webnovel

My Hope

"Hindi ka na ba talaga magbabago Raquel? Kailan ka pa magtitino? Kung kailan huli na ang lahat? Baka patay na ako pero pariwara pa rin ang buhay mo."

Masasakit na salita ang naririnig ko na nagmumula sa bibig ng akin ina ngunit nagbibingi-bingihan ako. Para sa akin wala na rin naman pag-asang magbabago pa ang takbo ng buhay ko. Ang buhay na hindi ko naman ginusto o pinili ngunit pilit na ipinamumukha sa akin.

Nadagdagan pa ang pasanin ko simula ng magkaroon ako ng pasanin sa buhay. Ang akin nag-iisang anak na babae, si Hope.

Ewan ko ba sa Nanay ko kung bakit iyon ang piniling pangalan para sa anak ko. Nakakainsultong pakinggan pero dahil ipinaubaya ko na ang pag-aalaga ng anak ko sa Nanay ko, hinayaan ko na lang tutal siya rin naman ang masusunod.

"Nagbubuhay dalaga ka pa rin kahit may anak ka na. Sa akin mo na nga ipinasa ang tungkulin mo bilang ina sa anak mo pero kahit ganoon pumayag ako para matulungan kita at saka apo ko naman iyon aalagaan ko."

"Ang hinihiling ko lang sa iyo, ayusin mo na ang sarili mo. Magpakatino ka na. Baguhin mo iyan trabaho mo. Maghanap ka ng trabahong disente at higit sa lahat bigyan mo naman ng panahon at kalinga ang anak mo." Mahabang litanya ng ina ko sa akin. May pagsusumamong nahihimigan ako sa tinig ng ina ko ngunit kahit anong gawin ko man pagbabago hindi madaling alisin ang mantsang iniwan ko sa paningin ng mga mapanghusgang tao.

"Nandiyan na iyan Inay. Nangyari na ang mga nangyari. At saka alangan naman nailuwal ko na iyon bata mula sa sinapupunan ko tapos ibabalik ko ulit para lang umayos ang buhay ko." Papilosopong tugon ko sa Nanay ko. Naiirita na ako sa pauli-ulit na sermon sa akin ni Nanay. Kahit baliktarin man ang mundo, wala ng magbabago sa katotohanan na isa akong Disgrasyada! Inanakan at tinakasan ng walanghiyang ama ng akin anak ang kanyang responsibilidad at isa akong prostitute na sa paningin ng lahat ay maruming babae at walang karapatan maging maayos ang buhay at mahalin ng totoo.

"Puro ka katarantaduhan Raquel. Ano bang klaseng katwiran ang mayroon ka para isisi mo sa anak mo ang mga pagkakamaling ginawa mo kaya ganyan ang naging buhay mo. Bakit hindi mo na lang ayusin ang buhay mo para sa anak mo? Magiging Nanay ka na, Diyos ko po naman! Kailan mo ba ititigil ang pakikipaglandian sa ibang lalaki para lang kumita ng pera? Kailan ka magpapaka-ina sa anak mo?"

"Tama na nga kayo Inay sa kadadakdak diyan. Iyan sinasabi ninyong pakikipaglandian ko sa ibang lalaki, iyan ang bumubuhay sa akin at sa anak ko."

"Kaya tigilan ninyo na ako. Kahit anong sermon pa ang gawin ninyo sa akin, hindi ninyo na maaayos pa ang buhay ko."

"Makalayas na nga! Masisira lang ang araw ko." Saad ko pagkatapos kong magbihis ng damit na karaniwan isinusuot ng mga babaeng bayaran sa isang strip club. Iyon ang lugar na pinagtatrabahuhan ko.

"Hoy! Babae, bumalik ka rito. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Pahiyaw na saad ni Nanay habang papalabas ako ng bahay namin. Dinig na dinig ko rin ang pag-iyak ng akin anak na nasa duyan.

"Napanuod ninyo ba iyon balita sa Tv? Kalat na kalat na sa marami-raming bansa iyon sakit na COVID-19. Kakatakot iyon kapag nakarating sa Pilipinas. Paniguradong marami ang mamamatay kapag nagkaroon na ng hawaan." Saad ng isa sa mga kasamahan ko sa Club. Isa siya sa mga dancer na sumasayaw sa ibabaw ng stage. Tumitable rin siya sa mga parokyanong nagpupunta sa Club na pinagtatrabahuhan namin.

"Naku! Huwag naman sana magkaroon sa bansa natin. Sa oras na may makapasok na positibo sa sakit na iyon, mabilis na kakalat iyon sakit kapag hindi naagapan o napigilan. Ang dami pa naman tao rito sa Pilipinas. Dito pa lang sa Maynila kung sino-sino na ang naninirahan. Nagmumula pa ang iba sa mga malalayong probinsiya."

"Hay naku sinabi mo pa! Kasalanan iyan ng mga intsik na dumadayo sa ibang lugar kahit alam na nilang infected sila ng virus. Sa halip na magpaquarantine at magpagaling, kung saan-saan pa sila nagpupunta. Kumakalat tuloy ang sakit."

Mataman nakikinig lamang ako sa pinag-uusapan ng iba kong mga kasamahan na nakaumpok sa isang table na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. May mga kanya-kanya rin silang parokyanong katabi habang nilalandi sila.

"Hoy! Babae, grabe ka magsalita hah! Hindi ka na naawa, marami na kayang namatay sa kanila ganyan pa kadumi ang isip mo. Malay ba naman nila na magkakaroon sila ng ganoon sakit." Depensang sagot ng isa pang babae na nandoon din sa table na kinatatayuan ng mga naunang nagsalitang mga babae.

"Ipagdasal na lang natin na mawala na iyon sakit at hindi pa dumami ang maapektuhan nito. Kahit tayo dapat ay magingat na rin dahil sa oras na magkasakit tayo, mga pamilya natin ang apektado at kawawa dahil tayo lamang ang inaasahan nila na bubuhay sa kanila." Mahinahon saad ng isa sa kanila. Ang babaeng hindi ko matagalan ang paguugali hindi dahil sa masama ang ugali niya kung hindi ay dahil isa siya sa mga babaeng may paninindigan at malasakit pa rin sa iba sa kabila ng mababang tingin sa kanya dahil na rin sa klase ng trabaho mayroon kami.

"Raquel, hindi ka pa ba uuwi?" May kalambingan na sabi ni Lina ng sumilip siya sa loob ng kuwartong akin ginagamit kapag magbibihis ako. Siya iyon babaeng kinaiinisan ko.

"Ano bang paki mo kung hindi pa ako umuwi? Kung gusto mo nang umalis, umalis ka na, hindi iyon magpapanggap kang close tayo kahit hindi naman." Iritableng sagot ko sa kanya. Napansin kong napabuntong-hininga na lang siya dahil sa sinabi ko.

Pamaya-maya ay umalis na rin siya sa pintuan. Isinara ko ang pinto sapagkat ayaw kong maistorbo sa gagawin kong paglalabas ng gatas sa akin dibdib. Kanina pa masakit ang dibdib ko dahil na rin sa gatas na mayroon ang dibdib ko. Gumagamit ako ng Breast Pump para makapaglabas ng gatas upang kahit hindi man ako magpadede ay mayroon pa rin gatas mula sa akin na maiinom ang akin anak. Pansamantalang tumigil ako sa pag-iinom, paninigarilyo at pagtanggap ng home service o pakikipag one night stand sa mga costumers para lang hindi maapektuhan ang kalusugan ng anak ko.

"Oh, my God! Marami nang nagpapatupad ng Lockdown sa mga siyudad dito sa Kamaynilaan at kasama iyon atin lugar." Ang narinig kong sabi ng isa sa mga kasama ko sa trabaho. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto ko kaya rinig na rinig ko ang mga usapan ng mga kasamahan kong dumadaan sa harapan ng mga silid namin.

"Kaya nga! Sabi ni Madam, no choice. Kailangan ihinto ang mga trabaho natin sapagkat isasara muna pansamantala itong club natin. Dapat nga may Social Distancing tayong ginagawa para hindi magkaroon ng chance na makahawa kung sakali man may mga nagpositibo sa Covid-19."

"Ang sabi rin ni Madam may Free Test Kit para sa Covid-19 at lahat tayo ay kailangan magpatest para makasigurado na walang positibo sa atin nang ganoon sakit." Nanlulumong muling saad nang unang nagsalita.

Nang dumaan ang mga kasamahan ko sa tapat ng mga silid namin lumabas ako mula sa kuwarto ko kahit nakabra at panty lang ako para sundan sila habang naguusap-usap.

"Paano na iyan? Saan tayo kukuha ng pera kapag nagsara itong club? Hindi bale sana kung nakakapanghuthot ako ng malaki sa mga manyakis kong costumers." Sabat ng isa pang babae habang ang usok na lumalabas sa bibig nito ay kumakalat sa paligid.

Kumakati lalamunan ko. Masakit din pero pinipigilan kong mapaubo sapagkat alam kong makakakuha ako ng atensiyon. Ilan araw na rin itong ganito ang lalamunan ko. May oras na hindi ako makahinga ng ayos o kaya naman sumasakit ang dibdib ko lalo na kapag umuubo.

"Naku sorry po Miss Raquel Queto, pero isa po kayo sa naging positive sa COVID-19. Bukod po doon may nakita po kaming tama sa baga ninyo. Kailangan pong maquarantine kaagad kayo upang hindi na kumalat ang virus o makahawa sa iba. Bukod po doon, kailangan maagapan ang sakit ninyo sa baga para po hindi na ito lumala. Kung may mga kasama kayo sa bahay o mga nakasalamuhang iba ay pakibigay na rin po ang mga impormasyon tungkol sa kanila upang masuri kung sila ba ay mayroon din ng virus. Pakibigay na lang din po ang ibang impormasyon ninyo na kailangan namin upang maasikaso na namin ang pagquarantine sa inyo." Walang kagatol-gatol na sabi sa akin ng Doctor na tumingin sa akin nang kami ay magpatest lahat gamit ang kit na pangdetect kung may virus ang isang tao. Halos hindi ako makapaniwala at makapagsalita ng mga oras na iyon.

Nalaman ko rin na ako lang pala ang kaisa-isang nagpositibo sa virus na iyon kung kaya doble-doble ang kabang nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang maaaring sapitin ko sa oras na hindi kinaya ng resistensiya ko ang sakit na iyon.

"Walanghiya ka Raquel! May mga sintomas ka na pala pero hindi ka man lang nagpapatingin. Kung hindi pa nagplano si Madam na magpatest tayo, hindi namin malalaman."

"Anong balak mo, hawaan kami sa sakit mo?" Nanggagalaiting saad ni Mercy. Ang babaeng makati at parang linta kung manipsip kapag pera na ang pinag-uusapan. Ang babaeng madalas ko rin katalo dahil sa sobrang yabang at mahilig din manisi. Kung hindi lang ako nanlulumo, iningudngod ko na ang mukha niya sa pusali.

"Ano ba Mercy! Tumigil ka na nga! Anong klase kang tao? Walang may gusto na magkaroon ng sakit na iyon. Sa halip na manisi ka at mandiri, hindi ba dapat magpasalamat ka pa dahil hindi lahat tayo nagkaroon ng virus na iyon. Sa halip na tulungan mo siya at suportahan, ikaw pa ang nagiging dahilan ng panic o takot sa bawat isa."

"Ganito na nga tayo! Mababa na nga tingin ng iba sa atin pero heto tayo nag-aaway-away at nagsisisihan sa isa't-isa. Hindi tayo ang magkakalaban dito. Ang sakit na iyon ang kaaway natin. Hindi ba puwedeng magtulungan na lang tayo na alagaan ang isat-isa?"

"Alagaan mong mukha mo! Leche ka! Pasalamat ka Raquel at wala akong ganoon sakit dahil kung nagkataon baka ako mismo ang makapatay sa iyo." Nanggagalaiting sagot ni Mercy kay Lina. Matatalim ang tingin ni Mercy sa amin at may pagbabanta sa kanyang tinig ng sinabi ang mga salitang iyon.

Napansin ko ang luha sa mga mata ni Lina. Sa kabila nang naging sagutan nilang dalawa ni Mercy, sa halip na galit ang mababanaag ko sa mga mata ni Lina, pagkadismaya, takot at kalungkutan ang naramdaman ko sa kanya.

Matapos ang nangyari sa club. Nagsara muna pansamantala ito at kagaya ng ibang lugar sumunod kami sa mga ipinaguutos ng DOH at ng gobyerno.

Pagpapaquarantine lang ang sagot ng hospital na pinagdalhan sa akin. Ayoko sanang sa hospital gawin ang pagquarantine subalit maging ang anak kong si Hope at Nanay ay sumailalim din sa quarantine sapagkat magkakasama kami sa bahay at nahawaan ko rin sila at iyon lang ang tamang paraan para gumaling kami.

Hinikayat ako ni Lina at ibang kasamahan ko o maging si Madam na pumayag na sa bilin ng Doctor dahil iyon pagpapagamot ko sa baga ay suportado nila ang gastos sa mga gamot sa oras na gumaling na ako mula sa sakit na Covid-19 at sa baga.

Noon una hindi ko matanggap ang mga nangyari sa akin. Isinisi ko lahat sa Diyos ang mga kamalasan nangyayari sa akin pero noon mga oras na hirap na hirap ako dahil sa epekto ng virus at sakit sa baga, hindi ko alam na tinatawag ko na pala ang pangalan ng Diyos, nagmamakaawa ako sa kanya na tulungan akong malagpasan ang nangyayari sa akin.

Day 21. Ang araw na nalagpasan ko ang sakit. Nagkaroon din ng pagbabago sa sakit ko sa baga.

"Welcome Home Raquel! Ito na ang baby mo!"

"Si Nanay, nasaan siya?"

"Ito lang ang ibinigay niya sa akin."

Anak! Mahal na mahal ko kayo ng apo ko. Alagaan mo siyang mabuti. Alam kong isa kang mabuting ina.

Nakaligtas ako sa kamatayan kapalit ang buhay ni Inay.