webnovel

MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy)

(TAGALOG STORY) They were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not. Cause LOVE do MIRACLE.

envieve · General
Not enough ratings
79 Chs

Chapter 24

My Demon [Ch. 24]

 

Bahagya kong tinaas ang skirt ko para ipangpunas sa bibig ko nang pigilan ako ni Demon sa pagsabing, "Ang dugyot mo."Oo nalang! Hmp.

May kinuha sya sa bulsa ng pants nya at hinagis sa'kin ang panyo na sya namang lumanding sa lap ko. Ginamit ko yun na pangpunas sa bibig ko. Ang bango ng panyo nya. Amoy gwapo. LOL.

Tumayo sya at kinuha sa isa kong kamay ang ice cream cup. Tinapon nya yun sa may pinakamalapit na trash bin na katabi ng narra tree kasama ng kanya.

Pagbalik nya, hinablot nya sa kamay ko ang panyo at bumalik sa railing kung saan sya nakaupo kanina.

Chineck nya yung hanky. Instead na yung malinis na parte ng panyo ang ipunas nya sa bibig nya, yung may bahid ng ice cream ang ginamit nya. Nakangisi pa sya sa'kin habang pinupunasan nya ang bibig nya gamit ang parte ng panyo na ipinangpunas ko sa bibig ko kanina.

Ang... seductive! Ay, hindi! Ang manyak. Ang manyak tignan!

"Naka-drugs ka ba?"

Tumawa lang sya sa sinabi ko. Binulsa nya yung panyo at sumeryoso na naman ang expression nya. Bipolar! Mongoloid!

Hinayaan ko nalang na mamagitan ang katahimikan saaming dalawa at inenjoy ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.

"Soyu," he called that caught my attention. "Matalino ka naman, diba? Pwede mo bang sagutin ang mga tanong sa utak ko?"

Hmp. Pang-ilang ulit ko na bang sasabihin na kakaiba si Demon ngayon? He wasn't the bad boy I used to know. Iba talaga kapag may bumabangabag sa isipan ng isang tao.

"Ang weird kasi." He chuckled habang tumitingin-tingin sa paligid na parang naghahanap ng sagot sa tanong na gumugulo sa sarili nya.

Gusto kong sabihin na, "May mas weird pa ba sa ugali mo?" kaso seryoso sya ngayon. Ngayon ko nga lang sya nakitang ganito, sisirain ko pa ba?

"Ano ba kasi yan?"

"Una palang, ayokong-ayoko sakanya. Nakakaasar sya. Nakakairita." Tumingin sya sa'kin at ngumiti. Iba talaga sya ngayon. Panay ang ngiti eh. But with unknown reason, seeing him smiling made me smile too.

"And it is so weird to like what you used to hate and annoy at." He paused. "Alam mo ba kung anong tawag sa nararamdaman ko?"

Umiling ako. "Sorry."

"Okay lang. I guess, nobody can figure that out. Kahit yung google."

"Ikaw lang. Nararamdaman mo yan eh."

Nag-shrug sya ng balikat. "Siguro. Pero sa ngayon hindi ko pa alam ang sagot."

Tumayo na sya at lumapit sa motorbike kaya naman umupo na ulit ako ng pang-lalaki at umatras.

"Alam ko yung tinutukoy mo."

Tinignan nya ko at nag-antay ng isasagot.

"Yung Trigo, Physics and Filipino yan, diba? Tama ako, diba, Demon? Hate mo silang tatlo nung una pero ngayon nagugustuhan mo na sila."

Totoo ang sinabi ko. At first kasi inis na inis sya at tamad na tamad kapag nag-aaral kami. But this past few days, nakikipag-cooperate na sya. Kapag may pinapa-solve ako sakanyang problem sa trigo, hindi na kalokohan at hula-hula ang sinasagot nya. Nagsosolve na talaga sya.

Nag-Tss lang sya kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi nya. "Why so slow and naive, huh?"

Sumakay na sya ng motor at sinalpak ang susi sa ignition. Sinuot ko na ang helmet at maya-maya lang ay pinaandar na nya ang engine saka nagmaneho.

"Teka sandali!" pagpigil ko sakanya.

Huminto naman sya at nilingon ako.

"Yung helmet mo nakalimutan mo." Lumingon ako at tinuro yung nakalimutang helmet na nandoon pa rin sa kung saan sya umupo kanina.

"Tinatamad na kong bumalik. Hayaan mo na yan."

"Anong hayaan? Ako nalang kukuha." Bago pa sya makapagsalita, humawak na ko sa magkabila nyang braso at bumaba ng motor.

Tumakbo ako papunta sa railroad at kinuha ang helmet na naiwan nya. Original pa naman ito. Nag-aaksaya ng pera.

Patakbo din akong bumalik. Medyo nahirapan ako kasi ang bigat ng helmet na suot ko. Yeah, nakalimutan ko na namang hubarin. Isusuot ko rin naman kasi ulit.

"Eto na," sabi ko habang inaabot sakanya yung helmet nya.

"Suot mo sa'kin," utos nya like a boss.

"Ayos, ah! Ayoko."

"Bahala ka. Di tayo aalis dito," hamon nya at binagsak ang dalawang kamay na kanina ay nakahawak sa bar ng motorbike.

"Edi wag," hamon ko rin sa kanya.

"Alam mo ba papunta sa'min?"

Yun lang. Sa laki ng village nila hindi malabong maligaw ako. Ngayon palang naman ako nakapunta dito kaya hindi ko alam kung saan ang papunta sakanila o kaya kahit palabas ng village na 'to.

"Ang arte mo naman eh!" pagmamaktol ko. Gawin ba naman akong utusan?!

Wala na kong ibang nagawa kundi sundin ang utos ng ating napakabait na prinsipe. Humakbang ako para lalong makalapit sakanya. Tumingala at tinaas ang mga braso. Bago ko tuluyang maisuot ang helmet sa ulo nya, tinaas nya ang visor ng helmet na suot ko.

Parang nawalan ako ng shield mula sa pagkakalapit ng mukha nya sa'kin. Naging awkward tuloy.

Binaba ko nalang ang visor ng helmet ng kanya para hindi ko makita ang mukha nya (tinted nga kasi yung kanya, diba?). Pero dahil nga sa mapang-asar syang nilalang, tinaas nya ulit yun.

Binaba ko ulit, tinaas nya ulit. Panay ang baba ko, sya naman panay ang taas. At habang ginagawa namin yun, nakangiti pa sya: ngiting nakakaloko. Maloko talaga!

"Bahala ka na nga!" sambit ko nang mapagod ako. Nagpapakapagod pa ko eh alam ko namang wala akong laban kay Demon. Opo, sya ang nagwagi. Nakataas yung visor kaya kitang-kita ang nang-aasar na ngiti niya.

Sasakay na sana ako sa motor ng hilahin nya ko sa braso pabalik sa tabi nya.

"Di pa tapos." Yumuko sya para ipakita ang strap ng helmet na hindi pa nakakabit.

"Ang arte talaga nito. Pauwi na naman tayo sainyo eh," katwiran ko.

"Ano ngayon? Ikakabit mo lang, mahirap bang gawin yun?"

"Yun na nga eh! Hindi naman mahirap gawin, bakit di nalang ikaw ang gumawa?" balik tanong ko sakanya.

Natameme sya saglit. Tinignan ako sa mga mata at nag-isip ng pwedeng ipapalusot. Tignan lang natin kung anong ipapalusot nya.

"Bahala ka. Di tayo aalis." Heto na naman sya. Nawalan nga ng palusot, punong-puno naman sa pangba-blackmail.

"Edi wag. Paki ko?"

"Talaga lang, ha? Ano kaya kung sabihin ko sa'yong. . ." He paused for a bit and looked around then back to me again. "Maraming rapist dito?" he continued.

Hindi lang pala sya punong-puno ng pangba-blackmail. Nag-uumapaw pa sa pananakot.

"Naalala mo yung mga lasing sa eskinita?"

Wala sa wisyong tumango ako. Nagsimula na kong makaramdam ng kaba at pagkabahala. Ayoko nang maulit ang nangyari sa'kin noon.

Nilapit sa'kin ni Demon ang mukha nya at bumulong habang tumitingin-tingin sa paligid, "Nandito lahat ng mga tropa nila. Marami sila. Sobrang dami nila. Mas nakakadiri at mas manyakis kumpara sa apat na unggoy na humarang sa'yo sa eskinita dati."

"Maniwala." Pinilit kong patatagin ang boses ko pero di ko nagawa. Ayokong ipakita sakanya na natatakot ako kasi kapag nangyari yun, lalo nya kong tatakutin. Pero wala eh, di ko maitago ang kaba na nararamdaman ko.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Sinasabi ko lang sa'yo para hindi ka ma-surprise mamaya kapag lumitaw na sila." Tinignan nya ang reflection nya sa side mirror.

Hindi ko na inalam pa kung anong kalokohan ang ginagawa nya sa harap ng salamin. Tumingin ako sa paligid. Wala namang ibang tao bukod sa'min.

"Kaya ba walang ibang tao dito bukod sa'tin dahil dito ang puntahan ng mga rapist?"

Tumang-tango sya. "Exactly."

Lalo akong nabahala at kinabahan kaya lumapit na uli ako sakanya. Ayoko na ng ganung pangyayari!

"Akin na nga." Hinablot ko ang strap ng helmet nya. Kitang-kita ko pa ang pag-stretch ng mga labi nya, pero hindi ko nalang pinansin. Binibilisan ko kasi ang pagkabit ng strap para matapos na agad.

Ang lapit naman kasi ng mukha nya sa'kin. Idagdag nyo pa na pinapanood nya ko habang kinakabit ko ang strap ng helmet nya, nang nakangiti. Malinaw sa'kin na nakangiti sya dahil malapit lang ang lips nya sa ilalim ng chin nya kung saan ginagawa ko ang inutos nya; ang pagkabit ng strap.

So now tell me, sinong hindi maiilang ng ganun? Partida sobrang gwapo at bango pa nya, ha! Hihi. Ano ba 'to! Naiilang ba talaga ako? Bakit parang . . . kinikilig ako?

"Yan. Tapos na po, kamahalan." As I glanced up to him, our gazes met. Nag-iwas naman ako agad ng tingin at umangkas na sa motor.

"Joke lang," sabi nya nang makasakay ako.

"Huh?" maang na tanong ko.

"Joke lang yung sinabi kong nandito lahat ng tropa nung mga manyakis sa eskinita. Mahigpit ang security ng village na 'to kaya walang makakapasok na ganung klaseng tao."

Tinitignan namin ang isa't-isa sa pamamagitan ng aming reflection sa side mirror.

"Weh? Eh bakit walang tao dito except sa'ting dalawa?"

"Wala naman talagang nagpupunta dito ng ganitong oras."

Nag-isip ako ng sandali. Oo nga naman, mahigpit ang security ng village na 'to. Ni hindi nga sila nagpapapasok ng basta-basta lang eh.

Argh! Naisahan na naman nya ko!

"Kahit kelan ka talaga!" Pinandilatan ko sya ng mata. Tinawanan nya lang ako.

Malamang kanina habang tumitingin-tingin ako sa paligid pinagtatawanan nya ko. Kelangan kasi talaga seryoso ang mukha? Naniwala tuloy ako. At isa pa, weakness ko yung pinanakot nya.

Bago nya pinaandar ang motor nya, may sinabi sya na talaga namang ikinabilis ng heart beat ko.

"Wag kang mag-aalala. Kung totoo ngang may rapist o kahit sinong masamang tao ang lumapit sa'yo, nandito lang ako. . . para ipagtanggol ka."