1 INTRO

My Demon (When Childish Meets Bad Boy)

Written by girlinblackpink

I really do believe about fairytale.

Yung may prince charming na dadating sa buhay ko balang araw. . .

Yung lalaking mala-anghel hindi lang sa itsura kundi pati na rin sa kilos at ugali. . .

Yung lalaking malambing at. . .

"Hoy, Kulot!"

Heto na naman ang DEMON ng buhay ko.

"Oh?"

"Ang liit mo."

Sabi ko nga.

Ang lalaking pangarap ko ay yung mga binanggit ko sa itaas.

Hindi tulad ng DEMON na to na isang

Arrogant

Blunt

Sweary

Cranky

At higit sa lahat. . .

wala syang ibang alam na gawin kundi ang inisin ako.

Gusto ko ng lalaking ANGEL pero DEMON ang napunta sa'kin.

Gusto ko ng lalaking 'sweet' kaso hindi ata nag-e-exist ang salitang yun sa DEMON na to.

"Demon, may tanong ako."

"Ano?!"

"Demonyo ka ba?"

Ayan na. Dahan-dahan ng nagsasalubong ang mga kilay nya.

I know what's next.

"WHAT DID YOU JUST SAY?!"

avataravatar
Next chapter