webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 13

Maureen

"Dawn Jade Cortez" tanong ko kay Kuya at tumango siya. Infairness maganda ang pangalan eh yung mukha kaya?

"Aldrine" napatingin kami ni Kuya nang may pumasok, si Austin.

"Dun na ako sa kwarto ko, Kuya" paalam ko kay Kuya at tumango lang siya.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong kinuha yung cellphone ko at pumunta agad sa instagram tsaka tinype, Dawn Jade Cortez.

Nanlaki ang mata ko nang pindutin ko iyon, 12M followers at 1 people following lang kaya ko pinindot at ang lumabas ay ang pangalang Austin Frean Villanoel. Fina-follow niya pa rin si Austin, kala ko ba ex na?

Ma-stalk nga din 'tong Austin na 'to.

Ngayon ko lang nalaman na popular talaga siya kung kay Dawn Jade ay 12M sa kaniya naman ay 20M followers, sana all. Wala din siyang fina-follow.

Pero infairness ah, maganda yung Jade. Bakit kaya sila nagbreak eh bagay naman sila. Parehas na popular, at parehas na may mukhang ihaharap, bakit pa sila nagbreak?

Model pala si Austin? Ngayon ko lang alam, together with that Dawn Jade. Baka dun sila nagkakilala, parehas na model eh.

-

"Eh kung ganun naman pala, bakit sila naghiwalay?" tanong sa akin ni Denise.

"Yun nga din ang tanong ko eh, bakit sila naghiwalay kung parehas naman pala silang Popular at may ganung mukha at mayaman pa" sagot ko sa kaniya.

"Baka may nagloko sa kanilang dalawa" sabi niya at napaisip ako, oo nga ano? Paano kung nagloko pala si Austin?

"At sa tingin ko naman, hindi kayang magloko nung babae, ibig sabihin, si Austin yung nagloko" sabi ko at nagtinginan kami.

"Ay wow, bawal magloko ang babae?" tanong niya sa akin.

"Pwede naman pero paano naman magloloko yung babae eh ang gwapo na nga ni Austin" sabi ko at napangiti siya.

"You think he's handsome?" tanong niya at ngumiwi ako tsaka tumango.

"Oo naman, paano siyang hindi naging popular kung pangit?" tanong ko at inirapan siya.

"Pero back to the point, bakit naman din magloloko si Austin eh napakaganda na nga ni Jade" sabi niya at tumango ako, posible naman din yun.

"Baka naglokohan silang dalawa" sabi ko at umayos nalang ng upo.

"Bakit ba iyan ang pinag-uusapan natin, bahala sila sa buhay nila" dagdag ko.

"Pero hindi makakaila na ang ganda nung Jade ano?" tanong niya at tumango ako.

Maganda talaga siya eh, aaminin kong mas maganda siya sa akin, hindi mo maitatanggi iyon. Madami din atang brands ang kumukuha sa kaniya.

Napaisip ako ulit, ano ang cause ng break-up nila?

"SIGE, tumawag ka nalang sa akin" sabi ko kay Denise at kumaway tsaka lumakad at agad naman akong nakarating sa condo, pagdating na pagdating ko sa kwarto ko ay agad kong inopen ang twitter at sinearch ang Dawn Jade Cortez and Austin Frean Villanoel at may nakita ako agad.

[10/18/xx]: 'Dawn Jade Cortez cleared her and Autin Villanoel's Status. She says that there is a small misunderstanding between them that cause their relationship cool off'

This news is from October 18, 20xx, it's almost 3 months passed. Hindi pa ata sila break ah?

It's already January 17, 20xx, at sa pagkakaalam ko kahit wala pa akong alam sa love na yan ay ang cool off ay pansamantala lang pero hindi pa sila break pero bakit ex na?

At naalala ko nung party, nagkiss na ba sila ng ganun kalala? Or they already make love? Ew!

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring ito.

"Nasa baba na ako, kailan ka pa bababa?" tanong ni Denise, nakalimutan ko sa kanila pala ako matutulog, para na rin magreview.

"Wait hinatyin mo nalang ako bumaba" sabi ko at binaba na ang tawag at nagsimulang kumuha ng notebooks. No need naman na kumuha ng pantulog dahil meron din akong damit sa bahay nila.

Paglabas ko ay napatingin sa akin sila Kuya at Austin.

"Saan ka pupunta? Gabi na" sabi ni Kuya.

"Matutulog ako kina Denise" sagot ko naman.

"Kailan ka babalik?" tanong niya ulit.

"Sa sunday na ata ng gabi" sagot ko at tumango lang siya, akmang may sasabihin pa sana si Austin pero agad akong kumaway saka lumabas.

-

"Totoo ba?" tanong ni Denise sa akin pagkatapos ko siyang kwentuhan tungkol sa nabasa ko kanina.

"I feel talaga na nagloko yung babae, Maureen" sabi niya at tumingin ako sa kaniya.

"Huwag ka namang judgemental" sabi ko naman.

"All boys are not the same, Maureen. Nor girls" sabi niya at tumango naman ako.

"Pero ano naman kaya ang dahilan?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Gustong-gusto mo talaga malaman, ano? Tanungin mo kaya sa magjowa, ako ba jowa?" tanong niya at tumawa.

Shit talaga, bakit ba hindi ako mapanatag hangga't hindi ko nalalaman, my gosh Austin.