ko?, napasaya mo ba sya?" nakita ko na nanlaki ang mga mata nya sa sinabe ko. Magsasalita sana itong si aling sita pero pinigilan nya lang ang sarili nya. Hindi sumagot itong si mira at para bang tinanggap nalang yung panglalait ko sa kanya.

"hmmm, Saan ka kaya nya dinala?. Well wala akong pakialam, as long as nagagawa mo parin yung trabaho mo bilang katulong ko. Ang kapal din ng mukha mong makipaglandian sa oras ng trabaho?, hoy binabayaran kita para gumawa ng trabaho dito sa bahay at hindi para ientertain yung mga kaibigan ko."

Kitang kita ko kung paano na sya nanginginig sa galit. Yan…yan ang gusto ko, yung magburn out ka. Nang malaman ko kung ano ka ba talagang klaseng babae.

Pero bigla nalang syang naging kalmado.

"Ano pang tinatanga-tanga mo dyan?. Magtrabaho ka na ulit, ihanda mo na yung mga pinggan dahil mamaya uuwi na si mommy, hmmm kung bakit kasi naghanap pa si mommy ng malanding katulong katulad mo" sabay tumalikod ako, pero sa aking pagtalikod narinig ko syang bumulong.

"Kaya ka pala hindi minamahal ng ibang tao kasi, hindi ka marunong rumespeto"

Humarap muli ako para kumprontahin sya. Pero pinigilan na sya ni aling sita.

"Wait"  sigaw ko pa, sabay huminto sila.

"Anong sabi mo?, hoy babae, hindi mo ako kilala. At Kung may sinabe man sayo yung kaibigan kong si trevor, wala akong pakialam. Hindi kita binabayaran para pakialaman ang personal life ko. It's my problem not yours, so kung gusto mong problemahin. Well that was a good idea"

Sabay may babaeng sumagot sa akin likuran.

"Are you guys fighting" sabi pa ni mommy, nagulat ako at bigla nalang syang nasa aking likuran. Ni hindi ko narinig na dumating na yung kotseng dala nya.  Hays lagot ka ngayon Dwayne. Paano ka makakatakas sa sitwasyong ito.

Hindi ako sumagot, at nakita ko rin tumahimik si Mira, at iniyuko nito yung kanyang ulot.

"Dwayne, what did you say to Mira?. Bakit mo sya sinisigawan?, nag-aaway ba kayo?" hindi ako sumagot, at ganun din si Mira. Buti naman hindi nya ipinagtatanggol yung sarili nya. Pero noong si aling sita na ang tinanong ni mommy, since hindi kami sumasagot ni Mira ay ito ang sinabe ng matandang hukluban.

"Mam Ara, away bata lang po yun. Ok naman po sila. Hindi lang po sila magkaintindihan alam nyo na parehong mga bata pa kasi itong mga to eh"

"Pero hindi tama na , sinisigawan mo sya Dwayne. Ayan ba ang tinuro ko sa iyo?" si mommy na nag-simula nang mag-sermon sa akin. Alam ko na ako na naman ang pag-gagalitan nito at hindi yung mga katulong nya. Tsk! Sana nagkatulong narin ako. Pero….tskk ayaw ko nga! Ang yaman ko kaya. At gwapo pa! sayang Eh.

"I'm hungry and I'm tired, kung hindi pa kayo tapos sa pag-sermon sa akin, well tawagin nyo nalang ako kung handa na yung pagkain at saka nalang ako bababa"

Sabi ko, sabay talikod. Hindi ko na pinakinggan pa yung ibang sinabe ni mommy. Pasok sa kabilang tenga, then labas naman sa kabila.

Pumasok na muli ako sa kwarto ko. Kaagad akong humiga. Binuksan ko yung fb ko at marami na naman akong message na nareceived pero may isang mensahe na syang nagpa-bilis ng tibok ng puso ko.

A message from Ginger.

I Miss You Bestfriend.

Napangiti ako ng mensahe ni Ginger sa akin. Pero hindi ko kasi alam kung paano ko ulit sya iaaproach. Maganda yung plano ng barkada para sa Despidida party ni Ginger na gaganapin sa Linggo, pero the fact na aalis sya yun ang hindi ko matatanggap.

Naalala ko pa noon, sa araw ng libing ni Daddy, ako lang ang mag-isa sa playground na kung saan lagi kong kasama ang daddy ko na-nakikipaglaro sa akin, pero ngayon ako nalang ang mag-isa, well kasi yung kuya ko eh hindi ko naman talaga kasundo, we always fight, sa mga simpleng bagay.

Then there's a girl na lumapit sa akin. And she ask me if I want to join playing with her sa Tree house, kasi wala raw gustong makipag-laro sa kanya. Pumayag ako, kasi ang cute ng ngipin nya sa harapan, I can't stop laughing at that time, until now sa twing naaalala ko yung mga panahon na iyon ay natatawa parin ako. Yung first reaksyon ko noong Makita ko na bungi yung 3 ngipin ni Ginger sa harapan.

Naputol ang pag-re reminisce ko sa buhay namin noon ng bestfriend kong si Ginger ng may kumatok sa likod ng aking pintuan.

"Sino yan?" tanong ko.

"Si Mira po" sagot naman nya.

"Diba sinabe ko, na kapag hindi kita kelangan, wag mo akong guluhin?. Tinatawag ba kita. Bakit ka ba nandito?"

"Pinapa-baba na po kayo ni Mam, Ara kasi nakahanda na po ang pagkain sa Dinning."

"Ang ingay mo, bababa na" saka ko pinatay yung laptop ko't inayos yung sarili ko at binuksan yung pintuan at nandon parin pala, ang malandi kong katulong.

"Anong inaantay mo dyan ah?"

Hindi sya nagsalita.

"Tsk, wala ka talagang kwentang kausap"

Saka ako bumaba at inihanda ang aking tenga sa sermon ni mommy habang maghahapunan kami. Oo ready na ang tenga ko. May mga bulak na sa nakapasak dito kanina pa. hays.

..................….