webnovel

My Devil Sweetheart

Do you believe when the person you hate the most is the person you'll end up with?

wackymervin · Teen
Not enough ratings
11 Chs

#MDSH 10

MyDevilSweetHeart

#MDSH 10

 

Mira's POV

Pagkatapos ko syang sagutin, tumahimik na sya. Salamat sa dyos!.  Ngayon ko lang sya nakita na ganun katahimik. O di kaya nag-iisip sya kung paano na naman nya ako pahihirapan?. Medyo traffic sa Express way papuntang Alabang, may nagbanggaan raw na isang kotse at bus. Hays nakakatakot naman, binuksan ni Dwayne yung, Dvd Player nya para patugtugin. At nilaksan pa nya ito na para bang wala itong kasama sa loob. Tsk! Badtrip ang ingay sa loob ng kotse akala mo may concert. Ang itinutugtug pa nya ay metal music. Na hindi ko naman maintindihan kasi puro sigawan lang naman ang naririnig ko. Ang sakit kaya sa tenga.

Ewan ko kung bakit bigla akong napatingin kay Dwayne. Nakapikit ito, habang niyuyogyog nito yung ulo nya. Kasabay ng saliw ng tugtugin na hindi ko nga maintindihan. Habang tinititigan ko sya, may iba akong naramdaman. Yung kalamnan ko biglang nagwawala. Pinagpapawisan din ako kahit na sobrang lamig sa loob ng kotse. At hindi rin ako makahinga ng oras na iyon. Hanggang sa---nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

"Why you staring at me?" reklamo pa nya, sabay inayos nito yung buhok nya na na-sira dahil sa pag-galaw ng ulo nito. Ningusuan ko sya, iniwas ko yung pagtingin ko sa kanya.

"Ano yang nguso na yan?" tanong pa nya. Gumalaw ng konti yung kotse, mukhang naayos na ata ng mga Traffic officers yung Traffic.

"Wala, gutom na ako" reklamo ko pa, sabay hawak pa sa tyan ko. Anong oras nab a yung huli ko pang kain?. Kanina pang tanghali? Alas 2? Katatapos ko lang kasi maglaba ng biglang tumawag itong demonyong ito at inutos na dalhin yung ticket na para sa kaibigan nya. Hays kainis. Nag-aalburuto na yung tyan ko at ito ay napansin ni Dwayne.

Yung tuloy tuloy na muli yung flow ng mga kotse, ay nakarating na kami sa Alabang. Pero bakit parang sa iba nya ako idinala?. Nakita ko yung isang malaking Building na Festival Mall, pinark nito yung kotse sa may parking lot ng Mall, saka binuksan yung pintuan ng kotse nya saka ito lumabas.

Nakatingin ito sa akin noong lumabas ito. Yung tingin nya na parang gusto nya akong kainin?. Gutom na ako Dwayne kaya wag mo akong tignan ng ganyan, baka ikaw itong kainin ko. Ehhhhh  wag nalang, baka mahawaan pa ako ng kademonyohan mo. Sabi ko pa sa sarili ko.

"Ano?, gusto mong gawin dyan magpa-kamatay?, o hihilain kita dyan palabas at ako ang papatay sa iyo?" parang yung choices eh, puro mahirap?. Tumayo ako, saka binuksan yung pintuan ng kotse at lumabas.

"Ano? Tatayo ka nalang dyan?. Tsk….sya itong nagugutom pero ako itong gumagawa ng paraan para kumain sya?" narinig ko pang sabi nito, sabay naglakad na ito papasok sa mall. Sinundan ko sya at nakarating kami sa isang Restaurant. Saka pumasok itong si Dwayne, na para bang wala itong kasama tsk, ang yabang talaga!.

..................

Dwayne's POV

I can't believe that I do this for Mira, the most Annoying Girl in the world. Kanina pa kasi narereklamo yung tyan nya. Dinala ko sya sa isang Fastfood sa may Festival Mall, para tanga lang talaga itong babaeng ito, mukhang fist time nya lang atang makapasok sa isang Fastfood.

"Ako na ang oorder, stay here!, and please don't make a scene ok?" sabi ko pa sa kanya. Ang babaeng ito, wala ng ginawa kundi ang gumawa ng eksena. Lagi nalang syang nawawala. Pumila ako sa isang ile, tatlo kasi yung pila mas pinili kong pumila doon sa may Senior Lane. Na kung saan may isang matandang babae ang nakapila doon at saka ako pumila sa likod nya. Nagsitinginan pa yung ibang  babae at lalake sa kabilang lane, tinaas ko lang sila ng kilay. Huh! Ayokong mag-antay ng matagal no?. ang tagal kaya ng Service sa Fastfood na ito?. After mag-order ni lola na mukhang huling kainan na nya ng oras na iyon. Ako naman ang next.

"Sir?" sabi pa sa akin ng Counter Girl.

"Yes?" sagot ko pa sa kanya. Tumingin pa iyong ibang kasama nyang mga babaeng counter sa akin. At nag tatawanan sila sa akin. Ang mga malalanding ito! Makatawa?. Tsk!!!!

"Ang cute nya" rinig ko pa doon sa isa. #malandiAlert.

Tinitigan ko yung babae, na sobrang kinikilig sa akin. Nag-order ako ng Big Mac, dahil sa malaki ang pagka-gusto k okay Jessy Mendiola. At 1pc chicken para sa patay gutom na iyon?. Napaisip ako? Is 1pc is enough for her? Or should I order a bucket one?., then I order lotse of fries, I just love fries from mcdo. After kong makuha yung order ko. Hindi mawala sa mukha ng babaeng counter ang kasiyahan nya. #pogiproblem.

Pumila ako sa Senior lane, kahit na hindi ako senior pero tinake parin ng counter yung order ko. Shet ang gwapo ko.

Imbis na binuhat ko yung napaka-rami kong order, ay tinawag ko yung dinning para tulungan akong magbuhat. Pero akala nya siguro ay tutulungan ko sya sa dami ng inorder ko, wala akong dinala, kahit isa. Bakit? Trabaho nila yan no?. and we pay then for us to assist. At hindi para pumetiks.

After a few minutes, bumalik ako table namin ni mira, pero nasaan yung babaeng iyon?. Tumingin ako sa paligid ng Restaurant pero….Shit! papatayin ko talaga iyon. Pero nabaling ang atensyon ko sa isang pamilyar na mukha.

"Sabrina?" oo si Sabrina nga ito, anong ginagawa ng babaeng ito dito?. Well siguro gutom?. Pero sosyal itong babaeng ito. At medyo napaka-arte pa. anong masamang hangin ang nagdala sa kanya dito. Tinawag ko yung Dinning na lalake at inutusan ko na, tawagin nito si Sab, at sabihin na papuntahin dito sa kinauupuan ko. Pero noong napalingon ako sa aking gilid….

"Atin lahat yan?" gulat na sabi pa ni Mira, tapos napalingon ako sa kanan palapit na si Sabrina.

"Seat"

"Huh?"

"Ang sabi ko umupo ka na bobo mo?" tumaas pa yung boses ko. Nakakairita, hindi makaintindi sa isang salita lang?.

...................

Mira's POV.

Sumakit na kasi yung pantog ko, kaya naghanap ako ng Cr. Sa loob ng McDo. Hmmmm naalala ko pa noong 5 taon gulang ako, dinala na nila ako inay at itay sa mcdo sa bayan. At sobrang saya noon kahit na fries lang yung inorder nila para sa akin at isang Burger, na walang lasa dahil sa konti yung Dressing.

Tapos, napalingon ako sa isang gilid, may nagpaparty para. Ang ganda, birthday party ng isang batang lalake, bigla ko tuloy naaalala si bunsoy. Hays!!!!!! 5 araw nalang pala at birthday nya na. sana nandun ako para sa kaarawan ng kapatid ko.

Saka ako nagdesisyong bumalik sa table namin. At nanlaki ang mga mata ko noong Makita ko na marami inorder si Dwayne, hmmm para ba sa akin lahat ng ito?.

Pero bakit parang may babaeng palapit dito? Nakatingin si Dwayne doon, tumayo pa ito para salubungin itong maganda ng babaeng ito.

"Oh? What are you doing here?" tanong pa noong babae, saka tumingin kaagad sa akin. Hinalikan pa nito si Dwayne sa pisngi, na para bang sobrang magkakilala na ata sila?. O di kaya kasintahan ito ni Dwayne?. Diba wala syang girlfriend?. Hays! Ang gulo mo Dwayne!.

"Who is she?" kaagad na nitong tanong kay Dwayne saka umupo.

Pinakilala ko yung sarili ko. Na may kasamang magandang ngiti.

"Ako nga pala si….." hindi ko pa man naituloy yung pag-papakilala ko, ay kaagad itong nagsalita.

"I'm not interested, atsaka hindi ikaw yung kausap ko, yung amo mo right?. Kung hindi ka kinakausap, better you shut up your mouth right?" 

Aba? Isa pang maldita. Siguro nga kasintahan ito ni Dwayne. Kasi masama din yung pag-uugali. Aba?, mag-papakilala lang ako eh, ganun sya sumagot?. Hmmmm bigla tuloy nawala yung gana kong kumain.

............…..

Pagkatapos naming kumain. Ay mali, sila lang pala yung kumain at nagkwentuhan. Parang wala nga ako doon sa harapan nila eh. Ako itong niyaya ni Dwayne pero ako itong hindi kumain. Nakakabadtrip kasi eh, pareho silang mayabang.

Pagkadating namin sa bahay, tumunog at nagreklamo ulit yung tyan ko.

Narinig ko pang ngumisi si Dwayne.

"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya.

"ikaw!" sabi pa nya. Huh? Ako?. Mukha ba akong nakakataw?. Hinawakan ko ulit yung tyan ko kasi namimilipit na talaga ito sa sakit.

"I'll call Aling sita, para dalhan ka ng gamut dyan sa tyan mo. Kung bakit kasi hindi ka kumain kanina?" sabi pa nito saka umakyat sa kwarto nito.

Ano raw?. Tama ba yung narinig ko?. Tatawagan nya si Aling sita para bigyan ako ng gamot?. Baka lason ito? Hays Mira….papatayin ka na talaga ni Dwayne. Pero salamat ah….concern?. parang hindi naman. Kasalanan nya rin kung bakit sumakit ng ganito  yung tyan ko. At yung masamang ugaling bruhildang kasintahan nya.

Bagay nga sila….bagay na bagay.

...............…

Pagkatapos kong kumain, ay binigyan nga ako ng gamot ni aling sita. Saka ko kiniwento yung nangyari kanina. Nakangit si aling sita na parang ewan lang. tumunog yung Phone sa kwarto ko. Pinindot ko ito at saka nagsalita si Dwayne.

"pumunta ka sa kwarto ko ngayon din" saka nito pinatay yung tawag nya. Ito na naman tayo, hayssss ano na naman kaya yung iuutos nya sa akin?. Kaagad na akong tumayo sa pagkakahiga ko. Hays imbis na magpapahinga na ako eh, kelangan ko muling tumayo at pumunta sa kwarto ni sir Dwayne, pero anong gagawin ko sa loob ng kwarto ng demonyong iyon?.

Tok tok tok. Katok ko sa pintuan nya.

"Tsk…kaapg sinabe kong pumunta ka kaagad, ibig sabihin nun, kaagad. In 10 seconds you should be here Got it?. You idiot" sabi pa nya saka nilakihan yung bukas ng pintuan ng kwarto nito.

Pumasok ako sa loob kasi kung hindi, eh sisigawan na naman ako nito. Kainis sya. Wala na ba syang gagawin kundi ang sigawan ako? Buong buhay ko?.

"umupo ka" utos pa nya sa akin. Saka umupo kaming dalawa.

Binuksan nito yung Tv nya. Saka naghanap sya ng palabas/dvd sa isang shelve katabi ng tv nya.

"Got it" sabi pa nito.

Nagtaka ako. Anong gagawin ko sa kwarto nya?.

Napalingon pa ako sa gilid at nakita ko na maraming pagkain at tsitsirya na nakalagay sa isang maliit na  lamesa malapit sa couch.

Saka nag-simula na yung palabas sa Tv. Oo naiintindihan ko na, gustong manood ni Dwayne ng Palabas. Pero ano yung partisipasyon ko dito?.

"kunin mo nga yung Piattos at iabot mo sa akin bilis" ok! Alam ko na yung part ko dito, bakit ba ako nag-assume ng iba pa? eh alam ko naman na uutusan lang naman nya ako, na ipaabot yung mga bagay na hindi nya maabot?. Walang paa? Walang kamay?...hays super tamad!.

At bilang isang dakilang katulong wala ako, at wala akong karapatang mag-reklamo sa kanya at sa mga bagay na iuutos nya. Kahit na sobrang simple.

Saka biglang nagsalita si Dwayne sa kalagitnaan ng palabas.

"Are you jealous to Sabrina?" tanong pa nya sa akin, habang lumalantak ng cornic. Ni hindi man lang nag-yayaya ito habang kumakain. Sasagot ba ako? O tatahimik nalang?. O hindi papansinin yung tanong nya?. Ano raw???? Nag-seselos ako kay Sabrina?. Doon sa babaeng masama rin ang pag-uugali?. At bakit ako mag-seselos? Saan? Kanino? Sa kanya?. Huh! Mukha mo Dwayne.

"hindi" matipid kong sagot.

"Ok" matipid din nyang sagot.

Pagkalipas ng ilang minuto nagsalita ulit sya.

"hmmm medyo may boses ka pala!" huh? Medyo lang????. buti pa si Trevor naapreciate yung boses ko? Tapos itong amo ko. May boses?. Parang napilitan pa sya sa sinabe nya?. Tsk!

"kelangan ko bang mag-pasalamat dahil sa sinabe mo oh? Matakot?" sabi ko sabay tinaas ko yung kilay ko.

"natatakot ka ba sa akin?" sunod pa nyang tanong.

"hindi ka nakakatakot" sagot ko

"Bakit kaagad mong sinusunod yung utos ko?" tanong nya.

"kasi katulong ako dito, at ikaw ang amo ko. Normal lang na, gawin ko lahat ng iutos mo"

"sige nga….halikan mo nga ako"

huh???? Ano raw????

........................….