webnovel

My Crown Prince Boyfriend

Almira Fate Ferreira, ang babaeng masungit at kahit kailan ay hindi nakikitaan ng ngiti sa kanyang labi. Ngunit mababago iyon nang isang lalaking mabait at masipag mula sa isang mahirap na pamilya, ang lalaking magpapa-ibig sa kanya, si Castriel. Ang sandaling saya ay napalitan ng lungkot nang maaksidente at nawalan ng memorya si Castriel. At ang masakit pa ay si Almira lang ang hindi nito maalala. May hindi inaasahang malalaman si Almira na siyang magpapabago sa buhay ni Castriel. Iyon ay malaman niyang si Castriel ang nawawalang tagapagmana ng Guevarra Clan na itinago sa lahat.

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
32 Chs

CHAPTER 2

ALMIRA'S POV

"Who are you? And please don't call me in my full name," pagsusungit ko.

"Ang sungit mo talaga," sabi niya.

"Just leave me alone. Tss," sabi ko at umiwas ng tingin. Kaya nga ako nandito para mapag-isa, may asungot lang na dumating. Tss.

"Paano kita iiwan eh mag-isa ka dito? Umiiyak ka pa nga ng dumating ako dito. Bakit ka ba umiiyak?" tanong niya.

"Why should I tell you, I don't know you?" tanong ko din sa kanya.

"Tama ka, hindi nga tayo magkakilala. Mas mabuti nga yun para maikuwento mo sa akin kung bakit ka umiiyak para hindi kita malait at husgahan," sabi niya.

"It's my personal reason, so just keep quiet if you don't want to leave," Inis kong sabi.

"Okay," maikling sabi niya at nanahimik na. Marunong din palang sunod tong asungot na to. Kung ganto lang talaga si Xavier matagal ko na siyang sinagot kaso mas matigas pa ata ang ulo niya kaysa sa mga bata. Tss, bakit ko ba iniisip yung isa pang asungot na yun.

Nanatili lang kaming tahimik hanggang sa tumunog na yung bell. Tumayo na ako dahil magsisimula na yung klase ko ngayong hapon. Tumayo na rin siya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hatid na kita sa class mo," sabi niya.

"It's your choice," walang emosyong sabi ko. Nagsimula na akong maglakad at ramdam kong na kasunod siya sa akin.

Pagkarating sa classroom ay humarap ako sa kanya.

"Thanks for your handkerchief," I said at ibinigay na sa kanya yung panyo niya.

"Sayo na yan, baka kailangan mo pa," sabi niya.

"I'll never need that," sabi ko at ako na ang naglagay ng panyo sa kamay niya. Pumasok na ako sa classroom.

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa upuan ko ng may humawak sa kamay ko at pigilan ako.

"Sino yung kasama?" tanong ni Trinity. Walang emosyong tumingin ako sa kanya.

"None of your business," sabi ko at binawi na yung kamay kong hawak niya. Pumunta na ako sa upuan ko at umupo.

Iniisip ko parin kung bakit iba ang pakiramdam ko sa lalaking tumabi sa akin kanina sa rooftop.

Napailing ako. Bakit ko ba pa iniisip yun?

DISMISSAL...

Pagkatapos kong ilagay yung ibang gamit ko sa locker ko ay naglakad na ako papuntang gate. Nauna na kasing umuwi yung tatlo dahil may pupuntahan pa daw sila kaya ako lang ang mag-isa.

"Ito na ang pangalawa ng beses na nakita kitang mag isa, Ms Ferreira," Napahinto ako sa paglalakad at napalingon ako sa nagsalita.

Yung lalaki kanina sa rooftop. Sinusundan ba ako nito? Hindi ko na siya pinansin at naglakad na ulit.

Pagkarating sa gate ay agad akong pinagbuksan ng pinto ng bodyguard ko pero hindi muna ako sumakay. Tumingin ako sa lalaking nasa likod.

"What's your name, Mr?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

Para tuloy akong nang lalambot na ewan kapag ngumingiti siya.

"C-Castriel Crisostomo ang pangalan ko, Ms Ferreira," nauutal niyang sabi.

"Nice to meet you, Castriel," sabi ko. Lumapit ako sa kanya at nilahad ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya. Nagtakang tumingin siya sa akin pero hinawakan din naman niya ang kamay ko.

"N-Nice to meet you too, Ms Ferreira," sabi niya.

"Wag mo na akong tawagin sa last name ko. Almira na lang, " sabi ko.

"Marunong ka palang magtagalog, akala ko ay English speaking ka," gulat na sabi niya.

"Sa tingin mo kung hindi ako nakakaintindi ng tagalog, hindi na sana kita kinausap kanina," sabi ko.

"Hindi kasi halata sayo na marunong kang magtagalog. Ang straight mo kasing magsalita ng English," nakangiting sabi niya.

"By the way... I need to go," paalam ko at tumalikod na sa kanya.

Sasakay na sana ako sa kotse ng lumingon ako ulit kay Castriel.

"Castriel, gusto ko sanang maglunch tayong dalawa tomorrow. Gusto ko pang makipagkwentuhan sayo. See you," sabi ko.

"Sige, Almira," sabi niya.

Sumakay na ako sa kotse. pinaandar na ng driver ko ang kotse papuntang Hotel, sa penthouse ko. Hindi ako tumitira sa mansion kapag wala si Mamita dahil ayokong mag-isa, naboboring lang ako. Sa penthouse kasi ay kasama ko si Lorraine kaya hindi boring.

Pagkarating sa Hotel ay agad akong sinalubong ni Lorraine. Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang floor ng penthouse. pagkarating ay agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpalit ng damit at magshower na rin.

Pagkatapos kong magshower at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta na dining area. Nakita kong hinihintay na pala ako ni Lorraine para sabay na kaming kumain. Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain.

"Kamusta ang second day of class mo, Almira? Hindi kita na tanong kahapon dahil kasama natin ang Mamita mo," sabi niya. Tinatawag niya lang ako sa pangalan ko kapag hindi tungkol sa business or sa Hotel ang pinag-uusapan namin.

By the way... Kababata ko si Lorraine at kaibigan na din kaya siya ang pinili ko bilang secretary ko. Dalawang taon ang tanda niya sa akin kaya minsan ay siya ang pumunta at kumakausap sa mga client tuwing weekdays at ako naman kapag weekends.

"Ganon pa din, wala namang pinagbago. May lalaki nga din akong nakilala kanina. He's so cute at mabait," sabi ko.

"Sound interesting ha. Pero bakit cute, diba dapat handsome," lokong sabi ni Lorraine.

"Ewan ko sayo," sabi ko.

"Anyway... nagbigay ng resignation letter sa akin yung driver mo kanina nung dumiretso ka agad sa kwarto mo," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Why? Bakit siya magreresign?" tanong ko.

"Ayaw na daw siya patrabahuhin ng mga anak niya," she said at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hanggang kailan na lang ba niya ako ipagdadrive?" I ask. Hindi naman sa hindi ako marunong magdrive. Ayoko lang talagang magdrive kaya nagpakuha ako ng driver.

"Hanggang sunday na lang daw at alam ko na ang gagawin ko. Kailangan ko ng maghanap ng driver mo bago mag linggo," sabi ni Lorraine.

"Good," sabi ko at tinapos ko na ang pagkain ko.

KINABUKASAN...

Habang naglalakad ako sa ground ng school ay nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin, pero hindi ko pinahalata ang gulat ko. Napatingin ako sa umakbay sa akin, si Castriel.

Biglang lumakas at bumilis yung tibok ng puso ko ng pagtingin ko at saktong pagtingin din niya sa akin, kaya muntik ng dumampi ang mga labi na inch na lang ang layo. Parang huminto ang buong paligid habang nakatitig kami sa isa't isa.

Bumalik ako sa realidad ng bigla siyang nagsalita at napahiwalay agad ako sa kanya.

"Hi Almira," bati niya at ngumiti. Para nalulusaw tuloy ako na hindi ko maintindihan ng ngumiti siya.

"Hello," tanging sabi ko at umiwas ng tingin. Ayaw kasing kumalma ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Tuloy pa ba ang lunch natin mamaya?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

"O-Oo, so paano? S-See you later," nauutal kong sabi. Hindi ko na hinintay ang sagot at dali daling naglakad na paalis. 

Bakit ba kasi nautal pa ako eh? Napahawak ako sa tapat ng puso habang naglalakad. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko na para akong tumakbo ng mabilis at malayo.

"Hoy!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may ng gulat sa akin mula sa likod.

"Anak ng pusang gala! Bakit kasi ng gugulat?!" gulat na sabi ko. Napatingin ako sa nang gulat sa akin at sinamaan sila ng tingin.

"HAHAHAHA! Nagulat ka ba, Almira?" natatawang sabi ni Chelsea, pati na din yung dalawa ay tumatawa din kaya mas lalong sinamaan ko silang tingin. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay siguradong nakahandusay na tong tatlong to sa sahig.

"Hindi nakakatuwa, Chelsea. Kapag siguro ay may sakit ako sa puso napatay mo na ako sa gulat," masungit kong sabi kay Chelsea na tumigil na sa pagtawa pati na rin yung dalawa. Naglakad na ulit ako.

"Hoy Alimira. Sorry na," sabi ni Chelsea. Pero hindi ko siya pinansin.

Nang makarating sa harapan ng classroom ay saka lang ako nagsalita ng nakatalikod sa kanila at hindi lumilingon sa kanila.

"Hindi ako sasabay sa inyong magbreaktime mamaya. May kasabay ako kaya bahala na kayo sa sarili niyo," walang emosyong sabi ko at pumasok na sa classroom.

BREAKTIME...

Pagkalabas ng Prof namin ay nagsilabasan na din ang mga classmate ko. Niligpit ko muna yung gamit ko at saka tumayo. Lumabas na ako ng classroom at nakita ko si Castriel na hinihintay ako. Lumapit ako sa kanya.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin at ngumiti. Ayan na naman yung ngiti niya na nakakalusaw.

"Sa cafeteria na lang," sabi niya. Tumango na lang ako.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria. Habang naglalakad ay narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Agad kong kinuha sa bulsa ko at tinignan.

Lorraine calling...

"Oh napatawag ka?" sabi ko pagkasagot ko ng call.

(Wala lang. Sasabihin ko lang na kakatapos ko lang kausapin ang isang client para sa event next month.) 

"So kailan mo sisimulan ang hanapan ako ng bagong driver?" tanong ko.

(Sa Friday na ako magsisimula.)

"Good. BTW... I need to hung up na," sabi ko at tinago na ang phone ko.

Pagkarating sa cafeteria ay humanap na ako ng table. Nakahanap naman agad ako. Si Castriel na ang pumunta sa counter at bumili ng pagkain namin.

Nilapag na ni Castriel yung pagkain namin sa table at umupo na siya sa harapan ko. Kinuha ko na yung pagkain ko. Nagsimula na kaming kumain

"Anong course mo," panimula ko.

"BS Accountancy. Hindi sa nagmamayabang magaling kasi ako sa math. Ikaw?" sabi niya

"Business Ad. Dahil gusto kong maging isang CEO in the future. Nakalimutan kong CEO na pala ako ngayon." sabi ko. 

"Buti ka pa. Natupad na agad ang pangarap mo. Ako matagal pa bago matutupad ang pangarap ko," sabi niya.

"Ano ba ang pangarap mo?" I ask.

"Ang mahanap at makilala ko ang tunay kong mga magulang. Kaya pala iba ang pakikitungo ng mga nagpalaki sa akin dahil hindi naman pala nila ako tunay na anak," sabi niya. Halata sa tono ng boses niya na nalulungkot siya ng malaman niyang ampon siya.

"Alam kong matutupad din yan. Mahahanap at makikilala mo din ang tunay mong mga magulang. Wag ka lang mawalan ng pag-asa. Wag ka na din ma lungkot," sabi ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Kaya nga mas pinagbubutihan ko pa ang pag-aaral ko. Hanga nga ako sa inyong mayayama eh, kaya niyong ipahanap ang taong gusto niyong mahanap sa tulong ng ibang tao." sabi niya.

"Bakit? Mayaman ka diba?" tanong ko. Umiling siya na ipinagtaka ko kasi hindi naman siya mukhang mahirap. Sa gwapo niyang tignan sa uniform niya ay hindi maikagkakaila na nabibilang din siya sa mga mararayang pamilya.

"Hindi ako mayaman katulad mo. Mahirap lang ako. Scholarship lang talaga ang dahilan kung bakit ako nakapagkolehiyo ngayon," proud na sabi niya. Napangiti ako. 

Oo, ngumiti ako para sa kanya dahil hindi niya ikinahihiya na mahirap lang siya. Kung siya ay humahanga sa aming mayayaman, ako humahanga sa kanya dahil kaya niyang ipagmalaki na mahirap lang siya. Na kuntento na siya kung ano ang meron siya.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Siguro ay nagulat siya dahil sa pagngiti ko. Sino ba naman ang hindi magugulat, diba?

"Tama ba yung nakikita ko ngumiti ka?" tuwang tanong niya.

"Alam mo kung bakit ako ngumiti? Dahil yun sayo, pinahanga mo ko. Pinaramdam mo sa akin na kahit mahirap ka ay kuntento ka kung ano man ang meron ka at hindi mo iyon ikinahihiya," nakangiting sabi ko sa kanya.

"So...officially friends?" tanong ko sa kanya at nilahad ko ang kamay ko sa harap niya.

"Friends," sabi niya at marahang hinawakan ang kamay kong nakalahad sa harapan niya at nagshake hands kami.

Pagkabitaw ng mga kamay namin ay ngumiti siya sa akin. Para tuloy lumalambot yung puso ko kapag ngmingiti siya.

"Hindi ko inakala na magiging kaibigan ko ang isang tulad mo, Almira," sabi niya. Tumango na lang ako.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan hanggang sa tumunog ang bell na ang ibig sabihin ay magsisimula na ang susunod na class.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Tumayo na din si Castriel.

"Hatid na kita sa classroom mo," sabi niya. Tumango naman ako at sabay na kaming lumabas ng cafeteria.

Habang naglalakad ay nagtataman ang mga kamay namin. Shit! Bakit parang may kuryente akong naramdaman mula sa kamay niya at dumaloy sa buong katawan ko? What the hell is happening to me?

Pagkarating sa harap ng classroom ay agad na akong pumasok sa loob at umupo na sa upuan ko.

DISMISSAL...

Habang nasa byahe pauwi sa Hotel ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti tuwing naalala ko yung mga pinag-usapan namin ni Castriel. Ang sarap niyang kausap para ngang ayaw ko ng pumasok kanina sa class ko para lang makausap pa siya.

Pagkarating sa penthouse ay hindi mawala ang mga ngiti ko.

"Bakit parang ang saya mo ata? At wait tama ba yung nakikita ko, nakangiti ka?" parang ewang tanong ni Lorraine.

"Bakit? Ayaw mo pang makitang nakita ang mga ngiti ko?" tanong ko sa kanya at umupo sa tabi ko dito sa sofa.

"Gusto ko na palagi kang nakangiti, pero ano bang dahilan ng mga ngiti mo ngayon? Ito ang unang beses na makita kitang ngumiti ulit dahil ang huli ay nung nandito pa ang parents mo," sanbi niya. Tumingin naman ako sa kanya na nakatingin sa akin.

"Hindi ano, sino?" pagtatama ko.

"Oh sino ang dahilan ng mga ngiting yan, Almira?" tanong niya.

"Tama ka, hindi nga siya cute. Gwapo siya," nakangiting sabi ko.

"So you mean... yung lalaking bagong kakilala mo ang dahilan ng mga ngiti mo?" sabi niya. Tumango naman ako.

"Correct ka dyan," sabi ko.

"Ay hala, tinamaan ka na siguro ng pana ni Kupido kaya ka nagkakaganyan, Almira. Halos hindi na matanggal ang mga ngiti sa mga labi mo eh," lokong sabi ni Lorraine. Kumunot yung noo ko.

"What do you mean, tinamaan na ng pana ni Kupido?" takang tanong ko.

"Love. Na Love at first ka na ata sa kanya. Inlove ka na sa kanya," sabi nito.

"Paano ba masasabing inlove ka na sa isang tao?" seryosong tanong ko kay sumeryoso na din siya.

Sinagot niya ang tanong ko at dahil dun ay may tanong na pumasok sa isip ko dahil sa mga sinabi ni Lorraine.

Hindi kaya ay inlove na talaga ako sa kanya? Inlove na ba ako kay Castriel?