webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 14

Maureen

Sa wakas, tapos na rin.

"Bukas nalang tayo ulit magkita, wala naman tayong pasok bukas" sabi ni Denise at tumango ako.

Tapos na ang Periodical Test namin. 2 days na rin ang nakalipas simula nung nalaman namin kung sino si Dawn Jade Cortez. Buti nalang ay nakapagfocus ako sa pagre-review ng hindi nalalaman yung dahilan pero hindi pa rin matanggal aa isip ko kung bakit.

Katatapos lang ng test namin, sila Kuya naman ay sa Thursday pa ang Test dahil senior sila eh, dalawang araw nagt-test ang seniors at juniors dahil nahahayi ito, buti nalang at nasa group 1 ang section namin kaya nauna kami, sila Kuya naman ay group 2 sa seniors kaya sila sa Thursday pa.

Pagkarating ko sa condo ay nakita ko si Kuya dun na nagr-review kasama si Austin.

"Nandyan ka na pala" sabi niya at tumango lang ako at pumasok sa kwarto ko tsaka nahiga sa kama ko.

Para akong pagod na pagod ngayon kahit umupo at magtake lang naman ng exam yung ginawa ko maghapon.

NAGISING ako nang may naramdaman akong humawak sa pisngi ko.

Napabangon ako nang makitang si Austin yun.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Iniisip mo ba talaga na may gagawin ako sa'yo?" tanong niya at tumawa.

"Bakit ka nandito?" ulit na tanong ko sa kaniya.

"Kumain ka na daw, sabi ni Aldrine" sabi niya at tumango ako tsaka hinilamos ang kamay ko sa mukha ko.

"Mauna na kayo dun" sabi ko at hindi pa rin siya umaalis.

"Tapos na kami, ikaw nalang ang hindi kumakain" sabi niya.

"Ha? Anong oras na?" tanong ko sa kaniya.

"It's already 10:32 pm" sagot niya naman tdaka ako lumabas ng kwarto ko.

"Bakit hindi niyo ako ginising kanina?" tanong ko sa kaniya.

"Nakakahiya ka naman gisingin, humihilik ka pa" sabi niya at tumawa.

"Ang kapal mo, hindi ako humihilik kapag natutulog" sabi ko at kumuha ng makakain.

"Narinig ko eh, ang lakas nga eh" pang-iinis niya pa.

-

Nang matapos akong kumain ay agad kong dinala yun sa lababo.

"May tanong ko" sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Ano?" tanong niya.

"Bakit kayo nagbreak ng girlfriend mo?" tanong ko sa kaniya at napaiwas siya ng tingin.

"Bakit mo naman yan natanong?" tanong niya sa akin pabalik at ramdam sa boses niya yung kaba.

"Wala lang. Pero hayaan mo na, huwag mo ng sagutin" sabi ko at ngumiti.

"Pero feeling ko kaya ka niya hiniwalayan kasi manyak ka" dagdag ko pa at napatingin siya sa akin.

"Alam mo ba kung ano ang sinasabi mong manyak?" tanong niya sa akin at tumingin naman ako sa kaniya.

"Oo, ikaw" sagot ko sa kaniya.

"Really?" tanong niya at ngumisi.

"Alam mo kung manyak ako, kanina pa kita pinagsamantalahan dito" sabi niya at tumawa.

"As if naman" sabi ko pagkatapos mahugasan ang plato ko.

"Gusto mo bang pagsamantalahan kita dito?" tanong niya at tumawa.

"Funny" sabi ko at nagpunas ng kamay.

"Pumunta ka na nga dun sa condo mo" sabi ko at tinulak siya pero nahawakan niya ang kamay ko saka ako idinikit sa wall.

"I'm just joking" sabi ko at ngumiti.

"Well, I'm not" sabi niya at ngumisi.

"Tsk, umalis ka na nga, mas mabuti pang mag-review ka kesa nambabastos ka dito" sabi ko at sinubukan siyang itulak pa lalo.

Ano ba itong nararamdaman ko? Nakakainis. Parang wala akong lakas kapag siya ang kaharap ko, bakit ba ganito?!

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero masyado siyang malakas.

Nakatulala lang ako nang iharap niya ang labi niya sa tenga ko.

"Ano, do you now know what you are calling a real pervert?" tanong niya habang nakangisi.

"Lumayo ka nga, bitawan mo ako, kundi sisipain ko yang ano mo" sabi ko at rinig ko siyang tumawa.

"I bet you can't do that" aniya at inilapit sa mukha ko ang mukha niyan.

"Don't provoke me, huh? Pag ako tinoto--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ako sa batok.

"I'm tempting to kiss your lips" aniya saka inilapat ang labi niya sa labi ko.

"Why are you not resisting, do you like it?" tanong niya at nanliit ang mata ko.

"No, bwisit ka!" sigaw ko saka siya sinipa pero hindi ko alam kung saan yun tumama.

"Maureen!" rinig kong singhal niya pero hindi ko iyon pinansin at nagmadalinh tumakbo papunta sa kwarto ko.