webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 17

Maureen

"Kuya alis na ako!" sigaw ko kay Kuya at may sasabihin pa sana siya pero agad akog nagsuot ng sapatos at tumakbo palabas pero nagulat ako nang tumama ako sa matigas na bagay.

"Aray" singhal ko at napatingin sa kaniya na nakatingn din sa akin, antangkad niya talaga.

"Sorry" sabi ko at tumakbo papunta sa elevator. Kaya nga ako nagmamadali para hindi ko sya makita eh.

Pagkababa ko ay nakita ko si Krent na nakasandal sa kotse niya.

"Tara na" sabi ko at dali-daling pumasok sa sasakyan niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya at tumango ako.

"Kinakabahan ka ata ah?" tanong niya ulit.

"Siguro excited lang ako kumuha ng result" sagot ko sa kaniya.

Sinundo lang namin si Denise at pumunta na sa school.

"Dito ka na muna, Krent, hintayin mo na lang kami" sabi ni Denise kay Krent at tumango lang siya.

"Bakit mukha kang kabado?" tanong ni Denise sa akin.

"Umamin siya kay Kuya" sagot ko sa kaniya.

"Oh M Geee! What do you mean? May gusto siya sa Kuya mo?!" tanong ni Denise kaya dumapo ang kamay ko sa braso niya.

"Tanga, narinig ko na sinabi niya kay Kuya na gusto niya akong ligawan" sabi ko at namilog ang mata niya kasama na ang bibig niya.

"True ba?" tanong niya at inirapan ko siya.

"Oo nga eh" sagot ko at lumakad na.

Nang makarating kami sa room ay agad naming kinuha kay Sir yung report cards namin.

"Stay in that grades, Ms. Serrano and Ms. Vinder" sabi niya at ngumiti saka tumango lang kami ni Denise.

"Tara na" sabi ni Denise at lumabas na kami ng room.

Madami ding tao dahil lahat ng grade twelve ay kukuha ng results ng test nila, meron ding seniors na kukuha dahil pwede na din naman nilang kunin. Actually paalis na din sila Kuya pagkaalis ko eh, pero ayaw kong sumabay kay Kuya baka isasabay niya yung Austin na yun.

Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog ito.

"Kumain na muna tayo, sasabihin ko kay Krent" sabi ni Denise at tumango lang ako.

Nang makaratig kami sa kotse ni Krent ay saktong may tumawag sa akin.

"Maureen!" rinig kog tawag sa akin ng boses ni Kuya kaya tumingin ako sa kaniya, kasama niya si Austin.

"Bakit Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Papunta kami sa restaurant, gusto niyo bang sumama?" tanong niya.

"Hind--"

"Sige, para mas madami, mas masaya" napatingin ako kay Denise nang putulin niya ang sasabihin ko.

"Sige, magkita nalang tayo sa restaurant, Austin will drive his car" abi ni Kuya at tumango lang kami tsaka pumasok sa loob.

May kotse pala yun.

NAGKATINGINAN kami ni Denise nang mapansing kanina pa nagtititigan sila Krent at Austin. Mukha silang may balak na mag-away kasi ang talim ng tingin nila sa isa't isa.

"Nandito na yung pagkain, tama na ang pagtititigan" biglang sabi ni Kuya pero hindi pa rin sila tumitigil.

"Kumain na muna, pwede ng kumain" sabi ko at napatingin naman silang dalawa sa akin.

Ilang segundo lang ang lumipas at nagsimula na kaming kumain.

"Try mo 'to, Maureen" sabi ni Austin aabay abot ng isang putahe sa akin.

"Don't give her that, hate niya ang peanut butter" sabi naman ni Krent at binigyan din ako ng isang putahe.

Napaiwas naman si Austin ng tingin.

Napatingin kami kay Austin nang mag-eing yung phone niya.

Sandali siyang tumingin dun at tumingin sa amin.

"I have to answer this" sabi niya at tumango lang kami.

Pumunta siya sa labas at sinagot yung tawag.

"I don't like him" bulong ni Krent sa akin.

But I do.

"Tsk, stop it, Krent. Maureen like her" sagot ni Denise at tinignan ko lang siya.

"You like him?" tanong niya sa akin at hindi ako nakasagot.

"Then if you like him, I'll like him" sabi niya at tumawa kaming tatlo.

"Hoy, anong tawa-tawa niyo diyan?" tanong ni Kuya sa amin.

"WALA" sagot ko naman sa kaniya.

Napatingin kami kay Kuya nang tumingin siya sa phone niya.

"May pupuntahan daw si Austin. Kumain na daw tayo" sabi niya at kumunot ang noo ko.

"Saan daw?" tanong ko kay Kuya.

"Kailangan mo oang malaman?" pilosopong tanong ni Kuya at inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang pag kain.

-

"Ingat kayong dalawa" sabi ni Kuya kina Krent at Denise nang makababa kami tsaka umalis sila.

Nauna na akong pumunta sa elevator, pag dating sa unit ay agad akong pumasok sa kwarto ko.

Saan kaya yun pumunta.