webnovel

My Crown Prince Boyfriend

Almira Fate Ferreira, ang babaeng masungit at kahit kailan ay hindi nakikitaan ng ngiti sa kanyang labi. Ngunit mababago iyon nang isang lalaking mabait at masipag mula sa isang mahirap na pamilya, ang lalaking magpapa-ibig sa kanya, si Castriel. Ang sandaling saya ay napalitan ng lungkot nang maaksidente at nawalan ng memorya si Castriel. At ang masakit pa ay si Almira lang ang hindi nito maalala. May hindi inaasahang malalaman si Almira na siyang magpapabago sa buhay ni Castriel. Iyon ay malaman niyang si Castriel ang nawawalang tagapagmana ng Guevarra Clan na itinago sa lahat.

MissSaoirseLove · Urban
Not enough ratings
32 Chs

CHAPTER 12

ALMIRA'S POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng magising si Castriel. Hindi pa siya pumasok sa University ng nakalabas siya ng hospital.

Bumaba na ako ng kotse at pumasok na ng campus. Napangiti ako ng makita kong papalapit na sa akin yung tatlo.

Simula kasi nung sinabi ko sa kanila na may anmesia si Castriel ay palagi nila akong sinasalubong tuwing papasok ako at  sinasamahan din nila ako tuwing breaktime.

"Good morning, Almira," nakangiting bati nila.

"Good morning din, guys," nakangiti ding sabi ko.

"Ano yang dala mo?" tanong ni Chelsea. Ang tinutukoy niya ay ang laman ng hawak kong paper bag.

"Cookies para sa inyo, guys," nakangiting sabi ko at binigay sa kanila yung hawak kong paper bag.

"Wow naman! Thank you, Almira," sabi nila.

"Almira, si Castriel ba yun? Sino kaya yung kasama niyang babae?" tanong ni Maleah na katingin sa likod ko.

Humarap naman ako sa tinitignan niya. Tama siya so Castriel nga yun kasama si Sadie na nakakapit sa braso niya.

"Yeah, tama ka Maleah. Si Castriel nga yun at yung kasama niyang babae, ay yung ex girlfriend niyang si Sadie na inakala niyang girlfriend niya," malungkot kong sabi. "Tara na, guys. Ayokong makita siyang masaya sa iba," sabi ko at tumalikid na kanila Castriel at naglakad na kami paalis.

"Trinity, Chelsea, Maleah," rinig kong tawag ni Castriel sa tatlo kaya napatigil kami sa paglalakad at nagkatinginan.

"Bakit kilala niya kami?" tanong ni Trinity.

"Diba ang sabi ko sa inyo, ako lang ang hindi niya makilala kaya kilala niya kayo," sabi ko.

Sabay kaming apat na humarap kanila Castriel. Nakangiti siyang naglalakad papalapit sa amin. Umiwas na ako ng tingin dahil kapag pinagpatuloy ko silang titignan ay sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Naglakad ako paatras para sa likod ako nila Trinity pumwesto.

"Kamusta na kayo?" tanong ni Castriel ng makalapit na siya.

"Okay lang naman kami. Ikaw nga dapat namin tanungin nyan dahil dalawang buwan kang nasa hospital," sabi ni Chelsea.

"Maayos naman ako," sabi ni Castriel sabay lagay niya ng kamay sa likod ni Sadie at humawak sa bewang nito.

"Sino nga pala siya?" tanong ni Maleah na nakatingin kay Sadie.

"Ito nga pala si Sadie, girlfriend ko," sabi ni Castriel na nagpadurog sa puso ko. Nagbablur na din ang paningin ko dahil sa luha ko na anumang oras ay tutulo na.

"Girlfriend mo siya? Ang alam namin ay si Almira ang girlfriend mo," sabi ni Trinity. Patagong hinawakan ko ang kamay niya. Lumingon naman siya sa akin kaya umiling ako.

"Si Sadie ang girlfriend ko, hindi si Almira," sabi ni Castriel. Automatikong tumulo na ang mga luha sa mga mata ko.

"Nice to meet you all," sabi ni Sadie sabay lahad ng kamay niya. Tumalikod ako bago magsalita.

"Girls, let's go. Malelate na tayo," sabi ko at nagsimula ng maglakad paalis.

Pagkarating sa classroom ay nilapitan ko yung classmate namin na katabi ni Trinity.

"Pwede bang palit tayo ng seat?" tanong ko kay Jhenny. Agad naman siyang tumayo.

"Sige po, Ms Almira," sabi niya. Umupo na ako sa katabing upuan ni Trinity.

"Ms Almira," Nag-angat ako ng tingin ng tawagin ako ni Jhenny.

"Yes?"

"Alam naming lahat ang pinagdadaanan mo. Narinig namin ang pag-aaway niyo ni Xavier noon at nakita din namin kung ano ang nangyari sa boyfriend mo. Handa ka naming damayan sa mga problema mo, Ms Almira," mahabang sabi ni Jhenny. Napangiti ako ng malapad sa kanya.

"Thank you, Guys," sabi ko sa mga classmate namin.

Kinuha ko yung phone ko ng may nagtext. Si Lorraine lang naman yun at nangangamusta.

Maya maya ay dumating na ang Prof namin.

"Class, you will have a new classmate. Ms Alves, please introduce yourself," sabi ni Prof.

Bigla akong napaangat ng tingin sa harapan ng marinig ko ang last name ni Sadie. At hindi nga ako nagkamali dahil si Sadie ang bago naming classmate.

"Hi guys, I'm Sadie Alves. I'm your new classmate," nakangiting sabi ni Sadie. Napairap na lang ako at tumingin kay Trinity. Halata din ang gulat sa mukha niya.

"Bakit siya pa ang bago nating classmate?" tanong ko. Nagkibit balikat na lang si Trinity.

"You may now take your seat, Ms Alves," sabi ni Prof.

Dumaaan siya sa gilid ko at malakas na tinamaan niya yung braso ko kaya nahulog ang cellphone ko. Hindi ko alam kung natabig niya lang ba o sinadya niya.

"What the?! Na nanadya ka ba?" galit kong tanong sa kanya.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Nakaharang kasi yung braso mo," mataray niyang sabi.

Napatayo ako at kinuha ko yung phone ko. Basag na yung screen. Sinubukan kong buksan pero ayaw na.

Tumingin ako kay Sadie.

"Don't you know that this cellphone is very important to me. Sh*t, paano ko matatawagan yung client ko?" sabi ko kay Sadie.

"Tss, kakapasok mo palang pero ito na agad ang nangyari," sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung mga gamit ko.

"Ms Ferreira, where are you going?" tanong ni Prof.

"Outside, Sir. Nawalan na po ako nang ganang pumasok sa class mo ngayong araw," sabi ko at lumabas na nang classroom.

Pumunta ako sa rooftop at umupo sa bench. Kinuha ko ang phone ni Castriel at idinail ang number ni Lorraine.

"Lorraine, it's me. Buy me a new phone," sabi ko pagkasagot niya.

(Why? Anong nangyari sa phone mo?) tanong niya.

"Nabasag at hindi ko na mabuksan," sagot ko.

(Nabasag o binato mo?)

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ko binato. Alam mo naman siguro na napakaimportante sa akin ng cellphone ko na yun. May bumangga sa akin kaya nahulog yung phone ko."

(Sige, bibili akong phone mo.)

"I need that mamayang lunch time," sabi ko.

(Okay, dadalin ko ang bagong phone mo later.)

"Thanks, Lorraine. See you later, bye," sabi ko at binaba ko na yung tawag.

Napapangiti talaga ako kapag nakikita ko ang wallpaper ng cellphone ni Castriel. Picture kasi naming dalawa ang wallpaper niya.

Gusto ko ngang ibigay sa kanya itong cellphone niya dahil baka kapag nakita niya ang mga picture namin ay malala niya na ako.

"Almira? Bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?" rinig kong tanong ni Castriel at umupo siya sa tabi ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito siya dahil alam ko na ang schedule ng class niya.

Agad kong inoff yung phone na hawak ko at nilagay sa bulsa ko.

"Meron akong pasok, but nagcutting ako. Nainis kasi ako sa classmate ko na bumangga sa akin at nasira pa ang phone ko," sabi ko.

"Nagka-cutting class ka pala ha?" sabi niya at mahinang tumawa.

"Ngayon lang ako nagcut ng class ko, baka isipin mo na palagi kong ginagawa to," sabi ko.

"Salamat nga pala sa cookies na binigay mo sa akin last week sa hospital. Ang sarap ng cookies na binake mo," nakangiting saad niya.

"Buti tinikman mo, akala ko masasayang effort ko dun," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

Kinuha ko na lang yung phone ko na nabasag kanina at kinuha ang sim card at memory card. Buti na lang talaga ay nasa memory card nakasave ang mga picture namin.

"Sayang yang phone mo, ang ganda pa naman," sabi niya.

"Oo na eh," sabi ko na lang.

Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa magbreaktime. Tumayo na ako sa pagkakaupo at ganun din siya. Sabay kaming bumaba ng hagdan.

Pumunta pa akong classroom para hintayin si Trinity.

"Babe," tawag ni Sadie sabay lapit kay Castriel na nasa tabi ko. Humalik pa siya sa pisngi ni Castriel. Umiwas ako ng tingin dahil nasasaktan ako sa nakikita ko.

*KRING KRING KRING*

Agad ko namang kinuha yung phone na nasa  bulsa ko at agad sinagot.

"Lorraine?"

(Nasa gate na ako. Dala ko na din ang new phone mo.)

"Sige, hintayin mo ako dyan."

(Okay, bye,) sabi niya at binaba na ang tawag.

"Akala ko ba hindi mo na mabuksan ang cellphone mo. Bakit nabuksan at nasagot mo ang tawag? O baka palusot mo lang yung kanina para hindi ka pumasok?" nakataas na kilay na sabi ni Sadie.

"Para sabihin ko sayo, hindi yun palusot. Nainis ako sayo kaya lumabas ako ng classroom. At totoong hindi ko mabuksan ang phone ko," sabi ko sa kanya.

"Kung totoong hindi mo na mabuksan ang phone mo, kanino yang cellphone na hawak mo?" tanong niya.

Binuksan ko ang cellphone na hawak ko at pinakita sa kanya.

"Phone ni Castriel yan," sabi ko.

"Bakit may picture ako na kasama ka, Almira? At wala din akong matandaan na may cellphone akong ganyan?" tanong ni Castriel. Inagaw ko yung cellphone kay Sadie.

"Diba nasabi ko na sayo sa hospital noon na isa ako sa mga malalapit mong kaibigan kaya may picture tayong dalawa. At tungkol dito sa phone mo ako ang bumili nito para sayo," sabi ko sa kanya. Tumango na lang siya.

"Akin na muna to. Kapag naalala mo na ako ay saka ko ibibigay sayo," sabi ko sabay tago ng cellphone.

"Almira, let's go," sabi ni Trinity na kakalapit lang sa akin. Tumango naman ako at tumingin kay Sadie.

"Sa susunod Sadie, tumingin ka sa dinadaanan mo para wala kang nababanggang tao. At huwag mong subukan na banggain ako dahil hindi mo ako lubusang kilala," sabi ko sa kanya.

"Let's go, Trinity," sabi ko at naglakad na kami paalis.

"Punta muna tayong gate. May kukunin lang ako," sabi ko kay Trinity.

"Sige," sabi niya at pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

Pagkarating namin sa gate ay nakita ko na ang sasakyan na palaging ginagamit ni Lorraine. Bumaba na siya ng kotse.

"Ate!" tuwang sabi ni Trinity ng makita niya ang ate niya sabay yakap.

"I miss you, Sis," sabi ni Lorraine sa kapatid niya.

"I miss you too," sabi ni Trinity. Humiwalay na sila sa pagyayakapan at lumapit sa akin.

Ibinigay sa akin ni Lorraine ang hawak niyang paperbag na may tatak ng brand ng cellphone.

"Thanks," sabi ko.

"Naglunch ka na ba, Ate?" tanong ni Trinity.

"Hindi pa," sagot ni Lorraine.

"Tara, sumabay ka na sa amin naglunch sa cafeteria," aya ko.

"Sure," sabi niya.

Nauna na akong maglakad sa kanilang magkapatid dahil may pinag-uusapan sila.

Anyway... Maghalf sister sila Lorraine at Trinity, magkapatid sila sa ina. Isang taon palang noon si Lorraine ng mamatay ang papa niya dahil sa pagcrushed ng sinasakyan nitong eroplano. May business trip kasi nun ang papa niya sa US at nang pauwi na ito dito sa pilipinas ay nawalan ng control ang piloto kaya bumagsak ang eroplano at kasama sa mga namatay ang papa ni Lorraine.

Nang magdalawang taon na si Lorraine nang magpakasal ang mama niya sa Dad ni Trinity, tanggap naman si Lorraine ng napangasawa ng mama niya at tinuring na parang totoong anak. Nang panahon din nayon ay dumating si Trinity na bungga ng pagsasama ng mama at stepdad niya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit alam ko lahat ng yan? Ikinuwento kasi ng mama ni Lorraine lahat ng yun nung 10 years old kaming dalawa ni Trinity.

Nalungkot pa nga noon si Lorraine dahil hindi daw niya man lang nakilala ang Dad niya nung nabubuhay pa ito.

Pagkarating namin ng cafeteria ay hinahanap namin yung dalawa na agad din naman naming nakita dahil nasa bungad sila pumwesto. Lumapit kami sa kanila na nilalantakan na yung ginawa kong cookies.

"Hoy, ang daya niyong dalawa. Nilantakan niyo na agad." sabi ni Trinity sa dalawa at tumabi.

"Tagal niyo kasi eh kaya kinain na namin ni Maleah," sabi ni Chelsea.

"Hi Ate Lorraine," bati ni Maleah.

"Hello." maikling bati ni Lorraine.

"Senorita, bilhan ko na po ba kayo ng pagkain?" tanong ng bodyguard na kasama ni Lorraine.

"Oo," maikling sagot ko at umalis na siya.

Napabaling ang tingin ko sa likod nila Trinity. Nakita ko si Castriel na nakaharap sa gawi namin at si Sadie naman ay nakatalikod.

"Sino yung tinitignan mo?" tanong ni Lorraine. Hindi ko siya pinansin at tumitig lang kay Castriel na nakangiti habang nag-uusap sila ni Sadie.

"Si Castriel ba yun? Akala ko ay hindi pa siya nagigising at bakit hindi ikaw ang kasama niya, Almira? Sino yung babae?" sunod sunod na tanong ni Lorraine. Tumingin naman ako sa kanya.

"Isang linggo na simula ng magising siya. Isang linggo na rin akong nasasaktan dahil sa hindi niya ako maalala. Ako lang ang hindi niya maalala at ang relasyon naming dalawa," sabi ko.

"Castriel has selective anmesia, Ate," biglang singit ni Trinity.

"Sino yung babaeng kasama niya?" tanong ni Lorraine.

"Sadie Alves, Castriel's Ex," sabi ko.

"Ang pangit ng pangalan niya, parang hindi masaya yung mga magulang niya ng ipanganak siya kaya Sadie ang ipinangalan sa kanya," natatawang sabi ni Chelsea. Natawa naman ako ng mahina dun.

Kinuha ko na lang sa box ang bagong cellphone ko at nilagay ang sim card at memory card. Pagkatapos ay binuksan ko na.

Nang bumukas na ay bigla itong nagring.

Attorney Mendoza calling...

Sinagot ko naman agad.

"Attorney?"

(I want to inform you na sasusunod na buwan na ang next hearing. Ilalabas na natin ang mga documento na magpapatunay na ninakaw nila ang kumpanya sa inyo.)

"Siguro naman ay mababawi ko na lahat ng mga kinuha nila sa akin pagkatapos ng hearing na yun."

(Hindi ako nakakasigurado, Ms Ferreira. Nasa korte ang desisyon, kung makukuha mo ba o hindi.)

"Okay, ako na ang bahalang magsabi kay Kuya," sabi ko at binaba na ang tawag. Nilapag ko ang phone ko sa ibabaw ng lamesa.

"Senorita, ito na po ang mga pagkain niyo," sabi ng bodyguard na may dalawang tray na hawak at may nakasunod sa kanyang isang staff na may hawak ng isa pang tray.

"Thanks," sabi ko.

"Guys, pwede bang pahingi ng tatlong cookies may pagbibigyan lang ako?" tanong ko sa kanila.

"Pwede. Tatlo lang naman," sabi ni Maleah.

Kumuha na ako ng tatlo at nilagay ko sa platito.

"Kyde, pwede bang pakibigay to kay Castriel," utos ko sa bodyguard ko sabay turo kay Castriel. Kinuha naman niya sa akin ang

"Sige po, Senorita," sabi niya at umalis na.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya kay Castriel at binigay anv pinabibigay ko.

May pinag-usapan sila at nakita ko ang pagturo sa akin ng bodyguard ko.

Napangiti ako ng makita ko siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Thank you," he mouthed. Malapad na ngiti ang isinagot ko sa kanya.