webnovel

My Brother's Bestfriend

Maureen Everlleigh Serrano, a girl who doesn't know love at all, but she happen to meet a guy, an annoying guy to be exact in the Anonymous Chat App. But the world seems to be small because that guy was her brother's bestfriend.

Your_Author_Nail · Teen
Not enough ratings
21 Chs

Chapter 12

Maureen

"Hindi na ako kakain, Kuya. Mauna na ako" sabi ko at agad nagsuot ng sapatos ko tsaka lumabas.

Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Austin.

"Aalis ka na?" tanong niya at tumango lang ako tsaka tumakbo.

Pag-iisipan ko muna. Napakadali naman kasi ng mga pangyayari, kakakilala ko lang sa kaniya pero bakit ganun na agad ang epekto niya sa akin?

Nang makarating ako sa school ay agad kong kinausap si Denise.

"Ano? Hindi pala magkakagusto ha?" tanong niya sa akin.

"Eh, ano ngang gagawin ko?" tanong ko sa kaniya.

"Edi umamin ka," sabi niya at napa-ub-ob na lang ako sa mesa ko.

"Hindi ko kaya, baka mabasted lang ako, hindi daw siya pumapatol sa bata" sabi ko naman sa kaniya.

Agad kaming umayos ng upo nang pumasok si Ma'am at nanlaki ang mata ko nang kasama niya si Austin.

"Good Morning Class, this is your senior, Austin and I assume that you all know him because of his popularity" tanong ni Ma'am at tumango lang ang mga kaklase namin.

"He's here to help me how to lecture something for you, that you need to know for the upcoming periodical test" sabi niya at nakikinig lang kami.

Nakita kong ngumiti si Austin sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahirap na.

-

"That's all for today, I hope that you will get a good score in periodical test" sabi ni Ma'am at tumayo na kami.

Nagulat ako nang puntahan ako ni Austin. Hindi ba siya nahihiya dahils a nangyari kagabi, ang tigas ng mukha ah.

"Sabay na tayong kumain" sabi niya at umiling ako.

"Si Denise ang kasama ko" sabi ko at tumingin kay Denise.

"It's not necessary, okay lang kung magsabay na kayong dalawa" sabi ni Denise at kinuha ang bag niya tsaka ngumiti sa akin, ngiting nangdedemonyo.

"Tara" sabi niya at kinuha yung bag ko.

"Kaya kong buhatin" sabi ko at tinuro ko yung bag ko at umiling siya.

"Gusto kong hawakan" sabi niya at nauna ng lumabas kaya sumunod ako sa kaniya.

Nakayuko ako dahil pinagtitinginan kami ng tao, hello, Mr. Popular kaya yung kasama ko.

"What do you want to eat?" tanong niya.

"Kahit ano" sagot ko naman.

"Drinks?" tanongniya ulit.

"Water lang" sagot ko at tumango siya.

Ilang minuto lang ay dumating n agad siya.

"Eat" sabi niya nang maipatong niya yun.

Nanlaki angmatako nang makita yung inorder niya. Bakit strawberry cheesecake?!

"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin at umiling ako.

Uminom muna ako ng tubig bago ako sumubo.

Mad-disappoint siya pag hindi ko naman 'to kinain, ngayon lang naman, isa lang, kahit kalahati lang, Maureen.

Ngumiti ako bago ako kumuha ng unting strawberry cheesecake.

"Nag-order ako ng strawberry cheesecake kasi ang alam ko, girls like pink" sabi niya at ngumiti lang ako at tumango tdaka sumubo.

Pagkalunok ko ay agad akong uminom ng tubig.

Napatingin siya sa akin nang maubo ako.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin at tumango ako.

"Namumula ka, Maureen. Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya pa.

"Ayos lang ako, baka sa init lang" sabi ko at tumango nalang siya.

Tskaa pa ako sumubo ng seven kutsara tsaka uminom ng tubig.

Agad akong pasikretong kumamot sa leeg ko. Napakadami kasing strawberry nun!!

Allergic Reaction, huwag muna ngayon!!

Tumingin ako sa relo ko at tumingin jay Austin.

"Mauna na ako, Austin. May kailangan pa pala akong gawin sa room" sabi ko at kinuha ang bag ko.

"Maureem," tawag niya at tumingin ako sa kaniya nang itinuro yung leeg ko.

"Mainit lang talaga. Mauna na ako, see you later" sabi ko at hindi na inantay ang sagot niya tsaka na tumakbo papunta sa banyo.

Bakit ko ba ito ginagawa para sa kaniya?!

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Denise nang makauwi ako, hindi ko na kayang mag-stay pa sa school.

"Oo, mauna ka na baka maglate ka pa sa next subject natin" sabi ko at umupo sa sofa.

"Hindi na kita iiwan," sabi niya at umiling ako.

"Mauna ka na, I have my medicines" sabi ko at tumingin sa kaniya.

"Bakit ka ba kasi kumain ng strawberry?" tanong niya sa akin.

"Aba ewan ko naman na strawberry ang oorderin niya" sagot ko at uminom ulit ng tubig.

"Sana nireject mo na" sabi niya.

"Ayaw ko" sagot ko naman.

"Andami mo pa atang nakain, masyado kang namumula" sabi niya at tumango ako.

"Nakaseven na kutsara ako" sagot ko sa kaniya.

"Bumalik ka na sa school, ipa-excuse mo nalang ako" sabi ko at tumango siya tsaka lumabas.

Agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama, madami nga akong nakain, hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala yung kati at namumula pa ako.

-

Nagulat ako nang may nagbukas ng kwarto ko.

Nakita ko si Kuya na hinihingal, at pawis na pawis tsaka siya lumapit sa akin.

"Ayos ka lang ba, may masakit pa ba sa'yo?" tanong niya, "Okay lang ako Kuya" sagot ko sa kaniya.

"Bakit ka ba kasi kumain ng strawberry?" tanong niya at hinawakan ang likod ko.

"Paano mo nalaman, Kuya?" tanong ko sa kaniya.

"Narinig ko na pinapa-excuse ka ni Denise" sagot niya at tumango nalang ako.

"Hindi ko naman alam na yun ang oorderin ng pinakamamahal mong kaibigan" sabi ko at tumingin siya sa akin.

"Sana tinanggihan mo na si Austin" sabi niya at nagkamot ng ulo.

"Akala niya kasi ata isa ako sa mga babaeng ang gustong flavor ay strawberry" sabi ko at ngumiti si Kuya.

"Yun ay dahil strawberry cheesecake ang favorite ng Ex-girlfriend niya, But, why did you actually eat the cake if you can just reject it?" tanong niya at napatingin ako sa kaniya.

"Huwag mo akong tatawanan, Kuya. Pero ayaw kong tanggihan lahat ng binibigay niya" sabi ko at tumawa si Kuya.

"Are you now falling in your brother's bestfriend?" tanong niya.

"Nonsense" sabi ko.

"Ayos ka na ba? May pupuntahan pa ako after class" sabi ni Kuya at tumango ako.

"Baka gabi na ako makabalik, gusto mo bang ibilin nalang kita kay Austin?" tanong niya at hindi ako nakasagot.

"Silence means yes" sabi niya at tumawa.

Hindi pa siya galit?!

Nang pumatak ang 5:30 ay nakarinig ako ng pagbukas ng kwarto ko kaya nadilat ko ng unti ang mata ko pero agad yung sinara nanag makita ko si Austin.

Agad siyang lumapit sa akin at kinapa ang noo ko.

"Hindi ko naman alam" sabi niya at kinuha ang upuan kaharap ng table ko tsaka iyon pinunta sa gilid ng higaan ko.

Tumalikod ako sa gawi niya at binuksan ang mata ko. Binilin talaga ako ng mahal kong Kuya?!

"I know you're awake" sabi niya at napatingin ako sa kaniya.

"Edi alam mo lang" maldita kong sabi.

"Nakahiga ka na't lahat maldita ka pa rin" sabi niya at tumawa, inirapan ko lang siya.

"Bakit hindi mo naman kasi sinabi na allergic ka pala sa Strawberry?" tanong niya sa akin at nag-iwas lang ako ng tingin.

"Siguro kasi hindi mo ako matanggihan" sabi niya at tumingin ako sa kaniya.

"Sayang lang yung pera, 'wag kang asyumero" sabi ko at tumayo.

"Bakit ba kasi strawberry pa ang in-order mo?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko naman alam tsaka ang alam ko ay yun ang favorite flavor ng mga babae" sabi ko at naalala ko yung sinabi ni Kuya. It was his ex-girlfriend's favorite flavor.

"Or you should say favorite ng ex-girlfriend mo" sabi ko at napatingin siya sa akin at walang naisagot.

"Pwes kung ganun, hindi ako ang ex-girlfriend mo" sabi ko at lumabas ng kwarto ko, kinakabahan ako dahil nasabi ko yun.