webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 18

Maureen

Nagising ako dahil sa lalakeng nakaharap sa akin at malapit ang mukha sa akin.

"Ay daga!" sigaw ko nang ibukas ko ang mata ko dahilan para mapatayo ako.

"Hindi ako daga" sabi niya at tumawa.

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?" tanong ko sa kaniya at kinuha yung isnag unan.

"Na-miss mo daw kasi ako" sabi niya at ngumiwi ako.

"Ha! Sinong nakamiss sa'yo?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Hindi mo ba ako na-miss?" tanong niya at tumayo tsaka lumapit sa akin.

Agad akong tumakbo para makalabas sana pero nahagip niya yung beywang ko at nilapit iyon sa kaniya.

Nakaharap ako habang nakahawak siya sa bewang ko, heck, ano bang gusto nitong gawin sa akin baliwin ako?!

"H-Hoy! Bitawan mo a-ako!" sigaw ko sa kaniya at umaktong walang pake kahit malapit siya sa akin.

"Gusto mo ba talagang lumayo ako sa'yo?" tanong niya habang nakangisi.

Umiwas naman ako ng tingin at huminga ng maayos, I can feel my face, it is burning.

"Bakit ka nagb-blush?" tanong niya at napatingin naman ako sa kaniya.

"Bitawan mo na nga ako, nakablush ako kanina, hindi ko pa natanggal" pagsisinungaling ko.

"Blush? Anong ginamit mo, paint na nasa kwarto mo pang blush?" tanong niya at natahimik ako, I realized wala akong make-up dito kahit isa, pero mayroong mga paints at canvas.

"W-Walanghiya ka, bitawan mo na nga ako" sabi ko at nagpumiglas.

"I'll let you go, kapag inamin mo na you miss me, genuinely" sabi niya at inirapan ko siya.

"How can I say it genuinely if hindi namna talaga totoo? Sirang plaka" sabi ko at humigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"Okay, we can stand here for the night. My hands on your waist and your face looking in my face" aniya at inirapan ko siya. I can't say it, nahihiya ako, ewan ko ang weird ng feeling ko ngayon, masyadong mabilis.

"Tumagal pa kami ng ilang minutong nakatingin sa isa't isa, siya ay nakangiti ako namna ay nakabusangot habang nakakunot ang noo.

"Okay, I'll say it, just let go of me" sabi ko at ngumiti siya.

"Say it before I let go" aniya at gigil kong kinagat nag pang-ibabang labi ko.

"Don't do that, I'm tempting to kiss you" aniy at bigla naman akong kinabahan kaya umiwas ako ng tingin.

"I-I miss you," sabi ko at nakatitig lang siya sa akin na parang gustong ipalit ang mukha niya sa mukha ko.

"It's not genuine" he said, smirking, "I want it with my name, genuinely" he added.

Sa pagkakataong iyon ay nagkatitigan kami saka ko nasambit, "I miss you, Austin" nang masabi ko ang mga katagang iyon ay sumilay ang mas masayang ngiti sa labi niya.

Hindi ako makagalaw, someone please help me, I am freeze. Merong nagpupumilit na ngumiti sa loob ko pero hindi ko magawang ngumiti habang nakatingin kay Austin.

Palapit ng palapit, plapit ng palapit, hanggang sa malapat. Kamay niya sa magkabilang pisngi ko at ang labi niya, ay nasa labi ko.

Ilang segundo pa nang gumalaw ang labi niya kaya nakabalik ako sa reyalidad kaya agad ko siyang tinulak pero nahagip niya na naman ang bewang ko at niyakap ako.

"Your lips are soft" bulong niya kaya natulak ko siya.

"Walanghiya ka Austin! Ang manyak mo! " sigaw ko at tinulak siya saka tumakbo palabas, nadatnan ko naman si Kuya na may binabasa.

Napatingin siya sa akin nnag magtago ako sa likod niya.

"Kuya! Yang Austin na yan, yang mahal mong kaibigan, ang manyak" sumbong ko kay Kuya.

"Ganun din ang mahal mong Kuya" sagot naman ni Kuya at pinalo ko siya sa likod.

"Mga manyak!" sigaw ko sa kanila. Narinig namna sa buong condo ang tawanan nila habang ako ay diring nakatingin sa kanila.

"Nag-aya sila Regi na mag-inom mamaya, Aldrine. Baka gabi na ako makabalik" sabi ni Austin at kumunot ang noo ko.

"Eh ikay Kuya, hindi ka iinom?" tanong ko kay Kuya.

"May kailangan akong gawin kasama sila Sasha, baka bukas na ako makabalik. Kasama namin sila Ryan" sabi naman ni Kuya at napatango ako.

Parang lagi nalang umaalis si Kuya ah? Baka mamaya hindi ko namalayan may asawa na ito ha!

Hapon na at nakikita ko na ang araw na palubog.

"Akin na ang number mo, para tawagan mo ako kung may problema" sabi ni Austin at tumingin ako sa kaniya.

"Baka ako naman ang kailanganin mo" sagot ko sa kaniya at binigay ang cellphone ko sa kaniya.

"Hindi natin alam" sabi niya at tumawa.

"Saan kayo iinom?" tanong ko at tumingin siya sa akin saka bumaling sa cellphone ko.

"Sa Flower Club," sagot niya at parang may nag-alala bigla sa sistema ko, baka mamaya may ma-entertain siyang mga babae tapos--

"Don't worry, I'll not entertain girls" sabi niya at hinawakan ang baba ko.

"I-I don't care 'no, bumuntis ka pa ng iba" sabi ko kahit labag na sa loob ko nag mga lumalabas sa bibig ko.

"Eh paano kung hindi ako makauwi?" tanong niya sa akin at tumawa ako ng mahina.

"Edi mas maganda, para mabawasan ng manyak dito" sagot ko sa kaniya.

"Whatever, mauna na ako, baby" sabi niya at umakto akong nasusuka.

"Baby mo mukha mo, mukha ba akong sanggol? " tanong ko nang makalabas siya.

Lumabas muna ako ng condo para pumunta ng mall, boring sa condo mag-isa. Hindi ko na din muna inaya sila Denise at Krent.

Naglalakad ako sa loob nang may mahagip yung mata ko.

"Ate Sasha!" tawag ko sa kaniya at halata namang gulat na gulat siyang makita ako.

"Oh, anong ginagawa mo dito mag-isa?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang gumala, ikaw ate? Wait, 'diba may gagawin kayo nila Kuya? Kasama daw sila Kuya Ryan" sabi ko at natanggal ang ngiti niya.

"A-Ah oo, nasa bahay sila, may pinabili lang si Dad para sa kaniya mamaya pagkauwi niya" sabi niya at tumango ako.

"Paano ba yan, Maureen, mauna na ako" sabi niya at tumango ako at pinanood siyang umalis.

-

Sa gitna ng panonood ko ay kinuha ko yung cellphone ko, 9:00 na pala, hindi ko namalayan.

"Hello?" panimula ko sa tawag.

"Maureen, it's Regi, Austin is drunk. ikaw ang sabi niyang tawagan namin kapag nalasing siya. So, please get him here, nagsisisigaw rito sa bar" sabi ni Kuya Regi sa tawag at kumunot ang noo ko.

"S-Saan Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Sa Flower Club" sabi niya at binaba ko ang cellphone ko tsaka kumuha ng jacket at lumabas.

"Kuya, Flower Club po" sabi ko sa taxi driver at madali naman kaming nakarating dun kaya agad-agad akong bumaba.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Austin.

"Kuya, hindi ako papapasukin dito, wala pa akong 18" bungad ko nang masagot ang tawag

"Sige, pupunta nalang namin siya sa labas" sabi niya at binaba ang tawag.

Agad ko naman silang nilapitan nang makalabas sila.

"Sorry sa abala, Maureen, madami din kasi kaming ihahatid, ikaw na ang bahala kay Austin" sabi niya at tumango lang ako, hindi naman ako nahirapang kumuha ng taxi dahil nagpahintay ako.

"Kuya tara na po" sabi ko sa driver at nagsimula itong magmaneho.

Habang nasa byahe ay tumingin sa akin si Austin.

"Uy, sino ka?" tanong niya at kumunot ang noo ko.

"Siraulo ka talaga, ano?" sagot ko sa kaniya.

"Kilala mo ba si Maureen? Si Maureen, hindi mo kilala yun?" tanong niya at medyo natawa ako.

"Si Maureen, kapatid nung kaibigan ko, ang sungit sungit" aniya at napangisi ako.

"SALAMAT po" sabi ko sa driver at bumaba na kami.

"Ang bigat mo" sabi ko kay Austin.

Agad ko siyang pinasok sa kwarto niya at hindi tulad dati ay malinis na ngayon.

Binagsak ko siya sa higaan niya at aalis na sana nang hilain niya ako.

Here comes again my heart, it beats like there's no tomorrow.

"Austin, pupunta na ako sa kabila" sabi ko sa kaniya at pilit na tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa akin.

"Stay here..." sabi niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

Nakayakap siya sa akin ng mahigpit at para bang natatakot na umalis ako.

"Alam mo ba, I have an ex girlfriend that I loved for 3 years," aniya, lasing at saka tumawa nawala naman ang ngiti ko sa labi. T-Three years?! Antagal naman n'on!

Is he saying na tumagal sila ni Jade ng ganon katagal?