webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 16

Maureen

"Mauna na po kami, Tay. Ikaw po ihatid ka nalang namin" sabi ni Krent.

"Hindi na. Malapit lang ang aking bahay. Mauna na kayo, mag-iingat kayo sa daan" sabi niya at tumango lang kami.

"Mag-ingat ka din po, Tay" sabi namin at tumango lang siya.

Napakadami naming napag-usapan at napag-kwentuhan.

"Ako na sa likod" sabi ko at tumango naman silang dalawa.

"Mauna niyo na akong ihatid, inaantok na ako" sabi niya at tumango ako.

Nag-umpisang magmaneho si Krent kaya sumandal ako sa likod ng upuan at pumikit.

Ako din inaantok na pero hayaan mo na, si Denise nalang muna.

-

"Alam ko din na hindi mo minsan makakatuluyan ang taong nakasama mo lang ng matagal na panahon. And if that's what it takes for her to be my girlfriend, I'll be with her for long time." rinig kong sabi ni Austin habang nakapikit ako, alam ko ang boses niya.

Naglakad siya at naramdaman ko ding buhat niya ako kaya napabukas naman ang mata ko.

"Gising ka na pala" sabi niya at binaba ako.

"Ano yung pinag-uusapan niyo ni Krent?" tanong ko sa kaniya.

"Wala iyon" sabi niya at tumango ako tsaka lumabas sa elevator nang magbukas yung elevator.

"May pinuntahan daw pala ang Kuya mo, baka bukas na siya makabalik" sabi niya nang makapasok kami sa unit namin ni Kuya.

"Anong oras siya umalis?" tanong ko sa kaniya.

"Kaninang mga alas-tres" sagot niya naman.

"Bakit antagal naman?" tanong ko.

"Hindi ko lang alam. Pero mahalaga daw eh" sabi niya kaya ako tumango.

"'Diba may Periodical Test pala kayo bukas?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Dederetso na daw siya sa school bukas"sagot niya.

"Bakit ka pa nandito?" tanong ko nang papunta na ako sa kwarto ko.

"Binilin ka niya ulit sa akin" sabi niya at kumunot ang noo ko.

"Bakit niya akong binibilin sa'yo? Eh meron naman na si Krent ah?" tanong ko at nawala yung ngiti sa labi niya.

"Then, call your friend to come here, I'll come back at my unit" sabi niya at madaling lumabas, anong problema nun?

Biro lang naman yun ah?

Nag-stay muna ako sa sofa habang nanonood.

Napapikit ako nang may kissing scene na, pero nagulat ako anng may pumasok.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko at pinause muna ang pinapanood.

Nakangisi naman siyang tumingin sa TV at sa akin.

"Hindi mo naman sinasabi na nanonood ka pala ng ganyan" sabi niya at may kinuha sa kusina tsaka umalis.

Napatingin naman ako sa TV at napangiwi.

-

Ang bilis ng panahon, days had passed after that night.

"Ewan ko din dun" sagot ko kay Denise.

" Totoo na nga, Maureen. Omygeeee!" sigaw niya.

"Confirmed, may gusto nga siya sa'yo" sabi niya at napatingin ako sa bintana.

"Ganun ba yun?" tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Eh anong gagawin ko?" tanong ko naman sa kaniya.

"Make him more jealous, kung nainggit siya, yun na talaga ang sign na may gusto siya sa'yo" sabi niya at napatingin ako sa kaniya ulit.

"Baka mamaya ako pa ang mapahamak" sabi ko at kumunot naman yung noo niya.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Baka kasi mamaya, ako yung mas mainggit kapag may nakasama siyang iba" sabi ko at tumawa siya.

Napatingin kami nang magbukas yung pinto.

"Nandyan na pala sila, Maureen, mauna na ako" biglang sabi niya nang makapasok sila Kuya sa loob.

"Bukas pala, si Krent ulit ang kasama nating kumuha ng results. Mag-ingat ka, baka i-kiss ka niya ulit sa cheeks" pinandilatan ko siya nang sabihin niya iyon at sinarado ang pinto. Napatingin naman ako kina Kuya.

"Kiss sa cheeks na naman, ha" sabi ni Kuya at inirapan ko lang siya.

"As if naman" sagot ko at dali-daling pumasok sa kwarto ko.

"Ano iyon?" rinig kong tanong ni Kuya kay Austin, palabas na sana kasi ako kaso lang narinig kong nag-uusap sila.

"Let me court your sister" sagot niya at nakita kong napatingin si Kuya sa kaniya.

"Are you sure?" tanong naman ni Kuya.

"I'm pretty sure" sagot niya ulit.

"You know her, she's so not girl, and her behavior towards you..." sabi ni Kuya.

"That made me like her" sagot niya.

"How about Jade?" tanong ni Kuya.

"I don't know too" sagot niya at tumawa si Kuya.

"I heard babalik na sila sa next sem ah, mahirap yang gagawin mo, Austin. Ibibilin ko sa'yo ang kapatid ko at pag binilin ko siya at pinaubaya sa'yo, make sure na hindi siya masasaktan dahil kung saktan mo siya, masasaktan at makakaaway mo rin ako" sabi ni Kuya at natulala ako hindi dahil ganun ang sinabi ni Kuya pero yung tungkol kay Jade, what? Next sem? Eh last sem na ang susunod na sem eh.

Ilang days nalang next sem na, sa susunod na papasok nga kami next sem na eh. Unti-unti kong sinara yung pintuan.

Totoo ba yung narinig ko? Handa na ba akong kilalanin si Jade?