webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 20

Maureen

"Wala na ba kayong naiwan na mga gamit sa Bus?" tanong ko ng makababa ang buong klase.

"Kompleto na ba?" tanong ko ulit at tumango sila.

Nang ma-check yung buong klase ay pumunta na kami sa space kung saan itatayo yung mga tents.

Napatngin ako nang tumabi sa akin si Austin.

"Tingin-tingin mo diyan?" tanong ko sa kaniya at umirap.

"Ang ganda kasi nung tinitignan ko" sabi niya at ngumiwi ako.

"Akala mo ba nakakakilig?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede" sabi niya at tumawa.

"Mag-ready ka na nga ng tent mo" sabi ko at umalis tsaka pumunta kay Denise.

"Ako yung kinikilig sa inyo" sabi niya nang makalapit ako.

"Anong kakilig-kilig dun? Gusto mo kayo nalang dalawa" sabi ko at tinulungan siyang ayusin yung tent namin

"No thanks, mas bagay kayo" natatawang sagot niya.

Tinulungan ko ang iba kong kaklase sa pag-aayos ng tents nang sumigaw si Sir.

"Students! Gather!" rinig naming sigaw ni Mr. Amore kaya agad kaming pumunta sa space na walang nakaharang kahit tents.

"Students, who else doesn't have any partner in their tents?" tanong ni Mr. Amore at napatingin naman kaming lahat sa kaniya saka tumingin sa mga katabi ang iba.

There's a student beside him that is problematic on where she will stay.

"Who else doesn't have a share in tents?" tanong ulit ni Mr. Amore kaya agad akong nagtaas ng kamay.

"Uy" rinig ko pang tawag ni Denise sa akin.

"Sir, she can stay in our tent" sabi ko.

"Then where are you staying, Ms. Serrano?" tanong niya sa akin.

"She can stay in my tent, Sir" napatingin kami sa lumapit sa amin, narinig namna namin ang mga bulong na hagikgik ng ilan.

"Is it okay to be with Mr. Villanoel?" baling niya sa akin.

"Sir, baka may extra tents pa po" tanong ko naman pero si Austin ang sumagot

"There are none left".

"We'll solve this Mr. Amore, you can now rest Sir" sabi ni Austin at tumango nalang si Sir.

"Well, if that's the case just call me if there is a problem" sabi niya at tumango kaming dalawa.

"Stay in my tent, I'll stay outside" sabi ni Austin na nasa harap ko na.

"Baliw ka ba talaga? Anong sa labas, anlamig kaya" sabi ko at tinignan niya ako tsaka ngumiti.

"Then be with me in that tent" sabi niya ulit at natahimik ako ng ilang segundo

"Ako nalang ang sa labas, ikaw na sa tent" sabi ko at maglalakad na sana nang hilain niya ako papasok sa tent na tinayo niya.

"Stay here, mas madali kang lamigin kapag nasa labas ka, I'll stay outside" sabi niya at magsasalita pa sana ako nang iwan na niya ako.

Ilang minuto pa akong nag-isip sa loob ng tent pero nag-guilty ako, I mean, hindi ko naman siya pwedeng pabayaan lang sa labas.

Lumabas ako ng tent at hinanap siya. Wala ng mga estudyante sa labas, lahat sila ay nagpapahinga na merong ilang na nagc-cellphone pa.

"Austin!" tawag ko sa kaniya at nakita siyang nasa harap ng bonfire at may kumot na nakatalukbong sa katawan niya.

"Matulog ka na dun, malamig na dito sa labas" aniya at umiling ako bago nagsalita,

"Malamig dito, ano ka ba? Tao ka rin naman ata 'no? Let' s stay in that tent together" sabi ko at hinila siya patayo.

"Pero, baka you'll feel uncomfortable," aniy at wala akong naisagot.

"It's okay, dito nalang ako sa lab--"

"No, tara na, malamig na dito" pagputol ko sa kaniya at hinila siya papunta sa tent.

Nang makarating kami sa loob ay siya ang nagsara.

"Goodnight" sabi ko at humiga, patalikod sa kaniya.

"Wala ka bang kumot?" tanong niya sa akin at umiling ako.

"There are also non left"

"Then we can share in this, pero huwag kang manghihila" aniya at hindi nalang ako sumagot saka ko naeamdaman ang pagdampi ng kumot sa damit ko.

Napakaliit naman ng kumot niya.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay naramdaman kong humarap siya sa akin kahit nakatalikod ako.

Ramdam ko yung init ng paghinga niya sa bandang batok ko kaya medyo nakikiliti ako.

Hinawakan ko ang buhok ko at hinarang yun sa batok ko.

-

Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim pa sa labas, baka ang oras ay mga 2:00 pasado.

Nagising ako dahil naramdaman kong hinihila ni Austin yung kumot kaya hinila ko ito pabalik.

"Stop pulling, Maureen" rinig kong sabi niya.

"Ikaw kaya yung nanghihila" sabi ko at hinila ulit yung kumot.

"Stop pulling" sabi niya at ginamit nag lakas para hilain yun pero sa lakas ng paghila niya at ang kapit ko dun ay nasama ako.

"It's your fault" sabi niya sa akin habang nasa taas niya ako.

"S-Sa'yo na yung kumot" sabi ko at dali-daling bumalik sa pwesto ko.

Kahit hindi ko nakikita ay feeling ko pula na yung mukha ko.

"Nilalamig ka ba?" tanong niya sa akin.

"Medyo" sagot ko sa kaniya.

"Gusto mo ba ng pampainit?" tanong niya at narinig kong tumawa siya ng mahina.

"Bastos ka talaga" sabi ko sa kaniya at pinalo siya sa braso.

"Matulog ka na nga ulit" sabi ko at tumalikod na sa kaniya.

Mas mahabang minuto ang nakalipas nang maramdaman ko yung kamay niya na pumulupot sa akin tsaka nilagay sa akin yung kumot.

-

"Good Morning!" rinig naming bati ni Sir Amore.

"Gising na mga estudyante, meron pa tayong mga activity na gagawin" rinig pa namin at nakita kong wala na si Austin sa tabi ko.

Agad akong tumayo at lumabas.

"Maghugas ka na muna ng mukha mo" salubong ni Denise sa akin.

"Saan pwedeng maghugas?" tanong ko at tinuro niya sa kaliwa kaya tumango ako at pumunta na dun.

"Ah!" sigaw ko nang makita si Austin dun na walang pantaas.

"Gusto mo talaga akong makitang walang damit ah?" tanong niya kaya nagtakip ako ng mata.

"Gusto ko lang naman maghugas, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya at narinig ko siyang tumawa.

"Ako kaya ang nauna dito, bumalik ka nalang mamaya. O kung gusto mo namna ay sumabay ka na sa akin" sabi niya at tumalikod ako sa kaniya.

"Babalik nalang ako mamaya" sabi ko at bumalik na tsaka ko hinanap si Denise.

"Hoy Denise! Hindi mo sinabi na may tao pala dun" sabi ko sa kaniya.

"Ha? Katatapos ko lang gumamit nun eh, aba ewan ko naman na meron na palang gumagamit" sabi niya at kumunot ang noo.

"Sinong nandun?" tanong niya sa akin.

"Si Austin" sagot ko naman at tumawa siya.