webnovel

Morning

"Reo! Reo! Reo! Anak! GUMISING KA NA MALA-LATE KA NA SA KLASE MO!!!"

Yan Ang sigaw ng aking ina. Hay! Ang aga-aga pa ah! Yan agad ang maririnig ko. Si mama talaga oh! Hay! Nandito ako sa kwarto ko, nakahiga, nakatulala at nag-iisip kung papasok ba ako o magpapadala sa katamaran ng katawan ko. Sa totoo lang kanina pa talaga ako gising. Ayaw ko lang kumilos at gawin ang mga dapat gawin ng mabuting estudyante.

"Reo! Halika ka na dito kumain ka na!" Sigaw na naman ni mama.

"Oo na, papunta na diyan!" Sagot ko na tamang-tama lang para marinig ni mama.

Snap out of it self! Maliligo na nga Lang ako dahil ilang minuto nalang mala-late na ako sa paaralan, first day pa naman. Ayaw ko din namang binyagan ng hindi magandang kaugalian ang unang araw ko sa paaralan. Hayss!! Ito na nga pababa na ng hagdanan at nakikita ko na si mama na nakapamewang.

"Ayan! Reo!! Kung may certificate Lang talaga sa late comers paniguradong cum laude ka talaga. At kung yun ma'y mangyayari diko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil sa wakas may cum laude na isa sa inyong magkakapatid!" Satsat ni mama sa akin habang papunta ako sa mesa.

"Mah! Tatanda ka Nyan eh! Ang aga-aga nagtatalak ka na. Kaya ka tumanda agad dahil parati kang nagagalit." Sagot ko kay mama habang kumukuha ng kanin na nasa mesa at ulam. Pero mali ata ang sinagot ko pa sya kasi.....

"Hoy! Reo kung mabilis ka lang sanang kumilos at natulog ng maaga ka gabi eh! Di ka sana inaantok pa ngayon...............blah.....blah...blah.....blahhhh....." Mabilisang sabi ni mama. Sabi ko na nga ba eh! Dapat pala tumahimik nalang ako at kumain. Kaya ayon talak parin ng talak si mama papuntang kusina sa kumukulu nyang pinapainit na tubig. Actually mabait naman talaga si mama eh! Pero nong bata pa ako when I was elementary sobrang strikta palagi lang akong pinapagalitan then when I turned at the age of 12 she changed like she let me do whatever I wanted to do as long as hindi masama ginagawa ko.

"Mah! Mah! Maaahhhh!" Tawag ko sa kanya. "Mah!" Sambit ko ng mahina "Mamaaaahhh!!!!" Sigaw ko pero walang sumasagot kaya pumunta nalang ako ng kusina nakahiwalay kasi yong kainan namin at kusina kahit na mahirap lang kami. Pero pag dating ko wala si mama, wala namang kahit anong pintuan o bintana para malabasan nya. Wala talaga eh! Tiningnan ko na lahat ng mga malalaking cabinet dito sa kusina pero wala! Napaiyak nalang ako ng maisip kung bakit wala sya. Diko alam ang gagawin. Nasaan ba kasi si mama?

"Huhuhu..... Mama!" Sabi ko habang patuloy na lumuluha ang aking mata at napaluhod nalang sa kawalan.

Iyak parin ako ng iyak ilang minuto na ang lumipas pero wala parin kahit anino nya ang nagpapakita huhuhuhu..... Mama naman eh! Ang sakit sa puso parang naninikip yong puso ko sa sakit. Bakit? Nakita ko naman syang pumasok dito sa kusina pero ba't wala sya? "Mamaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!..............." Sigaw ko!

🎶 Maybe this time. It'll be loving this time. Maybe this time 🎶

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko sa selpon ko. Ang sama ng panaginip ko. Ang sakit sa puso. Hayss! Naiyak tuloy ako parang tutuo. Ang hirap talaga pag binababangungut ka. Well, hindi ko pa nga pala napapakilala sarili ko ako si Reo Martina, 17 years old, may mahaba at straight na buhok, medyo maitim pero di naman ganon ka itim ang kulay ng aking balat medyo a little dark brown, mataas na payat na babae. And nakatira currently sa Baranggay Malitan, City of Moulan. Mahirap lang kami ng pamilya ko, I mean tama lang para makakain ng tatlo sa isang aram, minsan nga lima pa eh! Hahaha...

Let's back sa bangungut, bangungutin talaga ako eh! Lalo na kapag pagod. Ikaw kaya mag-aral nakakapagod kaya. And speaking of pag-aaral, well nag-aaral pa ako taking a strand of ABM, Accountancy Business and Management. Wala talaga akong balak eh! Mag accountant, sadyang nadala lang at nainganyo ng best friend ko, since grade 8. Classmate ko kasi siya and same Baranggay at school nong elementary pero hindi kami magkapitbahay.

"Leey! Bangon na! Mag-aalas sais na sa umaga." Malambing na tawag sa akin ni papa. Yeah! Papa ko! Hindi mama.Leey? Palayaw ko yan. Wala kasi dito si mama nagtatrabaho simula grade 8 ako umalis para magtrabaho para makapag-aral. Ang trabaho nya doon sa Manila ay Yaya. Pero kahit ganoon ang trabaho nya diko kinakahiya.

"Nak! Maligo kana! Mala-late ka na naman!" Paala ni papa.

Since, grade 8 para ng ako ang nag sisilbing ina at the age of 12 I learned already how to badget and manage the money. That's why when my best of a friend suggested to take an ABM strand I did not hesitate because of it. A big help din naman kasi ang ABM. So ibig sabihin nasa akin ang pera panggastos namin araw-araw at baon ng pangalawa kong kuya sa paaralan.

Babangon na nga ako at maligo na baka second period ako makapasok nito. Patay na naman grado ko nito sa first period, O.M pa naman. Madali kasi yang subject na yan kaya pa easy-easy lang ako na malate kasi ang O M (Organizational and Management) walang Math ahhahahahaha..... Mahina kasi ako sa math eh!

So eto na nga tapos na ako maligo at kumain na din ako, ang bilis no? Pero ang totoo nyan mostly ang rason kung ba't ako nalalate sa paaralan is dahil sa pagkain ko na mabagal, kasing bagal ng pagong hhehhehe...